Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 6

* * *

• PAGTALIKOD •

* * *

          "Oh heto mag-tsaa na muna kayo." Inabot ni Walter ang dalawang tasa kina Firah at Sander, "Mukhang malayo pa ang binayahe ninyo matagpuan lamang ako," dugtong pa nito.

           "Tama ka, ah e narito kasi kami para sa isang thesis project. Ikaw kasi ang pinakabatang doctor sa buong Pangaea. Ano ba ang sikreto ng isang doctor Walter para malagay sa posisyon na iyan?" Ang tanong na iyon ay nagmula kay Sander habang tahimik naman si Firah at aminado na napapabilib kay Sander dahil sa bilis nitong makaisip ng paraan para makuha nila ang atensyon ni Walter, pero bakas pa rin na naiinip siya sa daloy ng pag-uusap nila.

          "Hindi naman talaga ako isang rehistradong doctor, mga tagarito na lamang ang nagbigay ng titulong iyan sa akin. Palibhasa ay nagagamot ko sila at saka, bukal naman sa loob kong matulungan sila sa abot ng makakaya ko. Ang totoo niyan, mga mahuhusay na manggagamot talaga ang pamilyang kinabibilangan ko, marahil iyon din ang dahilan kaya nagkaroon  ako ng puso para sa mga may sakit at may karamdaman."

             "Ibig sabihin, isang kilalang pamilya pala ang pinagmulan mo Doc."

             "Sabihin na natin Oo."

             Hindi naman napigilan ni Firah na ilabas na ang kaniyang sariling opinyon, "Nauunawaan kong maganda ang hangarin mo Walter... ngunit di ba't parang kasakiman ang naging pasya mo na rito lamang sa lugar mo na ito gagamitin ang kahusayan mo sa panggagamot? Kung lalawakan mo lang ang natatanaw mo, mas marami pa ang nangangailangan sayo hindi lamang ang mga tagarito, nanganganib ang mundo ngayon, ngunit heto ka nagkukubli sa kakarimpot na lugar na ito. Ano bang ikinatatakot mo?"

                 "Firah," sinubukan pa siyang pigilan ni Sander ngunit huli na dahil parang nasabi na rin ni Firah ang totoong pakay nila sa binata. Tumayo naman si Walter at naglakad palayo ilang hakbang sa sala na kinaroroonan nila, "Hindi lingid sa kaalaman ko kung sino kayo. Sander tama? Ikaw ang kaisa-isang anak ni Madam Chairman." Agad na nagkatingan sina Firah at Sander at sabay din na napatayo, "Kung gayon, umpisa pa lang alam mo na kung bakit kami narito?" paniniyak ni Sander.

   
                 Ngumiti naman muna si Walter sa kanila bago magbitaw muli ng kaniyang pahayag, "Oo, simula nang itapak ninyo ang mga paa ninyo sa tubig na nakapalibot sa islang ito, alam ko na kung ano talaga ang dahilan ninyo sa pagpunta rito. Alam kong alam nyo rin ang pinagmulang lahi ko. Siguro nga, nagmula ako sa angkan ni Reynang Tubig. Para sa iba, isa itong pribilehiyo, ngunit para sa akin, isa naman itong sumpa. Kung ako lamang ang masusunod, mas nanaisin ko pang maging abang mortal."

      
                "Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa Walter, mabuti na rin at inamin mong nakikilala mo kami, sa ngayon kailangan namin ang tulad mo. Naniniwala ako na kagaya namin, isa ka rin sa mga sinasabi nilang itinakda, at kailanman hindi mo iyon matatakasan. Lumilipas ang panahon at marami ang nasasayang kaya pwede ba, huwag na tayong magpasikut-sikot pa, sumama ka sa amin pabalik sa bayan ng Idle,  doon mas mapapalawak pa natin ang ating mga nalalaman sa mga elementong mayroon tayo."

            
              "Makakaalis na kayo..."

              "Hindi mo ba naintindihan ang mga sinabi ko o gusto mo dahan-dahanin ko pa para mas maunawaan mo?" iritableng saad ni Firah.

             "Ikaw si Firah hindi ba?" Tumaas agad ang isang kilay ni Firah ngunit hinayaan niyang magpatuloy sa pagsasalita si Walter, "Naiintindihan mo ba ang tunay na kahulugan ng isang itinakda? Alam mo ba kung ano ang kaakibat nitong sumpa ? Oo, maaring tayo ang binabanggit sa propesiya ngunit naisip mo ba kung ano ang magiging kapalit nito? Sabihin mo, may malapit sa puso mo ang bigla na lang naglaho tama ba ako?"

              "Paano mo nalaman? A—ano ba ang gusto mong sabihin?" inis ng tanong ni Firah.

               Hindi na rin nakapagpigil si Sander, muli niyang binuweltahan si Walter, "Kung may nalalaman ka, bakit hindi mo sabihin sa amin?"

   
               "Nakakatawang isipin na... Ilang henerasyon na rin ang lumipas ngunit hanggang ngayon pala'y hindi pa rin malinaw sa kanila kung sinu-sino ba talaga ang mga itinakda. Hanggang kailan tayo aasa sa hula? Matatakot sa panganib na binabanggit nila?" Saksi sina Sander at Firah sa namumuong hinagpis ni Walter na di nila matukoy kung ano ang pinanggalingan, muling ibinaling ni Walter ang matalim niyang paningin sa dalawa, "Paano kayo nakakasigurong kayo nga ang itinakda? Ang mga nasakripisyong buhay, ano ang magiging saysay nito?" Ang tanong na iyon ang nag-iwan pa ng mas marami pang mga katanungan sa kanila higit lalo na kay Firah, halos wala nga siyang naiintindihan. May punto si Walter, paano nga ba siya napabilang sa mga itinakda?

***

                    Bagamat sumapit na ang gabi ngunit mas lalo lamang naging abala ang mga tao sa dalampasigan ng baler kung saan kasalukuyang nagaganap ang night party na dinaluhan ng iba't ibang turista suot ang kani-kanilang mga swimsuit outfit. Isang bata naman ang pumasok sa Hotel na binabantayan ni Ginoong Royce,  "Master Liqui, nakahanda na ang hapunan ninyo, ipapadala ko na ba sa kwarto ninyo?" malumanay na tanong ni Ginoong Royce sa batang lalaki.

