Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

55

"So... may girlfriend ka, engineer?" tanong ng kaparehas namin na katrabaho. 

Humigpit ang hawak ko sa aking kinakain at nanatiling nakatungo, hinihintay nalang ang kaniyang sagot. Kahit nagsisimula akong masaktan dahil sa pag-sink in sa utak ko ng kaniyang isinagot ay pinipili ko pa rin na makinig. 

Narinig kong humagikhik si Rusti, "May follow-up question pala?" Pagbibro nito at natawa ang karamihan, "Basta sa madaling salita, I am not available. Doesn't matter if us two have a label, I am not looking for anyone else right now." sagot niya at doon ay utay-utay kong naramdaman ang pag-agos ng luha sa aking pisnge. 

"Sis, kalma lang, nakatingin siya sa 'yo." Marahan akong tinapik ni Alyssa sa braso at tumango ako, hinahayaan lang na umagos ang luha dahil kung papahirin ko ito ay mas mahahalata niya na umiiyak ako. 

May mga sumunod pa na nagtanong, iba't-iba, kung ano-ano ang tinatanong nila. Mga kalokohohan, minsan may mga kabastusan, matatanda naman na sila, parang iyong mga biruan lang din namin na magkakaibigan. Marami-rami rin ang nagtanong sa iba kung single ba ang mga ito, may iba pa nga na na-aya na makipag-date. 

"Sissy, iiyak mo lang 'yan." Malumanay na turan ni Alyssa habang naglalakad kami pabalik ng hotel room. Simula kasi ng tanungin si Rusti ay nawala na ako sa mood at nanatili akong tahimik na naka-upo. Paminsan-minsan ay lumuluha, sumisinghot. Hindi ko nagawang mag-angat ng mukha para maiwasan na may makapansin. Lalo na si Rusti dahil halos malapit lang ito sa akin. 

Nang himasin ni Alyssa ang likod ko ay doon muling nag-unahan na umagos ang mga luha ko, hindi pa manlang kami nakakapsok ng kwarto. 

"Lory..." Agad akong dinaluhan ni Alyssa para yakapin, "Na-aawa ako sa anak ko, Alyssa. Na-aawa ako kay Lia, naghahanap na siya ng ama pero mukhang wala na akong maipapakilala sa kaniya." Napahagulgol ako sa balikat ni Alyssa, kahit nahihirapan ay pinilit ni Alyssa na pumasok sa loob ng kwarto at doon ay naupo kami sa kama. 

"Alam mo ba.... na ano... bago ako umalis nagtanong na siya. Noong... binyag palang niya naghahanap na siya ng ama. Na-aawa ako sa anak ko, Alyssa." turan ko sa pagitan ng aking pag-iyak. Napatayo si Alyssa mula sa kama at ikinuha ako ng bote ng tubig na agad niyang ini-abot sa akin at ininom ko. 

"Malay mo naman... ano... hindi naman sure na walang label, eh. Malay mo hindi sila magkatuluyan, malay mo maghiwalay pa!" Nagpapanic na turan ni Alyssa, mukhang hagas na rin dahil sa pag-iyak ko. 

Napa-iling ako bago hinawi ang mga buhok na dumikit sa noo ko, "Huwag ganon, Aly. Let's not wish for his relationship to go down just because I needed him. Huwag ganon, hindi ako ganon, ayaw kong sirain ang kung anong meron siya at kung anong nagpapasaya sa kaniya para sa sarili kong kagustuhan." Para akong bata na nag-iiyak dito, si Alyssa ay panay ang paypay sa akin kahit naka-aircon naman ang kwarto. 

"Ang selfish ko kung saka ko sasabihin sa kaniya ang tungkol sa anak niya dahil lang natatakot ako na mawala siya sa amin. Pero Alyssa... si Lia, naghihintay siya at naghahanap ng ama, wala akong maipapakilala sa kaniya." Hindi ako mapakali, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa anak ko pag-uwi na maliit ang chance na magiging isang buong pamilya kami lalo na at may iba nang kasintahan ang ama niya. 

"Kasalanan ko 'to, eh. Kasalanan ko lahat ng 'to, ang tanga-tanga ko!" It was an unconscious move that I started hitting myself. 


"Lory, Lory huwag mo saktan ang sarili mo!!" sigaw ni Alyssa bago hawakan ang magkabila kong kamay. Muli akong napahagulgol nang malakas. 

"Ang tanga-tanga ko, Alyssa! Akala ko magiging madali, akala ko naplano ko na ang lahat, akala ko kontrolado ko ang mga mangyayari, pero hindi pala! Akala ko sa huli... mabibigyan ko ng kumpletong pamilya ang anak ko, pero hindi pala at kasalanan ko 'to lahat!!" Alyssa had to hug me to stop me from hurting myself further. 

"Lory, Lory please, tama na, hindi ka tanga, okay? Ginawa mo lang kung ano sa tingin mo nag tama noong mga oras na 'yon." Alyssa said, concerned. I can even tell she's already crying. 


Ilang segundo kaming natahimik, walang nagsasalita at nanatili akong yapos-yapos ni Alyssa nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Sam na humahangos. 

"Fuck, Louise what's happening!?" Napatakbo ito papunta sa akin at agad naluhod sa harap ko. 

"Louise... hey, hey... calm down, shhh~~ I'm here, I'm here." He pulled me towards him to hug me. Muling bumuhos ang mga luha sa pisnge ko nang bumulong siya ng mga salita para kumalma ako. 

