Epilogue III
"Biro lang manong, okay na po pala." Agad akong bumalik sa loob ng jeep at naupo sa kanina kong inuupuan.
Hindi ko na nagawang mag-review, na-okupa na ang isip ko ng aking nakita. Bakit sila magkayakap? Bakit niya pinuntahan si Lory? Bakit sila nagkita? Bakit sila nagkita ng saktong ka-aalis ko lang? Kung may problema siya, bakit hindi niya sa akin sinabi? Bakit kay Ponce pa?
"Tapos na po ako sir," Inilapag ko sa lamesa, sa harap ng prof ko ang test paper ko.
Tinaasan ako nito ng kilay, "Sigurado ka? I Gave you 2 hours for that quiz, 35 minutes mo lang sinagutan?" tanong nito, tumango ako.
"Okay, take your seat, I'll check your paper." ani niya at tumango ako bago naglakad pabalik ng bangko ko.
Ilang buntong hininga ang nailabas ko habang naghihintay at nag-iisip. Buong exam silang dalawa ang nasa isip ko, ano kayang dahilan kung bakit sila magkayakap? Nagkaproblema kaya sa kumpanya? O di naman kaya ay sa pamilya ni Sam.
"Tama!" Pabulong kong sigaw, baka may problema sa pamilya ni Ponce kaya ganun. Alam kong walang gagawing masama si Lory, kahit kailan ay hindi ko siya pinaghinalaan.
"Mr. Sadillo," nag-angat ako ng tingin sa prof ko nang tawagin ako nito.
"Congratulations, 149 over 150, sayang ang one point, maling equation ang ginamit mo." ani ng prof ko at nanlaki ang mata ko bago napatayo para lumapit.
"You may now get your belongings and leave the exam room." dagdag pa ng prof ko,
"Thank you sir!" ani ko habang hawak-hawak ang papel ko.
Kinuha ko na ang gamit ko at lumabas ng silid. Tumatalon-talon pa ako nang lumabas ng silid. Gusto ko sanang i-text si Lory pero gusto ko siyang i-surprise. Pinalipas ko lang ang araw nang hindi nagpaparamdam kay Lory, alam kong iisipin niya na baka malungkot ako dahil mababa ang nakuha ko. Sanay siya na kapag maganda ang kinakalabasan ng exam ko ay nagte-text agad ako, pero ayaw ko muna siyang sabihan ngayon, surprise nga, eh.
Kinahapunan, maaga akong umuwi, namili na rin ako sa malapit na grocery store ng gagamitin ko sa pagluluto, sana hindi ako maabutan ni Lory na nagluluto.
Sumasayaw-sayaw pa ako habang niluluto ang pagkain, excited na talaga akong makita si Lory ngayon. Alam kong matutuwa siya kapag nalaman niyang halos ma-perfect ko ang exam.
Mabuti naman at pagsapit ng alas sais, oras na kakatapos ko lang magluto ay wala pa si Lory, makakapagpa-pogi pa ako.
6:30pm, wala pa rin siya, "Busy naman masyado ang mahal ko. Kaya siguro matamlay kanina at marami siyang kailangan tapusin." ani ko sa sarili ko habang naka-upo sa isang bangko sa dining.
Alas siyete, wala pa rin, tinanggal ko muna ang sapatos ko.
Alas otso, "Nasaan ka na?" Nag-aalala kong turan bago dinampot ang cellphone ko pero cannot be reach ang number niya.
Hindi ako tumigil doon at ang unang pumasok sa isip ko ay si Ponce, kasama niya iyon sa opisina, malamang ay magkasama pa sila ngayon.
"Hello, pare? Si Rustin 'to, boyfriend ni Lory, kasama mo pa ba siya diyan?" Nahihiya kong turan nang sumagot ito sa tawag ko.
[Ah... ano kasi pare, wala na ako sa opisina, tinawagan mo na ba--]
"Oo pare, walong beses na, baka pwedeng makiki-check naman, nag-aalala na ako, wala pa siya rito." ani ko at nag-hum ito,
[Sige pare, sasabihan kita kapag nakatawag na ako sa opisina.] ani niya bago pinatay ang tawag. Hindi pa ako doon natapos, sinubukan ko rin tawagan ang mga kaibigan niya, si Tobi, si Gwen, pero kahit silang dalawa walang alam.
Alas nuebe, wala pa rin akong alam kung nasaan siya, tinanggal ko na ang polong suot ko at tinakpan na rin ang mga pagkain na nakahain sa lamesa. Si Sam, wala pa rin message sa akin.
Napahagod ako sa buhok ko, "Nasaan kana? Please," Mahina kong turan habang pinaglalaruan ang tinidor,
Alas diyes, naisipan kong si tito Thiago naman ang tawagan, [Wala siyang sinabi sa akin na pupuntahan niya, baka naman kasama ang mga kaibigan---]
"Wala po tito, tumawag na rin ako sa mga kaibigan niya. Hindi raw po nila alam kung nasaan si Lory...!" Medyo tumataas na ang boses ko dahil sa pag-aalala, ni isa sa amin walang alam kung nasaan si Lory.
[Sige sige, kumalma ka, magpahinga kana rin muna, malay mo may ibang pinuntahan.] ani nito at tumango ako bago napasapo sa noo.
"Sige po tito, tawagan niyo po ako agad kapag alam niyo na kung nasaan siya." ani ko at nag-hum si tito bago pinatay ang tawag.
Pumasok ako ng kwarto at ibinagsak ang sarili ko sa kama. Ilang minuto akong tulala sa kisame. Hindi kaya nagsisinungaling ang mga tao sa paligid ko? Paano kung alam naman pala talaga nila kiung nasaan si Lory? Paano kung nilayasan na pala talaga niya ako?
Tumayo ako ng kama para maghilamos, baka kailangan ko lang mahimasmasan.
Pumasok ako ng banyo para mahimasmasan, ang sabon na madalas kong ginagamit sa mukha ay paubos na kaya binuksan ko ang cabinet sa likod ng salamin, pero pagkabukas ko nito ay agad nahulog ang tatlong stick mula sa loob nito.
Tatlong pregnancy test na lahat positive. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"Tangina...?" nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang tatlong pregnancy test na lahat ay nagpapakita ng dalawang linya.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, pero alam kong lalong akong nataranta. Alam ko naman na kay Lory ang mga ito, walang ibang babae na nakatira rito at lalong hindi naman siguro magtatago si Lory ng pregnancy test ng kung sino.
"B-Buntis siya..." bulong ko bago nagsimulang umagos ang mga luha sa aking pisnge.
Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol, itinakip ko sa aking braso sa aking mata habang patuloy ang pag-agos ng mga luha.
"Buntis siya, tangina, buntis siya pero-..." hindi ko na natuloy ang aking sinasabi nang mabulunan ako ng sarili kong laway habang umiiyak.
Akin ba ang bata? O sa lalaking kasama niya? Ayaw ko siyang paghinalaan dahil alam kong hindi niya iyon gagawin pero hindi ko na naiintindihan ang mga nangyayari. Kung akin ang bata, bakit siya umalis? Dahil ba alam niyang hindi ko sila kayang buhayin? Dahil ba wala akong kakayanan para buhayin silang mag-ina ko? Gagawin ko naman ang lahat, lahat ng makakaya ko. Lahat ng ayaw niya ay babaguhin ko, lahat ng gusto niya ay susundin ko. Hindi ba sapat ang pagmamahal ko? Wala ba siyang tiwala sa akin?
Agad kong ibinulsa ang tatlong pregnancy test bago humaripas ng takbo palabas ng condo. Humahangos akong tumakbo palabas ng building bago sumakaya ng jeep papunta sa apartment ng mga kaibigan ni Lory.
"Lory!! Tobi?! Gwen! Lory!!" sigaw ko sa labas ng apartment nila, may pailan-ilang dumadaan na napapatingin sa akin.
"Lory! Lumabas ka please! Mag-usap tayo! Magagawan natin ng paraan 'to!! Ayusin natin 'to, oh!" Patuloy ang pag-agos ng mga luha sa aking pisnge. Nang bumukas ang pinto ay napasugod ako sa bumukas nito.
"Inin--"
"Si Lory? Andiyan ba siya? Sabihin mo andito na ako, papanagutan ko sila. Nagpapamaka-awa ako, please, 'wag lang niya akong iwan." Ibinato ko ang aking sarili kay Tobi at utay-utay napaluhod sa sahig.
"Inin, ano bang sinasabi mo? Wala rito si Lory." Bakas sa boses nito ang pag-aalala,
Agad akong umiling, "Hindi, andito siya, alam kong andito siya. Ilabas niyo na siya please, alam kong dito lang siya pupunta, nagmamaka-awa ako, hindi ko kayang wala siya." Para akong bata na nakalupasay sa sahig.
Narinig kong napasaltik ang dila ni Tobi, "Inin, gather yourself! Wala nga rito si Lory, huwag kang gumawa ng eksena! Wala siya rito! At kahit kami ay hindi alam kung nasaan siya! Hindi nga namin alam na nawawala siya." Mariin nitong turan bago ako sapilitang itinayo.
He gripped tightly on both sides of my arms, "Try contacting tito Thiago, baka siya alam niya. Pero kami," umiling ito, nakita ko kung paano nangilid ang luha nito, "Hindi namin alam kung nasaan ang kaibigan namin." ani nito bago ako marahas na itinulak at pinagsaraduhan ng pinto.
Umiiyak ako na umuwi ng condo, pagkadating na pagkadating ko ng unit ay agad kong tinawagan si tito Thiago, "T-Tito... andiyan po ba si Lory?" Natauhan ako sa ginawa ni Tobi, sinubukan kong magtunong matino.
[Sadillo? N-Nawawala si Lory?] tanong nito, napahikbi ako bago tumango, "Yes tito, hindi pa siya bumabalik simula kaninang umaga, hindi ko na rin siya ma-contact. Nag-aalala na ako, tito. Paano kung napahamak na siya? Paano kung may masamang nangyari sa kaniya? Sa anak namin?" Muling nag-unahang umagos ang aking mga luha, kahit masakit na ang aking ulo kakaiyak ay hindi ko ito mapigilan.
[Rustin... hindi... hindi ko alam kung nasaan siya.] Malumanay na sagot ni tito, nagpahid ako ng luha bago tumango, "Sige po tito, sabihan niyo po ako kapag alam niyo na kung nasaan siya." ani ko bago pinatay ang tawag.
Bahagya akong napasandal sa sofa at hindi na namalayang nakatulog.
Kinabukasan, nagising ako at mataas na ang sikat ng araw. Alas nuebe, gusto ko sanang kumain pero nang buksan ko ang ref ay napaluha lang ako nang makita ang baked mac na niluto ko na sana ay pagsasaluhan naming dalawa.
Paga ang mata ay pumasok ako ng university, hindi ko naman pwedeng pabayaan ang pag-aaral ko, lalo akong hindi deserving sa pagmamahal ni Lory kung pababayaan ko ang pag-aaral ko.