                    "Huwag na, hindi pa ako gutom. Siya nga pala, may guest ba tayo sa  class A? Napansin ko kanina na bukas ang ilaw doon."

                    "Tama, mayroong mga bisita nga tayo ang naroon, tatlong importanteng bisita."

                     "Tatlo huh?"

***

                    Agad napasigaw si Icy nang bumungad sa kaniya  ang isang batang lalaki na nakatayo sa salas na okupado nila at pamilyar siya sa batang iyon, "Sabi ko na nga ba kayo nga rin iyon," entrada pa nito sa kaniya.

                  "A—anong kailangan mo?"

                   "Pansin kong mag-isa ka lang, nasaan ang mga kasama mo? 'Yong gurang at 'yong isip-bata?"

                  "Ma—may inasikaso lang silang mahalagang bagay. At sa—saka, ma—maari bang hu—huwag mo silang pagsalitaan ng ganyan."

                 "Tss... Hindi ka pa rin nagbabago." Agad na umiwas ng tingin si Icy ayaw niya kasing magkukrus ang mga mata nila ng batang lalaki, "Di bale na, anyway, good luck sa muli ninyong pagkikita ni kuya." Pagkatapos niyon ay hindi sinasadyang nakagat na lamang ni Icy ang ibabang labi niya, mabuti na lang at nagpasya na ang batang lalaki na iwan siya sa silid na pareho nilang kinaroroonan.  Nasundan iyon ng pagsulyap ni Icy sa labas ng bintana. Ang kalangitan ay kasalukuyan nang nababalutan ng karimlan ngunit sa kabila niyon ay patuloy pa rin sa pagkinang ang tila mga dyamante na nasa kalangitan lamang, "Kuya Sander, Ate Firah..." munting bulong pa ni Icy sa sarili bakas ang pag-aalala niya para sa dalawa.

***

                "Iniisip mo pa rin ba ang mga sinabi niya sa atin kanina?" panimula ni Sander habang nakatingin naman sa hangganan ng dagat si Firah, "Iniisip ko lang si Icy, okay na kaya siya?" pagsisinungaling ni Firah.

          
               "Aminin mo, ang mga binanggit sa atin ni Walter kanina. Dahil doon, napapatanong ka na rin sa sarili mo kung totoo nga ba tayong mga itinakda. Ngunit ano pa man ang katotohanan sa likod ng mga katanungan na iyon, naniniwala pa rin ako kay Madam Chairman, sa mama ko."

              "Tsss... Gusto mo talaga malaman Sander? Oo! At sa oras na malaman kong may kinalaman ang pagiging itinakda ko sa pagkamatay ni Mama, hinding-hindi ko mapapatawad ang mga may pakana ng lahat ng ito!" Hindi na hinintay pa ni Firah ang magiging opinyon ni Sander, agad siyang umalis sa harapan nito at naglakad palabas, "Saan ka pupunta?" subok pang pigil sa kaniya ni Sander.

             "Magpapahangin lang, babalik agad ako." Hindi na nga siya nagawa pang pigilan ni Sander.

              Habang naglalakad si Firah mag-isa sa tabi ng dalampasigan ay hindi niya maiwasan muling balikan ang mga sinabi sa kanila ni Walter kanina, "Ang pagiging itinakda ay may nakaakibat na matinding resposibilidad... Sila ang pinapaniwalaang magiging instrumento upang muling maibalik sa hades ang tusong si Tanas dahil kung hindi iyon magagawa, wawasakin ni Tanas hindi lamang ang mundo ng mga mortal maging ang mga mundong binuo ni Dakilang Tinig. At dahil sa mabigat na obligasyon na iyon  mabigat din ang kahaharaping pagsubok ng mga itinakda... Gagawin lahat ni Tanas huwag lamang magtagumpay ang mga ito. At alam mo kung ano ang tina-target ni Tanas? Dahil sa hindi naman niya kayang pabagsakin ang isang itinakda, inaatake na lamang nito ang mga importanteng tao sa buhay ng isang itinakda. Gagawin ni Tanas ang lahat huwag lamang masunod ang sinasabi sa propesiya! Subalit lumipas na ang maraming panahon, hindi na rin mabilang ang mga itinuring at pinaniwalaan nilang itinakda. Marami na ang nagsakripisyo, marami na ang nadamay at napatay ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw sa lahat kung sino ba ang mga itinakdang ito. Ilang buhay pa ba ang gusto nilang isakripisyo? Tapos ngayon sasabihin ulit nila, na ako? Na tayo? Tayo na ang mga itinakda? How pathethic! Paano nila nasisikmurang ilagay muli sa delikadong sitwasyon ang mga taong malapit sa atin! Hindi na ako makakapayag na balewalain nila ang buhay ng mga taong nasa paligid ko!"

             Mabilis na ginusumot ni Firah ang kaniyang buhok, "Ina... Ano ba ang totoo? Sino ba talaga ako sa mundong ito, tama nga ba sila sa pagpili sa akin? Ina, totoo bang... namatay ka dahil sa iyong karamdaman?" mahinang sambit ni Firah sa sarili hanggang sa mahinto siya sa paglalakad. May natatanaw siya sa kaniyang unahan at hindi siya maaring magkamali, si Walter iyon. Nakatayo lang ito habang nakalublob sa dagat ang hanggang tuhod nito. Mag-iiba na sana ng direksyon si Firah ngunit pinigilan siya ng binata, "Nagmula ka sa angkan ni Haring Apoy tama ba?" Hindi kumibo si Firah at hindi rin niya nilingon si Walter, "Curious lang ako kung alam mo ang sinapit ng mga kalahi mo." Dito pa lang naisipan ni Firah na ituon ang pansin sa binata, lumakad din siya palapit dito, "May nalalaman ka tungkol sa mga kalahi ko?"

               Ibinaling ni Walter ang paningin niya sa lupaing natatanaw niya sa malayo, makulay at malawak ang naabot ng mga ilaw na nasa katapat nilang isla kumpara sa islang kinaroroonan nila na karaniwan ay gasera lamang ang ilawan ng mga bahay, "Sa Lupain ng Sunnah noon malayang naninirahan ang mga kalahi ni Haring Apoy. Palibhasa doon na namalagi si Haring Apoy matapos silang maging mortal. Subalit ang lugar na iyon, wala na sa mapa ngayon."

