Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue I


Rustins's POV


"Para saan daw po 'yang building na 'yan, pa?" Bahagya kong ipinikit ang mata ko habang nakatingala sa building na ginagawa ngayon nila papa dahil nasisilaw ako sa sinag ng araw. 


"Bagong hotel daw, mukhang ganon na rin dahil maraming kwarto ang ginagawa sa taas." sagot ni papa habang naghahalo ng semento, tinuunan ko ng aking braso ang pala na hawak ko, bahagya kong inayos ang safety hat na suot ko dahil medyo malaki ito habang nakatingala sa building. 


Balang araw, makakapagpagawa rin ako ng ganiyang kalaking bahay. 



"Bakit ang agap mo yatang umuwi ngayon?" Gulat na tanong ni papa nang makarating ako sa construction site, alas nuebe palang pero umuwi na agad ako. 


Napahagikhik ako bago ibinaba ang bag na dala ko, "Intrams kasi ngayon, Pa. Walang klase at wala rin naman akong magawa kaya tutulong nalang muna ako rito." sagot ko bago nagsuot ng safety hat. 


Narinig kong nagtawanan ang mga katrabho ni papa, "Ayos pala ang anak mo, eh. Kung anak ko 'yan, naku, gabi pa bago uuwi, naglalakwatsa kasama ang mga barkada." Narinig kong turan ng isa, napangisi ako bago umiling habang buhat ang isang sako ng semento para dalhin sa mga naghahalo. 


Ala una na ng magtanghalian kami, pagkatapos naming kumain ay agad kaming bumalik sa trabaho. 


Bandang alas tres ng sitahin ako ni papa, "Inin, magpahinga ka na, kaya na namin 'to." turan ni papa, 


Bahagyang nagparte ang mga labi ko, "Hindi na pa, kaya ko pa--"


"Sige na, huwag ka na makulit, dumidilim na pati, baka abutin ka pa ng ulan, magkakasakit ka." Putol nito, napasimangot ako bago tumango at binitawan ang pala na hawak ko. Inilapag ko na rin ang suot kong safety hat bago pumasok sa maliit na bahay na gawa sa plywood. 


Agad kong hinubad ang damit ko bago kumuha ng pinunit na damit para ipamunas, maya-maya na siguro ako maliligo, mapapasma ako. 


Hindi ko namalayan na napa-idlip ako, sa katarantahan ko ay nakaligo agad ako sa pag-aakalang gabi na, 3:56 palang pala. Napansin ko na dumidilim na ang langit, siguro'y babagsak na ang ulan, lalamig nanaman. 

Naisipan ko na magpakulo nalang ng tubig para magkape, panigurado uulan anumang oras kaya kailangan ko ng pampainit. 


At hindi ako nagkamali, ilang minuto ay bumagsak na ang malakas na ulan, sila papa at ang mga trabahador ay patuloy sa trabaho kahit nagpuputik na ang paligid. 


Nang kumulo ang tubig ay agad akong natimpla ng kape ko, hihigop na sana ako nang may marinig akong nagsalita sa may pader. 


"Ano ba 'yan, such a bad timing.


Nanlaki ang mata ko sa takot, "Gago, sino 'yon?" Minumulto na yata ako? 


Utay-utay akong naglakad sa may pinto para sumilip sa labas, doon ko nakita ang babaeng kulay puti ang buhok at yapos-yapos ang bag niya. Ito 'yong foreigner na nag-aaral sa OLLA!


"Miss, gusto mo sumilong ka muna sa loob?" Alok ko sa kaniya, nang lingunin ako nito ay bakas sa mukha ko na hinuhusgahan na agad ako nito. Tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa bago humarap sa kalsda at umiling. 


Napakamot ako sa batok, "Mababasa kayo diyan miss, tsaka babaha na diyan mamaya, sayang yung sapatos niyo." ani ko, sayang naman ang sapatos niya, kulay puti pa naman. Nilingon ako nito bago tumingin sa kaniyang tinatapakan, halata na ang pagpuputik nito, siguro naman ay napapansin na rin niya. 


Nang muli ako nitong lingunin ay bahagya akong ngumiti, baka natatakot siya sa 'kin dahil maitim ako, friendly naman ako tsaka mabait! 


"Okay," ani nito at hindi ko napigilan na mas mapangiti lalo, gumana ang ngiti ko! 


Nang pumasok ito sa bahay ay agad ko itong binigyan ng bangko na ako pa mismo ang may gawa mula sa pira-pirasong kahoy. Naupo lang siya malapit sa pinto, sasabihin ko sana na baka mabasa pa siya lalo pero hinayaan ko na, baka takot pa rin siya. 


Napansin ko na bahagya siyang nilalamig, agad akong nagtimpla ng bagong kape at marahan itong dinala sa kaniya. 


"Miss kape po, mukhang nilalamig kayo." Nahihiya kong turan, alam ko naman na hindi siya komportable pero gusto ko lang tumulong. 


Sinilip niya ang kape bago ako tiningnan, napahagikhik ako, "Don't worry miss, walang lason 'yan. Para lang mabawasan ang pagkalamig mo." ani ko at utay-utay siyang tumango bago kinuha ang mug sa kamay ko. 


Pinanood ko siyang sumimsim ng kape, kinakabahan pa ako dahil baka inaasahan niya na kasing sarap 'to ng mga kape sa ibang bansa. Kagaya noong sikat na kapehan, yung barbucks ba yun? 


Hindi agad siya nagsalita, bahagya akong humakbang palayo sa kaniya bago naupo sa bangko malapit sa kama, pinagmamasdan pa rin ang kaniyang reaksyon sa ginawa kong kape. Hindi ba masarap? 



Napapakamot ako sa batok ko, ang tahimik niya, hindi ko rin naman siya dinadaldal dahil baka lalo siyang matakot sa akin. Lumipas ang ilang minuto, nanatili siyang nakatanaw sa labas, siguro ay naghihintay na tumila ang ulan. Kaso lumalakas lang talaga lalo, gumagabi na rin. 


"Miss, gusto niyo ng tinapay? May tinapay kami dito." Napatayo ako mula bangko at agad kinuha ang timba ng biscuit na binibili namin ni papa, pagkabukas ko nito ay agad ko itong ipinakita sa kaniya. 


"Masarap 'to, pramis." ani ko bago inilapag ang timba sa lamesa at kumuha ng pinggan para ikuha siya ng tinapay, gumamit pa ako ng kutsarang malaki dahil baka mandiri siya kapag kinamay ko. 


Nahihiya akong naglakad papunta sa kaniya habang hawak ang pinggan, pero pinilit ko pa rin ngumiti para manlang hindi siya matakot, baka kapag nakasimangot ako ay lalo siyang hindi maging komportable. 


Napansin ko siyang bahagyang lumayo nang ilapag ko sa harap niya ang pinggan, ayaw nga niya sa 'kin. 


"Favorite ko yung may palaman diyan, miss. Tikman niyo, masarap talaga." Nakangiti kong turan, paborito ko talaga 'yong may puting palaman sa gitna, hindi nga kumukuha ng ganon si papa dahil alam niyang iyon ang gusto ko. 


Natigilan ako nang pinagmamasdan niya lang ang pagkain, "Ayaw mo?" Nag-aalala kong tanong, hindi ba siya sanay sa ganiyang pagkain? May iba ba siyang gusto? Tinapay, noodles at delata lang ang meron kami.


Umiling ito, "No," maikli nitong sagot, napanguso ako nang bahagya, "O... kay, pero iiwan ko pa rin diyan. Baka sakaling gusto mo tikman. Pramis, hindi mo pagsisisihan na kainin 'yan." ani ko bago muling ngumiti at bumalik sa bangko na inuupuan ko kanina. 


Kinuha ko nalang ang notebook ko at gumawa ng assignment. 


Siguro hindi niya ako naiintindihan? Kaya siguro maiikling salita lang ang sinasagot niya, puro Ingles pa. Kaya rin siguro hindi siya komportable kasi hindi kami nagkakaintindihan. Pero alam naman siguro niya na pagkain ang binibigay ko sa kaniya, diba? 



"Hmm..." agad akong napalingon  sa kaniya, napangiti ako nang makita na kumakain na ito, "Masarap 'no..." Lumawak ang ngiti ko nang dali-dali niyang isinubo ang kabiyak na tinapay. 


"Gusto mo pa ba niyan?" tanong ko, iilang piraso lang kasi ang nailagay kong ganon sa pinggan, baka mabitin siya. 