Pag-uuwi ko sa hapon ay muli akong binabalot ng lungkot at pangungulila. Ang mga test paper ko ay inilalatag ko sa lamesa, lahat 'yon perfect, tangina. Sumagi palang sa isip ko si Lory ay agad ng nag-uunahan ang mga luha ko at katulad ng kagabi ay kagaya ng nakasanayan ko na ay umiiyak ako hanggang sa pagtulog.
Napagdesisyunan kong hindi pumasok isang araw, wala akong gana at alam kong wala na rin naman kaming gagawin. Nagkakape ako nang may biglang mag doorbell, napakunot ang noo ko. Si Lory na ba ito?
Nagulat ako nang bumungad sa akin ang lalaking nakita kong kasama ni Lory noong huli ko siyang makita kasama si tito Thiago.
"Tito?" Nanghihina kong turan, umawang ang labi nito bago napahilamos sa mukha, "Gosh, Sadillo, inaalagaan mo pa ba ang sarili mo?" tanong nito at utay-utay akong umiling.
"This is Sam, kaibigan siya ni Lory, he came here to talk to you. Iwan ko na muna kayong dalawa." ani ni tito bago tinapik sa likod ang Sam na sinasabi niya at umalis.
Binuksan ko ng mas malaki ang pinto para makapasok si Sam.
"Ikaw si Mr. Ponce? Anak ng may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Lory." ani ko habang naglalakad pabalik ng dining.
"Ah, y-yes, yes that's right." ani niya, nanatili akong nakatalikod sa kaniya at tumango bago sumimsim ng kape.
"Alam mo kung nasaan siya diba? Diba?!" tumaas ang tono ng boses ko nang harapin ko siya.
"Don't you dare lie to me! Nakita ko kayo! You two were hugging in front of the building noong araw na umalis siya! Alam mo kung nasaan si Lory!" Muling nangilid ang mga luha ko, ngunit ngayon ay hindi na ito lungkot bagkus ay galit.
Bahagya itong napa-urong, "Rustin, I don't know where Lory is--"
"Bullshit!" Marahas kong ibinaba ang baso sa countertop. "Paanong hindi! Paanong hindi mo alam kung magkasama kayo ng umagang yun!" Ngayon nalang ulit ako nagsalita nang malakas sa nakalipas na tatlong araw.
Umiling ito, "Hindi ko nga alam, I was with her, yes, pero wala siyang sinabi sa akin." Depensa nito at napatawa ako nang mapait bago umiling.
"Ganiyan ba kayong mayayaman? Tangina naman! Dahil ganito lang ako? Dahil... basura lang ako sa tabi niyo ay kinakawawa niyo na ako! Ginagawa niyo akong tanga at siraulo! Hindi ba kayo na-aawa sa akin!? Sabihin niyo lang kung nasaan siya!!!" Napasaubot ako sa aking buhok, utay-utay itong lumapit sa akin bago hinawakan ang aking braso.
"Rustin, listen, I do not know where she is, but if you're really that worried, I know she's doing just fine." he calmly said,
"And the baby? Alam mo ba na buntis siya? Ha!? Na may bata sa sinapupunan niya na ang batang 'yon ay maaaring akin o sa 'yo!" Dinuro-duro ko siya at nakita kong nanlaki ang mata nito.
"What are you talking about?---"
"Sige, magsinungaling ka pa! Ginawa mo na kanina at alam kong magagawa mo nanaman! Pero kahit itanggi mo pa, alam kong maaaring ikaw ang tatay ng batang dinadala niya--"
"Did you just accused Lory of cheating!!?" Nanlaki ang mata ko nang bigla ako nitong kwelyuhan at itinulak sa countertop.
"Oo umalis siya, oo iniwan ka niya, pero 'wag mo siyang pagbibintangan ng pangangaliwa!! She has her fucking reason and you should just be fucking grateful! She's doing you a huge favor so get yourself together, asshole! Ginawa 'to ni Lory para rin sa 'yo! She's selfless as fuck! Umayos ka, tangina mo!!" Para akong kinapos ng hininga nang bitawan niya ako, galit na galit ang kaniyang ekspresyon ay bahagya akong natakot.
He pointed at me, "Umayos ka, magtapos ka, get that fucking Engineer before your name, do good, magtrabaho ka, bumili ka ng mga gusto mo, ayusin mo ang buhay mo. Babalik ang babaeng minamahal mo kapag naabot mo lahat ng yun!" Matigas niyang turan bago ako iniwan sa loob ng condo.
It took me hours to gain my right state of mind. Naligo ako, nag-ayos ng sarili, nag-ayos ng condo. Saka ako natauhan ng mapagtanto ko kung gaano kagulo ang condo ni Lory. Malinis niya itong iniwan, dapat malinis din ito sa oras na bumalik siya.
Inihihiwalay ko ang mga damit ko sa damit niya ng mapansin ko ang isa kong t-shirt, bigay niya 'to, noong highschool kami, piyesta noon, tandang-tanda ko pa. Kahit masakit, kahit napapaluha ako ay pinilit kong ayusin ang mga gamit ko, kahit masakit at mabigat, umalis ako ng condo.
Natagpuan ko ang sarili kong nakaharap sa apartment building, nagbabakasakali na andito silang dalawa.
"Magandang gabi po, may tao po ba sa kwarto namin?" tanong ko sa land lady namin, nag-angat ito ng tingin bago ako pinanliitan ng mata.
"Si Inin na ba ito? Ang laki mo na! Ang tagal kitang hindi nakikita! Oo! Oo! Andiyan si Uro, nasa taas, tuloy ka." Magiliw nitong turan, bahagya ko siyang nginitian bago umakyat ang hagdan.
Mabigat ang dala, mabigat ang mga talukap ng mata, mabigatv ang pakiramdam, pumunta ako sa alam kong silid naming tatlo.
Isang malalim na hininga bago ako kumatok, "Sandale!" sigaw nito mula sa loob,
Pagbukas ng pinto ay bakas sa mukha ni Uro ang gulat, "Oh, napabisita ka," napababa ang tingin nito sa mga gamit na dala ko, "Babalik kana? Bakit?" Malungkot nitong tanong, nagtataka na rin.
Napahikbi ako, "Pwede ba?" Binuksan nito nang mas malaki ang pinto, "Oo naman, pre. Ikaw pa! Halika nga!" Agad ako nitong hinigit bago niyakap, "Anong nangyari? I-kwento mo, mas maganda kapag inilalabas 'yan." ani niya bago ako hinigit papasok ng apartment, ipinagsara pa niya ako ng pinto dahil hindi ko na napigilan pa ang mapaiyak sa balikat niya.
"Upo tayo, gagi," ani nito bago ako inalalayan na umupo sa sofa naming sira.
"Iyak lang, iyak mo lang 'yan." Hinihimas-himas nito ang likod ko, ilang minuto rin akong umiiyak sa balikat niya, bago ako saka lumayo at nagpahid ng luha.
"Iniwan niya 'ko..." Napahikbi ako, gumuhit ang gulat sa mukha niya, "Pre---"
"At buntis siya, tangina, nagdadalang tao siya, at anak ko 'yon." Muling nag-unahang umagos ang mga luha ko.
"Hindi ko na alam gagawin ko, ayaw nilang sabihin kung nasaan siya, hindi ko na siya matawagan, ma-contact manlang, wala, sabi nila hindi raw nila alam, alam kong alam nila! Ayaw lang nilang sabihin sa akin!" Napasabunot ako sa aking buhok.
"Kasalanan ko 'to, bakit kasi mahirap lang ako? Bakit kasi wala akong pera kagaya ng Ponce na yun? Bakit ganito lang ako?" Napatungo ako at hinayaan na tumulo ang mga luha, nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Sean.
"The fuck happened?!" Taranta nitong tanong, nakapantulog pa ito.
"Iniwan ako ni Lory, pre, naglaho na parang bula, ayaw nilang sabihin kung nasaan siya." Pagsusumbong ko, napabuntong hininga ito bago ibinaba ang wallet at susi na dala bago lumapit sa amin at isiniksik ang sarili sa sofa.
Tinapik ako nito sa likod, "How do you feel right now?" tanong niya at napabuntong hininga ako bago pinaglaruan ang mga kamay ko.
"Pagod, nakakapagod, nakakapagod magmaka-awa, nakakapagod umiyak, nakakapagod... magmahal."
"Are you sure you've got everything you need? Red ba brief mo?" tanong sa akin ni Sean habang nagsasapatos ako,
Napatawa ako ng pagak, "Oo nga, kagabi mo pa sinasabi sa akin 'yan." sagot ko rito,
"In, andito na si Sam, bumaba ka na." sigaw ni Uro mula sa may bintana ng apartment.
"Oh sige na, una na ako, kitakits nalang mamaya pag-uwi." Paalam ko sa dalawa,
Bahagya akong nginitian ni Sean, "You got this, engineer." ani niya bago ako tinapik sa balikat.
Pagbaba ko ng apartment ay sinalubong ako ni Sam na nakasandal na sa kaniyang sasakyan, "Gara naman ng driver ko, naka Audi." Pagbibiro ko, nag-angat ito ng tingin bago napatawa.
"Kapal mo rin, get inside, baka ma-late ka pa sa exam mo." ani niya at napahagikhik ako bago tumango at pumasok sasakyan ni mokong.
Sa hindi ko inaasahang pangyayari ay naging magkaibigan na rin kami ni Sam. Simula nang umalis siya, madalas ako nitong binibisita at pinupuntahan, una kaming nagkasundo ay noong mag-inom kaming apat, at doon nagsimula na madalas na namin itong kasama sa mga gala. Katulong ko rin 'to sa pagre-review para sa exam ko, taga-print ko 'to ng reviewer sa opisina pa nila para walang bayad.
"May... balita ba kayo sa kaniya?" nagpapakasakali kong tanong, halos araw-araw ko siyang kinukulit ang tungkol kay Lory, pero kagaya ng araw-araw niya rin na sagot, "Wala, she's a very stubborn girl, hindi namin mahanap. We'll let you know once na may balita na kami." ani niya at tumango lang ako.
Maya-maya ay dumating na kami kung saan kukuha ako ng exam, "Galingan mo! Get that Engineer, boi!" sigaw nito mula sa loob ng sasakyan niya nang makalabas ako.
Napangisi ako, "Oo naman! Sige na, umalis kana!" Pagtataboy ko rito, tumawa pa ito bago nagmaneho paalis.
Huminga ako nang malalim, "Ito na 'to, para kay Lory, para sa bata, para kay papa."
"EZ Engineer kay Sadillo! Cheers!!" sigaw ni Sam bago itinaas ang baso niya na may lamang champagne,
"I knew you could do it, Engineer Sadillo." Sean smirked at me, hindi ko mapigilan ang ngiti ko nang sumimsim ako ng inumin.
"Akala ko talaga hindi ako papasa--"
"Siraulo, sa talino mong 'yan!? Sure pasa ka kaya!" Putol sa akin ni Uro, napahagalpak kami ng tawa.