     
              "Anong ibig mong sabihin?"

             "Hindi mo alam?" Mas lalong napuno ng mga katanungan si Firah. Ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay sadyang maraming nalalaman at ang bawat bitawan nitong mga salita ay tumatatak at nagbibigay talaga ng espasyo sa kaniyang isipan. "Sabihin mo! Ano pang nalalaman mo sa mga kalahi ko!"

             "Pakinggan mo ito, halos dalawang dekada na rin ang nakakaraan noon nang sugurin ng mga alagad ni Haring Kidlat ang bayan ng Sunnah. Malakas ang loob niyang mangwasak ng mga lupain dahil matagal na ring yumao ang limang dakilang mortal. Noong mga panahon na iyon, natuklasan din ni Haring Kidlat na ang mga itinakda ay binigyan ng kapangyarihang pabagsakin ang paghahari ni Tanas. Kaya naman pinapapatay niya ang bawat sanggol at bata na isinilang at isisilang pa lang upang huwag nang mabigyan ng pagkakataong mabuhay pa ang mga susunod pang salinlahi na ituturing na itinakda. Malaki ang paniniwalang matapat na lingkod ni Tanas si Haring kidlat. Dahil dito napagpasyahan ng bawat lahi na poproteksyunan nila sa abot ng kanilang makakaya ang sinumang maitatalaga na itinakda. Hanggang isang gabi, binalot ng mga iyak at hinagpis ang buong Sunnah dahil hindi lamang mga bata ang pinapatay ni Haring Kidlat maging ang lahat ng mga nakatira sa bayan na iyon. Ayon sa isang griotes, pinagawa iyon ni Tanas kay Haring Kidlat upang tuluyan nang hindi mabuo ang limang itinakda. Dahil kapag hindi nga naman nabuo ang bilang nila, tiyak na malabo na rin na maikulong si Tanas pabalik sa Hades. Matapos ang nakakakilabot na trahedyang iyon, naging madalas at pangkaraniwan na ang pagpapakita ng mga anghel lalo na sa mga taong nagtataglay ng kapangyarihan ng limang dakilang mortal. Kung noon, ang mga anghel ay mailap sa mga tawo, ngunit matapos ang mga naganap sa lahi ni Haring Apoy ay mas naging madalas na ang pagpapakita nila. Dumating pa nga sa punto na ang bawat itinakda ay nagkaroon ng personal na anghel upang maproteksyunan lamang laban sa mga alagad ni Haring kidlat na gustong pumatay sa kanila. Ang mga anghel na ito ang naging katuwang ng bawat lahi upang mapangalagaan ang mga itinakda. Ngunit isang gabi, sinubukan muli noon ni Haring Kidlat patayin sa sinapupunan ng isang babae mula sa angkan ni Haring Apoy ang sanggol na pinaniniwalaang nakatakda, ngunit hindi naman siya nagtagumpay. Matapos niyon ay hindi na nila naramdaman pa ang mga kilos ni Haring Kidlat, para itong naglaho bigla, lumipas pa ang mga araw, hindi na rin nagparamdam ang mga anghel. Walang nakakaalam kung ano na ang nangyari sa mag-ina na mula sa lahi ni Haring Apoy matapos iyon, kahit kay Haring Kidlat at sa mga Anghel. Maraming nagsasabing buhay pa ang mag-ina, pero ayon muli sa isang griotes namatay ang babae matapos maisilang ang kaniyang anak at hanggang ngayon walang nakakaalam kung nasaan na nga ba ang bata. At kung tama ang pagkakaunawa ko sa mga sinabi mo kanina na ikaw ang itinakda, may posibilidad na ikaw ang batang binabanggit sa mga kwento? Ang muntikan ng mapatay ni Haring Kidlat?"

           "Hindi ko alam ang sinasabi mo... Walang naikukwento sa akin si Ina na ganyan. Simple at matiwasay ang naging buhay namin noon ni Ina bagamat naging masalamuot lamang dahil sa kapangyarihan mayroon ako at saka matagal kong nakasama si Ina salungat sa sinasabi mong namatay dahil sa panganganak, kaya lang iniwan din ako ni Ina..." bahadyang lumungkot ang pananalita ni Firah sa huli.

    
         "Kung hindi, e 'di hindi. Ngunit paano nila nasabi na ikaw nga ang itinakda? Hinulaan nila? O dala na rin ng pagkadesperada nila kaya kahit sino na lang ang ituro nila basta't nagmula sa angkan ng mga mortal. Sana malinaw sa iyo iyon Ms. Firah na hindi dahil nagmula ka sa angkan ni Haring Apoy ay ikaw na talaga ang nakatakda. Paano kung nagkamali sila? At dahil sa pagpili nila sa iyo, napahamak ang iyong Ina." Nakagat ni Firah ang kaniyang ibabang labi, hindi na niya alam kung sino ang paniniwalaan. Maya-maya pa'y nakuha ng kabilang isla ang atensyon nilang dalawa, biglang nawala ang mga ilaw na naroon kaya binalot ng kadiliman ang malawak na isla hanggang sa isang malakas na pagsabog ang naganap sa kanang bahagi nito, "Anong nangyayari? Kailangan nila ang tulong natin!" malakas na bulalas ni Firah. Ngunit kabaliktaran ito sa naging reaskyon ni Walter, tumalikod ito at nagsimulang ihakbang ang mga paa nito palayo. Pinigilan agad siya ni Firah, "Saan ka pupunta  anong ginagawa mo! Hindi mo ba nakita iyon! May trahedyang nagaganap doon ngayon!"

             
          "Hindi ko na problema iyon! Napakalayo ng bayan na iyon sa islang ito at saka may mga otoridad ang naroon, hayaan mo silang gawin ang mga trabaho nila." Hindi masikmura ni Firah na maririnig niya ang mga salitang iyon sa lalaking akala niya'y may malasakit talaga sa mga tao dahil sa panggagamot nito ng libre sa mga ito.