"No, hindi naman masarap." Nagtatagalog naman pala siya. 


Napakunot ang noo ko, "Wews, sarap-sarap kaya niyan. Favorite ko nga 'yan eh." ani ko habang nakatuon na ulit ang attensyon sa aking kuwaderno. 


Narinig ko siyang kumain pa ng tinapay, hinayaan ko na dahil baka lalo siyang mainis sa akin kapag pinansin ko pa siya. 


Nang dumilim na ay nagbuhay na ako ng lampara, nakita ko pa itong nagulat. 


"Magsasaing na ako miss, dumidilim na kasi." Paalam ko rito, 


Nahiya ako nang kumalat ang usok sa bahay dahil sa pagpapaypay ko ng kalan. 


"Sorry miss, ganito talaga kapag kalan at kahoy ang gamit." Paghinigi ko ng tawad, nakita ko itong umirap kaya napatikom ako ng bibig. 


"Hey... may I borrow the umbrella?" Nilingon ko siya agad bago ngumiti at tumango, 


"Ibalik mo lang ha?" ani ko at agad itong tumayo para kunin ang payong sa may kama.


Pinanood ko siyang buksan ang payong at pumunta sa may pinto, "I'll be going now, bye." ani nito at akmang aalis na. 


"Uy, walang thank you?" Natigilan ito sa paglalakad, nilingon ako nito at akala ko'y magpapasalamt nito. 


Umiling siya, "Wala," maikling nitong sagot bago lumabas na ng bahay.


Nahulog ang panga ko, "Pambihira, sungit!" Pinaspasan ko ang pagpapaypay ng kalan para makapagpalingas na. 


Nang isalang ko ang kaldero ay bumalik ako sa pagsasagot ng assignment. Nang kumulo naman ito ay hinango ko muna at saka nagluto ng sardinas. Nang maluto ang sardinas ay pina-inin ko na ang sinaing. 


Hindi ko na hinintay si papa na kumain dahil hanggang ngayon ay nagbubuhos pa rin sila ng semento, isinabay ko na rin inumin ang malamig kong kape sa paghahapunan. Nang matapos kumain ay nilinis ko na ang pinagkainan ko bago tinapos ang ginagawa ko. 


Gabi na nang matapos sila papa, napa-idlip na nga ako at nagising nalang nang pumasok ito ng bahay. 


"Pa, may kailangan ka?" tanong ko rito, agad itong umiling at naupo sa bangko, "Wala wala, sige matulog kana." sagot nito at tumango ako bago muling inihiga ang aking ulo. 


"Pa, kilala mo 'yong estudyante ng OLLA na puti ang buhok?" tanong ko kay papa habang nakatingin sa bubong. 


"Ah, 'yong anak ng Valdez? Oo, nag-iisa lang naman siyang blondina rito sa Tagkawayan, 'yong totoong puti na buhok, ha." sagot nito at utay-utay akong tumango. 


"Anditio siya kanina, inabot ng ulan sa labas, pinagkape ko, pinatinapay ko pa, nanghiram pa ng payong." ani ko at narinig kong napatawa si papa. 


"Oh, eh parang galit ka?" tanong nito, napa-upo ako sa kama at bumundong hininga, 


"Sama ng ugali, di manlang nagpasalamat, lakas pa manghusga, kung makatingin sa akin kala mo kung sino siya." Inis kong turan at napahagalpak ng tawa si papa. 


"Anak yun ni Thiago Valdez, talagang kung sino siya dahil sa sobrang yaman ng mga yun, basura lang ang tingin sa atin ng mga yun." ani  nito at agad akong tumango. 


"Ah talaga, kung makatingin sa akin wagas! Kung pinabayaan ko siya sa labas edi mukha siyang basang sisiw! Kainis!" Nahiga ako sa kama bago nagtalukbong ng kumot, narinig kong humagikhik si papa bago pinatay na ang sindi ng lampara. 



"Oh, pre, bakit basang-basa ka?" tanong sa 'kin ni Mark pagkapasok ko ng classroom, 


"Sumugod kaba sa ulan, pre?" tanong ulit nito, napabuntong hininga ako bago inilapag ang bag ko sa sahig at naupo sa bangko. 


"Oo, wala kasi kaming payong, mag da-dalawang linggo na." ani ko habang nagsusuot ng polo, nag t-shirt nalang kasi ako pagpasok dahil alam kong susugod ako sa ulan, ang layo pa ng TH sa tinitirhan namin ngayon ni papa. 


"'Iyong payong ng Aquabest na laging mo'ng dala?" tanong nito, nagpipigil pa ng tawa. 


"Mismo, tama ka jan!" ani ko at humaglapak ito ng tawa, 


"Oh, saan napunta?" tanong nito bago naupo sa katabing bangko ko. 


"May humiram, di pa rin ibinabalik." sagot ko bago isinuot naman ang pantalon ko, naka boxer short ako nang pumasok. 


"Kung ako 'yon pre, aabangan ko sa Morato." ani nito at napahagikhik ako bago umiling, "Di pwede, babae tapos taga OLLA." ani ko at bigla ako nitong hinampas. 


"Maganda ba pre? Reto mo naman ako!" ani nito habang inaalog-alog pa ako, napahagikhik ako bago umiling. 


"Bawing-bawi sa ganda ng hitsura pre, sa ugali kasi hindi." ani ko at nilingon ito, napasimangot ito bago natigil sa pagyugyog sa akin. 


Mabuti nalang at naisuot ko na pati ang sapatos ko bago dumating ang teacher namin, mukha pa rin akong basang sisiw, hanep na Valdez kasi 'yan!


Mabuti nalang at sa paglipas ng araw ay hindi na gaano umulan, kung uulan man ay nasa classroom pa ako kaya hindi ko kailangang lumabas. 


Nakalipat nalang kami ng bagong pagtatrabahuhan ni papa pero wala pa rin paramdam si blandina. 


"Parang natutulala ka r'yan?" tanong ni papa, Linggo ngayon at kakapahinga ko lang mula sa pagtulong sa site. 


"Miss ko na 'yong payong, pa." ani ko at napahagikhik si papa. 


"Baka nakalimutan lang." ani nito bago naupo sa tabi ko, 


"Yaman-yaman niya, walang sariling payong. Ilang araw rin ako nagtiis ng pagsugod sa ulan." Pagkakamaktol ko at napahagalpak ng tawa si papa bago ito tinawag ng kaniyang katrabaho at pinapabalik na. 


Napatalukmo ako habang nakatingin sa daan, siguro ay hindi na niya talaga ibabalik lalo at umalis na kami sa may tulay, hindi na 'yon mag-aaksaya ng oras na hanapin ako. 



"Magkakasakit ka sa ginagawa mo." ani ni Mark, kakarating ko lang ng school at inulan nanaman ako, 


"Matagal pa ang pasko para may magbigay sa amin ng payong mula Aquabest." sagot ko habang nagpupunas  ng buhok. 


"Gusto mo ba ng payong sa Christmas Party, pre?" tanong nito at napasinghap ako, "Hindi nga ako uma-attend sa Christmas Party, huwag na pre." sagot ko at tinapik-tapik pa ako nito sa likod. 


Parang parusa sa akin na hindi naibalik ang payong, init at ulan ang kalaban ko, mabuti nalang at malakas ang resistensya ko at hindi ako nagkakasakit. 



"Uy, mabuti maganda ang panahon ngayon, hindi umuulan." ani ni Mark nang makalabas kami ng gate ng school, 


"Mabuti naman, ilang araw na rin pabadya-badya ang ulan." sagot ko rito habang nakikisabay kami sa dagsa ng mga estudyante. 


"Ahh!!" Parehas kaming napalingon ni Mark sa kaklase namin na muntikan nang mabangga. 


"Oh, bobo." bulong ni Mark, napatingin ako sa naka-motor at nanlaki ang mata ko nang makita si blandina. 


"Its you!" sigaw nito habang nakaturo sa akin, 


Hinampas ako ni Mark sa likod, "Oh, tangina, yari ka!" Pang-aasar ni Mark sa likod ko. 


Nagpilit ako ng ngiti, "Uy! Miss blonde! Long time no see!" sigaw ko bago naglakad papunta sa kaniya. Ang mga kaklase ko ay nagkusa-kusa na tumabi. 