"I'd like to thank the three of you," huminga ako nang malalim, "Ayan na ang speech niya," bulong ni Uro.
"Salamat sa tulong niyo sa pag re-review ko, sa pag print ng reviewers, Sam." I raised my glass at him, "Sa emotional support, thank you for being my support system. Thank you, cheers!"
And to Lory, the woman I love, I want to express my gratitude and wish you safety and happiness wherever you are. Through thick and thin, you were there for me. Even though you haven't been around for a while, I know I couldn't have accomplished all of this without you.
I'll carry on the dream I had for you and I, the dream I had for my father that evolved into a dream for both of us. Even if you're not here, I'll continue building the life that the two of us want. I'll keep working towards the dream we had for ourselves despite your absence. I want to be someone you can be proud to have when you return.
Just like what we all wanted, I got into Elazar Real Estate Company, sa tingin ko ay sa tulong na rin ni Sam dahil imposible na ngayon ang may contact sa mga Elazar si Mauro dahil patay na rin ang mag-asawang Elazar na nagpaaral sa kaniya.
Noong una ay nakakapanibago, medyo mahirap pero hindi mahirap na mahirap, sakto lang. Nanibago lang ako sa mga bagong tao, bagong kapaligiran, mga bagong bagay na kailangan kong gawin. Hindi ko naman alam na kasama pala rito ang pagtitimpla ng kape ng boss ko.
Isang tanghali, busy ako sa aking cubicle nang biglang mag-send si Sam ng picture ng bagong panganak na sanggol, napakunot ang noo ko at zinoom-in nag picture.
To: Sam
Anak mo 'yan?
From: Sam
What?! No! Idiot! A relative's baby.
To: Sam
Sus, 'wag ka nang magsinungaling, sa hitsura mong 'yan, mukha kang makakabuntis.
From: Sam
Siraulo! Bahala ka diyan!
Napahagikhik ako bago inilapag ang aking cellphone at napabuntong hininga. Kamusta kaya si Lory? Kamusta na kaya ang pagbubuntis siya? Ilang buwan siyang buntis noong umalis siya? Malapit na kaya siyang manganak? O nakapanganak na siya? Sino kaya ang kamukha ng bata? Sana siya, para kasing ganda niya. At kung sakalaing makikita ko man sa personal ang bata ay makikilala ko agad na sa kaniya ito, baka sakaling makilala ko rin ang anak ko.
"Mahigit isang taon ka nang nagtatrabaho pero hindi ka pa rin kumukuha ng matinong apartment, ang tipid mo pa rin. Really? Talbos ng kamote?" Taka akong tiningnan ni Sean habang nakakunot ang noo at hawak ang isang tali ng talbos ng kamote.
Napatawa ako bago naglakad papalapit sa kaniya at inagaw ang talbos sa kamay niya, "Nag-iipon ako," maikli kong sagot,
Napasinghal ako, "Yeah right, you earn 6 digits a month sa mga Elazar, those people pay their employees good shit, nagtitipid ka pa? Ano ba 'yang pinag-iipunan mo?" tanong niya at napatawa ako bago sumimsim ng kape.
Bumuntong hininga ako, "Bahay, bahay na parehas naming pinangarap ni Lory." sagot ko at pinanliitan ako nito ng mata.
"Bro, she's not around, are you sure babalik siya?" he asked and I chuckled before shrugging, "I'm not, but it's still our dream, our dream house, kaya pagtatrabahuhan ko 'yon." ani ko at inirapan ako nito.
"Downbad---"
"Coming from you?" I teased and he rolled his eyes again.
Tanghali nang sabay kaming umalis ni Sean ng apartment ko, hindi na ako pumasok kaninang umaga dahil hanggang alas dos ng madalang araw ang over time ko kahapon, nagbawi muna ako ng tulog. Pagbalik ko ng opisina ay itinuloy ko lang ang ginagawa ko kahapon.
"Nasaan na yun?" Naiinis na akong naghahanap sa mga papeles ko. Nawawala ang isang hard copy ng isang document at hindi ko rin dala ng flash drive na may soft copy, pero ang alam ko ay sa laptop ni Sam ako nagpa-print noon kaya sana ay nasa kaniya pa.
"Hello, Sam? Alam kong nasa bakasyon ka pero I need your help." ani ko at nag hum lang ito sa kabilang linya.
"Remember the document na ipina-print ko sa 'yo last month pa, the one sa Alabang? Pwedeng makikisend naman sa email ko ngayon na, if possible? Pasensya na talaga pare, urgent lang." Natataranta na ako, napahaplos na ako sa aking noo pero bigla akong natigilan nang may marinig na boses mula sa kabilang linya.
"Sam, when do you think should I go back?"
That voice...
"Sagugtin mo 'ko, hoy--"
[Yes, got that, tanda ko pa, don't worry.] sagot sa akin ni Sam at bigla akong natauhan.
"Gago ka, may babae ka yatang kasama, si Lory ba 'yan?" Pagbibiro ko na may kasamang mapait na tawa. Kilalang-kilala ko ang boses na 'yon, hindi ako pwedeng magkamali.
Napatawa si Sam sa kabilang linya, [Siraulo, it's just someone, kung sino-sino naririnig mo. I need to go na p're, bye." Agad nitong pinatay ang tawag.
Nang patayin niya ang tawag ay parang nanuyo ang lalamunan ko, ilang buntong hininga ang pinakawalan ko bago nakapag prosesong muli ang utak ko.
Hindi ako pwedeng magkamali, isang taon at mahigit na ang nakakalipas pero hindi ako pwedeng magkamali na si Lory iyon, boses iyon ni Lory, boses 'yon ng babaeng pinakamamahal ko.
Buong gabi kong inisip iyon, buong gabi, habang nagtatrabaho ako, iyong boses lang na 'yon ang nasa isip ko. At sa totoo lang ay ang sakit na meron akong natatabunan ng pagod, stress at trabaho ay muling kumirot, bumalik ang sakit na hindi naman talaga nawala, saglit ko lang na nakalimutan, pero dahil sa narinig ko ay muli kong na-alala kung gaano kasakit at kung gaano ako umiyak nang umalis siya.
Years passed, several weeks, months, several nights that I used to dream of her, and a little girl that has been always with her in my dreams. Hindi ko alam kung babae ba o lalaki ang anak niya, pero dahil sa mga panaginip ko ay naniwala akong may batang babae, na babae ang anak niya, na pwedeng anak ko rin... o ni Sam.
Simula nang marinig ko ang boses niya noong gabing iyon ay mas naniwala akong kay Sam ang bata, dahil kung hindi ay bakit siya ang kinakasama nito? Bakit si Sam ang pinili ni Lory na makasama sa kung nasaang lupalop man sila ng mundo?
"Good morning Engineer,"
"Good morning!" Bati ko sa mga taong bumabati sa akin sa loob ng kumpanya,
"Good morning Engineer, mukhang masaya ka ngayon, ah. Galing ka ba sa bahay mo?" Nakangising turan ng guard sa akin.
Napangiti ako, "Yes manong, at maganda pa rin nag bahay, Elazar Real Estate never fail to amaze me, ang galing nilang gumawa ng bahay."
Within just a span of a year, the house is fully finished, the house that is for me and Lory. Even though I only have small confidence now that she's coming back, I still fulfilled our dream for that house.
"Hey Trish," I greeted Trisha, a friend that I had when I started working here.
"Good morning, Engineer, ang lawak ng ngiti mo." bati nito at napatawa ako bago gumawa ng kape ko,
"I always start my day with a smile, shut up." ani ko at napatawa ito at umiling bago ako iniwan sa coffee bar.
Around 9 in the morning, my co-engineer approached me to deliver a news.
"Pare, alam mo na ba? Na hindi ngayon alam kung sino ang magha-handle ng Elazar Group and Company?" ani nito at utay-utay akong tumango.
"Alam ko, matagal ko na ini-isip 'yan. Walang tagapagmana ang magkakapatid na namatay dahil lahat naman 'yon walang mga asawa at anak. Iyong bunso lang naman nila ang may pamilya, isang anak pa, at ang nag-iisang anak niyang lalaki, iisang anak lang din ang meron, babae pa, doktor." sagot ko rito at napasandal ito sa aking lamesa.
"Ano? Ituloy na natin ang pag re-resign? Sa Ponce na, parang may masama akong kutob na si Mr. Ocampo ang papalit, naku! Yari tayo doon, eh hindi pa nga siya ang boss akala mo kung sino na kung umasta, paano pa kaya kung naka-upo na siya?" tanong nito at napatawa ako.
"Hindi mo pa pala itinutuloy ang resignation mo? Kami kasi nila Trisha, tapos na, nakapagpasa na, nakapag-apply na rin sa Ponce, ituloy mo na ang sa 'yo, pare, ako na ang sign."
Kahit si Sam ay matagal nang alam ang tungkol sa issue ng Elazar, wala pang isang linggo ang pagkamatay ng magkakapatid na sa tingin namin ay sinadya ay may mga nag-aagawan na agad sa puwesto. Ang sinasabing tagapagmana rin ay hindi pa napapangalanan, pero ako, alam ko na kung sino, alam na rin ni Sam.
Naging madali ang paglipat namin nila Trisha at ng iba pang empleyado ng Elazar sa mga Ponce, hindi ko alam kung dahil ito kay Sam pero alam kong qualified naman kaming lahat, kaya confident din ako na hindi dahil sa koneksyon ko kay Sam ang dahilan kung bakit kami nakapagtrabaho agad.
"Saya naman p're! Magkasama tayo sa trabaho!" Kakapasa lang ni Sean sa bar exam niya at Ponce agad ang kumuha sa kaniya, sa totoo lang ay akala ko noong una ay Elazar ang kukunin niya, pero utay-utay ng bumabagsak ang Elazar kaya siguro hindi rin nila naisip na maganda kung kukunin nilang abogado ng kumpanya si Sean.
"Siraulo, be professional nga, para kang bata." Sinita ako ni Sean dahil nagtatalon ako habang naglalakad kami sa hallway ng opisina.
Unang araw ko ngayon dito dahil medyo na-late ako na makalaya mula sa Elazar kaysa sa iba kong mga kasama.
Una akong dumiretso sa cofee bar nila, hindi pa kami naipapakilala ng boss pero gusto ko nang maglibot-libot. Mula sa malayo ay nakilala ko ang likod, blonde na buhok at tindig ng isang babae.
Habang naglalakad papalapit sa kaniya ay mas lalo ko itong kinilala, mabibigat ang aking paghinga sa bawat hakbang ngunit sa oras na ako'y tumigil na sa kaniyang likuran ay pinilit kong ikalma ang aking sarili.
"Baka mag palpitate puso mo miss. Makikita mo agad si Lord niyan." Kanina ko pa napapansin na ilang shot na ng espresso ang inilalagay niya.
Nakita ko kung paano nanlaki ang mata niya, pero ang mas napansin ko ay kung gaano hindi halos nag-iba ang kaniyang hitsura, maganda pa rin siya, hindi siya mukhang tumanda ng ilang taon simula noong huli ko siyang nakita.
