Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4: Jashlei Lee

HIS POV

"Andito na siya..."

"Bilisan mo maglakad, Bea."

"Hinaan mo kaya ang boses mo, Jay. Ito na nga oh."

"Oo na."

Napabuntong-hininga na lang ako. I've been always treated like that. Halos araw-araw ganito ang routine ko sa Llehram Academy. Umiwas o 'di kaya magpanggap na 'di ko rin sila kilala. Sa bagay, ganoon din naman ang pakikitungo nila sa akin. They used to ignore me like I am not existed in this world. Sanay naman ako. Simula nang tumuntong ako rito sa Grade 9 at mapunta sa section ng Class 3C, ayos naman kaso pagkatapos ng ilang araw, hindi na nila ako pinapansin. Even my teachers ganyan din ang pakikitungo sa akin kaya well free mag-ditch ng klase. I'm damn lonely in here. Psh.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad dito sa hallway. Papasok ako ngayon. Ilang araw na rin kasi ako absent. Kahit ganoon man ang sitwasyon ko, gusto ko pa rin mag-aral. Malapit ng magtime pero mabagal pa rin ang paglakad ko. Gusto ko malate. Nasa second floor na ako at habang naglalakad ako may isang tao ang nakabangga sa akin na siyang dahilan kaya ako napahiga habang siya naman ay nakapatong sa akin. Hawak ko siya sa bewang kaya naman hindi siya buong nasubsob sa akin.

"Sorry..." Narinig kong sabi niya.

Inangat niya ang kanyang ulo kaya nagtama ang tingin namin. Napangisi ako. That clumsy girl again.

Napatawa ako sa isip nang agad-agad siyang tumayo. Tumayo na rin ako. Like I used to do. Hindi ko siya pinansin at maglalakad na sana nang magsalita siya.

"Ikaw pala, Jashlei... Nice to bumping you again."

ALMIRA'S POV

Patakbo akong umakyat sa hagdan dahil malelate na ako. Anak ng tipaklong kasi! Nakatulog pala ako sa mini garden dito dahil sa kakaisip sa sinabi ni Sir sa akin kanina. Nasa hallway na ako ng second floor nang may mabunggo akong tao. Napahiga siya sa sahig at ako naman nasubsob sa kanya. Buti na lang hindi totally nasubsob dahil hawak niya ang bewang ko. Iniangat ko ang aking ulo kaya nakita ko ang kanyang mukha. Agad akong tumayo at pinagpagan ang sarili. Shemay! Kakahiyan 101.

Nakatayo na siya at maglalakad na sana siya kaya nagsalita agad ako.

"Ikaw pala, Jashlei... Nice to bumping you again." Ani ko.

Nakita ko siyang napatigil. Napalingon siya sa akin.

"Sorry nabangga pa kita nagmamadali ako kasi...." Sabi ko nang may sumagi sa isip ko. "Teka! Malelate na pala ako!"

Nagsimula ako tumakbo. Lumingon ako muna bago umalis.

"Bye!"

Tumakbo ako ng mabilis hanggang sa makapunta ako sa classroom. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang mga kaklase kong nagdadaldalan at nagkukulitan. Palihim akong napatawa. Mukhang nakuha ko ang atensiyon nila nang napatigil sila sa kanilang mga ginagawa at pag-uusap.

Naglakad ako papunta sa upuan ko.

"Oh, Mira bakit parang sumali ka sa fun run?" Tanong ni Brent sa akin. Kaibigan siya ni Gabriel.

(A/n: Can you still remember si Gabriel Ramos sa Chapter 1?)

Napatawa ako.

"Sira! Hindi 'no. Tumakbo kasi ako sa pag-aakalang malelate ako sa afternoon class. Delikado na... Terror pa naman si Ms. Sungit." Sagot ko.

Umupo na ako. Sinuri ko ang paligid at napagtanto ko na wala pa si cold Kean at 'yung unknown classmate ko.

"Psst. Bea." Tawag ko.

"Bakit?"

"Nasaan ba si Kean? Dalawang araw na 'yun wala ah..." Presidente pa naman 'yun dito tapos tatamad-tamad. Tss.

Napatingin ako sa kanya nang hindi siya kumibo. Bumungad sa akin ang nakangisi niyang mukha. Ano na naman ang iniisip nito?

"Kung ano man ang iniisip mo, hindi iyan totoo." Saad ko na ikinatawa lang niya.

"Napaghahalataan ka, Mira... Uyy..." Asar niya na ikinanguso ko.

"Sabing wala akong crush sa yelo niyong president!" Diin na sabi ko.

"Ehem... Ehem... Wala akong sinabi na siya. Don't deny it, dear."

"Aish..."

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang narinig ko ang malakas na pagbell, hudyat na start na ang klase. Kasabay noon ang pagpasok ni Sir. Wala si Miss Sungit? Aba, mabuti! Ang bilis naman matapos ang meeting nila.