"Miss mo 'ko 'no?" Pang-aasar ko rito, napatawa ang mag ka-schoolmate ko at nabatukan pa ako ni Mark, "Gago pre, di ka papatulan niyan." bulong nito sa likod ko, 


"Siraulo ka, Inin! Mukhang na trauma si miss blonde dahil sa sinabi mo!" sigaw ng di ko kilala, papansin lang, ganun. 


"Sorry miss, binibiro lang kita." Paghingi ko ng tawad at utay-utay itong tumango. 


"Sige pre, una na kami, mukhang may atraso ka pa kay miss eh. Gagi, ninakawan mo--"


"Sira, umalis an nga kayo!" Itinulak ko si Mark papalayo kasama si Ryan, mga tarantado talaga. Mabuti ang ibang esudyante ay umalis na kaya hindi na gaanong katao sa paligid. 


Nang tumikhim ito ay napabaling ako ng tingin sa kaniya, "Ahm... ano ba ang pakay mo miss?" 'Yuug payong, please, yung payong ko.


"Ahm..." itinaas nito ang payong, yown!


"Here, salamat nga pala. Natagalan din, nawala kasi kayo doon sa tapat ng hotel, hinanap ko a bahay niyo. Gladly I saw you here." ani nito at natigilan ako, ini-abot na niya sa akin ang payong at pinagmasdan ko ito. 


"Wews, akala ko hindi na maibabalik yung payong ko eh." Nakangiti kong turan, tenkyu Lord! 


Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, "Hinahanap mo ba yung bahay namin? HAHAHAHA! Wala kaming bahay, kung saan madistino si papa ng trabaho, doon lang kami nakatira." Dagdag ko at nakita kong napakunot ang noo nito, naiintindihan niya ba ako? 


"Ano yung madistino?" tanong nito at natigilan ako, pota, kailangan ko pa ba magpaliwanag? 


Napakamot ako sa batok. "Ah... ano... yung... madistino, hindi mo alam?" Pota kahit ako hindi ko alam kung pano ipapaliwanag 'yon. 


Umiling siya, "No, itatanong ko ba kung alam ko?" sarkastiko nitong tanong. 


"Sungit, pero ano... kung saan siya... ma-assign! Ayun! Kung saan siya ma-assign ng trabaho. Ayan ha, English na yun, ewan ko nalang kung hindi mo pa ma-gets." Napa-pameywang pa ako, galing ko talaga sa English! 


"Anyways, I'll be going now--"


"Alis ka agad? Tara kape? G? Kaso ubos na yung tinapay namin eh." Pag-aaya ko rito, 


Nakita kong napakunot ulit ang noo nito, "You're inviting me for a coffee? In your... place?" tanong niya at tumango ako. 


"Yep, ayaw mo? Okay lang naman, sino ba naman ako para tanggapin mo yung alok ko?" pag-iinarte ko, 


Tinawag pa ako nitong sadboy pero ang ending ay pumayag din naman siya, yun nga lang, pinapa-angkas ako sa motor niya. 


"Gagi ayaw ko! Takot ako sa ganiyan." Napahakbang ako ng bahagya, 


"Eh? Takot ka sa motor?" tanong niya at tumango ako, "Kahit bike pa 'yan, ayaw ko!" sigaw ko  at nakita ko itong humagikhik.


Nagpumilit pa ito, ituro ko raw iyong daan, magaling daw siya magmaneho! Kahit na! 


"Ibibili kita nung cookie sandwich na gusto mo. Yung tinapay na may palaman." Aba, ginagago yata ako nito, mukha ba akong pagkain? 


"Weh?" Hindi ako naniniwala. 


"Oo nga, dali, sakay na." Pag-aaya nitong muli, 


Sige na nga, mapilit siya, eh. 


"Ayusin mo pagmamaneho mo ha! Ayaw ko pa mamatay!" Pa-alala ko rito, "Of course," sagot niya bago ako tuluyang umangkas. 


Potcha, may dapat ba akong hawakan para di ako mahulog? Saan ba? Sa likod ko? Sa upuan? 


"Huwag kang matakot, mahihirapan akong magmaneho kapag ramdam ko na takot ka." ani nito nang simulan niya ang makina ng sasakyan. 


Nanlaki ang mata ko, "Hanep 'yan, pati 'yun ramdam mo!?" sigaw ko at narinig ko itong humagikhik. 


"Kapit," tumakbo ang sasakyan at halos tumimbuang ako patalikod. 


"Huy! Miss blonde ano ba?!" sigaw ko at si miss blonde naman ay hugalpak pa ng tawa. 


"Kapit!" sigaw niya. 


Potcha saan?! 


Humawak ako sa may balikat niya, kurot-kurot lang ng hintuturo at hinlalaki ko ang uniform niya dahil ayaw ko naman na hawakan talaga siya, baka sabihin niya tsuma-tsansing ako. 



Ang binili niya ay naka-plastic lang kaya nanibago ako. Nasa timba ang binibili ni papa, eh. Iba naman ang binibili niya, hindi 'yon masarap. 


"Yan yun, gusto mo nasa timba, 'no? Swerte mo naman." Pagsusungit nanaman nito, 


Itinuro ko pa kung saan siya dadaan para makarating sa tinutuluyan namin, halos bumaliktad nanaman ang sikmura ko sa kaniyang pagmamaneho. 


"Ah, yun ba--" 


"Dalawang kamay sa manibela! Mamatay tayo!" Putol ko rito nang makita kong bumitaw ang isa niyang kamay sa manibela. 



Nakahinga ako nang maluwag nang tumigil ito sa harap ng construction site, potcha, buhay pa ba ako? 



"Kaibigan ko po, makikikape lang!" sigaw k- sa mga katrabaho ni papa, baka akalain nito syota ko. 


Ipinagtimpla ko ulit siya ng kape, tinanong ko pa siya kung mahilig siyia sa kape. Akala ko naman oo, pero masarap lang daw talaga ang kape ko. Para tuloy akong nanalo ng award dahil sa sinabi niya. 


Ano kaba miss, Great Taste Granules lang 'to!


Ako ang pinagbukas niya noong tinapay, at katulad nga 'to ng favorite ko!!


"Mhmm!! Sharap!" Parang bata kong turan, 


Akala ko magsusungit nanaman lang siya, nagulat ako dahil nakapagutita ako, nakapagtanong ako tungkol sa buhok niya na akala ko ay wig. Pati 'yong mata niya na kulay blue na medyo green! Totoo rin daw! Nalaman ko rin na full Canadian siya at lumipat lang sial rito. 


"Ang galing... yung papa mo? Nasaan?" Utita kong tanong, hindi agad siya nakasagot, ah mali, hindi siya sumagot. 


"Ah hind joke lang, huwag mo na sagutin. Dami kong tanong 'no?" Ang mahalaga alam ko na madaldal ako. 


"Ako nga di ko kilala nanay ko, sad 'no?" Pagmamatabil ko nanaman, 


Dahil hindi naman sensitibo na usapan sa akin si mama na hindi ko kilala, kahit ni-isang picture wala, ikinwento ko na rin sa kaniya ang dahilan kung bakit hindi ko kilala ang ina ko. Minsan nga iniisip ko na baka ampon ako at napulot sa sako ng semento. 


"Your name is Inin?" tanong niya sa akin nang magpakilala na ako. Kanina pa kami kwentuhan nang kwentuhan pero hindi pa namin alam ang pangalan ng isa't-isa. 



"My name is Avery Louise Valdez, 16 years old, I prefer to be called Lory." Pagpapakilala naman nito sa sarili niya. 


"Daming sinabi, Lory lang pala." ani ko at napahagikhik ito. Medyo naguluhan pa rin ako sa pangalan niya kaya ipinaliwanag pa niya kung saan galing ang 'Lory' niya, buti maliwanag naman siya magpaliwanag. 


Bago siya umalis ay hiningi pa niya ang pangalan ko sa Facebook, syempre binigay ko naman. Magkaibigan na kami, eh! Madalang na may makipagkaibigan sa akin, lalo na yung mga babae sa school namin ayaw sa akin dahil ang itim ko raw. 


"Ingat ka, dahan-dahan, huwag kang babangga." Pa-alala ko rito bago ito umalis, 


Napangisi siya, "I won't," ani nito bago tuluyang umalis. 


Pagka-alis niya ay naglinis na ako ng pinag-kainan namin at saka nagpalit ng damit. Inasikaso ko rin ang mga gawain ko sa school at nang magdilim ay nagluto na at kumain naman ng hapunan. 