"Ah, kaya naman pala! What's up miss... Valdez? Long time no see!"
Pinagmukha kong hindi ko siya kilala at sadyang concerned lang ako sa kape niya.
"Inin..." It was the first word that came out her mouth, my name, almost came out as a whisper.
We had a short conversation, at first I felt so tensed. Hindi ko alam kung paano ako aasta o kikibo matapos ang ilang taon naming hindi pagkikita at usap. Matapos niya akong iwan, hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Hindi ko alam kung pwede pa rin ba akong magbiro kagaya ng dati o nagbago na siya sa paglipas ng panahon.
Until it was finally time to introduced us, our boss introduced us to everyone in every department, even in her department. She was even almost in front of me when I got introduced, I tried looking at her direction but not making it obvious, one thing I noticed is that she was avoiding eye contact, she was looking on the floor.
Hindi ko alam kung nang-aasar si Sam o nang gagago but he introduced me and Sean to Lory, I know damn well he knows we know each other.
"She's Lory, my future wife."
My lips parted, Lory pinched him on his side and he immediately took his joke back, or was it a joke?
Throughout the whole time, madalas kami ni Sean na nasa Finance department, ang palusot namin ay nakiki-kape kami rito, kahit ang totoo ay sinisilip ko siya doon. Most likely, si Sean ang pinapalingon ko sa gawi niya dahil ayaw ko naman na mahuli niya akong nakatingin sa kaniya.
I would also prepare a food for two, kapag nasa bahay ako, ang lakas ng loob ko na isiping kayang-kaya ko ibigay sa kaniya ang pagkain na ginawa ko, pero pagdating ko sa opisina, nanghihina na ako at ibinibigay nalang ito kay Sean.
"When will you tell me that you will prepare food for me too? Edi sana hindi na ako bumibili sa baba." Iritang turan ni Sean nang inilapag ko sa lamesa niya ang isang tupperware.
"It's not yours in the first place, kumakain na kasi si Lory sa baba, she looks happy with her food." turan ko bago naupo sa harap nito para kumain.
"Selos ka naman? Abangan mo sa labas 'yong chef ng resto sa baba, tambangan mo." Barumbadong sagot ni Sean at napatawa ako ng pagak.
But one afternoon, it looks like it's not my lucky day. It's not lunch time and I pass by the Finance Department, dadaan lang sana ako doon para tingnan kung andoon pa ba siya bago pumunta ng restaurant sa baba, at doon ko siya nakita sa cubicle niya, nakasubsubob sa cubicle niya, kumain na kaya siya? Sadly, I just prepared a sandwich and shanghai for today, but I still gave it to her, ibabalik pa nga raw niya ang tupperware.
"Kinilig ka naman?" tanong ni Sean habang tumitipa sa kaniyang laptop, "Aba siyempre! Kasi tinanggap niya, ibabalik pa nga raw niya yung tupperware! Edi magkikita ulit kami! Hinihintay ko na nga siya, eh." sagot ko at napatawa si Sean bago napa-iling, "Downbad. Downbad, downbad, downbad, bakit pa parehas kayo ni Mauro na downbad? Tsk!" Pinagtaasan ko ito ng kilay,
"Makapagsalita ka naman akala mo---"
"Engineer, may naghahanap po sa inyo." Parehas kaming napalingon ni Sean sa pinto nang may tumawag sa akin.
"Papasukin mo na," ani ko at tumango ang babae, napatayo ako nang pumasok si Lory ng opisina ni Sean.
"O-Oh, miss Valdez, napapunta ka." Nauutal pa ako,
Bahagya siyang ngumiti bago itinaas ang tupperware na pinaglagyan ng pagkain, "Ibabalik ko lang ito, hinugasan ko na rin 'yan, salamat, masarap yung pagkain." Naglakad siya papalapit sa akin bago ini-abot ang tupperware na halos hindi ko mahawakan nang maayos dahil sa kaba.
"A-Ah sige, una na ako, busy yata kayo." Gusto ko sana siyang pigilan kaso mabilis siyang nakalabas ng pinto.
"Oh ano? Edi kinikilig ka lalo? Baka mapa-ihi ka sa kilig, tatadyakan talaga kita." Pagbabanta ni Sean, hindi ko na napigilan ang kilig ko at nagpapadyak sa sahig, ang ganda-ganda niya talaga! Walang pinagbago! Mahal ko pa rin!
The next day, nagulat kami ni Sam nang mag-message si Mauro sa group chat naming tatlo, andito nga pala sa bansa ang lalaking 'yon. Nag-aaya ng inom, kaya naman kinagabihan ay pumunta agad kami sa resort nito.
"Welcome, make yourself at home--"
"Ah talaga, kahit hindi mo na kami sabihan." Dire-diretso na pumasok si Sean ng isang cottage,
"Kamusta?" Inakbayan ako ni Mauro, "I have a news for you." ani nito at tinaas ko ito ng kilay, "Chismis?" Pagtatama ko at napatawa siya, kakapasok palang namin ng cottage nang sunod-sunod nang dumating ang mga pagkain at alak.
"Kamusta ang ibang bansa?" tanong ko bago tumikim ng calamares, napabuntong hininga ito, "Ayon, malamig ang panahon, pabago-bago." sagot niya habang nakasandal,
"Maraming babae," dagdag ni Sean at napatawa kami ni Mauro, "Speaking of babae, I know where Lory lives." Napa-angat ako ng tingin at ibinaba ang baso na hawak ko.
"At paano mo naman nalaman?" Pinag-taasan ko ito ng kilay, "Well Lory called me to pick up Ali kasi nag-inom sila and it's dangerous for Ali to drive herself home, kaya ayun, nalaman ko address ni Lory." Paliwanag niya at utay-utay akong tumango.
"Pfft, Ali pala, ha?" Pagbibiro ni Sean, napatawa ako bago ito hinampas sa hita, "Tagal na, ah, diba Uro? Matagal na?" tanong ko at napatawa ito bago sumimsim ng alak at umiling, huh?
Ipinaliwanag sa amin ni Mauro ang address ni Lory, para namang pupunta ako roon, "Diretso ka lang, tapos liliko kana ng kanan, pagliko mo, diretso ulit, maliit lang na bahay, walang gate pero may streetlight, sa tingin ko nga ay nakakatakot 'yon kapag gabi, sa umaga naman ay okay lang." ani niya at utay-utay akong tumango.
Sa maliit na bahay? Bakit hindi siya bumalik sa condo niya? Tsaka hindi ko aakalain na titira siya sa isang bahay na ganon lang. Ang ganda-ganda ng bahay na pinlano namin, buo na nga ang bahay, hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin sa kaniya.
"Hello, Sam? Napatawag ka?" Wala akong trabaho ngayon, day-off at nagpapahinga ako sa bahay nang biglang tumawag si Sam.
[Hello, p're, pasundo naman ako sa may bandang Quiapo, sa may pamilihan, nasiraan ako ng sasakyan, hatid mo 'ko sa event hall namin.] ani nito at napa-awang ang labi ko,
"Yaman-yaman mo, bumili kana ng bagong saakyan, ha? Sige, papunta na ako." Ibinaba ko ang tawag at lumabas na ng apartment, binaybay ko ang kalsada papuntang Quiapo at natagpuan si Sam na nakatayo sa gilid ng sasakyan niya, nakabukas ang makina sa unahan.
"Anong nangyari diyan?" tanong ko nang buksan ang bintana, "Itinirik ako, gagong sasakyan 'to." ani niya bago naglakad papalapit sa sasakyan at sumakay na.
"Sa event hall lang p're, malapit lang naman at minamadali na ako kaya di na ako nag book ng Grab." ani niya at napatawa ako,
Papalalit kami sa event hall na sinasabi niya nang bumungad sa amin ang malaking tarpaulin, "Salamat pare, babawi ako next time!" ani niya bago lumabas ng sasakyan, but it wasn't just the tarpaulin that caught may attention.
It was Lory standing outside, agad siyang nilapitan ni Sam nang bumaba ito. Mabilis kong pina-andar ang sasakyan paalis.
Lia's Christening, that was written on the tarpaulin. Is Lia the kid? Is that her child's name? Is that their child's name?
Pero paano kung nag ninang lang pala si Lory sa binyag? What if nag ninang at ninong lang pala sila?
My mind started to get crowded with thoughts. Hindi ko alam kung ano na ba talaga. Hindi ko alam kung ano ang mas kapanipaniwala. Gusto ko nang malaman ang totoo pero hindi ko alam kung paano. Gusto kong maka-usap si Lory tungkol sa bagay na iyon. Kung bakit siya umalis, kung bakit niya ako iniwan at kung bakit hindi niya sinabi sa akin ang tungkol sa bata?
"Anong plano mo?" tanong sa akin ni Sean, sumimsim ako ng alak bago umiling, "Wala, kung wala siyang balak sabihin sa akin, bakit pa ako magtatanong? Baka magkagulo lang kami, mabuti nga at nagkaka-usap na kami nitong mga nakaraan, nagiging close kahit kaunti. Baka kapag nangulit ako ay umalis nanaman siya." sagot ko bago muling sumimsim ng alak.
"So you'll just live with the fact that you could have a kid by now? Pero hindi mo siya tinatanong at mabubuhay ka kasama ang mga tanong mo na hindi mo masagot-sagot." ani niya at tiningnan ko siya.
"Anong gagawin ko--"
"Ask her, walang masamang magtanong. Paano ka mapapanatag kung hindi ka magtatanong? Paano masasagot ang mga tanong mo na 'yan? Paano kung anak mo nga yung bata?" sagot nito at napabuntong hininga ako.
"I don't think things would work out anymore, Sam is there, mas naging close sila, mas... mas bagay na sila." sagot ko at napasinghal si Sam.
"That's not what we're trying to figure out here, we're trying to figure out about your fatherhood, kasi malay mo tatay kana pala, hindi mo lang alam." Matigas nitong turan at napabuntong hininga ako.
"Bakit ba kasi hindi niya sinabi noon, bakit pa siya umalis, ilang taon akong nabuhay sa mga tanong ko." ani ko at bumuntong hininga si Sean.
"At patuloy kang mabubuhay ng hindi mo alam ang totoong dahilan kung hindi ka magtatanong. Get yourself together Sadillo and ask her na!"
But I couldn't bring myself to ask her, sa ilang beses kaming nagkakasama, nagkakabungguan, nagkakausap, hindi ko magawang tanungin ang tungkol sa bagay na yun. I can say I am a coward, I can say that I'm weak when it comes to her. Her eyes, her smile, her smell, her presence, she's making me weak. I'm at point of my life where even she ask me to jump off a building, I'd do it for her, I'd catch a bullet for her. Ganun ko siya kamahal.
"Labas lang ako saglit, pare." Tumayo si Sean mula sa bangko kinauupuan niya, we have a meeting in few minutes at aalis pa talaga siya. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Lory sa tabi ni Sean.
Napa-awang ang labi ko, alam ko naman na gumagawa lang ito ng paraan para maiwan kaming dalawa lang ni Lory.
