Chapter 10: Death Class
Maraming salamat po sa matagal na paghihintay ng update ko. Sorry for the super duper late update. ❤
This chapter was dedicated to BlueNowYOUseeMe. Habang 'di pa ako nag-uupdate, binasa ko po ang mga past comment ng ibang readers. So, this is your request, baby.
THANK YOU FOR 12K READS, MGA BABIES!
***
"Shhhh." Pagpapatahimik sa akin ni Jashlei. Nakatakip ang kanang kamay niya sa bibig ko.
Nakarinig kami ng mahihinang yapak ng mga paa na palapit sa kinalalagyan namin ngayon.
Oo.
May kalahating parte ng utak ko na sinasabing maari akong lumabas at nagpakita sa kanya pero ang isang parte ko ay sinasabing huwag. Maari kaming mapahamak.
"May pumunta ba rito?"
Halos pigilan ko ang aking paghinga. Napasulyap ako kay Jashlei. Agad akong napalayo at ako na ang kusang nagtanggal ng kanyang kamay sa aking bibig nang mapagtanto ko ang aming posisyon. We're too close.
Narinig ko siyang tumikhim ng mahina.
"Mayro'n nga. Nawawala ang class record noong 1988." Saad ni Brent sa kanyang sarili.
Napasulyap ako kay Jashlei. May hawak na siyang pilas ng papel. Nanliit ang mga mata ko nang mapansin kong may bahid ng dugo iyon.
Bumalik ang tingin ko sa harap. Pinararamdaman ang galaw ni Brent.
Maya-maya pa'y nakarinig ako nang pagsara ng pinto kasabay rin no'n ay ang pagbahing ko dulot ng alikabok.
Fudge.
"Mira, ano ang ginagawa mo diyan?"
Nanigas ako. Napalingon ako sa gawing kanan. Nakita ko ang mukha ni Brent. Tila nakayuko siya at nakasilip sa gawi ko.
"Mira!"
Tae, s'ya nga!
Sa gulat, napatayo ako ngunit huli ko nang napagtanto na nasa ilalim pala ako ng mesa.
"Ouch!" Hiyaw ko.
Pagapang ako na lumabas sa ilalim ng mesa. Pasimple akong lumingon sa ilalim at napahinga ako ng maluwag nang nakita kong wala si Jashlei.
Nangitngit ako sa inis dahil sa kanya. Letse siya toda max! Iniwan ba naman ako?
"A-ah. Kinuha ko 'yong ballpen ko. Yeah right!" Depensa ko. Inilabas ko pa ang ballpen na hawak-hawak ko mula pa kanina.
Inilalayan niya ako. Napakamot naman ako sa ulo.
"Nalaman kong dito nag-aaral iyong tita ko so... Yeah," Sagot ko sa tanong niya kanina. Peke naman akong tumawa. "Ikaw? Bakit ka nandito?"
Napansin kong saglit siyang nanigas sa kinatatayuan niya. Umubo siya ng peke.
"Ah. May pinapahanap lang sa akin si Kean." Napairap ako ng mata nang marinig ko ang pangalan niya.
"Bakit hindi siya naghanap? May kamay naman kamo siya. Psh."
Narinig ko namang tumawa si Brent. God... Ang gwapo niya talaga tumawa.
Pinilig ko ang aking ulo at naglakad palayo. Naramdaman ko namang sumunod siya.
"Adik ka talaga. Hahahaha! He's our president after all. It's for our class, you know." Usal naman niya.
Nang makarating kami malapit sa pinto, sinenyasan ko si Sir Paul na lalabas na ko.
Pumihit ako paharap kay Brent.
"Ah sige, Brent! Maya na lang sa room. May pupuntahan pa ako eh. Bye!" Paalam ko at patakbong lumabas ng library. Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa.
Nang makalayo ako sa library, napabuntong-hininga ako. I need to find Jashlei. Kailangan kong masagot lahat ng katanungan ko.
"Wassup, Mira?!" Napalingon naman ako sa gawing kanan ko nang narinig ko ang boses ni Jaime.
Napatigil ako sa paglakad.
"Hey, Jaime," bati ko. "Kamusta?"
"Cute pa rin." Bumungisngis siya ng tawa.
Naalala niyo pa ba siya? Jaime Monroe, a grade 9 student in Llheram Academy. We were in the same class. Siya ang unang nakilala ko sa klase. Basically, we are not so close. Hindi ko siya masyadong nakakausap dahil palagi niyang kasama ang boyfriend niyang si Alex, a grade 11 student. Paano ko nalaman? Kila Bea at Jay.
Naalala ko tuloy si Jay. Mas lalo siya naging mailap sa akin simula nang mamatay si Grey. Si Bea? She was nowhere to be found.
