Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Napapakamot nalang ako sa tuwing mapupunta kami sa mga laruan. Ganito pala ang arcade? Ang ganda pala dito? Minsan na yata akong napunta dito eh nong bata pa ako. Pero iba ang ganda ngayon mas madami na ang pwedeng laruin.

“Tara pari hanapin natin sina Dave baka andito lang iyon naglalaru.” saad ni leonel.

“Sama ako?” turo ko sa sarili ko.

“Ayaw mo?”

“Syempre sasama ako,  ayuko kaya maiwan dito. Baka makita ko mga nakaaway ko sa ibang school pagtulungan ako sayang kagwapuhan ko kung magagasgasan lang.”

“Mabubugbug kana nga, puro padin kahanginan alam mo. Iwan ko nalang sa'yu Arven sana magkajowa kapa. Gan'yan ba ang resulta ng iiwan ng Ex? Masyado kanang naging mahangin.”

Natahimik ako dahil sa sinabi ni Harvey.”A-Ay s-sorry pre. Nagbibiro lang.”

“Ayos lang,  tanggap kunang iniwan ako.” sagot ko saka tumango tango

“So , pano? Maghiwa hiwalay na muna tayu. Para naman makita natin sila Dave. Baka nag eenjoy na nga iyon tas tayu hindi. ”

“Sige, dito ako.” saad ko.

Tumango sila bilang pagsang ayon saka umalis. Sabi ko nga ako lang naman ulit ang mag isa? Iwan nalang talaga. Lumabas muna ako ng arcade baka sakaling nagkain lang sa tabi tabi itong mga lokong ito.

Kinakamot ko ang batok ko saka walang reaction na naghahanap don sa tatlo hanggang sa magawi ako sa isang coffee shop , may coffee shop pala dito ?

Tinignan ko iyong relo ko,  at wow mag aalas tres na pala. Ang bilis naman yata ng oras parang kahapon lang tayu pa.

Bahala nanga ,  binuksan ko iyong pinto saka pumasok. Halos mailang nalang din ako ng tumingin sa'kin lahat. Meron palang mga studyante dito.

“STUDYANTE NG L.U IYAN DIBA? ANG GWAPO.”

“OO NGA NOH? NEW STUDENT IYAN EH. YON NGA LANG SENIOR NATIN.”

Tatango tango ako,  mabuti iyan? Igalang n'yo ako dahil senior na ako. Senior naman na talaga ko eh.

Naupo na ako don sa pinakadulo tapus may lumapit sa'kin kaya tinignan ko ito mula paa pataas.

“Anong gusto n'yong coffee? With Vanilla o with strawberry?” walang ganang tanong nito.

Gravi ang ganda n'ya.

“OMYGOSSSHH SI RYU BA IYAN? DITO PALA S'YA NAGTATRABAHO? DI PALA SILA MAYAMAN? DALI PICTURAN MO TAS IPOST MO SA OFFICIAL GROUP NG L.U.”

“PERO MAGANDA PADIN AH.”

napatingin ako sa mga studyanting nagbubulungan. Bulungan nga ba?

“Ah Bigyan mo 'ko ng pagmamahal m—este strawberr— ay Vanilla pala. Iyong masarap ah. Iyong malatulad mo na unang tingin palang mapapa wow ako.”

“Gingago mo ba ako?”

“Joke lang naman,  ito naman di mabiro. Basta iyong may banila lang. Masarap ba iyon?” kunot noong tanong ko meron bang ganon?

Tanong ko sa isip ko. Pero iyong tanong ko di manlang sinagot ang suplado naman ng babaeng iyon. Pero infairnes ang daming studyante na pumapasok tas mga mga matatanda pa. Tas lagi s'ya ang tinatawag.

Siguro madaming may crush sa babaeng ito. Kahit nga ako nagandahan eh.

“Here,  enjoy sir.” saad n’ya.

Hindi naman ako kumibo at nakatingin lang din sa kan'ya. Grabi iyong dating n'ya midyo maangas na may dating sa lahat.

Pero teka? Ba't parang familliar s'ya sa'kin nagkita naba kami dati.

“OY MISS ASAN NA COFFEE NAMIN? BA'T ANG TAGAL?!”
“HOY ANO BA! BINGI KABA?"
“ABA,  HOYY MS KAY GANDA MONG BABAE BINGI KA! DAPAT SAYU HINDI NA MAGTRABAHO DITO. ANO BA!”

“oh , ayan. Kape mo.”

“OWWWWWWW!” tila kami pa yata ang nainitan ng ibuhos nong babae ang kape sa pagmumukha nong lalaking kanina pa sigaw ng sigaw saka pinutusan sa mukha.

“Kayo,  kung mag oorder kayo matutu kayong mag hintay ha? Hindi iyong nagmamadali kayo. Eh kung gawin ko kayang kape iyang mga dugo ninyo? HA?” saad ulit nong babae saka ito sinuntok.

Nagtayuan naman ang iba at iyong kasama nong lalaki. Hindi ko alam kung bakit walang umaawat sa kanila , hindi ba nila alam na babae iyong pinapatulan nila. Aba naman.

Aawat na sana ako pero biglang may pumasok na ibang studyante at napatakbo nalang ako don sa babaeng maangas saka ito hinila palabas ng coffee shop para umalis doon.

May mga humabol naman samin pero , kalaunan nakatakas din naman kami.

“W-Wala naba?” habol hininga kung tanong dito pero hindi manlang ito kumibo kaya lumingon ako sa gawi n'ya.

