Chapter 2: Class 3C
Hi, Guys!
Short update lang po ito...
-=-=-=-=-=-
***
"Llehram Academy..." Mahinang basa ko.
I'm here infront of the gate of Llehram Academy. It was so fascinating. And yeah, today is Monday and it's my first day in this school... Man, I'm so excited right now but I feel nervous at the same time.
Teka nga lang, ba't ba ako English ng English dito kahit baliko? Nadala ata ako sa pinanood kong movie na English. Kung andoon lang kayo, naku! Manonosebleed din kayo! Ah! About sa nangyari noong past two days, huwag niyo nang itanong. Lalo lang ako naiinis kay Tita Ams. Ikaw kaya buhusan ng malamig na tubig na may halo pang yelo tuwing umaga. Pero ito.... Kahapon lang ito nangyari. I just meet a mysterious guy... I don't know but parang kilala ko na siya.
=-=-=-=-=-=
"Hmmm..."
Dinama ako ang sariwang hangin habang nagba-bike ako... Ang ganda sa lugar na ito. Paraiso... Para itong hindi probinsya, para sa akin isa itong paraiso. Nagpapadyak lang ako ng pedal hanggang sa may nakita akong maliit na convenience store. Buti naman dito mayroon. Itinigil ko ang bike sa tapat ng convenience store. Bumaba ako roon at iniwan ang bike. Alam ko namang walang magnanakaw noon eh. Iba ang Hirama sa Manila.
Pumasok ako sa convenient store. Nakita kong wala gaanong tao roon. Mabuti na 'yon. Kakatamad kayang pumila sa mahabang linya. Pumunta ako doon sa snacks section at nakita ko ang sari-saring junk foods... Wow!
Kinuha ko 'yung basket sa tabi, wala naman nagmamay-ari eh! Inilagay ko roon ang sari-saring chichiriya na nakikita ko. Pagkatapos ko kunin ang lahat na bibilhin ko, pumunta naman ako sa drinks section nila. Kinuha ko 'yung malaking C2 saka isang bote ng tubig. Pumunta ako sa counter at pagkatapos kong nabayaran lahat ng iyon, kinuha ko ang paper bag. Leche flan lang at hindi iyon plastic! Buti na lang may basket 'yong bike ko... Naku!
Habang palabas ako, hindi ko sinasadyang may nabangga ako. Nahulog ang binibitbit kong paper bag. Inangat ko 'yung tingin ko at nakita ko 'yung isang lalake. Nakatayo ito at nakatingin sa akin.
"Sorry..." Ani ko.
Dinampot ko ang binili ko at inilagay ulit sa paper bag. Kinuha ko ang bote ng tubig nang may kumuha roon... Halos maduling ako dahil isang dipa lang layo namin. Inilipat ko ang tingin ko. Inilagay niya iyon sa paper bag. Tumayo siya kaya tumayo na rin ako. Ibinigay niya sa akin 'yong paper bag kaya kinuha ko naman.
"Salamat." Sabi ko.
Tumingin lang siya sa akin 'tsaka tumalikod na siya. Sungit naman...
"Teka lang! Anong ba pangalan mo?" Sabi ko.
Wala lang. Parang may nag-uudyok sa akin na kausapin siya.
Hindi siya nagsalita kaya tumalikod na lang ako dahil sa pagkakadismaya. Hahakbang na sana ako nang narinig ko siya magsalita. Napaligon ako.
"I'm Jashlei... Jashlei Lee."
=-=-=-=-=-=
"Ouch." Mahinang daing ko.
Napatingin ako sa likod at nakita ko ang isang babae na nakasuot ng uniporme gaya sa 'kin. Nakabike siya.
"Ooops... Sorry. Hindi ko sinasadya." Sabi niya.
Tumango lang ako pero mukhang 'di pa siya nakuntento dahil kinulit na naman ako.
"Talaga bang ayos ka lang?"
Sinabayan niya na ko sa paglalakad papasok habang hawak ang bike.
"Ayos lang ako. Huwag ka mag-alala."
"Talaga ba?"
"Yup."
Napatigil ako sa paglalakad nang nakita ko siyang bumunta doon sa bike park at kinandado ang bike niya. Bakit ko ba siya hinihintay? Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad kahit hindi ko alam kung saan ako tutungo. Magtatanong na lang ako kung nasaan ang Class 3C.
Naramdaman kong may sumabay sa paglalakad ko. Hindi na ko lumingon kung sino 'yon dahil alam kong siya iyon.
"Sorry pala ulit kanina."
Tumango na lang ulit ako.
"Ah... Mukhang transferee ka. Ngayon lang kita nakita dito sa L.A." Sabi niya.
"Oo. Noong nakaraang araw lang kami nakalipat dito sa Hirama." Sagot ko.
