Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3: Mysteries

A/n

This chapter is dedicated to you @jhasminethebully

Maraming-marami salamat po sa mga nagbabasa sa story na ito! <3  In every chapter, may clue po... This is just a short update, again.

=-=-=-=-=-=

***

"Mira, nakapunta ka na ba dito sa Hirama dati?"

It's my second day rito sa Llehram Academy. Masaya naman kahit papaano. Hindi sila mga bully kaysa sa mga public school doon sa Manila. You know... 'Yung mga puro may bitches tapos mga mukhang adik na mga lalake pero 'di naman lahat sa Manila ganoon. Iyon kasi ang nakikita ko eh. One time nga muntik pa ko madamay sa mga grupo ng lalake na nag-aaway. Mga frat ata ang mga iyon. Nakita ko 'yung logo ng isang public school. Hayy... Mga kabataan talaga.

"Hey, Mira!"

Miss ko na ang dati kong tirahan at mga kapitbahay kong friendly atsaka si Azi na cute na aso. Homesick ata ta---...

"MIRA!"

"Ay butiki!"

Jusmiyo Marimar! Uso na ba talaga ngayon ang manggulat?! Huh?! Tell me.

Tumingin ako kay Jay, one of my classmates. Babae po siya. Siya ang nanggulat sa akin.

"Bakit ka nanggugulat? Magkatabi lang tayo, uy!" Sermon ko.

"Kanina pa kita tinatawag pero wala kang response. Lutang ka." Sabi niya habang nakanguso.

Nandito pala ako ngayon sa classroom, nakaupo sa upuan ko. Pinapalibutan ako ngayon ng ilan sa mga classmates ko. Simula kahapon, nag-iinterview na sila sa akin.

"Oo nga, Mira." Gatong naman noong isa kong classmate, lalake siya. Nakalimutan ko 'yung pangalan niya.

"Sorry... May iniisip lang." Sabi ko. "Bakit ba?"

"Nakapunta ka na ba dito sa Hirama?"

"Nope. Pero noong wala pa daw akong isang taon kwento ng Tita ko na dito raw kami nakatira rati kaso lumipat din sa Manila."

"Maganda ba sa Manila?" Tanong ni Grey.

"Pwede na..." Maikling sagot ko.

"Bakit 'pwede'?" Sabi naman ni Bea.

"Polluted doon at isa pa madaming krimen unlike rito." Sagot ko

"Ah..." Chorus na sabi nila.

Nalihis ang tingin ko papunta roon sa lumang upuan. Mula kahapon, nakatuon din ang isip ko sa lumang upuan na iyon. Extra chair lang ba iyon or absent lang ang may-ari? Pero nakakapagtaka lang...

"Uhm, Guys. Tanong ko lang, ha. Sino ba ang nakaupo roon?" Sabi ko atsaka tinuro ang direksyon ng lumang upuan.

"A-ano?" Sabi ni Bea.

"Sabi ko, sino ba ang nakaupo roon? Atsaka bakit luma na 'yung upuan unlike sa atin?" Sabi ko ngunit kumunot ang aking noo nang parang naetstatwa sila.

Weird classmates.... Kahapon ko pa tinanong 'yan but iniiba nila ang topic. Ano bang mayroon sa kanila? Bakit parang pakiramdam ko may tinatago sila?

"Guys..." Tawag ko pero...

"Paparating na si Sir! Bumalik na kayo sa upuan niyo!" Narinig kong utos ni Sasha.

Bumalik na sila sa kanya-kanya nilang upuan. Lumipas ng ilang segundo, dumating na si Sir.

=-=-=-=-=-=-=

"Thank you po, Ate."

Naglakad ulit ako nang nakapagsalamat na ako sa isang babaeng estudyante na pumulot sa mga papel na nahulog ko. Papunta ako ngayon sa faculty para ipasa itong mga quiz papers. Ako kasi ang naasign na magbigay noon. Nasa isang building daw iyon eh, sa second floor daw malapit konti sa Music room. Malapit na rin naman ako...

Lumipas ang ilang minuto at nakarating na rin ako sa nasabing building. Umakyat agad ako papunta sa second floor. 

Nang makaakyat ako sa ikalawang palapag, tumigil muna ako saglit. Sinuri ko ang paligid. Madilim, katakot-takot, at tahimik...

"Dito ba talaga matatagpuan ang faculty?" Sabi ko sa sarili.