"Are you okay?" I tried to start a conversation, but she didn't respond through words and just nod instead. I guess she doesn't want to talk to me.
I couldn't stand that awkward silence between the two of us that's why I decided to call Trisha, she will be here with us too.
When Trisha and the other's came, it was a relief to me and I hope it was a relief to her too. Trisha introduced herself to Lory and I tried to examine her expression, she looks okay with Trisha, she doesn't look... uneasy.
"What do you think this meeting is all about? Wala namang issue sa marketing department, sa dept niyo ba?" Trisha asked, I shook my head, "Wala rin, the house sa Ayala is doing great naman." I replied, Trisha continue asking questions, they were loud. I glanced at Lory's direction but she's busy using her phone, same as Sean.
Sam announced that we will be having a team building sa Palawan, everyone was excited of course, kahit ako, I've never been there before. Hindi rin kasi ako mahilig pumunta kung saan-saan. But I think it would be a great experience for everyone. Specially work could be very stressing. I hope Lory would come.
Few days before the team building, she asked me a question I didn't expected she would ask me.
"Si Trisha, girlfriend mo?" Napalingon ako kay Sean na halatang nagulat pero dinaan sa pag-inom ng kape.
"A-Ah... huwag mo na sagutin, una na ako." she immediately walked away.
"Ang bagal mo sumagot, hayop ka! It's clear that she's jealous! Gago ka talaga!" hinampas ako ni Sam sa balikat,
"Paano mo nasabi na nagseselos siya---"
"I took Psychology in college, dipshit! It's clear, tangina, now she's gonna overthink it, then she'll cry, get hurt from nothing then she'll move on and you'll be single forever." ani nito at napaunot ang noo ko.
"Hindi naman siguro--" "Oo, tanga mo kasi."
Pagdating ng lunch, inaya na ako ni Sean kumain sa baba, nagulat kami nang makasalubong namin sila Lory at Alyssa na kaibigan niya.
"Hi attorney, hi engineer, kain na kayo." Bati ni Alyssa, nagulat ako nang agad naglakad palayo si Lory nang mabilis.
Tinaasan ako ng kilay ni Sean, "See, now she doesn't wanna see you, tsk tsk, kawawa ka naman."
A day passed and I barely see her sa office. Dahil sa sinabi ni Sean ay napa-isip ako kung iniiwasan nga ba ako nito. At kung sakali man na iniiwasan niya ako ay bakit ko pa siya pupuntahan sa Finance department?
Our whole department or floor was called for a meeting, it was all about the upcoming team building that a part of me suddenly lost interest. Hindi ko alam kung sasama siya dahil alam kong iniisip niya na andoon ako.
"You're sweating so much about it, 'wag kang masyadong magpaka-stress, busy lang sila sa finance, they're handling the money for the whole trip." ani sa akin ni Sean bago sumimsim ng alak niya,
"Alam mo, hindi ko na alam, uuwi na ako." Ininom ko na ang natitirang alak sa baso ko bago tumayo ng sofa,
Humagikhik si Sean, "Just don't worry about it too much, may flight pa tayo bukas, sige na, umuwi kana, lasing ka ba?" tanong nito sa akin, dinampot ko ang wallet ko at umiling.
"I'm all good, don't worry about me, see you tomorrow." ani ko bago naglakad papalabas ng condo niya.
Bumaba na ako sa parking at inilabas ang sasakyan ko nang mahagip ng tingin ko ang pamilyar na mukha. Sakto akong napa-preno sa harap niya, I wasn't expecting to see her here.
Napalabas ako ng sasakyan, "Why are you here at this time? Alas diyes na ng gabi." ani ko habang naglalakad papalpit sa kaniya.
"Ah... ano, pinuntahan ko lang ang kaibigan ko." sagot niya, bahagyang napakaunot ang noo ko ngunit napatango.
She was about to go but I insisted on bringing her home, I'd like to see where she lives, how her place looks like, if it looks safe, kung safe ba sila ng bata, kung maayos pa ba ito. I'm glad that she let me bring her home, delikado na mag-commute ng ganitong oras, she's just wearing her night clothes, baka kung mapa-ano pa siya.
After days of not seeing each other, I finally get to see her up close and talk to her again. I'm making sure she's comfortable in my car, making sure she don't feel uneasy until Sam's condom slipped out of my compartment box.
"Hindi sa akin 'yan, kay Sam 'yan, ipinatago niya lang sa akin." It was true, he asked me to buy one before but never took it from me.
"Okay lang naman, you don't have to deny it." ani niya at medyo nahiya ako, baka isipin niya may isinisiping na akong ibang babae.
Kinamusta ko siya, I want us to have a conversation inside the car, I don't want us to have that awkward silence.
"I'm fine, ikaw? I'm proud of you that you have finally achieved your dreams." ani niya at parang may kumurot sa puso ko, suddenly, the pain from years ago came rushing.
"I'm fine too, and thank you, I really want to make you proud. Sabi ko talaga 'yan sa sarili ko noong umalis ka, na pagbubutihan ko para naman maging proud ka sa akin kahit papaano." mapait kong sagot, bahagyang humigpit ang hawak ko sa aking manibela at animo'y nanunuyo ang lalamunan sa puntong nahihirapan akong magsalita.
"Hindi ka pa engineer, proud na ako sa 'yo." sagot niya at agad akong napalingon sa kaniya ngunit agad nagbalik ng tingin sa kalsada.
Napasinghal ako, "Really? Then why did you left--"
"Inin, kumanan ka riyan." I almost forgot this is not an endless road, I hope it was, I hope this car ride never ends, I want to ask her everything, I want answers, clear answers.
Pinatigil niya kami sa tapat ng bonggalo na bahay, simpleng-simple lang ito, mukhang kahon kung ako ang tatanungin, isang pinto, dalawang bintana sa harap, maruming puting pintura. Malayong-malayo sa dati nilang bahay, malayong malayo sa condo niya.
I asked her if she was happy here, if she's really happy in her life right now. Living a life different from her life before, way different. But she said she was okay, she said she's happy, and I believed her. I asked her if she hates me that's why she don't want to go back to her condo we both used to live together, she said no, and I believed her again, I would always believe her. I asked why did she left, but she didn't answer me. I was once again left hanging.
I forced myself to leave without answers. I was forced to leave her there and wasn't about to talk. I saw pair of little girl's slippers that I suppose is her daughter's slippers. I wonder how her daughter looks like, if she takes after her mom, or her father.
"From 10 meters away, I can sense you're in such a bad mood." Umupo si Sean sa tabi ko sa waiting area sa airport, we're leaving in few minutes.
"I saw her last night, sa parking lot sa building ng condo mo." I said in a monotone.
"Oh, really? Why raw?" he asked and I shrugged, "I don't know,"
"Maybe she's visiting her friend, but that's beyond the point, what happened after that?" he asked and I took a deep breath.
"I offered her a ride home and she accepted it, we had small talk sa sasakyan, only to end up arguing, well, I lost control, asked her why she left but didn't answered. I asked her if galit ba siya sa akin, she said no, pero I don't believe her! She left! Without a word! Paanong hindi siya--"
"Kalma, kalma, bakit mo 'ko inaaway? She's also just meters apart baka mapansin ka." Putol sa akin ni Sean, I took a deep breath and removed my glasses.
"What I just want to say is... what else could be her reason?" tanong ko rito at nagkibit-balikat si Sean.
"I don't know bro, relasyon niyo yun, 'di akin." ani niya at inirapan ko ito.
Maya-maya lang din ay tinawag na kami para sumakay sa private plane. Malayo ang seat namin sa seat nila Lory, she was sitting next to her co-finance. And I'm sitting next to Sean na natulog buong flight.
When we got off the plane, Sean excused himself to take a call, I was left with Trisha and others.
"How was the flight? LAZAR airlines really have the best services." she said while we're walking, I just hummed at her, I have no energy to talk right now, wala ako sa mood.
When we arrived at the resort, kumain agad ako, wala pang laman nag sikmura ko kaya sumama na rin ako kila Trisha para kumain. They kept on talking and talking, but as someone na wala sa mood, di na ako nakinig sa kanila at nauna na rin umalis pagkatapos kumain. After eating I went straight to our room, it's me and Sean in one room, siguro ay naisip na ni Sam na mas komportable kaming dalawa kung kami ang magkasama. Sean is sleeping, such a heavy sleeper, hindi ko na siya ginising at natulog nalang sa kama ko.
Nagisnan ko si Sean, he's already changed and said he will be eating his breakfast, it was 11 already. He left and I didn't bother moving a muscle and just continue my sleep.
After an hour, I decided to get up and took a shower, as I entered back the room, Sean is already there, busy on his phone.
"I talked to Lory and asked her to take it easy on you." ani nito at napakunot ang noo ko, isinabit ko ang towel sa bangko.
"What are you talking about?" I asked, needing more details.
He chuckled, "Sinabi ko lang yung sinabi mo kanina, yung rant mo, I told her na take it easy on you. Pero kagaya nga ng sabi niya sa 'yo, wala ka raw kasalanan kaya hindi siya galit sa 'yo." sagot nito at nahulog ang panga ko.
"Sinabi mo na nagmamaktol ako!?" Taranta kong tanong, umangat ito ng tingin at napakunot ang noo.
"I didn't used that word, I just asked her if nag-away kayo kagabi, a conversation starter. Then she asked if nai-kwento mo na sa akin, I said yes, and told her na take it easy on you. Paulit-ulit, Inin? Pangatlo na yun, ah." Parang naiinis na rin ito sa akin, napabuntong hininga nalang ako at napa-iling.
It was 2 in the afternoon when me and Sean decided to head out our room, it was also the time some of our co-workers started setting up the table so me and Sean decided to help. We also started drinking, until 3pm and the guys started playing basketball, of course me and Sean joined.
Me, Sam and Sean are in the same team, Sam is doing great, I remember he was a varsity player in his university, nai-kwento niya noon. Si Sean, sanay maglaro 'yan, batang lansangan, ako naman, sakto lang. But I was having scores, scoring 3 points and 2 points, matino naman ako maglaro.
"Sadillo, tumira ng tres! Shoot!" sigaw ng isa naming kaibigan, napatawa nalang ako dahil halatang mga lasing na ang mga ito.
Nang manalo kami ay agad nagpabili si Sam ng alak pa, they were trying to get wasted, I guess. Hindi talaga ako pala-inom pero I can say that I have a good tolerance when it comes on alcohol, nasanay na rin siguro.
We went back to our table, it was the girl's turn to play, it's volleyball this time. And she joined them, I've never saw her play a game before, or even heard that she play a sport. But I was surprise she knows how to play. What just worries me is that she's a bit drunk and she could get injured while playing.
"I-cheer niyo si Valdez, kapag nanalo'yan magpapa-inom din 'yan!" Sam shouted, I side-eyed him with a slight smirk on my lips.
They look so close with each other. I wonder what happened during the years me and Lory were apart. I wonder if a different kind of bond bloomed between the two of them.