          "Hindi ako makapaniwala... Alam mo Walter? Isa kang duwag! Sige sabihin na natin na hindi nga ako ang itinakda! E ano naman? Gagawin ko pa rin ang trabaho ko dahil isa ako sa mga biniyayaan ng kapangyarihang ito kahit pa nga hindi ako ang itinakda! Hindi katulad mo na hindi man lamang alam ang papel sa mundong ito!" Sa inis ay tumalikod si Firah kay Walter, naghanap siya ng maaring masakyan hanggang sa makita niya sa di kalayuan ang isang maliit na bangka, agad niya itong nilapitan, "Anong ginagawa mo?" puna ni Walter sa kaniya. Ngunit hindi na kumibo pa si Firah at nagpatuloy sa ginagawa, sumampa siya sa bangka at manu-mano itong nailusong sa dagat, kinuha rin niya ang panaggwan at nagsimula nang paandarin ito.

           "Nasisiraan ka na... Hindi mo mararating ang lugar na iyon gamit lamang iyan! At malakas din ang mga alon sa laot!" Ngunit wala pa rin nakukuhang sagot si Walter, "Bahala ka Ms. Firah, basta't binalaan kita." Muling tumalikod si Walter at nagsimula ng humakbang pabalik sa kaniyang tinutuluyan.

          "Isa kang malaking duwag Walter... Icy, sana'y okay ka lang... hintayin mo ako, nandyan na ako,"  bulong ng isip ni Firah, desidido na siyang puntahan ang kabilang isla kung saan nila iniwan si Icy. Ang laki rin ng pagsisisi  niyang iniwan nila itong mag-isa doon.

***

• ANG
PAGHAHASIK
NG MGA CIFER •

***

            "Ang mga taong ito, nakakatuwang pagmasdan," wika ng isang nilalang na nababalutan ng kulay abong kasuotan mula sa ulunan nito na umaabot ang laylayan hanggang sa mga paa nito. Mula sa mataas na gusaling kinatutung-tungan ay tinatanaw niya sa ibaba ang mga taong kasalukuyang nagliliwaliw sa mga alak at umiindak sa daloy ng maingay na tugtugin. Ngumisi siya bago ikampay sa kawalan ang kanang braso niya na para bang may pinapasunod, dumaloy mula sa kamay niya ang mga aninong mabilis gumapang sa mga linyahan ng kuryente, ang ilan ay nagliparan sa iba't ibang direksyon. Ang mga ito ay tinaguriang Cifers, walang hugis at wala ring mga anyo, hindi rin sila nakikita ng mga ordinaryong mga mata,  sila'y mga itim na anino na mayroon lamang pulang mga mata at higit sa lahat, maliliksi sila. Agad nasipat ng isa sa mga ito ang umaandar na kotse na nasa kalagitnaan ng national road, sa loob ng kotse nakasakay ang isang lalaki at isang babae, tila may hindi pagkakaunawaan ang mga ito, "Maghiwalay na tayo!" wika pa ng babae sa  kasama niyang nagda-drive sa kotse. Wala naman siyang nakuhang kibo mula sa kasama kaya muling nagsalita ang babae, "Naririnig mo ba ako? Sabi ko break na tayo!"

               "Hindi tayo maghihiwalay," kampante namang sagot ng lalaki sa kaniya.

  
              "Ayoko na sa iyo Jake, napakaboring mong tao!" Hindi pa rin natitinag ang lalaki at nagpatuloy ito sa pagmamaneho. Hanggang sa walang anu-ano'y mabilis na pumasok dito ang isa sa mga Cifer, panandaliang nawalan ito ng ulirat na agad ikinabahala ng babae, "Jake, huwag kang magbibiro ng ganyan! Nasa daan tayo!" Panandaliang nagpagewang-gewang sa daan ang kanilang sasakyan hanggang sa muling manumbalik ang malay ng lalaki ngunit kapansin-pansin ang pag-iiba sa kilos at awra nito, "Jake? Na—nagbibiro lang naman ako... I—ibaba mo na lang ako sa tabi." Subalit sa halip na makinig ang lalaki sa kaniya ay isang nakakakilabot na pangungusap ang binitawan nito, "Walang bababa! Alam kong pinagtataksilan nyo ako ni Jasper! Hinding-hindi ako papayag mapunta ka sa kaniya!" Napuna agad ng babae na may kakaiba sa kaniyang kasintahan dahil ang mahinahon nitong pananalita ay napalitan ng nakakakilabot na tinig at hindi siya sanay na ganoon siya kausapin ng kasintahan. Mas pinabilis ng lalaki ang pagpapaandar sa kotse nito hanggang sa marinig na nila pareho ang nakakabinging busina ng isang truck na kasalubong nila, "Jakeee!" Nahagip ng sinasakyan nila ang unahan ng truck hanggang sa tuluyan silang bumalandra sa mga naglalakihang bato na haligi ng kalsadang tinatahak nila. Ang truck naman ay nagdire-diretso hanggang matumbok nito ang malalim na bangin kung saan sa ibaba nito nakalagay ang electrical system na siyang nagsusuplay ng kuryente sa buong isla, ito ang naging dahilan sa biglaang pagkawala ng ilaw sa buong bayan ng baler.

              
              Nagising si Icy mula sa ingay sa labas, ipinagtaka niya rin ang biglang pagdilim sa kwartong tinutulugan, "A—ate Firah? Ku—kuya Sander?" sigaw niya ngunit walang sinuman tumugon sa kaniya kaya naman tumayo na siya mula sa kama at agad na pumunta sa teresa upang alamin ang mga nangyayari sa labas. Ang kaninang mailaw at maingay na tugtugan ay napalitan ng mga nadismayadong mga tao dahil sa naudlot nilang kasiyahan. Papasok na sana si Icy sa loob upang alamin sa mga staff ng building kung bakit wala silang ilaw ngunit umalingawngaw sa di kalayuan ang sunud-sunod na sigawan ng mga tao, mga nagkakagulo ito at kitang-kita ni Icy kung paano magsakitan ang mga ito. Hanggang sa isang malakas na pagsabog ang nasaksihan nilang lahat sa di kalayuan. Malakas na hangin ang bahadyang tumulak sa kaniya buhat sa pagsabog at nang mabawi na ang lakas ay agad niyang sinilip kung ano iyon. Nakita niya na mabilis nilamon ng apoy ang ilan sa mga cottage na kalapit ng isang restaurant kung saan nagsimula ang pagsabog. Nang makita ni Icy na marami ang nasaktan ay nagpasya siyang bumaba na, naabutan niya sa hagdanan si Ginoong Royce na aakyatin sana siya, "Lady Icy, okay lang ho ba kayo?" Tumango lang si Icy, maya-maya pa'y lumabas na rin ng silid ang batang si Liqui, "Anong nangyayari?" Ngunit mga iling lang ang naisagot ni Ginoong Royce, sunod na nagkatinginan sina Icy at ang batang si Liqui ngunit agad na binawi ni Icy ang sa kaniya at tumingin sa ibang direksyon. "Ginoong Royce, samahan mo ako!" wika ng batang si Liqui, hindi naman nagpaiwan si Icy at sumunod na lamang sa mga ito pababa.