"Kasalanan ko 'to, lahat, deserve ko ang lahat ng 'to pero hindi ng anak ko!" he kept on shushing me and caressing my back while Alyssa is wiping the sweats on my forehead. 

"No, Louise, its not ALL your fault. You just did what you think is right, hindi mo lang talaga control ang lahat, okay? Stop crying, please, mamaga ang mata mo." he said but I shook my head like a stubborn kid. 

"Si Lia... Sam she was asking for her father! Anong sasabihin ko! How do I explain that to my little girl!?" Sam and Alyssa had to hug me at the same time. The two stayed right beside me for few minutes to console and comfort me. Umalis lang si Sam noong kumalma na ako at utay-utay nakatulog, Alyssa had to tuck me in the bed.

The next day, I called Ali and my daughter, I tried my best to talk as normal as possible. Ayaw ko na makahalata si Lia o si Ali. And I know my bestfriend, halos kabisado na niya ang tono ng pananalita ko. Kinamusta ko lang silang dalawa at agad na rin ibinaba ang tawag dahil paalis kami para mag island hopping. 

Lampas benteng bangka ang service namin para sa island hopping. Kapag nagkakatapatan ang mga bangka ay naghihiyawan pa ang mga ito. Pinakamaiingay ang mga Engineer, pinakaahimik naman ang mga abogado. Kapag nagkakatapat ang bangka namin nila Rusti ay agad akong umiiwas ng tingin dahil kapag nakikita ko ang mukha niya ay parang bumabalik ang sakit na nagpaiyak sa akin kagabi. 


"Guys, picture, picture!" sigaw ng isa namin na katrabaho, dahil marami ay per department muna bago naglahatan. 

"Engineer Sadillo, sa likod kana sa tabi ni Miss Valdez! Matatangkad sa likod!" Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi nang sumigaw ang isang taga Marketing. Lumayo na nga ako, eh! 

I had no choice but to stand next to him during the picture, nag-volunteer pa si Sam na sa likod na rin dahil matangkad daw siya pero gusto ng mga katrabaho namin na sa gitna siya dahil siya ang boss. 

"1, 2, 3, SMILE!!" I had to fake a one, another one, and another, hanggang sa ma-satisfy sila sa dami ng pictures at naka-alis na ako sa tabi ni Rusti. I feel so suffocated, I feel... anxious being next to him. 

We had lunch at our 6th island, and on our 8th and last island, doon naman kami naglangoy dahil dito na kami inabot ng sunset at dito na rin kami magpapalipas ng gabi. Napatawag na rin si Laura kaninang tanghalian at nangamusta. Hindi rin niya alam na iniwan ko kay Ali si Lia kaya paniguradong pupunta ito sa ospital. 

"Maganda ba, anak? Gusto mo pumunta tayo rito nila ninang?" I happily talked to Lia, medyo malayo ako sa mga kasama ko ngayon dahil maingay sila, umiiwas na rin ako kay Rusti dahil mukhang hindi pa rin naman niya alam ang tungkol sa bata, mas mabuti nang hindi niya malaman. 

[Opo mama! The more the merrier po!] she happily said and I smiled before nodding. I slightly hugged myself due to the cold breeze. 

"Lia... remember when mama told you that you will meet papa soon?" I asked and her eyes softened, turning into a doe shape. 

[Binanggit mo na pala?] tanong ni Ali at tumango ako, nakakandog kasi sa kaniya si Lia kaya parehas silang nakaharap sa cellphone. 

[Nag-meet na po ba kayo ni papa? Ano po sabi niya, mama?] As I expected, just a word about her father, she already got excited. 

Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi at bahagyang naglaro ng buhangin gamit ang paa, "Mukhang... hindi natin kayang... makasama si papa." I let out a shaky breath before examining my daughter's expression. 

She blinked for few times, [Bakit po?] tanong niya at napatingin ako sa kalangitan. 

"Kasi... anak, Lia, papa have... papa have something else to focus on na, eh. Hindi... hindi na tayo pwedeng dumagdag." I haven't thought about it, pero pakiramdam ko ay kung hindi ko sasabihin ngayon palang sa anak ko ay baka mas lalong hindi ko kayanin kapag tumagal. 

[Bakit po?] she asked again and I swallowed the lump in my throat. "Kasi... busy na masyado si papa, may iba na kasi siyang ano... may iba nang love si papa. Tsaka... hindi kami okay ni papa, anak. Kaya hindi na tayo pwedeng maging happy family nila papa." Dagdag ko pa, pinipigilan ko rin na maiyak dahil mahahalata ito ni Lia. 

[Nag-away po kayo? Galit po siya?] she asked and forced a smile before shaking my head. "He's not mad, pero we're not in good terms." I replied and she slowly nod. Mukhang hindi pa rin niya gaano naiintindihan. 

"Lia... listen to mama." I took a deep breath, "I will explain further kapag malaki kana. But for now... I can't give you the happy family. Masaya naman tayo, right anak? Tayo ni mama, sila ninang, ninong, tita and tito, happy naman tayo, diba?" I said, convincing my daughter that everything will be fine even she doesn't have a father. 

She smiled and nods, [Yes mama, the more the merrier nga po, eh.] she sarcastically said and it made me giggle. 

"Mama is happy that you understand, but mama have to go na, anak. Mama need to eat na, uuwi rin si mama the day after tomorrow, okay? Huwag kang makulit diyan, behave." I said and she giggled before nodding. 

She asked for a flying kiss pa before ending the call. Saka lang din ako nakahinga ng maluwag at saka nakawala ang mga luha ko na agad kong pinahid. 