They won, and after their game, I kept an eye on her. When I saw her catching her breath as she sat down at the corner, I grabbed a bottle of water and handed it to her.
"Pagod?" I asked, concerned.
"Magpahulas kana, may bonfire pa mamayang gabi." Pa-alala ko rito, I can say she's really drunk.
I watch her as she chugs the bottle of cold water, I took a deep breath, "I realized that I couldn't stay mad at you for so long, I'm sorry about last night." I apologized, ang kapal ng mukha ko na magalit pa talaga, siya nga walang galit sa akin.
We had a small talk, this time, it was lighter than last night, much more comfortable, she was less tensed. As if she was also comfortable, or maybe because she's drunk and she don't know what she's doing.
Nang lumubog ang araw ay nagsimula na kaming mag-asikaso ng hapunan. Inihaw na ang mga bangus at liempo, nilisan na rin ang ibang table na ginamit pero ang ibang table na pinag-iinuman ay punong-puno pa rin ng alak at pulutan.
Nang gumabi na nang tuluyan ay kumain na kami ng hapunan, sa dami namin ay mga nakakalat kami at kung saan-saan kumakain. May mga naka-upo sa bato o sahig, may iba na naka-table.
Tumayo si Sean mula sa kina-uupuan sa tabi ko, "P're, una muna ako, magsisindi lang kami ng bonfire." Paalam ni Sean, tumango ako at hinayaan siya na umalis.
Maya-maya ay tinawag na rin ang lahat para maupo sa palibot ng bonfire. Dahil unang beses ko na makakaranas ng bonfire ay hindi ko alam ang kadalasang ginagawa rito, akala ko noong una ay magpapalipas lang kami ng oras at magpapainit sa apoy dahil medyo malamig din dito sa resort.
"Simulan ko na!" sigaw ng kaibigan ni Lory na ang alam ko ay si Alyssa. She was the first one to asked question, and one by one others started joing too.
"May itatanong ako kay Engineer Sadillo!" Napa-angat ako ng tingin mula sa paglalaro sa cellphone ko.
"Huh?" bulong ko, siniko ako ni Sean na bahagyang tumatawa.
"Oooh, Engineer may itatanong daw sa 'yo!" sigaw ng kasamahan namin,
Narinig kong humagikhik si Sean sa tabi ko bago bahagyang lumapit para may ibulong, "I bet this girl likes you." ani nito at bahagya kong siniko.
"Single ka ba Engineer? Tinatanong ko lang, ha? Walang malisya?" Napa-angat ako ng kaliwang kilay bago napangisi.
"Told you, damn I told you!" Sean is already slapping my thighs, he's probably drunk already from all the drinking.
"Oy, oy! SSHHH!! Tahimik, sasagot si Engineer!" Napatawa ako nang pagak bago napa-iling.
Of course I am, I am damn single and ready to mingle but only for Lory. Sa kaniya lang ako magiging available at kahit kailan ay hindi iyon magbabago.
Napabuntong hininga ako, "Honestly... I don't know how to answer that but... I'm not available."
"So... may girlfriend ka, engineer?" A question that caught me off-guard, muli akong napatawa nang pagak.
"May follow up question pala." I joked, Sean scoffed and looked away but is surely laughing.
"Basta sa madaling salita, I am not available, doesn't matter if us two have a label, I am not looking for anyone else right now."
"Not looking for anyone else right now!? HAHAHAHA! Gago!! Just say it, kay Lory ka pa rin!!" sigaw sa akin ni Sean, nakabalik na kami ng kwarto.
"Come on, I can't just say that straight, andoon siya, baka ma-ilang siya." sagot ko rito habang inaayos ang mga gamit ko.
"Too late bro, I was observing her, nakatungo siya the whole time. She looks... she's not okay with the sudden topic." sagot ni Sean, napakunot ang noo ko bago siya hinarap.
"What do you mean? Anong hitsura niya?" tanong ko at nagkibit balikat ito, "I don't know, nakatungo, as if she doesn't care." sagot nito at utay-utay akong tumango.
"ORRR!! What if, nagseselos pala siya sa sagot mo!" bigla itong napabangong sa pagkakahiga sa kama niya.
"Sira ka, kung ano-ano nasa isip mo." Saway ko rito, "Hey! Think about it! Kaya baka nakatungo siya dahil ayaw niyang makinig sa sagot mo kasi nagseselos siya! Ayaw niyang makinig ang sasabihin mo! That's it! That's what her body language means!" Para siyang bata na nae-excite sa kaniyang sinasabi.
Napatawa ako bago napa-iling, "Tama na, Sean, matulog lang tayo, lasing ka lang." Pinatay ko na ang ilaw ng kwarto.
We went island hopping the next morning, kung saan-saan kami nakarating. Nagpalipas na rin kami ng gabi sa isang island. Puro langoy, kain at inom, iyong iba ay gahaaman kung uminom pero ako ay hindi gaano dahil nakarami na rin ako. Kaya naman pagbalik namin ng Maynila ay sobra-sobra ang pagod.
"She's not around." Nilingon ko si Sean at bahagyang pinagtaasan ng kilay, "Huh?" Taka kong tanong,
"Lory, she's not around, she's on leave, I know you're looking for her." ani nito at bahagya akong napatawa bago nag-ikot ng tingin sa cafeteria.
"How can you be so sure?" I asked and he shrugged, "She always go around with her friend Alyssa, but Alyssa have been alone since yesterday, so she's probably on leave." sagot nito at utay-utay akong tumango.
"So you've been eyeing Aly--"
"Shut it, Sadillo." Putol nito sa akin at napa-ismid ako.
The next days, she finally showed up, but something feels off. Simula noong umuwi kami galing Palawan, umiiwas na siya. Akala ko noong nagka-usap kami matapos nilang maglaro ay magkaka-ayos na kaming dalawa. Pero mukhang tama nga ako, lasing lang siya ng mga oras na 'yon.
"Hindi ka pa ba lilipat sa bahay mo? Akala ko tapos na 'yon?" tanong sa akin ni Mauro, andito kami ngayon sa bahay niya, nag-aya dahil kakadating lang din galing sa barko.
Umiling ako, "Hindi, hindi ko naman siya kasama." sagot ko habang ngumunguya,
"Oh, edi paano yung bahay? Kamusta ba kayo ni Lory?" tanong ni Uro, nagkibit balikat lang ako, ayaw pag-usapan ang tungkol doon.
"Hindi siya pinapansin, kahit tingnan siya ay hindi, sad." Mapang-asar na turan ni Sean, nag-angat ako ng tingin at napa-ismid si Sean.
"Paano na 'yon? Paano kung hindi kayo magkatuluyan? Anong balak mo sa bahay?" tanong ni Uro, at napabuntong hininga ako.
"Sama mo naman mag-isip--"
"Hayaan mo na si Inin, isang hopeless romantic motherfucker. Umaasa pa rin na magkakatuluyan pa sila ni Lory." Putol sa akin ni Sean at napahagalpak ng tawa si Uro.
"Grabe ka naman kay Inin, malay mo naman diba?" turan ni Uro at tumango ako,
"Malay? Pamilyadong tao na si Lory, she has a kid, so ibig sabihin may tatay, diba? Paano kung nagkakamabutihan pala sila noong tatay?" Sabat ni Sean at sinamaan ko ito ng tingin,
"Paano kung ako yung tatay?" Natahimik silang dalawa at nagkatinginan,
"I've seen the kid, picture lang, she's around 3 or 4, hindi ko na alam, pero may kutob ako na anak ko 'yon." Dagdag ko pa at nanatiling nakatingin sa akin nag dalawa, napa-inom ako ng alak.
"Why not confront --"
"I've tried, okay? And you know what happened, nag-away lang kami, ayaw niya nga sabihin. I can't have the answers I've been wanting to have." Putol ko rito, napasapo ako sa ulo ko bago napasabunot.
Napabuntong hininga ako, "Parang may ayaw talaga siyang sabihin."
And it continued for weeks, those awkward glances and eye contacts. The awkward atmosphere sa office, the awkward moments sa elevator, mga oras na nagkakasabay kami. She don't speak a word. Ramdam na ramdam ko na ayaw niya akong kausapin kaya naman hindi ko na sinusubukan na umimik.
"Kasal nino?" tanong ko kay Sean at Mauro, "Si Miss Melendez, yung model, yung kaibigan ni Lory." sagot ni Mauro at napakunot ang noo ko.
"Bakit naman ako invited?" Taka kong tanong sa dalawa, may ini-abot sa akin si Uro, "Awan, si miss Melendez mismo ang nagbigay niyan." ani nito nang i-abot ang invitation na nakapangalan para sa akin.
"Just show up, come on, it means she still see you as someone important, diba? Look, you're her friend's ex, so am I, tangina..." Sean kept on talking and talking, but I am in my deep thoughts.
Why would her friend invite me? Bakit nila ako naisip? Me and Lory were broken apart long ago already, and why would they invite me if they know that me and Lory had a history?
I ended up showing up, but of course I'm always with Sean and Mauro, the both of them are more comfortable with the situation. Mauro is close with Ali, Laura's friend too, while Sean, he just know how to handle himself, while I, I'm being... I'm trying to blend in. And I must admit, at first I was really shy, but then the guys made me feel better, I was able to blend in.
The ceremony was wonderful, kahit hindi ko ganoon kakilala ang dalawang kinasal ay nakita ko kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. And I never thought I'd get moved by watching two people getting married.
After the ceremony, we went out the church to wait for the vehicle that will bring us to the reception. But as we wait there, I saw her standing few meters away from us, they were also waiting for their vehicle.
Nauna silang umalis at maya-maya at dumating na rin ang sasakyan na para sa amin. Pagdating namin ng reception ay hindi ko napigilan ang mamangha. Iba talaga kapag artista ang ikinasal, idagdag pa na isang magaling na docktor ang napangasawa nito.
"Uy, payag ka nun?" Pang-aasar ko kay Uro, nasalo kasi ni Sean ang garter, sakto pa na si Ali ang nakasalo ng bouquet.
Napatawa ito nang pagak, "I don't care," sumimsim ito ng alak, napatawa ako dahil alam kong hindi totoo na wala siyang pake.
"Galit ka ba, pare?" Pang-aasar din ni Sean nang makabalik sa bangko,
Bahagya itong nilingon ni Mauro, "Ulol," sagot nito at napatawa kami parehas ni Sean.
Akala ko matapos ang reception ay makak-uwi na ako, nagulat ako nang may after party pala, sa isang hotel na pagmamay-ari ng magulang ng ikinasal.
"Mag-iinom lang tayo dito?" tanong ko kay Sean at Mauro, napatawa ang dalawa bago tumango, hindi nagsasawa sa inuman ang mga ito. She's there, at the other part of the room. Me and the other guys are at the kitchen island habang ang mga kababaihan kasama si Sam at nasa living room, nag-iinom, they were getting pretty wasted.
I knew they were drunk when we started playing a game, truth or dare.
"Lorinda! Truth or Dare! Dali andito si Inin!"
I was caught off guard when Gwen shouted that.