"Mira, nga pala. Una na ko! Ibibigay ko pa kasi kay boyfie iyong phone niya. Naiwan kasi. Byieeee!"
Umalis na rin si Jaime. Napailing na lang ako at nagpatuloy na naglakad.
Lumiko ako sa kaliwang pasilyo. Napatakbo na ako nang nakita ko ang hagdanan papunta sa rooftop. Alam ko na laging doon tumatambay si Jashlei.
Nang makaakyat ako, binuksan ko ang bakal na pinto. Gumawa ito ng kaunting ingay. Mula sa kulay tanso ito, napapansin mo rin ang kalawang doon. Napaghahalataan na walang dumadaan o napapunta rito.
Naglakad ako papasok. Isinara ko rin ang pinto, pagkatapos.
Napaangat ako ng tingin ng nakita ko si Jashlei na nakaupo sa isa sa mga upuang nakatambak doon.
Pinasok ko ang aking kamay sa bulsa ng palda ko. May nahagip akong pambura ng lapis. Napangisi ako at saka binato ito papunta sa direksiyon niya.
Nakita ko kung paano tamaan siya sa noo. Mas lumawak ang ngisi ko. Nakuha ko ang atensiyon niya.
Naglakad na ako sa direksiyon niya nang napalingon siya sa akin.
"Ano ang ginagawa mo rito?" Malamig ang toni na ginamit niya.
"Huwag mong sabihin na nahawa ka na talaga ni baklang Kean." Asar ko.
Napa-tss na lamang siya. Napatikhim ako at nagseryoso. Nabura ang ngisi ko sa aking labi.
"Alam mo kung ano ang pinunta ko rito, Jashlei." Seryoso kong sambit. Napagawi ang tingin ko sa armchair ng inuupuan niya. Iyong class record noong 1998, taon ni Tita Ams.
"Death Class." Biglang usal niya.
"Huh?" Kunot-noo kong saad.
"Alam kong hindi mo ko titigilan hangga't di ako sumasagot sa mga tanong mo." Saad niya.
Hindi ako nagsalita. Nanatiling tinignan ko siya at hinihintay ang sasabihin niya.
"I started to study here in L.A since I was in Grade 8. Ikalawang year ko na ngayon rito... Everything was normal until one incident happened. Nagbago ang lahat. Nang tumuntong ako sa Grade 9 level at sa section ng Class 3C, I was started to be invisible." Panimula niya.
"Ano? Anong insidente? At anong nagbago?" Sunod-sunod kong tanong.
Narinig ko siyang tumawa ng mapakla. Binuklat niya ang class records ng Class 3C na nakuha namin sa library.
"Nagbago na ang lahat. Nagsimula na nila akong hindi pansinin at trinato na tila ba'y isang multo. Maski ang mga guro ay tinatrato ako ng ganoon. Doon na ako nagsimula na gumawa ng sariling investigation. Alam kong nasa ikalawang buwan pa lang ng pasukan ka pumasok dito kaya wala ka ganoong ideya. Kagaya mo, madami rin akong mga katanungan." Mahabang lintanya niya.
Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan. Napahinga ako ng malalim bago nagsalita.
"Bakit si Sir Paul? Bakit ka niya pinapansin at kinakausap?" Tanong ko.
"Iyan ang hindi ko masagot," Peke siyang umubo. "Ang buong akademya ay damay. Alam iyan ng lahat. Death Class... Iyan ang bansag o mas kilala ang seksyon natin. Mayroong sumpa ang nakapaloob sa seksyon natin. Alam mo naman siguro iyon, hindi ba? Kada buwan o araw, may namamatay. Ang klase natin ay binubuo ng tatlong officer lamang. Ang presidente, bise presidente, at sekretarya... The president takes control everything. Siya ang bumabalanse sa lahat. Paano nababalanse? Kailangan may tamang tao silang mapili na kailangang ituring na parang patay o hindi nag-e-exist sa ibabaw ng mundo..."
"At ikaw ang napili nila." Bulalas ko.
"Oo." Bumuntong-hininga siya. "Hindi lang ang presidente ang gumagawa ng desisyon kundi ang lahat ng Class 3C students. Nagsimula ang ganitong tradisyon, simula noong labing-tatlong taon nang nakakaraan. Naging epektibo naman ito."
Naalala ko tuloy ang narinig ko noon sa hospital matapos ko bisitahin si Bea at ang bangkay ni Grey. Ito ang sinasabi ni Kean. Kaya ba?...
"Pero ang sumpa? May namatay na sa seksyon natin!" Nanlalaki ang mga mata kong saad.
Tinignan niya ako sa mga mata.
"Oo. Tama ang naisip mo. Nagsimula na. The curse has already started."
At iyon ang ikinangamba ko.
Miss Red ❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com