ANG SAKIT LANG KASI, HABANG MINAMAHAL KITA MAY MINAMAHAL KA PALANG IBA
ANG SAKIT LANG KASI, HABANG MINAMAHAL KITA MAY MINAMAHAL KA PALANG IBA
___
“Oy Jude, mahal? Samahan mo’ko mamaya ah. ”
“San? ”
“Sa Mall, may bibilhin lang tayo. ”
“May gagawin ako mamaya e, kasama girlbestfriend ko. ”
“Importante ba? ”
“Oo, sige una na ako ah. ” he said saka tuluyang umalis.
___
“Mahal, kumain kana ba? ”
“Oy magreply ka naman. ”
“Busy kaba? ”
“Sorry ah, ang kulit ko sige na di na muna kita ichcachat kumain ka sa tamang oras ah. ”
Huling mensahe ko dito bago ko inoff ang cp ko, saka humiga sa kama.
Ano kayang ginagawa n’ya?
Di kaya nag ML s’ya or may tinatapos lang na projects.
Parang dati pagnagchat ako auto reply agad s’ya kahit busy s’ya ba’t ngayon hindi
Baka nga siguro naiwan n’ya cp n’ya at naka open lang ang data.. Hyssttt iwan.
___
“Hi, Mahal. Dinalhan kita ng favorite mo. ”
“AYYYIIIIEEEE SANA OL PRE DINADALHAN. ”
“ANG SWERTE MO NAMAN SA GF MO PRE. ”
natawa nalang ako sa mga asaran ng kaibigan n’ya. Ang kyut nilang tignan.
“Thank you, Nianna. ” he said.
Tumango ako bilang sagot. Saka na lumabas sa room nila. Di naman kasi kami magkaklase e.
Nang makalabas na ako, napahinto ako saka nagtago nang may nadinig ako sa loob.
“Baka gusto mong iwan na s’ya.”
“Ayuko.”
“Pre, nasa tamang tao kana naghanap kapa ng iba. Hindi kita ikukunsente d’yan sa ginagawa mo. Mas maganda kung hiwalayan muna s’ya. Ano iyan habang minahal ka may minahal kang iba.”
Ramdam kong may kung anong luha ang umaagos sa mata ko. Umiiyak na pala ako.
Hindi na ako kumibo umalis nalang ako, di na muna ako papasok ngayon HAHAHHA.
__
“Happy monthsary mahal. ”
“Salamat.”
Nakangiting sagot ko, pero hindi ngiti na masaya kundi ngiti na napipilitan.
Monthsary nanga pala namin ngayon HAHHAHA 1 year and 6 month na pala kami.
“Anong wish mo mahal? Pangako ibibigay ko sa’yo. Sorry ah wala akong time sa’yo lag—.”
“Palayain muna ako. ”
“Ha? ”
“Ayuko nang mag panggap na ok ako , kasi hindi naman talaga. Ayuko nang mag overthink tuwing gabi kung may ginagawa kaba talaga, kung busy kaba talaga o kung may iba kana. Grabi ok naman tayo dati e. Tapus—biglang nagbago lahat kasi dumating s’ya.”
“Ano bang sinasabi mo? Ba’t di kita maintindihan? ”
“Ang sakit pala noh, habang minamahal kita may minamahal kana palang iba. Hindi pala talaga sapat iyong pagmanahal ko. Madami pala talaga sigurong kulang. ”
Pinunasan ko iyong luha ko, saka tumitig sa kan’ya. Sobrang sakit ng dibdib ko. Pakiramdam ko mawawalan ako ng lakas sa harap n’ya.
“S-Sorry.”
“Bakit ba sa tuwing nakakasakit kayo, sa tuwing may nagagawa kayong mali sorry agad ang sinasabi n’yo. Tapus pag ok na gagawin n’yo ulit. Sana—bago mo ginawang maging comfortable sa iba iniisip mo muna kung ayos lang ako. Kung masaya paba ako na hindi na ako ang priority mo. Kung kaya ko pabang mag stay sa relasyong ako nalang ang gumagawa ng paraan para kumapit pa. Nagkulang ba? O may kulang pa? ”
“N-Napagod lang siguro ako. ” sagot n’ya na kinasakit ko lalo. “Napagod ako sa pangungulit mo. Napagod ako sa kakaintindi sa’yo.napagod akong pakisamahan ka. ”
“Kaya ba sa iba ka nagpahinga. Dinig ko na may iba kanang gusto kaya pala di kana nagrereply at lagi kanang busy. Sana kung alam mong hindi na ako iniwan muna ako. Kasi nag assume ako na ako pa. Umasa akong may ako pa. ”
“S-Sorry akala ko kasi ayos lang, akala ko kasi hindi mo ramdam. Akala ko ka—.”
“Akala mo hindi ako masasaktan? HAHA JUDE HINDI AKO MANHID, RAMDAM KO LAHAT EVERYTIME NA HINDI AKO ANG KASAMA MO, RAMDAM KUNG HINDI NA AKO. napagod din ako ako pero nag stay ako , mas nauna akong mapagod pero nanatili ako. At ramdam mong nasasaktan ako pero pinagpapatuloy mo. ”
“S-Sorry.”
“Ang makalaya sa’yo ang pinakamasayang disisyon na gagawin ko. ”
“B-Babawi ako, p-please huwag naman ganito. Alam kung nagkamali ako. Pero babawi ako please s-sorry. ”
Hinawakan n’ya kamay ko saka hinalikan. Pero unti unti ko itong tinanggal.
“Hindi ibig sabihin na kaya kita pinapalaya kasi hindi na kita mahal, pinapalaya kita kasi naaawa na ako sa sarili. Pinapalaya kita kasi—hindi na ako.”
“N-Nianna.”
“Mahal kita sobra, pero habang patuloy kitang minamahal nauubos iyong pagmamahal ko sa sarili ko. Masaya na ako kung magiging masaya ka. S-sige na malaya kana. Happy 1 year and 6 month nga pala. ”
Saad ko saka unti unting naglakad paalis sa kan’ya. Pero bago iyon huminto muna ko.
“And Please, huwag kana sanang bumalik pa. ” huling salitang binitwan ko bago ko s’ya nilisan.
Sana tama ang disisyon ko.
Sana maging masaya ako at hindi pagsisihan ito.
—Clia writer's
Don’t copy or repost
ps: My last update enjoy reading ❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com