Chapter 17
•••••
Bakit kaya pinatawag si Ryu sa bahay nila? Baka naman may importante lang na ipapagawa, pero diba kasi ayaw ni Ryu sa bahay nila? Kaya imposibleng pupunta s’ya roon.
“Uy, Arven! ”
“Ano! ”
“Ayos ka lang? Kanina kapa tulala e. Is there any problem?”
“Oum, at tigilan mo’ko sa pagtawag sa pangalan ko. Matanda ako sa’yo kaya mag kuya ka. ”
“Really? ”
“Nevermind.”
“Diba kuya kilala mo si Ryu right? Iyong Ssg sa campus? ”
“Bakit?”
“I like her, ang angas n’ya kasi e. ”
“Katorse ka palang lumalandi kana, mag aral ka muna uy!”
“Kense na ako. Eh ba’t ka nga pala nakatulala dito sa lamesa?”
“Oo nga Arven, may problema kaba? ”
“Wala po, Mama! May iniisip lang po kasi ako e at nag aalala po ako sa kan’ya.” mahinahong sagot ko. Akala ko naman hahayaan na nila akong mag isip dito e mali pala ako. Ayon nakachismis silang dalawa tila yata inaabangan kung anong susunod kung sasabihin e.
“A-Ahh! ”
“SINONG KAN’YA? ” sabay nilang tanong sa’kin. Napakamot naman ako sa batok saka ngumiti at sumagot.
“Meron po kasi akong nagugustuhan Ma, tapos balak ko po sana s’yang ligawan ay mali sabi ko po liligawan ko po s’ya at pumayag naman s’ya kaso hindi ko po alam pano simulan e, natatakot po ako kasi sobrang yaman nila tapos—.”
“Pero, Mahal mo? ”
“Oo naman po, sobra! ”
“Oh, idi ligawan ko. Huwag kang matakot gwapo ka diba. ”
“Mama naman e. ”
“Pero seryuso, Arven hindi naman basihan ang pagiging mayaman d’yan. Malay mo mahal kadin n’ya diba? Pumayag nga s’yang ligawan mo e. So ano pang minumukmuk mo? Kapag inaway ka ng pamilya n’ya sabihin mo sa’kin kami bahala rumisbak!”
“Ma! ”
“Biro lang naman, ano kaba? Kung san ka masaya susupporta kami. Sino ba kasi iyang maswerteng babaeng liligawan mo? ”
“Ipapakilala ko nalang po kapag kami na. ”
“Pano pag di ka sinagot? ”
“Siraulo ka! Ang advance mo naman mag isip. Wala panga e. ” reklamo ko sa kapatid ko.
“Puntahan muna. ” mama said.
“Next time nalang po, maglilibot nalang po muna ako boring po kasi ako e. Ilang weeks papo na wala kaming pasok tapos wala pa dito mga kaibigan ko nakakainis naman e. ”
“Oh sige ikaw bahala, basta huwag kang papagabi ha? Mag ingat ka lagi. ”
“Yes, po. ” nakangiting sambit ko.
“Kuya sama ako. ”
“Maiwan ka d’yan! ”
Hindi ko na hinintay pa na sumagot ito, lumabas agad ako ng bahay para mag aliw aliw. Tawagan ko kaya mga tropa ko mayayaman naman sila kaya ayos lang na pabalik balik sila papunta dito sa pilipinas. Pero afford ko naman sila kaya lang ayukong mag waldas ng pera gagamitin ko nalang sa tuition ko pag college na ako. Nakakahiya kasi kila mama, ayaw naman nila akong patulungin sa kompanya kaya no choice magtitipid narin ako.
RYU POINT OF VIEW
•••••••
Nasa bahay ako ngayon, wala sa mood na, ano ba kasing kailangan ng lalaking iyon at pinakuha pa talaga ako sa mga tauhan n’ya. Hindi ba s’ya nahihiya na ipakuha ako sa mga tauhan n’ya sa gitna pa talaga ng maraming tao!
Nasa park kasi kami ni Arven that time tas bigla nalang may kumuha sa’kin. Hindi na ako pumalag pano nalaman ko tauhan pala ni papa walang laban sa’kin mga iyon pag pinatulan ko , kaya pumayag na akong magpakuha nalang.
“P-Pasensya n-na po Y-, Young lady. ”
Tinignan ko ito ng masama kaya umiwas din naman agad.
“Step Sis, andito kana pala. ”
“I-Iha, k-kumain kana ba? ” tanong ng step mother ko.
“Opo.” sagot ko, pero hindi ibig non tanggap ko na sila, syempre matanda parin naman iyan sa’kin kaya kailangan kung mag opo.
“P-Pababa na ang Papa mo, h-hintayin mo nalang sa sofa. ” she said, hindi nadin ako kumibo bagkus ay tuluyan na akong pumasok papasok at naupo. Dinig ko pa nga mga bulungan ng mga katulong e sabi nila.
“Bakit kaya pinatawag si young lady dito? ”
“Oo nga e, kinakabahan ako baga mag away na naman silang mag ama. ”
“Kawawa maman si Young lady noh, tapos si Young master wala pa dito.”