***

            Abala ang lahat sa pag-indak, lingid sa kaalaman nila na kanina pa pala sila pinapaikutan ng mga Cifers, inaamoy sila ng mga ito na tila may sinisiyasat. Nang mawala ang ingay ng musika at ilaw sa buong paligid ay agad silang mga naghiyawan dahil sa naputol nilang kasiyahan. Ngunit ang pagdilim na iyon ang naging hudyat upang pumasok sa mga katawan nila ang mga Cifers. Nagsimulang mag-amok ang mga na saniban hanggang sa nagkaroon na ng malawak na rambulan. Habang nagkakagulo ang lahat, isang Cifer naman ang pumasok sa katawan ng isang lalaking nasa grilled station. Maya-maya pa'y lumakad ito palapit sa isang kotse, sumakay at pinaadar papunta sa kaniyang iniihaw. Nasa katabi nito ang dalawang gasul at nang mabunggo ito ng sasakyan ay agad na sumingaw ang mga ito at dahil katabi lang nito ang mga nagbabagang apoy mula sa ihawan ay mabilis itong lumikha ng malakas na pagsabog.

***

          Nang makita ni Sander ang palapit na si Walter ay agad niya itong tinanong, "Anong ingay iyon at saka nasaan si Firah?" Ang tinutukoy niya ay ang ingay na nilikha ng malakas na pagsabog.

          "Gusto niyang alamin ang kaguluhan sa kabilang isla, kaya iyon gumamit siya ng bangka papunta doon". Hindi nagustuhan ni Sander ang  walang pag-aalalang sagot ni Walter sa kaniya kaya gamit ang kamao niya ay hinablot niya ang blusa ni Walter at ginisumot, "At hinayaan mo siyang  umalis mag-isa!"

            "Ginusto niya iyon ang magpakabayani, hindi ko na kasalanan kung mayroong mangyaring masama sa kaniy—" Isang malakas na suntok ang binitawan ni Sander kaya halos bumalandra si Walter sa buhanginan. "Hindi mo alam kung anong ginawa mo Walter, alam mo bang tubig ang isa sa kahinaan ni Firah!" Nagbalik-tanaw kay Sander ang hinabilin sa kaniya ni Madam Chairman na kaniyang ina bago sila tumungo sa Baler, "Sander Hijo, gusto kong bantayan mo ng mabuti si Firah, huwag mo siyang hahayaan mapag-isa lalo na kung kayo ay nasa gitna ng dagat. Hindi siya marunong lumangoy at bukod doon, kapag nababad ng matagal ang katawan  niya sa tubig, nagiging kahinaan niya ito."

               Bago sundan si Firah ay binantaan ni Sander ang binatang si Walter, "Ito tandaan mo Walter, sa oras na may mangyaring masama kay Firah, patawarin ako ni Dakilang Tinig ngunit kakalimutan kong isa ka rin sa mga itinakda at ako mismo ang papatay sayo." Pagkasabi niyon ay agad na tumakbo palapit sa dalampasigan si Sander. Naiwan namang sapo ni Walter ang labi niya, ngunit aminin man niya o sa hindi ay alam niya sa sarili niyang may nagawa siyang mali.

         
         "Firah! Firah!" malakas na sigaw ni Sander, pilit niyang hinahanap kahit ang katiting na anino ng bangkang sinasakyan ni Firah, subalit nahaharangan ng malamig na hamog ang buong karagatan at sadyang nakapadilim pa ng lugar. Sinubukan niyang maghanap ng bangkang maaring magamit, sa di kalayuan ay nakita niya ang isang lalaki, bitbit nito ang isang ilawan at panaggwan, pasakay na sana ito sa bangka ng pigilan ito ni Sander, "Manong, hihiramin ko muna ang bangka ninyo!" Mabilis na kinuha ni Sander ang sagwan na hawak ni Manong at itinulak niya ang bangka pasulong sa dagat pagkatapos ay sumampa rito. Hindi agad nakahindi ang lalaki dala ng pagkabigla sa mga nangyari, "Teka, teka sandali!"

            "Babayaran ko na lang ito pagbalik ko manong!" sigaw ni Sander at saka nagpatuloy sa pagsagwan.

***

            Nagsimula ng mangalay ang mga braso ni Firah, pakiramdam niya'y hindi naman siya umuusad kahit anong sagwan niya. "Hindi! Hindi ako papayag, kailangan nila ng tulong!" wika niya sa sarili. Itinuon niya ang pansin sa bahagi ng isla kung saan malakas na ang apoy. "Masyado akong malayo sa apoy na iyon, hindi ko siya magawang kontrolin," mangiyak-ngiyak pa niya. Maya-maya pa'y nagsimula ng gumewang ang maliit na bangkang sinasakyan niya dala ng alon na humampas dito, masaklap pa'y nabitawan niya ang panaggwan. "Asar kung minamalas ka nga naman bwiset!" aniya sa sarili. Nagpasya siyang  pilitin abutin ito kahit pa nga parang pinaglalayo sila ng alon subalit mas malakas na alon ang nagpataob sa bangkang sinasakyan niya, "Tulong!" sigaw pa niya bago tuluyan mapasailalim ng isa pa ulit na malaking alon at kahit anong pilit niyang maiangat ang sarili ay tila lalo lamang siyang hinahatak ng dagat pailalim, mula sa kinalalagyan ay natanaw pa ni Firah ang liwanag ng kalahating buwan sa kalangitan ngunit ang kakarimpot na liwanag nito ay unti-unti ng nandidilim sa mga paningin niya, isang pangalan naman ang namutawi sa labi niya, "Sander..." At bago maipikit ang kaniyang mga mata ay isang imahe ng puting nilalang na may pakpak ang pumalit sa anyo ng liwanag ng buwan ngunit hindi na niya matukoy kung iyon ba ay totoo o imahinasyon na lamang ng isang taong malapit ng mamatay. Pikit-mata niyang tinanggap ang pagyakap sa kaniya ng lamig ng kailaliman ng dagat. Hanggang sa mapalitan iyon ng mga bisig.

