Chapter 1: Almira
***
"After four days, lilipat ka na sa bago mong school, Mira."
Nabaling ko kay Tita Ams ang tingin ko. Nilunok ko muna ang kinakain kong tinapay bago ako magsalita.
"Uh-huh... Tita, saan ba po 'yang school na sinasabi mo?" Sabi ko.
"Doon sa probinsya ng Mama mo. Doon sa Hirama. Maganda doon at bagay na bagay ka na magpapatuloy roon sa pag-aaral bilang Grade 9. Kasama mo naman ako roon. Doon tayo sa bahay ng lolo't lola mo." Mahaba niyang sabi.
"Hirama? Ang layo 'yon ah! May school pala doon." Komento ko.
"Oo, syempre... Sa Llehram Academy ka mag-aaral. Doon din nag-aral 'yung Mama mo. Maganda roon, Mira at sigurado akong magugustuhan mo doon." Saad niya.
Llehram Academy? Pangsosyal 'yung pangalan. Hahaha...
"Private school, Tita?" Tanong ko 'tsaka kinagatan ko ang tinapay na hawak ko.
Nakita ko namang umiling si Tita Ams. Oo nga pala, lumipat pala ako dahil sa financial problem.
"Hindi. Public school 'yun pero maganda naman ang environment doon. Matitino naman ang mga estudyante roon." Sagot niya.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at tumingin sa akin.
"Mag-impake ka na ng gamit mo, Mira. Pagkatapos, matulog ka na rin. Gabi na." Sabi ni Tita Ams na dahilan kaya napatigil ako sa pagkain.
"Huh?" Bulalas ko.
"Bukas ng madaling araw, aalis na tayo papunta sa Hirama. Baka nakakalimutan mo na apat araw na lang at papasok ka na sa bago mong paaralan." Sabi niya.
Oo nga pala. Nakalimutan ko. 'Sensya naman... Hehehe.
"Tita, wala pa pala akong gamit sa school." Sabi ko.
"There's no problem about that, Mira. Nakabili na ako noong nakaraan pa."
Aba! Mukhang mas excited pa siya, ha! Napatawa na lang ako.
Umakyat na si Tita Ams sa ikalawang palapag ng bahay. Mukhang mag-iimpake na siya. Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa palabas na pinanonood ko, ang Phineas and Ferb. Ininom ko ang juice. Bukas na pala ako lilipat sa Hirama. Wala akong masyadong alam sa lugar na iyon at sa paaralang sinasabi ni Tita Ams. Ang alam ko lang, sa Hirama si Mama nakatira dati noong buhay pa siya. Yes... Patay na siya. Sabi ni Tita Ams, naaksidente daw si Mama noong grade 9 daw siya sa Llehram Academy. Wala pa akong isang taon noon kaya sa picture ko lang siya tinitignan. After daw nangyari ang trahedya na iyon, lumipat na si Tita Ams dito sa Manila kasama ako at si Papa. So, dito na si Tita Ams nagpatuloy sa pag-aaral sa Maynila.
Balik tayo sa Hirama. Iyon nga, ang alam ko lang na doon nakatira sila Mama. Hindi naman kasi madaldal si Tita unlike kay Papa na kapatid niya. Well, sana na naman magiging maayos 'yong school year ko doon sa Llehram Academy lalo na transferee ako. OMG! Sana hindi kagaya sa stories na nababasa ko doon sa Wattpad! Iyong api-apihin ka ng mga bitch doon o kaya doon sa nababasa kong horror stories na sa paaralan na may mga multo. My Ghad! I hate ghosts! Duterte lang ang 'peg.
"MIRA, MAG-IMPAKE KA NA'T MATULOG!"
Napatayo ako mula sa pagkakaupo dahil sa gulat. Agad-agad kong pinatay ang T.V tsaka dinala lahat ng pinagkainan ko sa lababo at pumanik na taas. Pagkapasok ko sa kwarto, napabuntong-hininga ako.
"Haayy... Mamimiss ko talaga ang kwartong ito bukas."
Kinuha ko ang isang maleta mula sa ilalim ng kama ko. Dinala ko iyon malapit sa closet ko. Kinuha ko ang mga paborito kong damit at nagsimula nang mag-impake.
=-=-=-=-=-=-=
KINABUKASAN....
"May tatlong bibe akong nakita...
Mataba, mapayat ang mga bibe
Ngunit ang pakpak sa likod ay iisa...
Siya ang little nanay sa---"
Napatigil ako sa pagkanta ng tatlong bibe nang nakita ko na ang pagtaas ng araw. Isa lang masasabi ko... Ang ganda! Putek!