Pagbalik ko ay kumakain na ang karamihan, gusto nila na maaga kumain dahil mukhang mag-iinom nanaman ang nakararami. Basta ako, pagkatapos kong kumain ay nagpalit na ako ng damit at nahiga na sa tent, si Alyssa na kasama ko sa pagtulog ay mukhang nag-iinom din. 

Halos hindi pa ako makatulog agad dahil sa ingay ng karaoke, pero mabuti naman ay kalaunan ay nakatulog na rin ako. Nagising nalang ako kinabukasan na katabi si Alyssa, nagulat pa ako dahil naka sports bra lang ito, siguro ay ininit kagabi dahil sa alak kaya naghubad. 

Paglabas ko ng tent ay saktong pasikat palang ang araw kaya kinuha ko ang cellphone ko at kinuhaan ito ng picture bago i-send sa mga kaibigan ko. 

Naagaw ang attensyon ko nang may marinig akong tawanan. Napalingon ako sa gawing kaliwa ko at doon nakita si Rusti at Trisha na magkasama, nagtatawanan pa ito at kinukunan ang isa't-isa g litrato. Kahit sinong tanungin mo at kahit sinong makakakita sa kanilang dalawa ay hindi maipagkakaila na may namamagitan sa kanilang dalawa. 

Dahil umaga palang at ayaw ko naman na masira ang araw ko ay umalis nalang ako doon at pumunta sa may restaurant para magkape. 

Matapos namin mag-almusal ng 8am ay agad na rin kaming umalis at bumalik ng resort. Saka naman kami nakapamili ng mga pasalubong. Kami ni Alyssa ay nagpaalam kay Sam an lalabas ng resort para pumunta sa malapit na Mall at doon ako namili ng mga pasalubong kay Lia na laruan. Ang mga pasalubong ko para sa mga kaibigan ko ay sa resort ko na binili dahil mas gusto nila ang mga Palawan delicacy. 

Pagbalik namin mga bandang 3pm ay nagsimula naman na ang awarding para sa mga nakaraan na palaro, humakot ng award ang Engineering department, walang duda dahil nasa kanila naman ang mga game na game sa mga games. More on inom nag habol ng mga kasama ko sa Finance, eh. 


"It was hell for you, isn't?" Sam sat next to me inside the airport, it's 11pm and our flight is at 11:30pm. 

I let out a deep breath, "There are things I wished I never did." I said and he hummed, he held my head and put it on his shoulder. 

"Kagaya ng? Umalis?" he asked and I shrugged. "Pero kung hindi ba ako umalis... is it guranteed that things will work between us. Alam mo noong mga oras na iyon ang gusto ko lang ay makapagtapos siya at makahanap ng trabaho na may maayos siyang sweldo, na makakabili na siya ng sariling bahay at sasakyan, iyon ang gusto ko para sa kaniya, alam mo kung bakit?" I asked and glance at him, he raised a brow, "Bakit?" he asked. 

"Kasi nauna niyang pangarapin na maging engineer siya bago niya ako nakilala. Hindi ko hahayaan na piliin niya ako kaysa sa matagal na niyang pangarap. Babae lang ako, pangarap niya at ng tatay niya 'yon." I said and I saw how Sam's eyes softened. 

"Hindi ka babae lang, you're his girl and you were carrying his child, at kahit kailan hindi ka magiging babae lang." he said, removing some strands of hair off my face. 

I chuckled, "But you get my point, diba Sam?" I asked and he nods, "But at some point I really wished you're selfish, actually right now I wish you're being selfish and go tell him about his kid." he said and I shake my head. 

"I've been selfish for a long time. Since my mom married my dad and we got the privilege to buy anything we want, I've been so selfish. I don't care on how people think, how they feel, I even use to bully Ali for being chubby because that's the truth, I'm selfish, cruel and rude. That was me, until I met him." I replied and he hummed before caressing my head. 

Muntikan pa akong makatulog sa balikat niya kung hindi niya ako ginising dahil boarding na ang flight namin. Dahil sa kaantukan ko ay tinulugan ko na rin ang flight. Pagkababa namin ng Manila ay agad akong inaya ni Sam na ihatid sa apartment at hindi ko na rin nagawang sunsuin si Lia. 


"Mama!!" Halos madapa si Lia sa pagbaba ng sasakyan ni Ali. "I miss you so much, baby ko!" I immediately crouched down and welcomed her with open arms. 

"Miss na miss din po kita!! Ninang taught me a lot of things po!" she said when she pull away from the hug, she even have two braids on both sides. 

"Ang talino ng inaanak ko, manang-mana sa nanay." Ali said once she got out of her car. 

"Hindi naman ako gaano katalinuhan." I said as I stand up from crouching down. 

She chuckled, "Oo kaya, tamad ka lang." she said and I burst out laughing, "Grabe ka! I don't know if I should take that as a compliment or be offended." I said and she rolled her eyes. 

"Both, by the way, una na ako. You two should spend time together, Sam told me you took 2 days day-off." she said and I smiled at her mischievously. 

"Sam pala, ha?" I teased and she stick her tongue out, "Tse, goodbye na, mag-iingat kayong dalawa." she bid goodbye before entering her car, me and Lia wait outside, waving goodbye at her as she drive away. 

Pagkapasok namin ng bahay ay agad napatalon si Lia sa tuwa nang makita ang mga laruan. Nang mag-text kasi si Ali kaninang alas quatro na ihahatid niya si Lia ng 6am ay kaagad kong inayos ang mga laruan para pagpasok ng anak ko iyon ang una niyang makikita. 