"Alam mo na ba 'yung section mo? Anong grade mo na ba?"
"Grade 9 na ako. Class 3C section ko."
"C-Class 3C?"
Napatigil ako sa paglalakad dahil tumigil ito. Ba't parang gulat na gulat siya? Tinignan ko siya.
"Bakit? May problema ba?" Sabi ko.
Bumalik 'yung wisyo niya at ngumiti ng malawak sa akin.
"Ah... Wala. Nagulat lang ako na sa Class 3C 'yong section mo. Kaklase pala kita!"
"Hmm... Saan ba iyon?"
Magsasalita na sana siya kaso isang pangalan na sinigaw ang narinig namin.
"JAIME MONROE!" Sigaw ulit ng hindi na pamilyar na boses.
Napalingon naman siya. Siya ata 'yong tinatawag. So, Jaime iyong name niya? Malamang Mira. Kaya nga lumingon 'yang kasama mo eh. Slow mo rin pag may time.
"Bakit?!" Sigaw niya.
"Tawag ka ni Sir Alvarez!" Sigaw naman ni unknown boy.
Tumakbo ito paalis pero lumingon muli siya sa akin.
"Aalis na ako! Terror teacher 'yon eh! Sa third floor mo mahahanap 'yong section natin! Bye!" Sigaw nia at muling tumakbo. Sana 'di siya madapa.
Napabuntong-hininga ako. Aja! Kaya ko 'to!
Nagsimula ulit ako maglakad. Narinig ko na nagbell na kaya tumakbo na ako. Shemay! Malalate ako nito eh! Tumakbo ako paakyat.
"Yes!" Sabi ko nang nakarating na ko rito sa third floor.
Pinunasan ko ng aking panyo ang tumutulong pawis sa mukha ko. Hindi pa ako nakakapasok sa room haggard na agad ako. Psh. Nagsimula ulit akong maglakad. Tinignan ko bawat room pero wala naman akong nakitang nakalagay na 'Class 3C'. Sabi noong Jaime, dito daw sa third floor.
"Patience lang, Mira. Makikita mo rin 'yon." Bulong ko sa sarili.
Maya-maya nakita ko na ang isang room kung saan nakalagay roon ang section ko. Nasa pinakadulo 'yon. Jackpot!
Tumakbo na agad ako papunta roon sa pinto at nang nakapunta ako roon, inayos ko ang itsura ko. Kumatok ako ng tatlong beses hanggang sa nakita kong unti-unting bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang mukha ng isang 'di katandaang lalake. Mukhang isa siya sa teacher ko.
"So, you must be Ms. Santoval? The transferee?"
Agad akong tumango at ngumiti.
"Pasok ka, Ms. Santoval." Sabi ni Sir.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng room at noong nakapasok na ako, bumungad sa akin ang labing-pitong estudyante at mayroon pang bakante na tatlo. May mga absent. Narinig kong tumikhim si Sir para makuha ata ang atensiyon ng lahat.
"So class, siya nga pala ang bagong kaklase niyo this year." Sabi ni Sir.
Nakarinig ako ng ilang komento ng mga bago kong kaklase.
"Transferee?"
"Ang swerte niya dahil nasilayan niya ang gwapong mukha ko. Haha."
"Ang hangin! Well swerte siya dahil classmates niya tayo kaso malas rin at the same time."
"I hope hindi siya."
"Ang ganda niya, ha. In fairness."
"Hoy, bakla! So far that I know, I AM the most beautiful in this class. Duh!"
"Echosera nito! Kalurki! Ikaw most lang, eh siya more beautiful."
Anong malas ako na napunta ako rito sa room na ito? Bakit?
"So enough class! Hayaan niyong magpakilala ang bago niyong kaklase." Sabi ni Sir.
Ngumiti muna ako bago ako nagsalita.
"Hello. I'm Almira Santoval. I'm only fourteen years old. Pwede niyo akong tawaging Mira, kung gusto niyo. Sana maging kaibigan ko kayo." Pagpapakilala ko.
"Is there any question?" Walang sumagot sa tanong ni Sir.
Nakita kong bumaling siya sa akin.
"Ms. Santoval, kindly seat there."
Pumunta ako sa tinuro na upuan ni Sir at agad umupo roon. Hindi ko sinasadyang nahagip ng mata ko ang isang upuan doon sa last row, sa bintana banda. Luma na iyon kung ikukumpara sa mga upuan namin. Weird.
"Now, let's start our next discussion in English. Get your book now and put it in your armchair. Don't open it without my permission." Sabi ni Sir.
Simula na ngayon ang bago kong kabanata sa highschool life rito sa Llehram Academy bilang isang Grade 9 sa Class 3C. I hope magiging masaya ang school year ko dito. Sana...
Miss Red ❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com