Kaibigan Paalam (Farewell My friend)
Sinong mag aakala na tayong dalawa, landas magkikita
Sa dinaasahang pagkakataon tayo ay nagkasama
Dahil Ikaw at ako parehas ng pinasukan
At doon na nga nagsimula ating pagkakaibigan.
Tayo'y nagkakilala pa at kapwa nagkaintidihan
Sa mga bagay na akala ko'y iyong kasusuklaman
Isang palatandaan na ikaw ay tunay na kaibigan
Kahit di mo sabihin ito naman ay aking nararamdaman
Madami ng pinagsamahan sa mga kulitan at kadramahan.
Magkakasama pati sa barkadang may kaarawan
Kung walang panghanda, patak-patak ay asahan
Ito ang dahilan kaya mas tumibay ang samahan
O kaibigan, parang kailan lang nung tayo'y huling nagkasama
Ako pa nga'y iyong niyaya para sa inyong bahay makisaya
Dahil sa ipinag didriwang ng lahat ng taunang piyesta
Subalit ito na pala ang huling beses masisilayan ang iyong ngiting kay saya.
Lumipas ang araw, linggo at buwan
Ako'y umalis para sa gawain sa simbahan
Subalit sa aking pagbalik agad kong nabalitaan
O aking kaibigan! inihatid na sa huling hatungan
Ang hindi ko matanggap nawala ka ng di ko man lang nasisilayan
Ni hindi ko man lang sa'yo naibahagi ang kaligtasan
Dinaan ko na lang sa iyak ng halos isang buwan
Umaasa na kahit papaano panghiihinayang ay maibsan
Mahal kong kaibigan, sayo ay paalam
Salamat sa ala-ala na ating pinagsamahan
Sa lungkot at saya, asaran at kulitan
Ala-ala ng yung mukha sa aking isipan mananatili magpakailanman!
-wakas.
Ito ay base sa totoong pangyayare.
Inaalay ko ang tulang ito sa aking kaibigan na yumao na taong 2011
ngalan niya ay
"JAYCAR VALENCIA"
Miss na kita kaibigan :(
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com