We spent the whole day opening her toys, kahit antok na antok pa ako ay naglaro na rin kami. Hindi ko nagawang magluto ng tanghalian kaya umorder nalang ako. Buti after lunch ay inantok siya kaya sabay kaming natulog. Nang gumabi ay saka ko siya inaya lumabas at doon kami namasyal at kumain. 


Nang sumunod naman na araw ay gusto raw niyang mag-mall kaya pinagbigyan ko na, na-miss ko rin naman ang anak ko at parang ayaw ko na ulit mawalay. Unang beses kaming naghiwalay at halos iiyak ko nag lahat dahil sa nalaman ko. Masaya na kami ng anak ko, kami nalang at mga kabigan ko. 

Lumipas ang ilang araw ay nagsabi si Laura na gusto niya raw na magkasama-sama ulit kami, ang gulat ko naman ay kasama niya si Jiro. 

"Ano raw ba ang sasabihin nila Laura at Jiro?" Tobi asked before picking Lia up, hindi ako nakasagot dahil hindi ko rin naman alam, busy ako sa paghahanda ng lamesa. 

"Andito na pala sila," turan ni Tobi, mabuti nalang at tapos na rin ako sa pag-aayos kaya inabangan ko ang dalawang magkasintahan sa pinto. 

Agad hinalikan ni Laura si Lia sa noo dahil agad siyang kinawayan ng bata. 

"Oh," nagulat ako nang pagmanuhin ni Jiro si Lia sa kaniya, 

"Hoy, hindi ka ninong nito." turan ni Tobi kaya napahagikhik ako bago pumasok ng apartment. 

Hindi agad nasabi ng dalawa  ang sasabihin dahil nag-aya na kumain si Jax. Hindi nakawala sa paningin ko ang paghabol ng tingin ni Jiro kay Lia, mukhang may makakalaro na si Lia sa mga susunod na taon.

"So... ano nga?" I couldn't help but to ask, pakiramdam ko ay big news ang sasabihin ng dalawa. 

I was focused on my food until Laura showed me the ring and I immediately get what she meant. Habang si Tobi at Jax ay tuwang-tuwa, hindi ko napigilan ang mapa-iyak. Laura is getting married!!

"Oh my God! Lory why!? Bakit ka umiiyak?!" Napasigaw si Laura nang makita ang mga luha na pinupunasan ko. 

"Kasi.. you're getting married, I'm so happy for you!" Hindi ko na napigilan ang mapaiyak bago siya niyapos gamit ang isa kong braso. 

"Oh my God Lory, pati ako maiiyak, look at her oh, she's looking at you confusedly!" ani ni Laura habang nakaturo kay Lia na takang nanonood sa akin at sa ninang niya. 

Nagpahid ako ng luha bago hinarap si Jiro na ansa kaliwa ko, "Huwag mo siyang sasaktan, ha!? 'Wag kang mangangaliwa! Yari ka sa'kin!" Parang bata kong pagsabihan si Jiro, napangisi ito bago tumango na parang masunuring bata. 

Dahil kasama namin si Jax na gamay ang paggagawa ng mga inumin ay hindi natapos ang gabi nang hindi kami nag-iinom. Hindi kami nagtagal pero si Laura ay binuhat na ni Jiro papuntang sasakyan. Si Tobi at Jax ang naglinis ng aming pinagkainan dahil inasikaso ko pa si Lia dahil pinawisan ito at nadumihan pa dahil sa pagkain. Sinigurado ni Tobi na maayos na ang lahat bago kami iniwan ng bata at natulog na. 

"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko kay Ali, kanina pa ito dumadating sa apartment at kumakin pero halos hindi pa ito nagsasalita. 

Utay-utay siyang nag-angat ng tingin bago tumango, "Oo, may iniisip lang." ani nito at napakunot ang noo ko. 

"Gaya ng?" tanong ko at nag-ayos ito ng upo bago binitawan ang tinidor na gamit nito. 

"Laura is getting married." she replied and my brows furrowed, "And?? Ang saya ng diba? Someone is getting married among us na! Hindi ka ba masaya?" I asked and she nod, "Masaya, of course, kaibigan natin yun, eh." she replied and I slowly nod, waiting for her additional answer. 

"I just remembered how those two had a rough relationship before." she added and I nod, "Parang ang shocking pa rin, 'no?" I said and she chuckled before nodding, 

"Kailan ka kaya?" she asked and I froze before playfully throwing a crumpled paper towards her. 

"Alam mo ng may iba na, diba?" I said and she bitterly chuckled, "Want me to pull strings?" she said and I stick my tongue out at her. 

"Pull my strings ka d'yan! Kumain ka nalang, bakit ba kasi hindi ka sa condo mo kumain? Ang yaman-yaman mo kung saan-saan ka kumakain." I said and she scoffed. 

"Umuwi kasi si Mauro, naiinis ako." she replied and my brows furrowed, "Oh? Eh ano naman kung umuwi? Bakit parang affected ka na umuwi siya?" I asked and she pouted before stabbing a macaroni pasta with her fork. 

"Hindi ba sinabi ko sa iyo na... halos bantay-sarado ako niyan. Aba, ini-inform ako kahit hindi ko naman hinihingi ang updates niya! Pakialam ko kung pauwi kana?!" she ranted and it made me burst out laughing. We spent the whole night talking and her mostly ranting. Just listening on her and Mauro's situation, para silang magkapatid dahil sa sitwasyon nilang dalawa. 

"Bakit parang mas kabado ka pa?" Pagbibiro ko kay Tobi, ngayon na ang araw ng kasal ni Laura at siya ang best man. 