Kabado naman akong napabitaw sa kamay n’ya ng tignan ako nito ng matalim.

“A-Ah E-Eh,  a-ayos kalang ba?” kinakabahang tanong ko.

“Sino kaba?”

“Ako?” turo ko sa sarili ko.“Ako lang naman ang gwapong nagtanggol sa'yu don sa mga pangit na kaaway mo. By the way Arven nga pala.” pagpapakilala ko saka nilahad ang kamay ko.

Pero napabusangot nalang ako ng tignan n'ya lang ito saka tumalikod.

Aba? Di manlang ba s'ya nabighani sa kagwapuhan ko? Ang tindi naman ng babaeng ito.

“HOY,  ANO—OUCH! ARAY!” halos mapaiyak nalang ako sa sakit ng hawakan nito ang isang kamay ko saka binalibag sa semento.

Putik. Para magtatanong lang naman ako pangalan eh. Paika ika naman akong tumayo saka galit na tumingin sa kan'ya.

“Ang sama mo.”

“Anong ginagawa ko?” walang ganang tanong n'ya.

“Anong ginawa mo?” inis na tanong ko pabalik.“Really anong ginagawa mo? Hinawakan mo ang kamay ko tas-Tas binalibag d'yan sa semento.”

“Oh,  ngayon!”

“Di kaba magsosorry? Dapat magsorry ka pano kung namatay ako?”

“buhay ka naman.”

“Eh , pano nga pagnamatay ako?”

“Idi , ipapalibing kita.” sagot n'ya.

Kita n'yo na.  Maganda sana eh kaso ang sama ng ugali. Naku, kung araw araw kung makakasama itong babaeng ito never akong mahuhulog sa kan'ya NEVER! At lalong hindi ko na sya papansinin hanggat di s'ya magsosorry sa'kin.

“Kumain kana ba?”

“Hindi pa eh.”  mabilis na sagot ko.

“Ok.”

“Teka? Di mo manlang ba ako ililibre? Pag nilibre mo ako ng pagkain kahit di kana mag sorry sa'kin ayos lang.”

“Wala akong pera.”

“Sige, libre kita tas babayaran mo 'ko pag nagkita tayu. Ano game ka?"

“Ayuko.”

“Ang sama mo naman,  ikaw nanga ililibre eh. Ano na ? Payag kana libre ko. Basta may utang ka sa'kin.”

“Dati kabang gago?” kita n'yo ako pa talaga ang gago? Pano ako naging gago? Sige nga eh s'ya na nga itong ililibre ko tas ako pa tinatanong kung dati ba akong gago.

“Ano,  payag ka?”

“Ayuko.”

“Ba't ba ang arti mo. Di ka naman maganda e.”

“Madaming pwede makausap dito,  mag hanap ka nalang.”

“Ayuko nga, ang papangit nila eh. Mas gusto kitang kausap kasi maganda ka.”

“Dati kanga talagang gago.” dinig kung bulong n’ya.

Napanguso naman ako. Mabuti nalang talaga wala dito mga naka away ko kung nag kataon babalik na naman pagiging basagulero ko.

“Let's go.” saad n'ya saka hinawakan ang kamay ko at hinila.

Huwaahhh!! Damn it ang lambot ng kamay n'ya pakiramdam ko  may isang bulak akong hawak na sobrang lambot. Sa kamay palang tila naiinlove na ako. Sino ba kasi pangalan nito.

“A-Ah!”

Napatahimik nalang ako ng lumingon ito sa gawi ko na tila ba galit na galit.

Sabi ko nga tatahimim nalang ako eh. Ayuko na magtanong ayuko nalang alamin ang pangalan n'ya nakakatakot naman kasi.

Pero nakakapagsisi pag di ko tinanong name n'ya. Crush kuna s'ya.  Magtatanong nalang siguro ako sa school mukhang may nakakakilala sa kan'ya doon. Mukhang same school lang din naman kami e.

Ilang minutes na paglalakad may nakita itong mga street foods like fishball,  kickiam,  balot etc kaya hila n'ya ako papalapit dito.

Huwag n'ya sabihing kumakain s'ya n'yan. “Kakain ka n'yan?”

“Bawal?”

“Hindi naman,  kasi sa ganda mong iyan kumakain ka ng streets foods.”

“Oh,  ngayon?”

“Wala ,  mas lalo lang akong nahulog sa'yu. Pakasalan na kita pwede ba?”
Nakangitinh saad ko.

“Pumapatay ako.” diritsang sagot n'ya.

“Miss,  ano sa inyo?”tanong nong tindiro. “Naku,  mag jowa ba kayo? Galing naman ng date n'yo streets foods lang. Ang swerte mo sa gf mo sir maganda na,  di pa maarte.” saad nong nagbibinta.

Midyo kinikilig ako. Bakit ba? Eh sa nakakakilig naman  talaga.“Huwag kang kiligin, walang tayu.” bulong n'ya.

“Masama bang mag assume.” sagot ko.

“Tsk.”

Ngumuso nalang ako saka kumuha ng fishball. First time ko ito at sa magandang babae pa talaga. Naksss mauulit ba ito?

Pag talaga naulit ito,  dadala na ako ng camera tas ererecord ko tapus mag pipic kami. Nakksss kinikilig ako.

So,  pano mag iinjoy muna ako sa date ko? Huwag na umangal nag aassume ako HAHA.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com