"Bakit gising ka pa? Alas nuebe na." ani ni papa na kakapasok lang ng bahay, 


"May ginagawa lang, pa. Matatapos na rin ako." sagot ko rito, nag ce-celphone nalang talaga ako, kanina pa ako tapos sa assignments ko.


"Balita ko may bisita ka kanina?" ani nito at napatawa ako ng pagak. 


"Yung Valdez na sinasabi ko, pa. Ibinalik na niya ang payong tapos nag-miryenda na rin, magkaibigan na rin kami!" Masaya kong turan at napatawa rin si papa. 


Natigilan ako sa pagsusulat at napatingin sa pader, "Pa, baka crush ko na siya." Hindi ko siguradong turan, 


Napatawa si papa, "Naku, ang binata ko, nagkaka-crush na, itulog mo nalang 'yan, anak." ani nito at maski ako ay napatawa bago itinabi na ang mga gamit ko at naghanda na sa pagtulog. 


Kinabukasan ay ginugol ko ang buong araw sa pagtulong sa site. Ganon naman talaga ang gawa ko kapag walang pasok, lalo na at hindi naman ako mabarkada at mahilig maglakwatsa ay tumutulong nalang ako sa site. Kabayaran na rin ito dahil patira at pakain ako rito ng nagpapagawa. 


Kaya naman sa bawat tapos ng araw ay pagod na pagod ako. Nauuna pa akong pinagpapahinga nila papa dahil baka bumigay raw ang katawan ko sa pagod. 


Kakatapos lang namin maghapunan, may dalang lomi ang boss nila papa, ang sarap!! Binigay sa akin ng mga trabahador ang tira kaya nakarami ako ng sabaw!


"Inin, halika, ito 50, magpa-load ka." Tawag sa akin ng isang katrabaho ni papa, si Mang Tutoy na tuwang-tuwa sa akin, wala kasi itong anak, matandang binata kaya kung ituring ako ay parang anak na rin niya. 


"Salamat po! Na-expire na load ko kagabi, saktong-sakto!" Ginulo pa nito ang buhok ko nang i-abot sa akin ang pera, mabuti at may malapit na tindahan kaya nakapagpa-load ako agad. 


Pagkabukas ko ng data ay umulan na ang mga mensahe sa Messenger. Matagal-tagal bago ko nabasa lahat ng messages sa group chat namin, si Mark nangagagago rin. 


Pagpunta ko ng Facebook ay doon ko nabasa ang pangalan ni Lory na nag-react sa luma kong picture. 


"Hala! Hindi pa kami friends!" Agad akong nag-send ng friend request sa kaniya, nang-stalk na rin ako. 


Tiningnan ko ang mga luma niyang picture, pero karamihan ay noong elementary pa siya, madalang ang picture niya ngayong highschool, kung meron man ay mga tag lang sa kaniya. 


Lumabas sa taas ng screen ko na in-accept niya ang friend request ko, sa kasabikan ko ay nangamusta agad ako. 


To: Avery Louise Valdez

Wassup Lory! Kumain kana ba?


To: Avery Louise Valdez

Kamusta ka? How's your week mah friend?


To: Avery Louise Valdez

Tulog kana ba? Pero kaka-accept mo lang ng friend request ko.


To: Avery Louise Valdez

Gising k pa lods!


Napapakunot ang noo ko dahil hindi siya nagre-reply, seen lang nang seen.


To: Avery Louise Valdez

Uy seen nang seen! Masama 'yan kaibigan! Reply-reply ka rin!


Napakamot ako sa batok ko habang hawka-hawak ang cellphone ko at naghihintay ng reply niya. Pinaglaruan ko na rin nag tsinelas ko habang naghihintay. 


From: Avery Louise Valdez

I'm fine, stop bombing me messages, please!


Agad kong binasa ang messages niya nang mag-reply ito, galit nanaman siya.


Inaya ko siyang magkape rito, kape nga lang mai-aalok ko dahil hindi naman bumabali si papa, hinihintay talaga niya ang akinse para maka-sweldo kaya pinagdadala ko nalang siya ng pagkain. Akala ko pa noong una ay magsusungit ito pero susubukan daw niya na pumunta! 


Gabi na pero hindi pa siya kumakain kaya nagpaalam siya na kakain na, ako naman matutulog na, sana makapunta siya bukas!


Kinabukasan ay buong araw akong nakatanaw sa kalsada, hindi naman siguro halata na excited akong makita siya. Buti nalang hindi ako patanga-tanga sa site, kundi mapapagalitan ako. 


Alas dos na ng hapon pero wala pa siya, hindi na siguro siya makakarating. Tumigil nalang ako sa paghihintay at pumasok sa may loob na banda ng ginagawang gusali dahil doon kailangan ng tulong, tagahawak lang ng kung ano-ano. Nang nauhaw ako ay pumasok muna ako ng bahay, nagpunas ng pawis at nagpalit ng damit.



"Inin, may bisita ka!" Agad kong nabitawan ang hawak ko at napaharipas ng takbo palabas ng bahay.


Si Lory!! May dala siyang malaki at mabigat na bag!


"Ano 'to?" tanong ko ulit nang makapasok kami ng bahay, maasim ba ako? 




"Oy! Lomi!" Napasigaw ako nang makita ang laman nito. Ipinaluto raw niya ito sa tita niya, ang saya-saya ko!


Gusto pa niya na alukin ko ang mga katrabaho ni papa, lampas isang dozena sila! Tapos ang lalakas pa kumain! Baka maubusan kaming dalawa.


Ipinagtimpla ko siya ng kape gaya ng alok ko kagabi, ang yelo na itinago ko sa styro ay matigas pa kaya naipaggawa ko siya ng iced coffee. 


Habang iniinom niya ang kape na ginawa ko ay ako naman itong enjoy na enjoy sa lomi na dala niya, favorite ko na 'to!


Napa-angat ako ng tingin at nakita siyang nakatitig sa akin, agad kong nakapa ang pisnge at gilid ng labi ko, baka may amos ako pero wala naman. 


"Miss, nakatitig ka sa akin." Kumaway pa ako sa mukha niya, itinanggi pa niya na nakatitig siya bago sumubo ng lomi, napaso siya kaya naman agad ko siyang ikinuha ng tubig. 


Akala ko magsusungit siya pero nagkwentuhan kami! Tinanong niya ang tungkol sa school ko kaya naman nagkwento lang ako nang nagkwento at ganon din siya. Sabi niya nahihirapan daw siya sa math, buti nalang magaling ako doon! 



"These are for you nga pala, I made them kanina." May hawak-hawak siyang mga bonet. 


"Gawa mo?" tanong ko nang mahawakan ang mag bonet, ang astig!


"Ang ganda! Bagay na bagay sa akin!" sigaw ko nang makita ang sarili ko sa salamin, nakakapogi naman 'to!


May dala siyang mga cards, baraha ba? Magpupusoy ba kaming dalawa? Beat Game? Tongits? 


Pero iba pala, Uno Cards ang tawag, noong una kinakabahan ako kasi baka larong pangmayaman 'to, pero masaya pala! Lalo na kapag na ba-bang ko siya, nakakatawa rin kapag naiinis siya.


"Mapaparusahan ko si Lory~" Pang-aasar ko sa kaniya, 


Potcha hindi pala. 


"Nanalo ako! Talo ka!~" Pang-aasar niya pabalik, napatulala ako sa mga cards ko, gagi talo pala ako.


"Sige na, kaltukan mo na ako sa noo." Hinawi ko ang buhok ko  na nakaharang sa noo ko. 


"Oh no no, hindi yun ang parusa mo." Napakunot ang noo ko at taka siyang tiningnan. 


Inaya ako nito sa labas, akala ko may iba siyang ipapagawa pero bigla akong pinasakay sa motor niya! Tanggaris talaga! 


Wala naman akong nagawa kundi ang sundin ang sinabi niya, talo ako, eh.


Akala ko makikita ko na si Papa Jesus sa bilis ng harurot niya, ang pagkakayapos ko sa beywang niya ay mas lalo kong hinihigpitan, baka mahulog ako! Sigaw ako nang sigaw, nakakahiya, may mga sasakyan na bumubusina sa amin, ang mukha ko ay isinubsob ko sa likod niya habang ang mga mata ko ay nakapikit, ayokong makita!


Nakarating kami sa may Coyo, sa may dagat, kinunan niya rin akong litrato dahil hindi ko dala ang cellphone ko.