"Okay... I have a good news for everyone. We will have a camping next next week. Every students are required to join that event. Well, may +1 grade sa bawat subject niyo sa card." Anunsyo ni Sir.

Walang nagsalita. Mukhang nagloloading pa sa utak ko---- namin ang sinabi ni Sir.

1...

Camping?

2....

3....

Tapos +1 na grade sa lahat ng subjects?! Anak ng pating! Seryo----.

"YUN OH!!!"

Napatakip ako sa tenga ko nang narinig kong humiyaw ang mga kaklase ko. Mukhang masisira ang eardrums ko sa kanila. Nakarinig ako ng mga ilang komento nila.

Nagsimula magkwento si Sir sa gaganapin. Sa light forest daw gaganapin ang camping. Part pa rin iyon ng Hirama. Madaming activities daw ang gaganapin at isa pa, three days daw kami. I'm half excited. Bakit? Eh kasi lagi akong minamalas tuwing nagkacamping. Kaya laging zero fun ang camping event ko. Napakuha ang atensyon ng lahat nang bumukas ang pinto sa harap. Lumabas mula roon ang isang 'di ko inaasahang lalake. Siya si Jashlei. Nakita kong deretso siyang naglakad at lumipas ang ilang segundo, bumalik ang ingay sa roon na para bang walang tao na nakita nilang pumasok. They ignore just like that except me. Tinignan ko si Jashlei hanggang sa nakita kong umupo ito roon sa... Sa lumang upuan?! Nabaling ko ang tingin ko kay Sir ulit.

"All this time, kaklase ko pala siya." Wala sa sarili kong saad.

"Mira, sinong siya?"

Napatingin ako sa gawing kaliwa ko. Nakita ko ang nakangisi na mukha ni Brent. Psh. Chismoso talaga kahit kailan.

"None of your business, dude." Saad ko na ikinatawa lang niya.

"Ang taray ah... Huwag ka nga dumikit kila Bea dahil nahahawaan ka na ng katarayan nila." Sabi ni Brent.

"Hoy, kutong lupa! Huwag mo nga brinebrainwash si Mira!" Saad ni Jay na nasa likod lang ng upuan ko.

Kinuha ko na lang ang maliit na pocket book ko at nagsimula magbasa.

=-=-=-=-=-=-=

Time check: 4:45 p.m

Naglalakad ako pauwi sa bahay at kasama ko ngayon sila Jay at Grey. Ngayon ko lang nalaman na nasa kabilang kanto lang mula sa bahay ko sila. Kaya ayun, kasabay ko sila pauwi. Medyo close ko naman sila. Ang ganda talaga rito. Ang sarap ng simoy ng hangin dito kaysa sa Manila.

"Hey, Jay and Grey." Tawag ko.

"Bakit?" Sabay na sabi nila.

"Pwede ba magtiwala at magsabi kayo ng totoo sa akin kahit ngayon lang? Promise! Hindi ko sasabihin ang nalalaman ko." Sabi ko.

"Huh? Bakit naman?" Sabi ni Grey habang si Jay naman mukhang nakikinig lang.

"I just want to ask something." Sabi ko. "Hindi naman ako slow para hindi mapansin na mayroon kayong tinatago."

Napatigil sila sa paglalakad na ikinatigil ko rin. Nakarinig naman ako ng mabigat na buntong-hininga. Mukhang mabigat din ang nilalaman ng tinatago nilang impormasyon mula sa akin.

"Napapansin mo na nga."

Narinig kong bulong ni Jay na hindi nakatakas sa pandinig ko. Nabaling ko ang tingin sa mga kubo't palayan sa 'di kalayuan.

"Napapansin na kagaya ng ano, Jay? Kagaya ba kung bakit ibang iba ang upuan natin kaysa sa lumang upuan doon sa likod?" Sabi ko.

Hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kanila kaya tumungin ako sa kinalalagyan nila. And I was shock that they're gone. Mukhang ayaw talaga nila sabihin sa akin ang totoo. Tumingin ako muli sa harap at nagsimula nang maglakad.

"I don't know what is they're reason kung bakit parang may tinatago sila sa akin."

Parang tanga ako na kinakausap ko ang aking sarili.

"Puro na lang "I don't know" ang laman ng isip ko araw-araw. Buti pa si Candice, iniisip kung paano ma-busted sila Phineas and Ferb."

Sinipa ko ang isang maliit na bato sa harap ko. Napatigil ako muli sa paglalakad nang may narealize ako.

"Kaklase ko pala si Jashlei. Psh." Sabi ko. "Putek! Siya pala ang nakaupo sa lumang upuan akala ko pa naman na si yelong Kean na iyon ang nakaupo roon. Bagay na bagay siya roon maupo."

Napatawa ako ng mahina sa sinasabi ko. Haaay.... Ang haba ng araw ko ngayon at madami pang happenings kanina. Camping announcement.... Pangangasar ni Bea.... Katanungan.... Mga lihim na 'di ko alam...

Ano pa ba nga? Ay tama! Tsaka si Jashlei Lee na kaklase ko pala.

Miss Red

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com