"Dare, iinom nalang ako ng alak!" sagot ni Lory bago dinampot ang isang shot, agad kong inabot ang kamay niya para hindi na tuluyan pa na maka-inom.
"Lasing kana," I stopped her, trying not to sound bossy.
Her friends teased us, even Sean and Mauro did, lahat sila, but I was genuinely worried of her. But she's just very stubborn, ininom pa rin niya ang shot. And I know that shot pushed her buttons, she gone insane. Maingay na rin siya, nagsisisigaw, kung ano-ano nag sinasabi.
Hanggang sa bigla siyang natumba na ikinagulat naming lahat.
"Lory? Hey, Lory? Wake up!" I was panicking a bit, hindi ko alam kung ano ang gagawin. It's the first time I saw someone collapsed due to too much drunkness.
"What do I do?" I looked at Ali, her friend, a doctor.
She shrugged, "Ano... lasing na 'yan, dalhin mo na sa kwarto niya, pero gisingin mo muna, make sure she wakes up and open her eyes before you let her sleep again." sagot nito at agad akong tumango bago siya binuhat. Pagkabuhat ko sa kaniya ay agad naman ini-abot sa akin ni Tobi ang bag niya at susi ng kaniyang kwarto.
I was able to bring her inside her room, I'm trying to wake her up.
"Can you hear me? Lory?" I'm trying to slightly shake her as I bring her inside her room.
Hindi siya sumasagot kaya mas lalo na akong nag-aalala, "Can you at least respond? I'm getting worried, this is the first time I see you this wasted."
"I missed you," Hindi ko napigilan ang mapangisi, she's drunk, I know she will regret saying those words tomorrow.
Dahan-dahan ko siyang inilapag sa kama na parang isang babasaging bagay.
"There, you're all good, just drunk and tired, you need to sleep--"
Nagulat ako nang kapitan niya ako sa braso, "I'm sorry," Natigilan ako sa kaniyang sinabi, why is she suddenly saying sorry?
"I'm sorry, I'm sorry, Rusti. I'm sorry for leaving you, none of us were ready, specially you." Nagulat ako nang magsimula siyang umiyak.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay para alisin ang pagkakahawak nito sa akin. Lasing na siya, kung ano-ano na ang sinasabi niya, "Lory, matulog kana--"
"No, baka ako naman ang iwanan mo, please, I miss you. Mahal na mahal kita at hindi magbabago yun. I'm begging you, please, ako nalang sana ulit, kami nalang." Her words felt sincere, so sweet, but I wish she's sober and tell me all that again.
I let out a soft smile, "Hindi ako aalis, I'll stay here." Dahan-dahan akong tumabi sa kaniya,
Mas ikinagulat ko nang yakapin niya ako, "Huwag kang aalis, please." Hindi tumitigil ang mga luha sa pag-agos sa kaniyang pisnge, pinahid ko ito gamit ang aking daliri,
Bahagya akong napatawa, "I won't, now sleep."
She's back with me after years of longing for her presence and her touch. We were snuggled into bed together, wrapped by my arms. Like a dream, and if it is a dream, I would want to never wake up again.
Pipiliin kong manatili sa kahibangang ito kaysa magising muli sa katotohanan na parang wala nalang kaming dalawa. Na parang balewala lang ang mga taon na aming pinagsamahan. Pipiliin ko ang buhay na pipiliin namin ang isa't-isa.
Pero hindi siya panaginip, nagising ako at umaga na. May tumatawag sa kaniya. Theo nakalagay, alam kong kapatid niya ito pero hindi ko ito sinagot dahil respeto sa kaniyang privacy. Bagkus ay marahan akong umalis ng kama upang hindi siya magising. Lumabas ako ng kwarto para um-order ng almusal naming dalawa. Alam ko na paggising niya ay may hang-over ito, maganda na makakapag-almusal agad siya.
Nang may mag doorbell ay ang inaasahan ko ay ang pagkain, pero laking gulat ko nang si Ali ang bumungad sa akin, may karga-kargang bata.
"E-Engineer...!" Gulat nitong turan, nanlaki ang mata nito bago ibinaba ang karga-karga nitong batang babae.
"Hi, ahm... si Lory ba? Tulog pa." Nag-aalinlangan kong turan dito,
Utay-utay siyang tumango, hawak-hawak ang batang babae sa kamay nito, itinutulak palikod.
Itinuturo ko ang batang babae, "Anak mo?" tanong ko, kahit alam ko ang batang ito ay anak ni Lory. Para akong nakaramdama ng kakaiba sa unang beses kong nakita nang personal ang bata, kuhang-kuha nito ang mga mata ng ina.
Agad siyang tumango, "Oo, anak ko, sige, una na muna kami. Tara na Lia," agad niya akong tinalikuran at mabilis na naglakad kasama ang bata.
Nang saraduhan ko ang pinto ay napasandal ako rito bago napabuntong hininga. Naglakad-lakad ako sa kwarto habang naghihintay ng pagkain. Nang dumating ito ay agad ko itong dinala sa kwarto para gisingin si Lory, pero gising na siya, at may kausap sa cellphone.
"Nakita na niya yung anak niya?! Gosh, Ali! Mamumukaan niya 'yan! Magkamukhang-magkamukha silang mag-ama!"
I was at the door frame, I didn't intend to eavesdrop but what she just said caught my full attention. Anak? Mag-ama? Anak ko nga ang batang 'yon?
May mga sinabi pa siya sa kausap niya, sa pagkakarinig ko rin ay si Ali iyon pero wala na akong ibang naintindihan. Paulit-ulit sa isip ko ang mga katagang anak at mag-ama. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa impormasyon na iyon. Masaya ba? Masaya dapat, pero bakit niya itinago? Bakit siya umalis? Bakita niya kailangang itago sa akin at pasanin ang lahat? Anak ko rin yun, eh.
Nang ibinaba niya ang cellphone ay humarap ito sa gawi ko, doon ay nakaramdam ako ng galit.
"So who's kid is it? Is it Sam's... or mine?" I felt the anger building up inside me. I slammed the plate on the table next to me.
Lalo akong nainis nang hindi siya sumasagot at nanatiling nakatayo ilang metro ang layo sa akin.
"I'll ask you again, is it Sam's or mine? The kid, yung hawak ni Ali kanina na bata? That's not her kid but yours, diba?" Naramdaman kong namasa ang aking mga mata, mga luha ay nabubuo dahil sa galit.
Hindi ko na napigilan ang mapahgulgol sa aming pag-uusap. Ang mga emosyon at hinanakit na taon kong itinago ay parang nakawala sa hawla na siyang hindi ko napigilan.
"Anak mo 'yon, sa 'yo 'yon." Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o magalit.
Tila lalo akong nagtaka, bakit si Sam ang kasama niya? Bakit si Sam alam na niya ang tungkol sa bata pero akong tatay ay hindi? Ang gulo! Gulong-gulo ako! Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin o gawi.
"Maaaring tama ka, na umalis ako dahil hindi mo kami kayang buhayin pero hindi sa ganoong paraan." Malumanay niyang turan habang hawak ang magkabilang kong braso, ang aming mga luha ay parehas umaagos sa aming mga pisnge.
Maraming bagay ang pinagsisihan ko sa buhay, lalo na nang nawala siya sa akin. Isa na rito ang pinili kong magmukmok kaysa hanapin siya. Hindi manlang ako sumubok o hindi manlang ako gumawa ng paraan para lang hanapin siya. Kahit nakapagsimula na akong magtrabaho. Parang sinukuan ko nalang siya, parang pinili ko nalang hintayin at araw-araw magkabaksakali na makita siyang muli.
And the moment I finally get to see my daughter up close, lalo akong napaiyak. Kamukha niya ang nanay niya, pero kung tititigan ay kamukha ko rin siya, ang ilong, ang labi, hindi ko agad ito napansin kanina. Pinaghalo siyang ako at Lory.
Akala ko noong una ay magagalit siya sa akin, akala ko ay hindi siya maniniwala, pero nang tawagin niya akong 'papa' ay parang piniga ang puso ko.
Noong una ay yakap lang ni Lory ang hinahanap-hanap ko, ngayon, yakap na rin ng anak ko ang hahanap-hanapin ko, yakap na ng mag-ina ko.
[Hello? What's up? Umuwi na ako kagabi pa, baka hinahanap mo ako.] sagot ni Sean sa tawag ko,
Napatawa ako rito, "Kapal mo naman, hindi kita hinahanap, ulol. I called you cause I need a favor." ani ko at narinig ko itong bumuntong hininga.
[What is it this time?] tanong nito,
"I need you to get me a baby car seat, para kay Lia, ASAP." ani ko at narinig ko itong suminghap.
[Wow ha, so she's your kid?] tanong niya at hindi ako makapaniwalang ngumiti.
"Oo, she's mine, pamilyadong tao na ako, haha." ani ko at maski ito ay humagikhik sa kabilang linya,
[Bagay sa 'yo, I'll go get a baby car seat and install it to your car immediately, bye.]
Pagkatapos ng tawag ko kay Sean ay nakipaglaro pa ako kay Lia habang tulog pa rin si Lory. Um-order din kami ng mga pagkain habang hinihintay ang ina nitong magising.
"Dito ako tutulog." ani ko kay Lory nang tanungin ako nito pagkapasok ng apartment nila.
Ipinagluto ko ang mag-ina ko ng hapunan, sinigurado ko na masarap ito dahil ito ang unang beses na matitikman ng anak ko ang aking luto.
We enjoyed our little family dinner, talking and joking around. Noong una ay pangarap ko lang na bumalik ulit sa akin si Lory. Maramdaman ang yakap, presensya at pagmamahal niyang muli. Pero hindi ako nagrereklamo na dalawa silang bumalik, hindi ako nagrereklamo na may Lia na kami ngayon. Hindi nalang si Lory ang nagmamay-ari ng puso ko, silang dalawa na.
"Ready kana ba?" Nilingon ko si Mauro sa aking likuran, nakasandal ito sa may pinto at naka-cross ang mga braso, nakangisi pa.
Huminga ako nang malalim bago tumayo mula sa bangko, "Oo naman, ako pa?" Pagyayabang ko, lumabas na kaming dalawa at pumunta na sa simbahan.
"'Wag ka iiyak, ako ang mahihiya para sa 'yo." Panloloko ni Sean, naka-upo na ito kasama ang ibang kalalakihan.
Naglakad ako papalapit sa kanila para mangamusta, "Don't listen to him, cry if you feel like you're about to cry." turan ni Jiro, buti pa 'to matino.
"Mauuna yata akong iiyak kaysa sa 'yo." Napatawa kami nang magsalita si Tobi, "Ang hirap naman maging kaibigan ng mga babae, papanoorin ko silang ikasal isa-isa." Dagdag nito at napatawa kami ni Jiro,
"I'm sure they will watch you get married too, in God's perfect time." Hinimas ni Jiro ang likod nito.
Nagpaalam na ako sa kanila para pumunta sa harapan, sila naman ay lumabas na para puntahan ang mga partner nila at naghanda na sa pagpasok.