Nang gumabi at naka-uwi na siya, isinend niya nalang sa akin ang mga litrato na kinuha niya sa cellphone niya. Grabe ang gaganda, mamahalim kasi ang cellphone niya, sa akin nabili ni papa sa katrabaho niya, pasira na rin naman pero pwede pa. 


May napili akong picture na kinuha ni Lory kanina, dahil pinagtitripan ako nila Mark at Ryan sa profile picture ko ay pinalitan ko ito noong kakakuha lang ni Lory. Nang napansin ko na parehas kami ng profile picture sa Facebook ay para akong kinilig!





"Pre, simbang gabi tayo." Pag-aaya sa akin ni Ryan, malapit na nga pala ang pasko, hindi ko gaanong ramdam dahil hindi naman ito espesyal sa akin. 


"Simbang tabi kamo! Ikaw sumimba? Sinong niloko mo? Maghahanap ka lang ng chix." sagot ko rito, sinamaan ako nito ng tingin bago ako pinandilaan at humarap sa may bintana. 


Ilang beses akong inaya nila Ryan, maski si Mark nag-aaya na, pero busy kasi ako, busy sa kakagawa ng regalo para kay Lory. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pambili ng regalo, pero nakita ko ang kapirasong kahoy sa site kaya naisipan ko na ipag-ukit nalang siya. Hindi ko pa alam ang i-uukit ko noong una kaya pangalan nalang niya. 


Nag Christmas party sa school pero hindi ako umattend, unang-una wala akong pang-ambag, pangalawa wala akong pang exchange gift, pangatlo wala akong matinong damit na isusuot. Kaya noong araw na 'yon ay nasa site lang ako. 



Nang dispiras ng pasko ay parang normal na gabi lang sa amin ni papa, naghapunan ng malunggay at natulog, nang kinabukasan ay saka may patawag si kagawad na pakain, saka lang ako nabusog-busog. 


Nagulat kami ni papa nang pag-uwi namin ng site ay andoon si Lory naghihintay, may dala ring pagkain. Dahil ayaw ko naman na malungkot siya at hindi ako kumain ng dala niya, nag-abala pa siya na pumunta at magdala, eh. Kumain nalang ulit ako, at walang-walang sinabi ang handa ni kagawad sa pagkain ni dala ni Lory, ang sasarap!



Saka ko rin ibinigay ang gawa ko sa kaniya na nagustuhan niya ng sobra, akala ko magiging basura ang tingin niya, pero nagustuhan niya!


Kaso kailangan niyang umuwi agad, baka hinahanap na siya. Kinamusta ko rin siya noong gabi, baka gusto niyang magkwento kung may problema, nag-aalala lang ako. Pero ang sabi niya ay okay lang naman daw siya. 


Habang lumilipas ang panahon ay parang mas nagiging totoo ang sinabi ko kay papa na crush ko na si Lory, minsan ay mag cha-chat ito at tatanungin kung nasaan kami ngayon, iyon pala ay magapapturo siya ng sipnayan, hindi rin nawawala ang mga dala niyang pagkain kaya kapag pupunta siya ay lagi akong busog. Sa tuwing magkikita kami, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, ngayon lang akong nagka-crush, sa kaniya pa. 



"Lapit na ng piyesta, pre! Excited na ako!" Masayang turan ni Mark habang kumakain kami ng miryenda, halata naman na excited siya lalo na at drummer siya ng banda ng school. 


Halos madalang na rin pumasok ang mga teacher namin dahil kakalahati nalang ng klase ang nasa classroom, ang iba ay nasa practice ng banda. 


"Kung sumali ka sa banda edi sana pati ikaw excited." turan nito, umagat ako sa turon na binili ko at  napa-ismid.


"Wala akong pambayad sa banda-banda na 'yan." sagot ko rito, "May scholar kaya ang banda, wala kang gagastusan." Napalingon ako sa kaniya at napakunot ang noo. 


"Kahit na, kung sumali ako sa banda na 'ya, edi lalo akong nangitim." Parehas kaming napahagikhik ni Mark sa aking sinabi. 



"Inin, si Lory andito!" Napa-igtad ako sa pagkakahiga sa kama nang sumigaw si papa sa labas. 


Si Lory at marami siyang dalang pagkain, ang mukha rin nito ay hindi maipinta, bad mood. Bumili siya ng bagong motor, tapos binilhan niya rin ako ng helmet! Ibig bang sabihin ay lagi niya akong ia-angkas sa motor niya?! 


Hindi rin ako nagkamali na mainit ang ulo nito, kaya naman pinakalma ko at kinwento ko pa para gumaan ang pakiramdam niya. 


"Ipaggagawa pa kita ng bahay kapag engineer na ako. Ako ang kukunin mo na engineer ng bahay mo ha?" Nangongontrata na agad ako kahit nasa highschool palang, advance kasi ako mag-isip!



Lumipas ang isang linggo at ilang araw ay piyesta na ng Tagkawayan, hindi kami gaanong nagkita  ni Lory ng mga araw na 'yon pero naiintindihan ko naman, kahit nga ako ay abala rin sa school at iba p'ang bagay. 


"Tito si Inin, oh! Ayaw sumama!" Nagpupumilit si Ryan na pumunta kami ng parke ngayon at manood ng labanan ng banda. 


"Si Mark andoon! Ayaw mo b'ang makita ang kapogihan ng tukmol na 'yon?!" Pilit ako nitong inilalabas ng bahay, 


"Sige na Inin, sumama kana, minsan lang ang piyesta." ani ni papa, napasimangot ako bago nagpadala kay Ryan, inilibre pa ako nito ng tricycle papuntang park dahil ayaw niya maglakad. 


Ang kaso, pagdating sa park, iniwan ako ng gago! Nakita ang mga kaklase namin na babae. Ayaw naman sa akin ng mga babaeng kaklase namin, ang pangit ko raw tapos ang itim. Hinahayaan ko nalang, di ko na pinapatulan. 


Iiwan ko na sana si Ryan nang makita ko si Lory sa kabilang banda ng park, kasama ang mga kaibigan niya. Mukhang masaya nga sila, eh. Hindi ko na muna siguro siya iistorbohin. Isa pa mga kaibigan niya yun, panigurado mayayaman din yun, baka mandiri sila kapag nalaman na may kaibigang kagaya ko si Lory. 


Nang mag perform ang OLLA ay kitang-kita ko ang pagsigaw ni Lory, siya na ang pinapanood ko at hindi ang performance ng OLLA. Mas nakakatuwa siyang panoorin, lalo na kapag lumalawak nag ngiti niya at animo'y manghang-mangha sa performance ng banda nila. 


Nang matapos ang OLLA ay lumayo na muna ako at pumunta sa may mga tindang street foods, siguro nga ay aalis nalang muna ako, gagong Ryan 'yan! Ipinagpalit ako sa mga babae!


"Inin!" Natigilan ako nang tawagin ako ni Lory,

"Wuy! Andito ka pa pala! Kanina pa kita pinapanood." Akala ko aalis na rin siya pagkatapos ng OLLA.

"But I didn't performed." ani nito at napangisi ako bago umiling.


Inaya ako nitong kumain, kahit nahihiya ay sumama ako sa kaniya, saka lang ako nakatikim ng Japanese foods na bukang bibig ni Ryan at Mark lagi, siya naman Korean foods. Kumakain na kami nang TH na ang mag-perform, noong una nagdadalawang isip ako kung manonood ba ako dahil hindi pa tapos kumain si Lory, pinabantayan niya nalang muna sa tindera nag pagkain namin bago kami nanonood ng performance nila Mark. 


Tapos ibinili niya rin ako ng t-shirt, parehas pa kami. Biglang nag-aya na umalis si Lory, naramdaman ko rin ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko, nag-aalala man pero hinayaan ko na siyang umalis at nagpaalam na rin naman ako pauwi. 




"Parang may hinihintay ka na mag-chat." Pang-aasar ni Mark, andito nanaman si tukmol sa bahay, hindi niya ako maakit kung saan-saan kaya siya nalang pumupunta rito. 


"Wala ah, gago." Pabiro ko itong hinampas palayo, "Alam mo, iyang mga ganiyang pagkatulala may meaning 'yan." ani nito at napakunot ang noo ko, "Ano naman? 'Wag mo 'kong gaguhin, pre." turan ko at napatawa ito. 


"In love! Inlababo ka, pare!" ani nito at nanlaki nag mata ko, "Gago! HAHAHAHA!" Tumawa ako nang malakas, 


"Paano mo nalaman?" 