            Mabilis na naikulong ni Walter sa mga bisig niya ang wala ng malay na si Firah at saka iniangat ang sarili sa ibabaw ng dagat kung saan naghihintay sa kaniya ang paborito niyang surfing board. Doon niya inihiga si Firah, nagagawa rin niyang tumapak sa ibabaw ng tubig nang hindi lumulubog. Nang mapansing hindi na humihinga si Firah agad niyang iniangat ang baba nito, gamit ang kaniyang mga daliri ay inutusan ni Walter ang tubig na bumara sa lalamunan ni Firah na umalis na agad din naman siyang sinunod. Kusang umangat palabas sa bibig ni Firah ang tubig na lumunod sa kaniya at nang lumuwang na ang daluyan ng hangin ay kinuha naman itong pagkakataon ni Walter upang bigyan ng hangin si Firah. Idinampi ni Walter ang kaniyang labi sa dalaga at saka binahagian ito ng kaniyang sariling hininga. Hindi lang isa o dalawang beses kundi tatlong beses itong ginawa ni Walter hanggang sa kusa ng humihinga si Firah. Subalit nanatili itong walang malay, muli niyang binuhat si Firah at tumuntong na sa kaniyang surfing board, kailangan niyang makasigurong ligtas na ito dahil may kailangan pa siyang tulungan. Alam na ni Walter kung saan niya makikita si Sander kaya inutusan niya ang tubig na dalhin siya nito sa kinaroroonan ni Sander. Kalong ni Walter sa mga braso niya ang wala pa ring malay na si Firah habang inihahatid sila ng surfing board sa kung nasaan si Sander, sinigurado niyang mananatiling ligtas ang dalaga upang makabawi man lamang sa ginawa niya rito. Nang magkita sila ni Sander ay laking taka na lamang nito nang makitang walang malay si Firah ngunit mas nanaig pa rin kay Sander ang pag-aalala para sa dalaga kaysa ang galit niya para kay Walter. "Firah, Firah gising! Anong nangyari sa kaniya?"

    
           "Huwag kang mag-alala, magiging okay na siya, please ikaw na muna ang bahala sa kaniya..." Paalis na sana si Walter nang huminto ulit siya saglit, ngunit hindi na siya humarap pa kay Sander na ngayon ay buhat-buhat na si Firah, "Sander... Ihingi mo ako ng tawad sa kaniya," pagkatapos sabihin iyon ay mabilis na nagpatianod ang surfing board na kinatutung-tungan ni Walter sa daloy ng alon kung saan tila siya na ang mas sinusunod nito sa magiging direksyon ng pag-anod nito. Natanaw na lamang ni Sander na malayo na ito sa kanila at palapit na sa isla kung saan mas lalong lumalaki ang sunog.

* * *

• PAGKAKAKILANLAN •

* * *

                  Bumungad sa harapan nina Liqui, Ginoong Royce at Icy ang kaguluhang ginagawa ng mga tao ngunit hindi doon nakatuon ang mga paningin ni Liqui, alam niya kasi kung ano ang mga nag-uudyok sa mga taong ito upang manakit sa kapwa nila, "Master Liqui, anong nangyayari sa mga taong ito?"

                  "Mga Cifers... Ginoong Royce, kailangan ko ang tulong mo, ihanda mo ang sarili mo!"

                  "Masusunod." Itinaas naman ni Liqui ang kaliwang kamay niya at doon biglang lumitaw ang mahabang tungkod na yari sa tubig, naging sintigas ito ng tubo ngunit kung ito naman ang target ng kalaban ay tumatagos lamang ang anumang sandata na ipinanlalaban dito dipende sa maiisip ng magmamaniobra nito. Mabilis na tinungo ng dalawa ang pinakamalapit na biktima sa kanila, isa itong babae at bitbit nito sa isang kamay ang isang basag na bote na itatarak na sana sa isa pang babae. Agad namang pumuwesto si Ginoong Royce sa likuran nito at ginawa ang alam niyang hand ritual, "Released!" aniya sabay tapik sa likuran ng babae na tila nawalan ng lakas matapos iyon. Mabuti na lamang at nasalo niya agad ito.

            Samantala, kinuha naman itong pagkakataon ni Liqui, gamit ang sandatang hawak ay mabilis niyang inihampas ito sa  Cifer na lumabas mula sa babae dahilan para sumabog sa maliliit na piraso ang Cifer hanggang sa tuluyan itong maglaho. "Sa kanan mo!" turo ng batang si Liqui na agad naman naunawaan ni Ginoong Royce. Bagamat walang kakayahan si Ginoong Royce na makakita ng Cifer, may alam naman siya kung paano ito paalisin sa katawan ng isang nilalang. At sa tulong na rin ng batang si Liqui kaya nalalaman niya kung nasaang host naroon ang mga Cifer. Naulit pa ng ilang beses ang pagtutulungan ng dalawa hanggang sa punain na ng batang si Liqui ang nakatayo pa rin na si Icy, "Alam kong nakikita mo rin sila, hanggang dito ba naman, di mo kayang ipagtanggol ang sarili mo Lady Icy!" Sa malakas na sigaw na iyon ay saka lamang natauhan si Icy. Tama si Liqui, nagagawa nga rin niyang makita ang mga Cifer, ngunit aminado siyang hanggang ngayon, duda pa rin siya sa kaniyang mga magagawa. Natanaw agad ni Ginoong Royce na may isang lalaki ang nagbabalak saktan si icy, nasa likuran ito ng dalaga at masyado silang malayo ng batang si Liqui para mapigilan nila ito kaya napasigaw na lamang si Ginoong Royce, "Lady Icy sa likod mo!" Nilingon ito ni Icy at laking takot niya nang makita ang nanlilisik na mga mata ng lalaki, agad na sinakal ng lalaki si Icy at iniangat, "Kuya Sander... Ate Firah... Tulong..." bulong ng isip ni Icy. Kahit pilitin nina Ginoong Royce at Liqui tapusin ang mga Cifer ay tila hindi nila agad magawa, dahil kusa na silang dinudumog ng mga ito na para bang alam na ng mga ito ang mga kakayahan nila. Pilit namang inaalis ni Icy ang kamay ng lalaki sa leeg niya. Ngunit nararamdaman na ni Icy na nahihirapan na siyang huminga, naluluha rin siya dahil hanggang ngayon, aminado siyang ayaw niyang gamitin ang kapangyarihan niya dahil sa takot niya na baka may mapahamak na naman. Napapikit siya hindi dahil sa tanggap na niya na talo siya kundi, napapikit siya dahil mas tatanggapin niya na mawawala siya sa mundong ito nang walang mapapahamak na iba bukod sa kaniya. Ibinagsak na rin niya ang mga kamay niya na nagsasabing  hindi na rin niya kaya. Hanggang sa isang pamilyar na tinig ang narinig ng lahat, "Lady Icy!"