"Susunduin ko na ba si Jiro? Alam mo naman siguro na invited si ano diba?" tanong nito sa akin at bahagya akong napatawa ng pagak bago tumango. 

"Napag-usapan na namin iyan nila Laura noong nagpaplano siya ng kasal." sagot ko at tumango ito bago muling inayos ang kaniyang kulyar. 

"Si Lia? Nasaan?" tanong nito, rinig na rinig ang pagka-tense sa boses niya. "Iniwan ko muna kay Theo, hindi ba sabi sa invitation, no kids under 9 years old maliban sa mga kasama sa abay." I reminded at tumango ito, mukhang wala pa rin sa tamang ulirat. 

"Oo nga pala, mabuti naman para hindi magkita ang mag-ama." he replied and I chuckled, "Baka wala na rin naman sa reception si Rusti, kaya okay lang na kasama ko na si Lia mamaya." turan ko at tumango ito. Nag-excuse na si Tobi para sunduin si Jiro na nag-aayos. 

Pag-upo ko sa tabi ni Ali at Gwen ay parehas itong nakatulala. "Please don't tell me na iiyak kayo mamaya." I joked, pero si Gwen ay napasinghot kaya napatawa ako ng pagak. 

"Si Gwen umiiyak na." Ali teased, agad naman itong nahampas ni Gwen sa braso. 

"Emotional lang, may regla kasi ako ngayon." she bluntly said, me, Jax, and Ali all laughed and slightly hit Gwen on her arm. 

Minutes later, Jiro arrived, isa pa iyong mukhang iiyak anumang oras. I can't blame him, they went through things, it was a rough 8-9 years for the both of them. Saksi rin ako sa mga pinagdaanan ni Laura maitawid lang ang relasyon nila kasabay ng umuusbong niyang pangalan. 

Kagaya ng aking inaasahan ay umiyak sa tabi ko si Gwen at Jax, ako naman ay bahagyang naluluha. Si Ali ay hindi ko napansin pero baka umiiyak din ito. Laura is the first one to get married among us! Lalo na nang magpalitan ng vows ang dalawa, katulong pa kami ni Laura na gumawa ng vows niya! Lumakas ang palakpakan nang magpalitan na ng vows ang dalawa. 

"Kailan kaya tayo?" Gwen asked while we're exiting the church. "Kung hindi kayo naghiwalay edi baka nauna pa kayo." Ali teased and Gwen hit her with her pouch. 

"Alam mo ang sama mo! Palibhasa wala kang naging jowa!" Gwen fired back which made me and Jax glance at each other. 

"Gusto sana kitang murahin kaso kakalabas lang natin ng simbahan." Ali said that made us four burst out laughing. 

Lumalabas kami ng gate nang makita ko si Rusti na nakatayo katapat lang namin, naghihintay rin pumasok ng sasakyan na para sa kanilang mga kalalakihan. 

"Pumasok na tayo please, nakikita ko nanaman mukha niya." Gwen pushed us three inside the Starex and immediately closed the door and told the driver to drive to the reception. Mga kabigan ko nga naman, si Laura palang ang sineswerte sa amin sa pag-ibig. Si Jax din pala!

Pagdating namin sa reception ay andoon na ang bride and groom, they're welcoming all their guests. 

"Sis!! Congrats! Oh my God!!" Gwen squealed as we get to step closer to the newly wed. 

"Congrats sweetheart, goodluck sa new journey mo." I mumbled next to her ear as I hugged her. She gave me a smile and mouthed a 'thank you'.

"Jiro, pahiram muna kami ng asawa mo, okay?" Si Gwen naman, wala pa halos isang oras na kasal ang dalawa, ninanakaw agad ang asawa ni Jiro. 

"Kailangan din natin ibalik si Laura agad." turan ni Ali nang madala namin si Laura sa table namin. 

"It's fine naman siguro, diba? Few minutes lang." Laura said, sitting down to an empty chair. 

"So what's your plan mamayang gabi? Honeymoon ba agad?!" Pare-parehas kaming napa-ubo sa tanong ni Gwen. 

"Mas excited kapa yata kaysa sa kanila, Gwen." Saway ni Jax at napatango ako, "Oo nga, kumalma ka sis, dadating ka rin diyan." ani ko at umirap naman ito. 

"Ready kana  ba? Napag-usapan na natin ang gagawin mo." Ali said, her tone wasn't joking kaya kahit ako ay napaseryoso. 

Laura slowly nods, "Ready ba ako?" she asked at lahat kami ay napatawa. 

"Ekup mo 'yan sis, di namin alam ang sinasabi niyan." Gwen blurted out which made us burst out laughing. Maya-maya ay may tumawag kay Laura kaya umalis na rin ito. 

"Lahat po ng dalaga, single and ready to mingle please go to the center. Ibabato na po ng bride ang bouquet!" Nagkatinginan kaming apat nang i-announce ito ng MC. Jax immediately lean on her chair and crossed her arms, indicating she's not available. Si Gwen nauna-una na, me and Ali had to held each other arms as we go to the center. 

"Sa akin sis! Bente syete na ako please!" Gwen shouted which made everyone in the reception burst out laughing. Me and Ali stood at the back. 

Nang ibato ni Laura ang bouquet ay agad akong tumakbo patabi, napahagalpak ako ng tawa nang tamaan sa ulo si Ali at napilitan na saluhin ang bouquet. 

"I swear, dapat pogi ang makakasalo ng garter!" Ali thundered, stomping her feet on the ground. 