Napahagalpak ng tawa si Mark habang ako naman ay napakamot sa ulo. "Sinasabi ko na nga ba! Sino 'yan, ha? Si Michelle ba? Gagi 'wag 'yon! Maganda at matalino pero sama ng ugali! Kita mo noong isang araw, sinabihan ka ng racist na salita! Indiano ka naman, hindi ka Black American, tsaka nangingitim ka dahil lagi kang nasa ilalim ng araw, 'wag 'yon--"


"Gago! Dami mo'ng sinabi, di naman si Michelle." Putol ko rito, natigilan ito at taka akong tiningnan, "Eh? Edi sino?" tanong niya at napahagikhik ako, "Basta, baka  mausog." 



Nausog yata ni Mark, lumipas ang buwan ng Pebrero at hindi kami nagkita ni Lory, kahit messages wala. Lakas ng balis ni Mark! Nagsasawa na siguro ito sa akin. 


Kaya naman laking gulat ko nang may missed call ito sa Messenger, dahil tuloy doon nagkaroon kami ng mapag-uusapan. Kahit papaano napasaya nanaman niya ako. 


Dahil sa hirap ng buhay marami akong hindi sinasalihan sa school kagaya nalang ng prom. Habang papalapit nang papalapit ang prom, karamiham sa mga babae kong kaklase ay excited na. Si Ryan at Mark may ka-date na rin, hindi na ako nag-abala na maghanap dahil hindi naman ako makakapunta. Saan ako kukuha ng 500 na pang-ambag at damit na isusuot? At saka wala naman may gugusto na pumares sa akin. 


Bumisita si Lory sa amin at may dala siyang pagkain, pati pala sila nalalapit na ang prom. Tinanong pa niya ako kung sumasali ako sa ganon, wala talaga sa hilig ko ang malalaking kasiyahan. 


May sinabi pa siya na hindi ko gaano naintindihan, sabi niya wala lang 'yon kaya hindi ko na inusisa pa. 


"May ganap pala sa covered court, OLLA yata ang may paganap doon." Narinig ko na usap-usapan nila papa, dali-dali tuloy akong nag-message kay Lory at nangamusta, mukhang okay at masaya naman siya roon. 



"Congrats Inin! Ayos, ah! Nakapagtapos kana ng highschool! College na ang kasunod!" Kaka-uwi lang namin ni papa galing covered court, moving up kasi namin ngayon, ang mga kaklase ko nag-akitan pa kung saan-saan pero mas pipiliin ko na umuwi nalang kasama si papa. 


"Hindi pa po, may senior high pa." sagot ko bago naupo sa tabi ng isang katrabaho ni papa. Nag mi-miryenda na sila. 


"Ay, may ganon pa ba? Hindi ba pwedeng college na agad para makapagtapos kana at mapagawan mo na ng bahay ang papa mo?" tanong ng isa, napangisi ako bago kumagat ng tinapay at umiling. 


"Mahaba-habang proseso pa po, maraming sako ng semento pa ang hahalulin." 




Bakasyon na, nakaka-ilang punta na rin sila Mark at Ryan sa amin, minsan may dalang pagkain, madalas itlog lang nila ang dala. Mainit ang panahon, magpumilit man ako na tumulong kila papa ay ginagalitan ako, baka tamaan daw ako ng heat stroke. 


"Pa!" sigaw ko nang makitang ibinababa ng mga katrabaho niya si papa, walang malay. 


Pinapa-uwi ko an si Lory pero nagpumilit ito at sumama pa sa ospital. Halos ilang dasal sa lahat ng santo na alam ko ang aking nagawa nang isugod namin si papa sa ospital.  Kasama ang mag katrabaho ni papa ay sama-sama namin siyang dinala roon maski si Lory. 


Subukan ko man na pigilan ay wala na akong nagawa kundi ang maiyak. Paminsan-minsan na rin nagkakasakit si papa pero sa punto na mahimatay siya ay hindi pa. Bago sa akin ito, bago yung pakiramdam na takot na baka hindi na gumising si papa. 


Si Lory, na bagong kaibigan ko palang ay tumulong din sa amin sa pambayad sa ospital, kahit ayaw ko man tanggapin ay mapilit siya. Totoo ang mga sabi-sabi nila papa na mabait talaga sila Lory. 


"Sagutin mo kaya?" sabi ko kay Lory, may tumatawag kasi sa kaniya pero di niya sumagot hanggang sa tumawag ulit ito, may inii-snob yata siya. 


Umalis na rin siya maya-maya matapos ang tawag, siguro ay may kailangan siyang gawin. Sapat na ang pagtulong na ginawa niya, hindi lang simpleng pagtulong kundi sobra-sobrang tulong. 


Matapos ang ilang araw ay bumisita ulit siya, nakipagkwentuhan pa siya kila papa. Pagkatapos tinulungan niya akong mamili ng papasukan kong school sa Senior High, pasalamat ako na andiyan siya para tumulong. 



"Parang hindi kana pinupuntahan ni Lory," Pang-aasar ni papa, napatawa ako ng bahagya at umiling, "Busy lang 'yon, pa, saka okay lang naman na hindi siya madalas makita." 




"Parang ang lungkot-lungkot mo, p're?" Inakbayan ako ni Mark habang naglalakad kami papalabas ng school, si gago, hinihintay ako sa may bahay para lang makita ako, sa OLLA kasi siya nag Senior High habang sa Munhigh naman ako, nagkalayo na kami. 


"Wala lang, buhay-buhay lang." sagot ko habang naglalakad, nakatingin sa kalsada. 


"Hirap ba ng STEM sa Munhigh, p're? Mag-asawa nalang kaya tayo?" Napatawa ako ng pagak bago ito siniko. 


"Hindi sa pag-aaral, may iniisip lang ako." sagot ko, nagulat ako nang humarang ito sa harapan ko kaya napatigil ako sa paglalakad. 


"Tangina, inlababo ka, pare?! HAYOP! Kakapasukan palang, ha!" Pag-eeskandalo nito, hinampas ko ito sa ulo para matauhan siya, naglakad ako dire-diretso habang si Mark ay napahabol sa akin. 


"Sino p're? Taga Munhigh? Marami b'ang magaganda doon? Lipat kaya ako--"


"Nasa OLLA, nasa OLLA ang gusto ko." Putol ko rito, nang lingunin ko ito ay magka-agwat ang labi nito. 


"Tangina..." Pingataasan ko ito ng kilay. "Ako ba 'yon, p're? Crush mo na ba ako?" Nasapok ko ulit ito, "Tarantado naman nito! Nagbibiro lang! Mapanakit!" sigaw nito at napahagikhik ako. 


"Sige na, uuwi na ako, may pupuntahan pa kami." ani ko bago tumuloy sa bahay. 


Pag-uwi ko ay agad akong nagbihis ng medyo maayos bago lumabas, opening ngayon ng McDonald's at isa si papa sa mga trabahador dito. 


Medyo madilim na nang magsimula ang opening, tahimik lang akong naka-upo sa tabi nang magsalita na ang isa sa may-ari ng kainan, balita ko sila Lory rin ang may-ari nito. 


"Ipinapakilala ko nga pala ang anak ko na si Samuel Matias at magandang anak ni Thiago, Avery Louise! Tayo kayong dalawa, tayo."


Gumuhit ang ngiti sa labi ko habang pumapalakpak nang marinig ang pangalan ni Lory, nanghaba ang leeg ko para makita si Lory na nasa unahan at kasama ang Samuel na sinasabi. 



Kumakain kami nang lumapit sa amin sila Lory kasama iyong lalaki kanina. Kahit nag-aalangan ako ay pinilit kong ngumiti. 


"Magandang gabi rin hijo, boyfriend ka ba ni Lory?" Napakunot ang noo ko sa tanong ni papa, anuba naman 'yan, pa?


"Ahm... well--"


"No po tito, hindi po. He's just a friend." Putol agad ni Lory sa lalaki, parang nagtalunan ang mga laman-loob ko.


"Akala ko pa naman boyfriend mo, malulungkot si Inin niyan, lagi ka man din hinihintay." Nabulunan ako sa kinakain ko at agad natakpan ang bibig ni papa.

"Di ah! Si papa baga!" Tanggi ko rito, hindi ko naman talaga siya hinihintay, sadyang nagpapalamig lang ako sa labas.

"Diba lagi mo siyang inaabangan kapag galing ka ng school?" tanong ulit ni papa, napapikit ako ng mariin.