                Bumungad kina Ginoong Royce at Liqui ang mabilis na paglapit ng isang lalaki kay Icy.

               "Master Walter!"

               "Kuya!"

               Agad na tinungo ni Walter ang likuran ng lalaking sumasakal kay Icy, "Release!" sigaw niya pagkatapos ay mabilis niyang nasalo si Icy. "Liqui!" malakas na sigaw niya sa kapatid na agad namang naunawaan ng batang si Liqui. Bago pa lumipad palayo ang Cifer na sumanib sa lalaking sumakal kay Icy ay agad na inihagis ni Liqui ang hawak na sandata sa Cifer, tumagos pa ang sandata pagkatapos niyon ay sumabog na nga sa maliliit na piraso ang Cifer at tuluyan ng naglaho.

       
             Patakbong lumapit si Liqui kina Walter, "Kuya..."

            "Magaling ang ginawa mo..." puri pa ni Walter sa kaniya. Lumapit din si Ginoong Royce, "Master Walter, natutuwa akong makita kayo. Ngunit... parang hindi nauubos ang mga Cifers na ito."

             "Pansin ko nga..."

             "Anong gagawin natin kuya?"

             Napatingin sila pareho kay Icy na unti-unti ng nanumbalik ang lakas, "Okay ka lang lady Icy? Tinakot mo ako! Bakit hindi ka lumaban, bakit hindi mo ipinagtanggol ang sarili mo!" may bahid ng pag-aalalang tanong ni Walter.

             "Ku—kuya Walter... Patawad kuya..." Dahan-dahan ng napaluha si Icy.

              "Kalimutan mo na ang nakaraan, walang may gustong mangyari iyon. Ang mahalaga ay ang ngayon, naniniwala ako sa kakayahan mo Icy."

            "Pero... Pa-paano kung—"

            "Nandito lang kami..." Tumango si Ginoong Royce bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Walter, pagkayamot naman ang pinakita ni Liqui, "...At naniniwala ako sa kakayahan mo, kaya ganoon ka rin dapat."

            Dahil sa sinabing iyon ni Walter ay tila ginanahan naman si Icy, lumakas ang loob niya at nawala ang takot sa puso niya. Tumayo siya ganoon din si Walter, tinanguhan siya ni Walter na para bang sinasabi nito sa kaniya na anuman ang mangyari nasa likod lamang niya ito. Iniharap ni Icy ang sarili sa mga Cifer, agad din natuon ang pansin ng lahat ng Cifers sa kaniya na para bang naramdaman ng mga ito ang dalang panganib niya.

            Ipinikit panandalian ni Icy ang kaniyang mga mata, at isang bulong ang kaniyang isinamo, "Kapangyarihan mo O Haring Lamig, ipagkaloob mo sa akin, ngayon din." At sa pagmulat niya'y nakita niya na pasugod na sa kaniya ang mga taong alipin ng mga Cifers. Naiwasiwas ni Icy ang kaniyang mga kamay, mula sa mga palad niya'y umihip ang napakalamig na simoy ng hangin hanggang sa nahinto sa paglapit ang mga tao dahil ang buhanginan na tinatapakan nilang lahat ay napalitan at nabalutan ng isang matigas yelo na kahit ang mga paa ng mga tao ay nabalutan din ng mala-crystal na kapangyarihan ni Icy. "Release," mahinahong bigkas ni Icy. Pinalaya ni Icy mula sa mga Cifers ang lahat ng taong nakadugtong sa ginawa niyang yelo, galit at pagwawala naman ang nabanaag nina Walter at Liqui sa mga nagliliparang mga Cifers, nagpasya pa ang mga ito na sugurin ng sabay ang direksyon ng kinaroroonan ni Icy. Subalit alam na ni Icy kung ano ang sunod niyang gagawin, mula sa pagkabuka ng mga palad niya ay ikiniyom niya ito at doon nagsimula ang mabilis na paglaki ng mga tipak ng yelo sa buong paligid, nagsanga-sanga pa ito at gumawa ng isang malahiganteng puno kung saan sa bawat dulo ng tangkay  nakatusok ang lahat ng mga Cifers  sa paligid, naubos sa isang atake lamang ni Icy ang lahat ng Cifers na nasa paligid. Siniguro rin ni Icy na walang inosente ang mapapahamak sa gagawin niyang atake at nang makitang nagtagumpay naman siya ay saka lamang siyang kampanteng napaupo. Naramdaman niya ang mabilis na panghihina dahil sa ginawa niya, agad siyang pinuntahan nina Walter at Ginoong Royce. Samantalang nawalan naman ng kamalayan ang lahat ng taong naging biktima ng mga Cifers. "Lady Icy, okay na ang lahat... Magaling ang ginawa mo," pagpapagaan pa ni Walter sa kalooban ni Icy.

              "Salamat Kuya Rain...Patawad," mahinang saad ni Icy bago tuluyang mawalan ng malay. Binalot ng lumbay ang mga mata ni Walter matapos muling marinig ang pangalan na iyon, "Hanggang ngayon pala'y dala pa rin niya ang bigat mula sa pagkawala ng kapatid ko." Tinapik na lamang ni Ginoong Royce ang balikat niya. Patakbong lumapit naman ang batang si Liqui sa kanila, "Ginoong Royce, kontakin mo na sila, wala dapat ibang makakita sa kaguluhang ito." Tumango si Ginoong Royce at umalis sa lugar, unti-unti na rin naglaho ang makakapal at makikinis na yelo. Sinalo rin ng buhangin ang lahat ng taong nawalan ng malay.