Naupo kaming mga babae at luminya na ang mga lalaki. My eyes lit up when I saw him together with the other guys. 

"Single and ready to mingle?" Ali mumbled next to me and I pushed her face away. 

"What if siya makasalo? Mag 'Volunteer as tribute' ka ba sa bouquet? Baka pwede akong mag-call a friend tapos ikaw nalang ang pumalit." she mumbled again, this time I pushed her whole body away. 

"Oh Em G ka!! Ali!!" Gwen started hitting Ali on her arm when a guy finally caught the garter. 

"Pwede na po b'ang pumunta ulit si Dra. Elazar sa gitna?" Tawag ng MC, Ali's eyes widened and slowly shook her head. 

Tumayo si Gwen at pinilit na tumayo si Ali, "Sabi ko talaga dapat hindi na ako luminya, eh! Uuwi na ako!" Pagmamaktol ni Ali na narinig ng lahat, ano ba naman ang kinakatakutan niya? Kakilala na nga namin, eh!

Gwen was able to push Ali towards the center, halatang nag-aalangan pa na tumabi.

"Wooh! Ali kaya mo 'yan! Wooh! Sayo muna 'yang lalaki na 'yan! Enjoy mo lang! Power!" I had to stop Gwen from shouting. Nahihiya na ako sa kaibigan ko, kaibigan ko ba talaga 'to?

I can tell it was hell for Ali, ang pilyo naman kasi ni Jiro! Si Gwen na mukhang enjoy sa pinapanood, si Ali naman ay hindi maipinta ang mukha! And the guy is very obedient, ha! Gayang-gaya talaga niya ang ginagawa ng bride and groom!

"Takot ka ba talaga kay Mauro? Baka isumbong ka kay tito?" tanong ko kay Ali habang kumakain. 

Her eyes widened and shook her head, "Ako?! Matakot doon?! Hindi 'no! Tadyakan ko pa siya!" she harshly said, malaki yata ang galit niya sa lalaking iyon. Pero madalas ko rin naman marinig na magkasama. It's a cat and dog situation. 

Payapa kaming kumakain nang mag-vibrate ang phone ko. Pagtingin ko rito ay si Theo ito, naghihintay na raw sila sa labas ng reception. 

"Ali, tara, bilis." Pag-aaya ko kay Ali, sumunod lang naman si Ali hanggang sa labas. At nang makuha namin si Lia ay siya ang bumuhat sa bata. 

"Ang ganda naman po here mama!" Lia exclaimed when we got inside the venue. Nang-maupo kami ay agad siyang sinubuan ni Ali dahil dito nakakalong ang bata. Habang ako ay inililibot ang paningin para makita kung malapit ba ang ama nito sa amin. 

Mabuti nalang ay hindi, mabuti nalang at mukhang umalis na nga ito gaya ng inaasahan ko. Pinakain ko lang si Lia at naghintay rin na utay-utay umalis ang ibang bisita. Hindi naman ganoon karami ang bisita ng dalawa lalo na at bilang sa kamay ang close friends ni Jiro, kaya nga sila Rusti at Mauro ang inimbatahan nitong mga lalaki dahil ito lang halos ang kakilala niya. Si Laura naman ay hindi na rin nag-imbita ng iba, nagpadala nalang ito ng mga giveaway sa ibang artista dahil ayaw niya na marami ang tao sa kasal nila. Mag-asawang introvert nga naman. 

"Hoy, Laura, alam mo na ang gagawin-"

"Gwen! Ano ba!?" Laura had to shut Gwen up. Mabuti nalang at kami-kami nalang ang andito dahil tapos na rin naman ang program. 

Tinapik ni Ali si Jiro sa balikat na napag-gigitnaan namin, "Tinuruan na namin si Laura, alam na niya gagawin niya." Narinig kong turan ni Ali, tinakpan ko naman ang tainga ni Lia na karga-karga ko. 

"Palawan kayo diba?" tanong ko rito at tumango ito. 

"Magbibihis lang kami, nakahanda na ang private jet ng magulang ni Laura. Dadating kami doon mga around... 6 PM lang, mabilis lang naman."sagot niya at tumango ako. 

"First time ba?" I couldn't help but to ask, hindi ko naman alam ang sex-life ng dalawa, kung si Gwen siguro ay bulyar na bulyar ganon din si Tobi, ang dalawa itong lowkey lang. 

When I saw him slowly nod, a small smile crept on my lips before I nod. "Mhmm, sige, ingatan mo 'yan, ha? First time pala." I said and he smiled before nodding. 

"By the way, guys! Diba I sent you an address last night!" Laura exclaimed that caught our attention. 

Napakunot ang noo ko, "Hotel ng parents mo, why?" I asked and she nods, "May after party roon! Jax and Yvo took care of the drinks! You get to have fun and get wasted! Solo niyo ang buong floor!" she exclaimed and my jaw dropped. 

"Pero nasa Palawan ang newly wed, paanong after party iyon?" Ali asked and Laura chuckled. 

"Sige na, you'll love it! Magagalit ako kapag hindi kayo pumunta! Guys are there too!" Laura winked at me and my eyes widened. 

"Ali, si Lia, oh." I handed Ali my kid and pushed her away, making sure they're already meter apart. 

I lean closer at Laura, "You're setting me up, please." I mumbled, gripping tight on her gown. 

She pouted, "I can't see you crying anymore, please." she said and I bit my lower lip before closing my eyes. 

"You need it! Drunk words are sober thoughts!" Laura slapped my ass which made me gasp. 