"Si papa eh!"



"Bakit ayaw mo'ng sabihin kay Lory na gusto mo siya?" tanong sa akin ni papa nang maka-uwi kami, 


Napatawa ako ng pagak bago huminga ng malalim, "Nakita niyo naman po yung lalaking kasama niya, mayaman, matipuno, panigurado boyfriend niya 'yon. Nahihiya lang siyang sabihin sa 'tin." sagot ko kay papa bago nahiga sa kama. 


"Anak, kung boyfriend niya 'yon, hindi na pupunta-punta si Lory sa atin." ani ni papa at napatawa ako. 


"Hindi na nga po siya pumupunta diba? Malay niyo, bago lang silang magkasintahan, hayaan na natin." ani ko at naramdaman ko ang paghiga ni papa sa kama. 


"Edi ano, anak? Susuko nalang? Di mo manlang ipapaalam kay Lory ang nararamdaman mo?" tanong nito sa akin. 


Bumuntong hininga ako, "Parang ganon na nga po." 




"Naninibago kaba sa bagong lugar, 'nak?" tanong sa akin ni papa, kakalipat lang namin ng lugar dahil may bagong trabaho si papa, tabing dagat naman ito ngayon, medyo presko na medyo mabaho ang simoy ng hangin, ang dami ring kabataan dito. 


"Medyo 'pa, hindi kasi ako sanay na sa maraming tao na lugar tayo nakatira." sagot ko at ginulo ni papa ang buhok ko bago nakapahagikhik. 


Nakalipas ang ilang araw at medyo may mga nakikilala na rin ako na kabataan dito, isa na si Uro na anak ng mangingisda na maski siya ay nangingisda na rin. 


"Hindi ka ba natatakot malunod? O di naman kaya ay baka lumubog ang bangka na sinasakyan mo?" Pag-uusisa ko, naglilinis siya ngayon ng lambat habang naka-upo lang ako sa may hagdan palusong ng dagat. 


Napatawa ito nang bahagya, "Hindi, maalam naman ako lumangoy tsaka maingat naman si sir Isaiah magpatakbo ng bangka." sagot nito at utay-utay akong tumango. 


"Anong kukunin mo'ng kurso sa college?" tanong ko rito, 


"Sabi ni sir Isaiah, kung gusto ko raw maging kapitan ng barko, BSMT daw, Marine Technology, ganon." sagot niya at tumango ulit ako, tangina di ko alam 'yon. 


"Magkakapitan ka? Hindi ba mahal ang tuition kapag ganon?" tanong ko ulit, 


Saka lang ito nag-angat ng tingin sa akin, "Sabi ni sir, papag-aralin daw niya ako, basta magsisipag lang ako." sagot niya at bahagyang nagparte ang mga labi ko, 


"Ahh, scholar pala, sige, goodluck, kapag kapitan kana, libre mo 'ko sa barko mo, ha?" Pagbibiro ko at parehas kaming napatawa. 


Bandang 3:30 nang natapos si Uro sa paglilinis ng lambat. Bumalik na ako ng bahay dahil dadating ngayon si Lory, nagpalit na rin ako ng damit dahil baka amoy araw na ako. 


"Nabangga ka pa." ani ko kay Lory, si Uro kasi, takbo nang takbo, muntikan na tuloy mabangga ni Lory. 



Lumipas ang mga linggo at buwan, mapalipat man kami ni papa ng lugar, madalas na kaming nagkikita ni Uro, paminsan-minsan pumupunta ako sa kanila, minsan naman, mag cha-chat ito sa akin at pagpunta sa amin ay may dalang tuyo na siya mismo ang nakahuli, masipag din sa buhay si gago. 



"Miryenda  po kayo..." Napalingon ako nang lumabas mula sa bahay ang anak ng pinagtatrabahuhan ni papa. 


"Ah sige hija, tapusin ko lang ito, Inin kumain kana muna." sabi sa aki  ni papa, nahihiya akong lumapit sa babae bago kumuha ng tinapay at juice. 


"Sa Munhigh ka raw nag-aaral?" ani niya at bahagyang nanlaki ang mata ko. 


Napangisi ito, "Nakikita ka ni mama sa senior high building, minsan nakikita rin kita!" Dagdag niya at utay-utay akong tumango. 


Naupo siya sa mahabang bangko na gawa sa kahoy at tumabi ako sa kaniya para magpahinga, 


"Tahimik ka pala? Sabi kasi ng papa mo sa papa ko, maingay ka raw, hindi naman." ani niya, maski siya ay kumakain na ng tinapay. 


"Nahihiya palang ako, pero kapag kakilala ko naman ay maingay na ako." sagot ko at utay-utay siyang tumango. 


"Alam mo, para kang yung kaibigan ko, si Lory, tahimik lang yun sa ibang tao, kadalasan masungit pa, pero sa amin minsan gago rin." ani niya at biglang napakunot ang noo ko nang marinig ang pangalan na 'Lory'.


"Lory?" tanong ko at tumango siya, "Oo, Lory, may iba ka bang narinig? Bakit?" tanong niya at napatawa ako nang pagak. 


"May kakilala lang kasi akong Lory rin ang pangalan." ani ko at utay-utay siyang tumango. 


"Panis ang Lory mo sa Lory ko, blonde, tapos maputi, matangkad---" 


Nanlaki ang mata ko. 


"Tapos blue at green nag mata, tapos--"


"Canadian?" Putol ko at natigilan siya bago taka akong tiningnan. 


"Huh? Paano mo alam? Lory Valdez ba ang tinutukoy mo?!" Gulat niyang tanong at napahagalpak ako ng tawa. 


"Oo! HAHAHAH! Hanep! Iisnag Lory pala tinutukoy natin!" Hagalpak ko ng tawa, 


"Gagi, paano mo siya nakilala?" tanong niya at napangisi ako, "Ano... wala, nakisilong siya sa amin noong umuulan, tagal na, last year pa kami nagkakilala." sagot ko at utya-utay siyang tumango. 


"Ano name mo?" tanong niya, "Inin, Rustin Landin." sagot ko at nakita kong nagparte ang mga labi niya. 


"Ah, Indiano ka 'no?" tanong niya ulit at tumango ako, "Oo, bakit?" tanong ko at umiling siya bago ngumisi. 


"Ikaw pala 'yon! HAHAHAH!! Gagi! Tagal ka nang inililhim sa 'kin ni Lory!" Usal nito at napakunot ang noo ko. 


"Ang alin? Anong yun? Anong sabi ni Lory tungkol sa 'kin?" Natataranta kong tanong habang siya ay tawa nang tawa.


"Hindi, hindi, ayoko nga, blehhh!! Bala ka d'yan!" Ibinaba niya ang tray na hawak niya sa bangko bago tumakbo papasok ng bahay nila. 


Napakamot ako sa batok ko, ano kaya 'yon? 



"Papa! Sabi ni Lory hindi raw siya interesado  na mag boyfriend! Wala raw siyang boyfriend! Ano ba? Susubok pa ba ako o ano?" Natataranta kong turan, 


Napabuntong hininga si papa, "Anak, nasa saiyo ang desisyon kung aamin kaba o hindi." sagot ni papa at napakamot ako sa ulo. 


Sa tuwing pupunta siya rito ay tinatatagan ko ang sarili ko na hindi umamin at mailang. Basta ayoko lang na may maiba sa kilos ko na mahahalata niya at baka magdulot pa ng pagkasira ng kung anong meron kaming dalawa. 


Hanggang sa isang araw ay siya na mismo ang nagtanong. 


"Siguro binibiro mo rin mga kaibigan mo na babae na gusto mo sila." ani nito nang ibigay ko sa kaniya ang kape, napakunot ang noo ko bago taka siyang tiningnan. 


"Ah... iniisip mo pa rin pala yun, ano..." Gago, aamin na ako, bahala na! 


"Gusto kasi kita. Walang halong biro, masaya ako kapag kasama, sobrang komportable ako kapag andiyan ka, hindi ko maipaliwanag kapag nakikita kita, excited ako, na may halong kaba, tapos... basta tatalon na yung puso ko palabas."  




"Edi ano? Manliligaw kana?" tanong sa akin ni Uro, hapon ngayon at may dala itong banana cue para sa aming dalawa. 


"Hindi siguro, hindi raw siya interesado sa love, eh." sagot ko bago kumagat ng saging. 


"Pero aasa siya, i-pursue mo! Kasi umamin ka, eh!" ani nito at napasimangot ako, 


"Paano?"