                Sa di kalayuan ay tahimik na nakamasid ang isang nilalang na siyang nagpalabas sa mga Cifer. Nakatayo ito sa ibabaw ng isang poste habang nakatanaw sa kinaroroonan nina Icy. Agad naman siyang nasipat at naramdaman ng magkapatid na sina Walter at Liqui, mabilis na naghagis ng matulis na sandata na yari sa tubig si Walter ngunit ito'y nasalo lamang ng dalawang daliri ng nilalang na iyon, "Matapang ka... Ngunit hindi pa ito ang tamang panahon para magtuos tayo..." pagkasabi niyon ay kasing bilis ng kidlat itong naglaho sa kinatatayuan nito at nag-iwan lamang ng mahihinang boltahe na nawala rin naman.

***

                    Kinabukasan, kabababa pa lamang nina Firah at Sander sa sinakyan nilang bangka nang salubungin sila ni Icy, patakbo itong yumakap kay Firah, nakasunod naman kay Icy sina Ginoong Royce at Walter. "Icy, salamat at walang masamang nangyari sa iyo!"

                   "Ti—tinulungan kami ni kuya Walter. Ku—kung hindi siya dumating, ma—malamang wala na rin kami rito." Sabay na napatingin sina Firah at Sander kay Walter, "Ginawa ko lang ang trabaho ko, masaya ka na?" sarkastikang sagot ni Walter kasunod  ang pagtingin niya sa ibang direksyon.

                   "Salamat... Sinabi sa akin lahat ni Sander ang ginawa mong pagliligtas sa akin kagabi at ang pagtulong mo sa mga tagarito."

                    Hindi naman napigilan ni Walter na may maalala sa mga nangyari kagabi, wala siyang magawa kundi ang mamula matapos sumaglit sa isip niya kung paano niya nailigtas si Firah, kung paano nagdait ang mga labi nila kagabi, "Ah eh, wa—wala naman akong ginawang masama! Okay lang iyon, wa—wala iyon," nauutal pa niyang bigkas na ipinagtaka naman ng lahat.

               "Okay ka lang? May problema ba?" pagtataka ni Firah.

                "Wa—wala, wala nga sabi e!" pagsisinungaling ni Walter. Pinuna at inasar naman siya ni Sander, "Eh bakit parang namumula at nauutal ka diyan."

               "Tigilan nyo ako, kung hindi, hindi talaga ako sasama sa inyo pabalik sa idle."

              Agad na nanlaki ang mga mata ni Firah pagkarinig niyon, "Totoo? Payag ka ng sumama sa amin?" nanggigilalas pa niyang tanong.

                 "Oo nga ang kulit." Magdiriwang na sana sina Firah at Icy nang may isang pamilyar na boses ang bumasag sa kasiyahan nila.

                 "Hindi ba kayo nahihiya sa ginagawa nyo?" Ang paningin nina Sander at Firah ay nakatuon na ngayon sa bubwit na kinakukuluan ng dugo nila, "Anong ginagawa ng kutong lupa na iyan dito!" Nanggagalaiti pang sigaw ng dalawa, pinipigilan naman sila ni Ginoong Royce na makalapit kay Liqui dahil kita sa mata ng dalawa na gustung-gusto na nilang ibaon ito sa buhanginan  na kinatatayuan nito.

               Pumagitna naman na sa kanila si Walter, "Sandali! Sandali, nakababatang kapatid ko iyan, siya si Liqui. Liqui, sila naman sina Firah at Sander."

              Agad namang kumontra si Firah, "Hindi ako makakapayag na kapatid mo iyan! Hindi!" Kamot-ulo namang natatawa si Walter, "Para namang may magagawa tayo doon?"

             Tumalikod na sa kanila ang batang si Liqui at naglakad na palayo, "Tsk mga isip-bata! Good luck sayo kuya, pag-isipan mong mabuti kung sasama ka talaga sa kanila," sarkastikang usap pa ni Liqui.

       
            "Humanda kang bubwit ka, huwag kang papahuli sa amin ng buhay!!!!" sigaw naman ng dalawa. Natatawa naman sina Ginoong Royce, Walter at Icy sa reaksyon nina Sander at Firah, para kasi mga bata ang dalawa.

***

Ngayong kasama na nila ang isa sa mga itinakda, ano na kaya ang naghihintay sa kapalaran nila. Abangan.

To be continued.

Mga Dapat Abangan...

• Ang pagbabalik sa Idle
• Ang angkan mula sa lahi ni Haring Hangin.
• Kalaban
• School Festival
• Ang sumpa ng pagkaalipin.
• Ang ugnayan ng lahi ni Haring Lamig at ng lahi ni Reynang Tubig.

Author's Note:

Gusto ko lang sanang magpasalamat kay alejandromonto for pushing me na makapag-update nito. Thank you so much. Kundi naman talaga sa pangungulit mo, hindi ko maiisipang magsulat.

Sa ngayon po ay naka-community quarantine ang lahat dahil sa pagkalat ng covid19, kaya mayroon kami/tayong mga time para makapagnilay-nilay bukod syempre makapagsulat. But before anything else. Let us all pray po para sa ating bansa. Nawa ay matapos na at huwag ng masundan ang ganitong crisis. Let us all declare goodness sa ating bayan at pagkakaisa. God bless everyone, keep safe na rin dahil gusto kong maabutan nyo pa ang kwentong ito bilang isang anime na mapapanood ninyo sa inyong mga telebisyon. Oh yes! Isa itong anime.

And one more thing, total, napapanahon ang virus out break, sana'y masama sa mga reading list ninyo ang kwento kong HAVEN REY: a glimpse of Hope. Ito po ay isang science fiction na may kinalaman din sa isang virus na nakamamatay na kumitil ng singkwenta por siyento ng tao sa mundo, sa kwento rin na ito nakasulat ang buhay ng mga nakaligtas sa hinaharap, anong klase nga ba ng buhay ang mayroon sila? Wala lang nasabi ko lang. Hahaha, kaya basahin mo na.

Salamat po ulit ng marami.
Muaaah
-Ate Yhin 2020-
          

                  

                

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com