“Pero atleast nakikita ko mukhang ok naman ang Young lady na wala s’ya dito sa bahay. Halika tignan natin ano pag uusapan nila ng Ama n’ya.”
Umiling nalang ako, kahit kailan talaga mga chismosa itong katulong na kinuha ni Mama e. Pero mababait naman di ko alam ba’t sila tumagal dito sa bahay e sa ugali ba naman nitong Kim na ito.
“Ba’t mo’ko pinadala dito sa bahay? ”
“Uuwi ng pilipinas ang anak ng partner ko sa isang negosyo . ”
“Oh, ngayon? ”
“Gusto kung makilala mo s’ya. Dahil pagka graduate mo ang Senior high ipapakasal agad kayo. ”
Natawa nalang ako dahil sa nalaman ko, tangina. “Bukod sa di ako intirisado sa partner mo sa negosyo ayuko din magkaron ng asawa na related sa’yo at pasabi d'yan sa anak ng kapartner mo wala akong balak na kilalanin s’ya. ”
“At san ka pupunta? ”
“I’ll go, wala na tayong dapat pag usapan. ”
“MAUPO KA RYU! AT WALANG LALABAS NG BAHAY HANGGAT HINDI KA SUMASANG AYON SA GUSTO KO! ”
“Lalabas ako kung kailan ko gusto. ”
“AT TALAGANG INUUBOS MO PASENSYA KO! ” He said, saka ako napaupo sa upuan ng tumama nito sa mukha ko ang kamay n ’ya.
Napa half smile nalang ako, dahil sa sampal na iyon. Iyon ang unang pagkakataon na sinampal n’ya ako!
Hindi ako kumibo at umupo nalang, lalapit sana s’ya sa’kin pero umiwas ako. “ Ayukong hawakan mo’ko! ” saad ko.
“S-Sorry, Anak. N-Nabigla lang ako! Patawarin mo si papa ok? K-Kailangan kita ngayon para sa companya. Please!”
“Sige.” diritsang sagot ko.
“S-Salamat. S’ya nga pala b-bukas ang d-dating n’ya. Sunduin mo sa airport ok? ” hindi ako sumagot bagkus ay tumayo ako ulit para lumabas ng bahay.
Masyado ako nagulat dahil sa pagsampal n’ya sa’kin. P-Parang kailan lang ayaw na ayaw n’ya akong nasasaktan t-tapos ngayon n-nagawa n’ya akong sampalin.
“Iha ayos kalang ba? ” napatingin ako sa step monther ko saka mabilis na pinunasan ang luha ko. “Sus! Sa kapal ng mukha n’yan natural ayos lang iyan. ” kim said,
Sarap mamatay tapos masarap ding pumatay!
Hindi na ako nag paalam na aalis ako, diritsa akong lumabas ng bahay.
“Y-Young Lady, bubuksan po ba ang mga collection mo ng sasakyan? May gagamitin kapo doon? ”
“No! Paki ingatan nalang lahat ng sasakyan ko. ” sagot ko sa isa sa mga guard bago ako umalis.
Kailan ba kasi uuwi si kuya dito sa pilipinas ulit. Ano iyon pupunta lang s’ya dito pag kailan n’ya gusto? Tsskk! Ayos na ayos ah.
Badtrip na badtrip akong pumunta sa puntod ni Mama. I miss her so much!
“Akalain mo nga naman, dito pala natin makikita sa sementeryo ang Captain ng L. U!”
Pag minamalas kanga naman, bakit ba kasi ang bilis kung magpatakbo ng sasakyan at nakarating agad ako dito! Ano ito mapapa away ako ng wala sa oras? Sakto badtrip ako need ko ng mapagbubuntunan ng sama ng loob!
“Mag isa kalang yata. ”
“Mukha bang may kasama ako? ”
“Nag iisa nalang nga nagtatapang tapangan pa. ”
“Matapang na ako matagal na. Iyon ay kung hindi n’yo alam. ”
“Tignan natin. ” susugad na sana ito sa’kin pero pinigilan ko.
“Sandali! ”
“BAKIT? ” sila.
“Babae ako, tapos siyam kayo. Lugi ako dapat ako pumili ng laro. Kasi kung suntukan pag matamaan ako masasaktan ako tapos mapapatay ko kayo kaya laro nalang. ”
“LARO? ”
“Oo, jack em poy pitikan sa noo. Kung sino matalo iyon ang pipitilin sa noo. Ano game? ”
“Seryuso kaba d’yan.”
“Oo nga. ”
“So ano game? ” tanong ko ulit sa kanila.
Actually, mga varsity ito sa volleyball, ito iyong ayaw makinig sa’kin as press nila eh. Kaya natin ng sample malay mo bumait. Mga junior palang ito eh grade 10 eh ako grade 11 na o diba? Dahil inurong ang intrams kasi nag kagulo ayon after ng intrams final exam na namin tapos sunod pasukan grade 12 na kami ang bilis noh.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com