Sabi ni Uro alamain ko raw mga bagay na gusto ni Lory, damit, sapatos, bag, mga aksesorya, pagkain. Mabibili naman niya yun para sa sarili niya, eh! 


Dahil Englishera siya, sinubukan ko nalang siyang sabayan kaya bahagya kong hinasa ang sarili ko sa Ingles para sa kaniya. 


"Wow, English-Spokening kana, ah." ani ni Uro nang magkita ulit kami, "Well thank you, I am really studying English." sagot ko at napatawa ito. 


"Sige sige, kaya mo 'yan, galingan mo, para sa babae mo." ani nito bago kumain ng tsitseriya na binili niya. 


Pero hindi maiiwasan na duduguin na ako sa ilong kapag kausap siya, siyempre, natural lang sa kaniya ang mag-Ingles! Eh ako, namamali-mali pa. 


Napakamot ako sa ulo ko, "Akala ko pa naman," she like me better when I'm speaking Tagalog, inasara ko siya na gusto niya rin ako, hindi raw pala. 



Matapos yun ay natagalan ulit bago kami nag-usap, madalas naiisip ko na baka dumidistansya na talaga siya dahil sa pag-amin ko. Na baka hindi niya gusto na may nararamdaman ako sa para sa kaniya at talagang hanggang magkaibigan lang kami. 



"Anak, paskong-pasko malungkot ka." tinapik ako ni papa sa likod, napabuntong hininga ako, "Wala na pa, ayaw na sa akin ni Lory, umamin na kasi ako, eh." Malungkot kong turan, 


Sumandal si papa sa semento bago napabuntong hininga, "Ganiyan talaga anak, hindi natin madidiktahan ang damdamin ng iba. Sarili nga nating nararamdaman hindi natin kayang diktahan, damdamin pa kaya ng iba?" ani nito at bahagyang gumuhit ang ngiti sa labi ko. 


"Malay mo busy lang? Pasko ngayon anak, baka sa bagong taon bisitahin ka." ani ni papa at medyo nabuhayan ako ng loob. 


Kinabukasan ay ipinagluto ko si Lory ng spaghetti gamit ang ipon ko na baon, may ginawa rin ako sa kaniyang kwintas gamit ang mga beads ng kaklase kong babae, tinuruan nila akong gumawa. 


"Ssob! Merry Christmas! Punta ka dito sa amin! Ipinagluto kita tsaka may regalo ako sayo!" Masaya kong bati, nagbabakasakali na pupunta siya. 


"Excited ako para sa regalo ko sayo, iyon nga lang ay simple lang siya. Alam ko naman na makakabili ka ng ganito pero gawa ko 'to, ssob!" Dagdag ko pa, miss ko na siyang makita at sana ay makapunta siya, sayang din ang niluto ko para sa kaniya. 


Napakunot ang noo ko nang hindi siya sumagot, "Ssob? Andiyan ka ba? Di ka sumasagot."


[Ahm... yes, andito ako. Ano kasi... Inin wala ako sa Tagkawayan ngayon, hindi ako makakapunta.] Napa-awang ang labi ko, 


"Ah... sige, ganun ba? Bukas ba?" Napa-upo ako sa bangko bago inilapag ang sandok, nasa lamesa na ang spaghetti at nakahanda na ang mga pinggan. 


Nagpilit ako ng ngiti, "Ah... AHHH, alam ko na! Nasa family vacation kayo? Ah, okay okay, gets ko na. Sige ssob, enjoy ka lang diyan." 



Nang patayin ko ang tawag ay napabuntong hininga ako, "Putangina." Napahilamos ako sa mukha, naiiyak yata ako.


Pinapunta ko nalang si Uro, Mark at Ryan, nagkakila-kilala pa ang tatlo at mukhang okay lang naman sila. 


Habang kumakain ng spaghetti ay natutulala ako, ang sakit naman. Siguro ay talagang umiiwas na siya sa akin. Tangina naman kasi, kasalanan ko 'to. 



Dispiras ng bagong taon, andito kami ngayon ni papa sa park, nanonood ng fireworks, naisipan ko na batiin si Lory ng Manigong Bagong Taon.


To: Lory

Happy New Year! Kamusta ka?


From: lory

I'm good! Kayo ni tito? Kamusta kayo?


To: Lory

Okay lang, masaya naman kami ni papa. Kailan kayo uuwi?


Napakagat ako sa ibabang labi ko, naghihintay ng sagot niya.


From: Lory

Why? Miss mo na ako?


Bahaga akong napatawa, "Kung alam mo lang." turan ko habang tumitipa sa cellphone. 


To: Lory

Yes, sorry na, na-miss lang talaga kita.




To: Lory

Pero okay lang yun, mahalaga nag-eenjoy ka diyan. Alam ko naman na uuwi kayo eh.


From: Lory

Yes, uuwi kami at may pasalubong ako sa inyo ni tito.



Nang bumalik ang pasukan ay ang focus naman ng mga kaklase ko ay ang kung saan sila magco-college habang ako, ito, magdadala lang ng miryenda sa faculty ng mga teacher. 


"Kumain kana, Sadillo?" tanong ni Ma'am Miranda. 


Napangisi ako, "Hindi pa po, mamaya nalang po." sagot ko at akmang aalis na nang tawagin ako ni ma'am Elazar, 


"Sadillo, saan ka magco-college?" tanong nito sa akin, 


Humarap ako sa kanila at napakamot sa batok, "Wala pa po, eh. Hindi ko pa po alam." sagot ko at tumango siya, 


"Ano b'ang kurso ang kukunin mo?" tanong ulit niya, "Engineering mo sana, kung kaya." nag-aalinlangan kong sagotm


"Ay kaya, magaling naman si Inin." turan ni Ma'am Miranda, "Sumubok ka sa PUP at may scholarship doon, subukan mo rin ang UP, subok lang nang subok." ani nito at gumuhit ang ngiti sa labi ko. 


"Sige po ma'am, salamat po." ani ko bago umalis ng faculty nila. 


Humingi rin ako ng opinyon kay Lory kinagabihan, makakapasa naman daw ako kahit saan ako mag-exam, support daw niya ako.  Kinikilig ako!


Sa mga nakalipas na araw ay napagdeisyunan ko na mag-exam sa iba't-ibang university, sana naman ay sa dami nang paga-apply-an ko ay may maipapasa ako. 


Nang sa wakas ay bumisita ulit sa amin si Lory, muli ko siyang ipinagluto at saka ko naman naibigay sa kaniya ang kwintas na ako mismo ang may gawa. Masaya na ako na sa wakas ay nakita ko an ulit siya, hindi ko naman alam na may mas ikakasaya pa 'to.


"I like you too, gusto rin kita." Nanlaki ang mata ko sa kaniyang tinuran, sandali, sandali! Seryoso ba siya?!


"H-Ha? Seryoso ka ba?" Tinawanan niya muna ako bago siya tumango. Para akong pinawisan sa paa dahil sa sinabi niya.


"Yes, I like you, you like me, we can be magjowa na." Natameme ako sa sinabi niya.


Nagparte ang mga labi ko bago siya takang tiningnan. Hindi gaya ko, mukha siyang sigurado sa sinasabi niya. Ang dating pa nga sa akin ay parang inuutusuan niya akong maging boyfriend niya. Hindi naman ako nagrereklamo! Gagawin ko talaga 'yon kung gugustuhin niya.

Napaturo ako sa sarili ko, "Magjowa? Payag ka na ganito lang magiging boyfriend mo?" Nag-aalinlangan kong tanong,


"Well yes!! What do you mean 'lang'? You're literally an awesome person!!" sigaw nito at doon ay naliwanagan na ako sa kaniyang sinasabi. Saka gumuhit ang malawak na ngiti sa labi ko.


Lord, grabe naman ang blessing na ibinbigay niyo sa akin this year. Kalmahan niyo lang, January palang, may entrance exam pa ako, baka maubos na agad ang blessings na para sa akin.


"Ayaw mo ba?--" 


Napasinghap ako, "Of course gusto ko! Nagbibiro ka ba? Nagulat lang ako! Parang ganito oh, HAA!?" Napasapo ako sa dibdib ko, ala-alang gulat na gulat. Napakahalpak siya ng tawa at doon ay pinagmasdan ko siyang masaya at tumatawa, humahampas-hampas pa sa lamesa.


Ang swerte ko sa kaniya.
























Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com