Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

JS: Isa kang bangungot

Hello, dati kong sinta,
Sa gitna nang gabi ikaw agad ang na gunita.
Biglang naisip mga maala-sorbyetes mong winika.
Noong mga panahon ako'y dakilang martyr pa.

Napakabilis lang nang panahon.
Noon, mga salita mo ang sa damdamin ko'y nagpapa-ahon.
Tinatangay mo sa laot ang puso ko gamit ang mapanlinlang na alon.
Pagkadaka'y iiwanan mong uhaw sa pag-ibig mo buong maghapon.

Natatandaan mo na? Ganoon ka kaya,
Papainan mo ako ng matatamis mong salita.
Pagkatapos pag ako'y kumagat na
Bigla na lamang presensiya mo'y mawawala.

Dumating pa nga sa punto
Nagawa kong maniwala't magpagamit sayo.
Masisisi ba nila ako?
Kung nagpadala ako sa matatamis na kasinungalingan mo?

Noon iyon guys, huwag kayong mag-alala
Dahil ngayon, ako'y ibang-iba na.
Mga salita niya'y biglang naging matalas na espada.
Ako'y sinusugatan kaya di na magawang sa kaniya'y maniwala pa.

Minsan talaga, kailangang sugatan ka muna.
Bago maunawaan na mali ang iyong mga pinaggagawa.
Madalas kase, pagka-martyr natin kasing tigas nang bato.
Kaya para gisingin ka, ang ta-target-in ay ang malambot mong puso.

Haay, salamat at ako ay ginising ni bathala.
Mula sa panaginip na puno ng mga maling pagnanasa.
Kung saan ang mali ay pilit pinapalabas na tama
At ang tama'y kinakalimutan dahil sa paghahangad nang sobra.

[••• 10-28-15 •••]
2:05 am ~ yhin

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com