"I'm not trying to get laid, ha!" I exclaimed and she burst out laughing. 

"Well... malay mo habang lasing ka sabihin mo kay Rusti, 'Inin, alam mo ba, ang sharp-shooter mo. Tingnan mo, may Lia na tayo.' Ganon! Go! He lined up on 'single and ready to mingle' if seryoso siya sa ka-fling niya ngayon, he won't be in that line!!" she exclaimed, persuading me to give it a try. 

"If I end up crying here, I'll blame you." I said and she giggled, "If you end up crying I'll book you a travel to wherever you want, now go!!" she pushed me away to follow Ali and the others, napasapo ako sa noo ko. 

Pagsisisihan ko 'to. 

"Mama, bakit po iiwan mo ulit ako kay tito-ninong?" Lia asked inside the van, papunta na kami ngayon sa condominium building ni Theo kung saan ko iiwan si Lia. 

"Kasi magsasaya si mama mo, Lia." Gwen replied, caressing her wavy hair. 

Lia looked at me confusedly, hindi ko pa itong  gaanong mapagtuunan ng pansin lalo na at kausap ko pa si Theo. 

"Hindi po ako pwedeng kasama?" she innocently ask and I slowly shake my head. 

"Hindi pwede anak, lahat matatanda roon." I replied and I finally put my phone away and put my attention on my little girl. 

"Lagi naman po matatanda kasama ko, eh. Lagi ko naman po kasama sila tita, tito, ninang and ninong." she replied and I chuckled before leaning closer to her. 

"Pero iba ngayon anak, it will just be adults doing adult stuffs." I replied and her brows furrowed. 

"Medyo-off pero tuloy mo lang." Ali, who's behind me patted my back. 

"Kapag po big girl na ako pwede ko na rin gawin iyong adult stuff?" she asked and I pursed my lips before nodding. 

"Kapag 21 kana-"

"18 pwede na." Gwen cut off and I glared at her. "Jax is there naman to guide her sa drinks, kami rin!" she added and I slowly nod. 

Maya-maya ay tumigil na kami sa harap ng condominium building ni Theo at naghihintay na ito sa lobby. 

"Gagabihin ka ba?" he asked once Lia is in his arms, I shrugged and looked back at the van where my friends are. 

"Just be mindful sa phone mo, I might message anytime." I replied and he nod, "Ikaw rin, ate, baka kung anong mangyari sa bata, I will contact you rin." he replied and I nod. 

I lean closer to Lia to giver her a kiss, "Behave and take care, okay?" I said and she nods. 

Hindi talaga sila umalis ni Theo sa labas hangga't hindi nakakalayo ang sasakyan na sinasakyan namin, wala tuloy akong tigil sa kaka-kaway. 



"Anong floor daw tayo?" Gwen asked while we're walking inside the hotel. 

"23 daw, diba? Andoon na si Tobi, Jax and Yvo." Ali replied, sumakay na kami ng elevator papuntang 23rd floor, at gaya ng inaasahan ay tahimik doon maliban sa isang kwarto. 

"Jax? Tobi? Yvo?" I knocked on the door at agad naman itong bumukas. 

"Hi! Tawagin niyo na sila Sam sa room 18, magkakasam sila roon." Jax replied and us three nod. Pumasok na kami ni Gwen habang si Ali naman nag tumawag sa mga lalaki. Pagpasok ko palang ay binungaran na agad ako ng mga inumin at baloons. Ang lakas talaga ng tama ni Laura! Sila ang bagong kasal, eh!

"Bilang na bilang tayo sa kamay na magpa-party, masaya ba ito?" Napatingin kami sa pinto nang pumasok si Ali kasunod si Sam, Mau, Rusti at Sean. 

"I mean, hello? It's me, Sam? Masaya akong kasama!" Sam replied and my jaw dropped. 

"OMG! Let's set Ali and Sam up!!" I squealed, and so it begins. Nawala sa isip ko si Rusti na kasama namin sa kwarto dahil agad kong inaya si Sam at Ali sa may sofa at doon kami nagkwentuhan habang hawak ang mga alak. 

"Is this your first time meeting?" I asked before sipping a drink. 

"Totoo ba na may something sa kanila before?" Gwen curiously asked, Ali's eyes widened and shook her head. 

"Wala, walang something--"

"There was... if she wasn't that busy on her studies." Sam cut Ali off. And with that, I know it will be a long night. 

We spent the first hours talking, sila Sean, Mauro at Rusti ay kausap naman si Tobi at Yvo, si Jax ay nag-aasikaso naman ng pagkain pero madalas ay nasa amin din. 

"Lasing na ba kayo!!?" Gwen shouted holding a bottle of Vodka, using it as a mic. 

Agad naman akong tumango, "Oo, kaya please, tama na." I said, trying to get the bottle from her hand. 

"Hindi, hindi! Maglalaro tayo ng truth or dare!!" she shouted and I massaged my temples. Halos magsara na ang mata ko sa kalasingan at ka-antukan. 

"Hoy, kayo! Benedicto! Umupo kayo rito, dali!!" Narinig kong sigaw ni Gwen, kami nila Sam at Ali ay naupo na sa carpetm maya-maya ay sumunod na ang iba. 

"Ako na nag una, ha?" Narinig kong sabi ni Gwen, sa ka-antukan ko ay napasandal ako sa sofa sa likod ko bago naisandal ang braso ko sa katabi ko. 

I would her Gwen shout, scream, iyong katabi ko na si Sean yata ay nagsasalita rin. Silang dalawa yata ang nag a-argue. 