Mahigit tatlong oras na kami bumabyahe papunta sa Hirama at sa tatlong oras na iyon, puro pagkanta lang ng "Tatlong Bibe" ang ginawa ko. Alas-dos kami umalis at ngayon, ala-singko na. Jusmiyo Marimar! Ganito ba talaga kalayo ang Hirama? Puro mga palayan na ang dinadaanan namin. May nakita pa nga akong kalabaw eh! Probinsiya nga...
"Tita Ams, malapit na ba tayo? Tatlong oras na tayo bumabyahe ah..." Reklamo ko.
"Medyo malayo pa." Tipid na sagot ni Tita.
"Ay, ganern...."
Binaling ko na lang ang aking tingin sa bintana. Isinuot ko ang earphones ko atsaka nagpatugtuog ng kanta.
Wala nang dating pagtingin
Sawa na ba saking lambing
Wala ka namang dahilan
Bakit bigla na lang nang iwan?
Shemay! Ang ganda talaga nitong kanta... Tagos talaga to the bones ang lyrics.
Di na alam ang gagawin
Upang ika'y magbalik sa'kin
Ginawa ko naman ang lahat
Bakit bigla na lang naghanap?
"Ahh..." Paghikab ko.
May nadadaanan na rin kami ng mga kaunting kubo. Ang ganda nila tignan.
Hindi magbabago
Pagmamahal sa iyo
Sana'y pakinggan mo
Ang awit ng pusong ito
Tulad ng mundong hindi
Tumitigil sa pag-ikot
Pag ibig di mapapagod
Tulad ng ilog na hindi
Tumitigil sa pag agos
Pag ibig di matatapos
Unti-unti kong napikit ang talukap ng aking mga mata at iyon ang huli kong narinig hanggang sa tuluyan akong binalot ng kaantukan.
After two hours....
Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata nang nakarinig ako ng morning sound ng manok. Teka nga lang... Manok? Kailan pa nagkaroon ng manok sa kwarto ko?!
Agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga. Sinuri ko ang paligid.
"Bakit kulay puti itong kwarto? Sa pagkakaalam ko, kulay mint green ang kwarto ko."
Napahawak ako sa aking ulo at pilit inaalala ang nagyari.
May maleta.... Nasa loob ng kotse ako't si Tita... Tatlong bibe... Sunrise... Nakinig ng kanta... Manok?
"OO NGA PALA! SA HIRAMA!" Sigaw ko nang marealize kong mukhang nasa Hirama na kami. Dito sa bahay ni lolo't lola.
Tumayo ako at pumunta sa pinto alangan naman sa bintana. Pipihitin ko na sana 'yung doorknob kaso nga lang...
"Ouch!" Inda ko.
Pa'no ba naman? Bumukas bigla 'yung pinto kaya ngayon sapo-sapo ko na ang aking noo na mukhang magkakabukol.
"Ayos ka lang ba?" Rinig kong sabi ng isang 'di pamilyar na boses.
"Try ko kayang iuntog ka sa pinto. Tignan natin kung hindi ka okay." Pilosopo kong sagot.
Nakarinig ako ng paghagikhik kaya unti-unti kong iniangat ang aking ulo at nakita ko ang dalawang lalake at isang babae 'tsaka si Tita Ams na mukhang sira sa pag-ngiti dahil sa pagpipigil ng tawa. Iyong tatlong katao ay nakasuot ng parang uniform sa school na may logo na nakalagay ay LA, Los Angeles? Teka nga, sino ba sila?
"Pagpasensyahan niyo na si Mira. Ganyan talaga 'yan kapag bagong gising pero mabait naman 'yan kahit may katigasan ang ulo." Nakangiting sambit ni Tita Ams sa tatlo.
Bumaling naman ang tingin ni Tita Ams sa akin atsaka nagsalita.
"Mira, sila nga pala ang estudyante mula sa Llehram Academy na magiging kaklase mo naman ngayong taon." Sabi ni Tita. "Sige iwan ko muna kayo."
Lumabas na ulit si Tita Ams sa kwarto at iniwan ako kasama ang tatlong bibe este estudyante pala.
Tumikhim naman iyong babae na mukhang masungit. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya. Pasimple kong pinunas ang gilid ng labi ko sa pangangambang may panis na laway mula sa pagtulog ko. Buti naman wala. Hehehe...
"I'm Sasha Estrada. Secretary sa section ng Class 3C doon sa Llehram Academy." Masayang sabi noong Sasha.
Mabait pala... Ang judgemental ko talaga.
"Ako naman si Gabriel Ramos. Vice president ng Class 3C." Pakikilala naman ni Gabriel. Hula ko siya 'yung humagikhik. "Itong sa tabi ni Sasha. Siya naman si---."