Pumunta na ako sa harapan, nalingon ko si papa, nag-iiyak na ito, nginitian ko siya pero lalo lang itong naiyak. Nag-usap na kami, eh.
Nakatayo ako sa unahan, pinipigilan ang aking sarili na maiyak. Hinihintay ko ang pagpasok ng mga abay, at nang tumugtog na ang kanta ay naagaw ang atensyon ng lahat.
Nagsimula sa bata, mga anak-anak ng mga kakilala namin, anak ng mga katrabaho at kaibigan.
Nang ang maglakad na si Lia ay doon ko hindi napigil ang mapaluha. Ang anak ko, ang laki-laki na, she takes after her mom in other features. Pero hindi maitatanggi na anak ko siya.
Nag-iba ang tugtog, sumara ang pinto at ilang segundong naghintay ang lahat, hanggang sa utay-utay na ulit ito bumukas. Para akong nasilaw sa liwanag at sa puting gown na suot-suot ni Lory.
She looks ethereal. Para siyang hindi tao sa ganda niya, ang blonde niyang buhok, ang mga bughaw niyang mata at ang makambong niyang gown. Natigilan ako at animo'y na-estatwa sa kinatatayuan. Ang ganda-ganda ng asawa ko, ang swerte ko.
Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin ay para akong napupukaw sa aking nakikita. Pangarap ko ang lahat ng ito simula-simula. Noong oras na naging magkasintahan na kami, sinabi ko sa sarili ko na siya na ang babaeng pakakasalan ko. Kahit alam kong mukha akong basura sa tabi niya, mas pinanghawakan ko ang pagmamahal ko sa kaniya. At iyon din ang inisip ko, dahil alam ko naman na hindi ako mananatiling ganun lang.
"You're crying," Natauhan ako nang bumulong si Lory sa harapan ko, she's already in front of me and I didn't even realized it.
"Ang ganda ng asawa ko," I sobbed like a kid, napatawa siya bago ini-angkla ang kamay sa aking braso at naglakad na kami sa harapan ng pari.
"Nagtipon tayong lahat dito ngayon upang saksihan ang pag-iisang dibdib ni Rustin at ng kaniyang magiging may bahay na si Avery."
It didn't take that long when the exchanging of vows came. Kahit ilang beses ko itong pinaghandaan, para hindi pa rin sapat lahat ng iyon.
"Avery Louise Valdez, miss blandina..." napatawa ang mga tao,
"Noong araw na magkita tayo alam ko sa sarili ko na imposible na muling mag-cross ang landas nating dalawa. Ngunit hindi ko inaasahan na kahit sa kalagayan at buhay ko na ganon lang, tatatanggapin at mamahalin mo ako. Tanda ko pa na hinahanap-hanap mo pa ang bahay namin eh sa barracks lang naman kami nakatira, may dala kang mga kung ano-anong pagkain at pinapakain mo lahat ng kasamahan ni papa sa trabaho. Lahat ng init, baho ng lugar at mga simpleng bagay ay tiniis para lang magkasama tayo." Pumiyok ang boses ko, nagsimulang mamuo ang mga luha sa mata ko.
"Sa isang babae na gaya mo, mayaman, maganda, mataas ang estado sa buhay, para akong basahan sa tabi mo. Hindi ko inisip na dadating ang araw na ito, na sa harap ng marami tao ay ikakasal ako sa 'yo." Hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha,
Bahagyang inalog ni Lory ang kamay ko na hawak niya, "In... naiiyak na rin ako." bahagya siyang ngumiti,
Nagpahid ako ng luha gamit ang likod ng aking palad, "Pinapangako ko sa 'yo na mamahalin kita araw-araw, sa bawat umaga na paggising nating dalawa hanggang sa oras na tayo ay mahimbing mananatiling ikaw ang natatanging babae sa akin. Pagsisilbihan kita na parang reyna dahil iyon ang deserve mo. Pinapangako ko na kahit kailan ay hindi kita sasaktan sa kahit anong paraan, dahil ako..." Naghabol ako ng hininga,
"Ako, si Rustin Landin Sadillo, lalaking patay-patay na sa 'yo, mahal na mahal ka, kung ako man ay magloko, ihalo mo nalang ako sa semento." Napatawa muli ang lahat maski si Lory na bahagya ng umiiyak.
"Hindi masusukat kung gaano kita kamahal, walang kahit ano ang magkakapagpabago ng pagmamahal ko sa 'yo. Dahil simula't-simula ikaw ang babaeng papakasalan ko." Kinuha ko ang singsing na nakapatong sa maliit na unan.
"I, Rustin Landin Sadillo, accept you, Avery Louise Valdez as my lawful partner. Promising to love you everyday, in sickness and in health, for better or for worse, for richer and poorer, till death do us part." Isinuot ko sa kaniya ang kaniyang singsing, pinagmasdan niya ito at nang magtagpo ang mga mata namin ay nakita ko ang mga luha nito.
"Rustin Landin Sadillo, I am giving myself to you in marriage. Marami akong sasabihin, maaring narinig mo na ito, maaring alam ng iba, pero Rustin. Sa unang beses na magkita tayo, akala ko iyon na ang huli." Napatawa naman agad ako sa sinabi niya,
"Pero there's just something in you that makes me want to come back and see you over and over again. Was it your look? Your humor? Your presence? Or the coffee you make for me. Eh, hindi nga ako umiinom ng kape, eh. I hate the bitter taste, I hate how strong it is. Pero you, you made me like coffee. You made me like things I hate, you made me a different person. But not in a bad way. You've changed me in the best possible way." Nagsimula siyang maluha,
"Hindi ko naisip na balang araw babait ako, cause ever since I was a kid I was called mataray, maldita, and as I grew up, I just lived with that attitude, isinatao ko na 'yon. Pero simula ng makilala kita, I begun to be a better version of myself. I love it when I'm with you and never once wished to be apart. But I had to, I had Lia... we had Lia." Nanikip ang lalamunan ko sa sinabi niya.
"I left you when I was weeks pregnant with Lia, not a lot of people know that but I want them to know how much I love you that I sacrificed everything just so you could achieve your dreams. It was hard, very very hard, there were never a time I didn't think of you. I always wished na sana kamukha ka ng anak natin, na sana ka-ugali ka niya, kahit nga ang makaboses ka niya hiniling ko pero nakakatawa naman siguro kung ganon dahil babae ang anak natin." Napatawa siya at ganun din kaming mga nakikinig.
"I love you so much I am willing to do anything. I know you were mad at me for leaving you pero babawi ako, simula sa araw na ito, hinding-hindi na kita iiwan, hinding-hindi na ako mawawala. Hindi man kita maipapagluto dahil alam ko na mas magaling ka, mamahalin nalang kita ng sobra-sobra, hindi ako magsasawa sa 'yo dahil mahal na mahal kita at mananatili 'yon hanggang sa katapusan ng panahon." Napatakip siya ng kaniyang bibig nang mas maiyak ito. Bahagya kong hinimas ang kaniyang kamay na hawak-hawak ko.
Kinuha na niya ang singsing na para sa akin, "I, Avery Louise Valdez, accept you, Rustin Landin Sadillo as my lawful husband. From this day, promising to respect you, trust you, and love you, for better or for worse, in sickness and in health, in richer and poorer, until death do us part..."
"I now pronounce you, husband and wife, you may now kiss the bride."
"KISS!!"
"Kiss na!!!"
"Lezgo Sadillo! Pakita mo kung sino ka!"
Napatawa kami ni Lory sa mga sigaw ng kaibigan namin, nakakahiya, nanonood si Lord.
I removed her veil and softly caress her cheeks, "Soft kiss lang ngayon, nahihiya ako sa magulang mo, ibibigay ko sa 'yo lahat ng halik na gusto mo sa hotel." Bulong ko sa kaniya, napatawa ito bago ako hinampas sa balikat. I gave her a peck, just a peck on the lips. Hindi masusukat ng halik ang pagmamahal ko sa kaniya.
It didn't take us long to move in to the house. With the help of everyone, we were able to bring everything inside the house. We get to design everything, specially with a help of someone in terms of the interior designing.
It still feels like a dream, as we were moving in, pushing boxes inside, taking things out from it. Putting things into places Lory told me to, it feels surreal. We're married now, Mr. and Mrs. Sadillo, nakakakilig pakinggan.
"Punta kayo dito bukas, ha? Magluluto ako!" Sigaw ko sa mga kaibigan kong paalis na, the sun is about to set, kailangan na nilang umuwi sa kani-kanilang bahay.
Sean waved his hand, "I might not make it, but I will try." he said, leaning on the roof of his car as he was about to get inside.
I smiled, "Kahit 'wag kana, naiintindihan ko." I said with a smile, he smiled back and get inside his car.
"Sarapan mo ang luto mo, magdadala pa ako sa barko niyan!" sigaw naman ni Mauro bago pumasok ng sasakyan, napatawa kami parehas ni Lory sa may gate.
"Una na kami Engineer, enjoy your home, make it the coziest home you could give your family, specially your little kiddo." Tinapik ako ni Jiro sa balikat,
"Yes doc, noted." sagot ko rito, ngumisi ito bago naglakad papunta sa kaniyang sasakyan, naghihintay na si Laura sa loob, hindi na makatagal maglakad dahil medyo maselan ang pagbubuntis nito.
Umalis na ang mga ito, nahuli sila Tobi.
"Una na kami, Engineer, salamat sa pa-miryenda ngayong araw, subukan kong makapunta bukas." he smiled at me, then looked at Lory.
Muli siyang napangiti, nagiging emosyonal yata, "Laki mo na, impakta ka, sungit-sungit mo dati, ngayon pamilyado kana." ani nito kay Lory bago niyakap, napatanggal naman ako ng pagkaka-akbay kay Lory.
Tiningnan ko si Lory at bahagya itong nakangisi, nang kumalas sa yakap si Tobi ay nilingon nito ang kasama niya sa likod bago hinarap kaming dalawa muli.
"Ipagdasal niyo naman love life ko." bulong nito bago kami tinalikuran, napatawa kami ni Lory at muli ko itong inakbayan.
"Ingat kayong dalawa," kumaway ako at ganun din si Lory, sumakay na ang dalawa sa sasakyan ni Tobi at umalis. Naiwan kami ni Lory sa may gate.
She faced me and gave a peck on the tip of my nose.
"I love you," ani nito at bahagya akong nagulat, "Ang random mo," ani ko rito bago pinisil ang kaniyang ilong.
Humagikhik ito, "Totoo naman, mahal na mahal kita." ani niya bago ako kinurot sa tagiliran. Sinaraduhan namin ang gate at naglakad papasok.
Napatawa ako nang umilag, "Alam ko naman, at mahal na mahal din kita. Ipapatayo ko ba itong bahay para sa 'tin kung hindi kita mahal?"
She embodied both risk and uncertainty. Every moment between us felt surreal, as if I were merely existing in an enchanting reverie. But I chose to take the risk and keep on, even if it meant building the unsure.
The End.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com