"Sandali nabobobo ako!" Kahit nakapikit ay kilala ko na si Mauro ang sumigaw, ang ingay na ng paligid pero nakakatulog na ako. 

"Lorinda! Truth or Dare!! Dali andito si Inin!!" sigaw ni Gwen at pinandilaan ko pa ito. 

"Dare, iinom nalang ako ng alak!" sigaw ko bago iminulat ang mata at dinampot ang shot glass na nasa gitna. 

Akmang iinumin ko na ito nang pigilan ako ng katabi ko, si Rusti pala. "Lasing kana," Pigil niya sa akin, parang may halong pagbabanta. 

"Uy! Muling ibalik, ang tamis ng pag-ibig~~" Pagkanta ni Jax, I had to yank his hand away to chug my drink. 

"Kaysa naman truth, diba?" I said to his face before putting the glass down. 

Nabuhayan ako ng kaluluwa dahil sa shot na iyon, I begun to play-along. Ang ingay na namin pero masaya!!

"MAURO!! TRUTH OR DARE!? TRUTH LANG DAPAT!" sigaw ko rito habang dinuduro-duro si Mauro. Hinigit pa ako ni Rusti paupo. 

As I point at Mauro, he looks so stunned and shock, lumilingon pa ito kay Rusti at Sean na parang nanghihingi ng tulong. 

"Huwag ka na sumagot! Truth na! Bakit ikaw ang unang kinita ni Ali noong umuwi siya!? Ha?! Ako ang bestfriend niya! Ako dapat 'yon!!" Mula sa pagkaka-upo ay napatayo na ako, Rusti held me down and even hugged my lower body dahil naka-upo pa rin siya. 

"Ano... hindi ko alam, umuwi siya ng Tagkawayn, eh! Labas na ako roon! Sabi lang niya samahan ko siya, eh." he replied and I pouted before facing Ali, kaso pagharap ko sa kaniya ay biglang nanlabo ang paningin ko bago tuluyang mandilim. 


"Can you hear me? Lory?" 

I definitely can hear him and I can feel him carrying me inside a room. 

"Can you at least respond? I'm getting worried, this is the first time I see you this wasted." he said, so I forced my eyes opened the exact moment he placed me down on the bed. 

"I missed you," I mumbled, I saw how a small smile crept on his lips. 

"There, you're all good, just drunk and tired, you need to sleep--"

"I'm sorry," I begun tearing up as I held on his arm. "I'm sorry, I'm sorry, Rusti. I'm sorry for leaving you, none of us were ready, specially you." Tears started streaming down my cheeks, they were uncontrollable. 

He held on my hand and remove it from his arm, "Lory, matulog kana--"

"No, baka ako naman ang iwanan mo, please, I miss you. Mahal na mahal kita at hindi magbabago 'yon. I'm begging you, please, ako nalang sana ulit, kami nalang." he reached for my cheeks and slowly caress it. 

"Hindi ako aalis, I'll stay here." he softly said before slowly getting on the bed, tucking us both. 

I immediately hugged him closer, "Huwag kang aalis, please." I begged, tears won't stop from coming out my eyes. 

He giggled, "I won't, now sleep." 


Nagising ako na mataas na ang araw, agad akong napabangon at agad tiningnan kung may saplot pa ako sa katawan. 

Nakahinga ako nang maluwag, "Mabuti naman," I mumbled before slowly getting off the bed. Agad kong nakita ang phone ko sa bedside table kaya agad ko itong dinampot. Halos tumakbo ako palabas ng kwarto nang makita ang sangkaterbang messages at missed calls ni Theo. Lia was having a mild fever last night! 

"Hello? Ali? Kasama mo na ba si Lia?" I immediately called Ali, ayon sa huling messages ni Theo, si Ali na ang sumundo sa bata. 

[Oo, she's with me, sinat lang naman, nag-panic lang ang kapatid mo kagabi.] she replied and I was able to sigh in relief, humarap ako sa may bintana at doon ay pumameywang. 

"What happened last night?" I asked and she let out a chuckle, [Marami, are you even aware that he sent you to your hotel room after you passed out?] she asked and I shut my eyes tight. 

"Shit, oo nga pala, but he's not in the room--"

[He's there! Pumunta ako r'yan kanina kasi akala ko mag-isa ka lang! He saw Lia! But I said it's my kid, I don't know if he bought it though." she cut me off and my jaw dropped. 

"Nakita na niya 'yong anak niya?! Gosh, Ali! Mamumukaan niya 'yan! Magkamukhang-magkamukha silang mag-ama!" I exclaimed, my hand travelled on my forehead as it begun to throb. 

[Kumalma ka, baka marinig ka ng ama ng anak mo, ang ingay mo, Lory!] Saway sa akin ni Ali, I did what she told and tried to calm down. 

"Okay, I'll calm down, nasaan ba kayo ngayon?" I asked, taking dee breaths. 

[Andito ako sa kwarto ko, room 14, malapit lang, puntahan mo nalang ang anak mo kapag hulas kana.] she said and I nod. 

"Salamat, thank you talaga! Take care of Lia while I'll deal with the father muna. Hindi ko pa alam ang sasabihin ko, nagpapanic pa ako." I replied and she hummed. 

[Kumalma ka, act natural, okay? Goodluck!] she said and I nod, "Thank you, goodbye." Agad kong ibinaba ang tawag bago humarap sa aking likuran. 

That's when my world went upside down. Rustin stood there holding a plate of food but have a serious expression printed on her face. 

He scoffed, "So whose kid is it? Is it Sam's... or mine?" 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com