"Kean Marcos. The president and also the controller in Class 3C." Malamig na sabi noong Kean na nasungitan ko ata kanina. Hindi naman ako sasapakin nito,'d ba? 'D ba?
Medyo lumihis ako ng tingin ako dahil parang nakaramdam ako ng hiya. Parang pinapatay ako ng konsensya ko dahil sa ginawa ko kanina. Shemay!
"H-hello... Ako nga pala si Almira Santoval. Pwede niyo kong tawaging Mira." Sabi ko at bumaling naman kay Kean. "Sorry pala kanina. Hehehe."
Nilahad ko ang aking kamay na iniabot naman ni Kean. Napatitig naman siya doon. Okay, awkward~. Wala naman siya sigurong balak na baliin ang maganda kong kamay?
"Ah... Eh... 'Yung kamay ko." Mahina kong sabi.
Agad naman niyang binitawan ang kamay ko. Nakita ko na pasimpleng siniko ni Gabriel si Kean. Tumingin naman sa dalawa si Kean. Parang nag-uusap sila gamit ang mga mata at pagkatapos noon, tumango si Kean. Ang weird....
"Saan ka galing?" Tanong ni Gabriel.
"Kanila Papa at Mama..." Alanganin kong sagot pero nakita kong napatawa ng mahina sila Sasha. Tama naman sagot ko ha!
"I mean saan kang galing na school?" Medyo natatawang sabi ni Gabriel.
"Ahh... Sa Kenster University. Doon sa Manila." Sagot ko.
"Manila? Bakit ka pa lumipat?" Interesadong tanong ni Sasha.
"Financial problem..." Tipid kong sagot. Ayokong inuungkat ang personal kong buhay. "Bakit pala kayo andito?"
"Oh! Buti tinanong mo. Ibibigay pala na sana namin ito."
May ibinigay si Sasha na notebook. Kinuha ko naman iyon.
"Notes 'yan para sa mga past lessons." Sagot ni Kean. Himala nagsalita ulit! Akala ko magiging props na lang siya eh!
"Thanks." Tipid kong saad 'tsaka ngumiti. "Ano pala 'yung controller? 'Yung sinabi ni Kean."
Para naman silang naetstatwa sa kinakatayuan nila.
"Mapanatili 'yung kapayapaan sa section. Mga pasaway kasi 'yung iba. Ha-ha-ha." Sagot ni Gabriel at alanganing tumawa.
"Ah... Parang PRO lang..." Sabi ko pero 'yong utak ko iniisip na may iba pang ibig sabihin ang 'controller' na sinasabi nila.
"Tama! Ganoon nga!" Sabi ni Sasha.
Tumingin naman si Sasha kay Kean. Ayan na naman sila. Nag-uusap gamit ang mga tingin nila.
"Aalis na kami." Walang kaemosyon-emosyon na sabi ni Kean. Asa namang nakangiti 'yan. Psh.
Lumabas kami sa kwarto at hinatid ko sila sa labas ng bahay. Ang totoo, sila ang sinundan ko. Medyo may kalakihan pala itong bahay nila lolo't lola. Nagpaalam na ako sa kanila.
Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang nakarinig ako ng yabag mula sa likuran ko. Napaharap ako at nakita ko si Tita Ams na basang basa.
"Tita, ba't basang basa kayo?" Nag-aalala kong tanong.
"Natapilok ako doon banda sa ilog kaya nabasa ako."
Napansin kong may konting gasgas ang tuhod niya. Nakawalking short kasi siya.
"Ba't 'di mo ko sinama, Tita?! Ikaw lang? Ganern?" Pagrereklamo ko.
Natawa naman si Tita Ams.
"Huwag na. Magagalit ang diyosa sa ilog dahil may naligo na unggoy sa teritoryo niya." Pangangasar niya na ikinasimangot ko. 'Pag si Tita sumabak sa asaran game, hindi 'yan magpapatalo.
"Opo na lang, 'Ta. Opo..." Sabi ko na ikinatawa lang niya.
"Ayos lang 'yan, Miranggoy. Mahal ka pa naman ni Mojo."
Seryoso? Pati 'yung kalaban ng powerpuff girls dinamay pa. Aba, matindi!
KEAN'S POV (short POV)
"May nakita kang kakaiba?" Seryosong tanong ni Sasha.
"Wala. Hindi siya ang taong kailangan iwasan." Sagot ko.
"Mawawala ako ng ilang araw. Bantayan niyo't 'wag niyo sabihin agad ang nangyayari. Ako ang magsasabi sa kanya pero siguraduhin niyong hindi masisira ang balanse ng section natin." Dagdag ko.
Miss Red ❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com