Paunti-unti akong naglakad... Tanging yabag ng mga paa ko lang ang tanging naririnig ko nang...

Crowded hallways are the loneliest places
For outcasts and rebels
Or anyone who just dares to be different
And you've been trying for so long
To find out where your place is
But in their narrow minds
There's no room for anyone who dares to do something different
Oh, but listen for a minute

Ano iyon? May iba pang tao dito bukod sa akin? Malamang andito nga 'dba 'yung faculty?

Trust the one
Who's been where you are wishing all it was
Was sticks and stones
Those words cut deep but they don't mean you're all alone
And you're not invisible
Hear me out,
There's so much more to life than what you're feeling now
Someday you'll look back on all these days
And all this pain is gonna be invisible
Oh, invisible

Teka... Ito 'yung favorite song ko, ha! Ito 'yung invisible ni Hunter Hayes!  Naglakad ako sa pinto ng Music room. Idinikit ko ang aking tenga sa pinto nang marinig ko ng malinaw ang kanta. Nakarinig ako ng pagstrum ng gitara.

So your confidence is quiet
To them quiet looks like weakness
But you don't have to fight it
'Cause you're strong enough to win without a war
Every heart has a rhythm
Let yours beat out so loudly
That everyone can hear it
Yeah, I promise you don't need to hide it anymore
Oh, and never be afraid of doing something differ----

"Ouch!"

Natumba ako mula sa pagkakasandal sa pinto nang bumukas ito. Hawak-hawak ko pa rin ang mga quiz papers na ipinapasalamat ko. Tumayo ako atsaka iniangat ang aking tingin. Shemay! Pinagsisihan ko na ngayon ang ginawa ko kani-kanina lang.

"Hello?" Hindi siguradong sabi ko.

Isang lalake na may hawak-hawak na gitara ang nakatayo sa harap ko. Hindi ko alam kung feeler lang talaga ako o hindi. Kilala ko kasi ang presensya niya. Humakbang siya ng isang step papunta sa akin kaya napaatras ako... At doon ko nakita ang mukha niya. Siya 'yung sa convenience store, si Jashlei.

"Uhm..."

Wala akong maisip ng palusot! Anak ng tipaklong! Baka isipin niya na iniistalk ko siya... Teka, 'di naman niya iisipin 'yun kung hindi siya feeler. Oo nga naman.. Ang praning ko talaga.

"Wala dito ang faculty. Sa katabing building iyon." Ani niya.

Wala dito? Ibig sabihin, all this time ang mga sinayang kong energy para makaakyat lang dito ay nauwi sa wala. Ang tanga ko talaga!

Nakarinig ako ng yabag ng paa at narealize kong wala na pala si Jashlei. Dito rin pala siya nag-aaral. Napabuntong-hininga ako. Kailangan ko pang ipasa itong mga quiz papers. Agad akong tumakbo papunta sa hagdan at bumaba mula roon. Nang nakalabas na ako sa building na 'yon, pumunta na ako sa kabilang building. Nasa hagdan pa ako papunta sa second floor nang nakita ko si Sir. Napatigil ako sa pag-akyat at tumingin kay Sir. Mukhang napansin naman niya ako.

"Hello po, Sir. Ito na po pala 'yung mga quiz po." Sabi ko.

Ngumiti ito bago magsalita.

"Salamat, Ms. Santoval." Ani nito sabay kuha ng mga quiz papers.

Ngumiti ako bago tumalikod. Humakbang ako ng isang baitang ng hagdan pababa ngunit mapatigil ako nang marinig ang huling sinabi ni Sir bago ko siya naramdaman na umalis.

"Mag-iingat ka, Ms. Santoval. Hindi lahat ng nakikita mo ay walang misteryong bumabalot doon."

Napatulala ako. Bakit niya sinabi iyon? At sa akin pa talaga. Napailing na lang ako. Wala pang isang linggo ako dito sa Llehram Academy, madami nang katanungan sa isip ko. Mababaliw na ata ako rito. Nagpatuloy na lang ako sa pagbaba.

I don't know pero pakiramdam ko parang nasa loob ako ng isang maze kung saan kailangan ko maghanap ng lalabasan dahil kung hindi, kahit kailan hindi na ako makakalabas. Damn. Bakit ba ako napunta rito sa paaralang ito? Ito lang masasabi ko. I want to solve the mysteries behind this school and in my section.

Miss Red

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com