Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5: I.D

***

"Today, we're going to play the sport, basketball and we're going to do that with the Class 2B."

Narinig kong napasigaw ang lahat ng mga lalake at tumili naman ang mga babae... Alam ko na iniisip ng mga ito. Hindi ko naman mapapagkaila na ninety percent na lalake rito sa Llehram Academy ay mga pogi. But anyway, I am not interested.

Medyo napayuko ako nang naglakad si Sir Jonas, ang P.E instructor namin. Isa 'yan sa pinakaayaw kong teacher dito. Strikto at higit sa lahat, ako ang laging nakikita at napapagalitan kahit wala naman akong kasalan. Kung ninety percent ay mga pogi, pero twenty-five percent naman ang mga populasyon ng mga weirdo kasama na si Sir Jonas at ang adviser namin na si Sir Nick. Paano ko nalaman ang lahat na ito? Dahil iyon sa dalawang babae na medyo close sa akin. Sila Jay at si Bea. At ngayon kilig na kilig ang dalawa dahil sa crush nila sa section na Class 2B, grade 9 rin ang mga iyon.

"I know that all of you know how to play basketball especially on boys."

"YES!"

Napabuntong-hininga ako. Ngayon pa rin ay naiistress ako sa nangyayari ngayon. It's been two days the last time I've talk with Grey and Jay. Iyong time kung saan biglang umalis---- tumakas pala ang dalawa. And you're right. Friday ngayon at hanggang ngayon hindi na ako pinapansin ni Jay even Grey. Kahapon ko lang natuklasan na iniiwasan nila ako. If I nearly to spoke up on them, they're going to take an excuse that is too old. And also, these are the two things I'm stressed out. Napapaenglish ako wala sa oras kahit wrong grammar at magbabasketball kami.... Alam niyo 'dba ang basketball? 'Dba?! 'Yung may ginagamit na bolang orange tapos kailangan mong makashoot para magkaroon ng points. Sus maryosep! Eh iyon ang pinakahate kong sport, eh!

"Ms. Santoval!"

Alam niyo ba bakit? Dahil iyon sa pagtama ng letseng bola na iyon sa precious head ko at ang pagiging kulelat ko pagdating sa larong iyan. Ang babaw ko, 'dba? Matagal ko ng alam 'yan.

"Ms. Santoval, are you a deaf?!"

Sana naman hindi ako pag-initan na naman ni Sir Jonas dahil baka paglaruin ako kasama sa mga boys. Utang na loob, sana naman hindi....

"Ay panot!"

Napasapo ako sa noo ko nang may lumipad patungo roon na isang chalk. Ang sakit mga 'dre. Tinignan ko ng dahan-dahan si Sir Jonas dahil sigurado akong siya ang gumawa noon.

"I don't tolerate such rude act, Ms. Santoval." Sabi ni Sir Jonas.

"Sorry po, Sir. Madami lang po ako iniisip." Saad ko

"I don't take an excuses." Sabi niya

Matalim ang tingin niya sa akin na dahilan kaya napalunok ako.

"Everyone, go to the basketball court."

Napabuntong-hininga ako. Tumayo naman ang lahat. Nakita ko si Bea na nakatingin sa akin na parang nag-aalala. Nagsimula sila lumakad palabas ng classroom kaya kinuha ko ang isang bote kong tubig at tuwalya tsaka naglakad na rin kaso napatigil ako nang narinig kong tumikhim si Sir Jonas.

"Everyone, go to the court except Ms. Santoval."

Napukaw ng lahat ng atensiyon namin dahil sa sinabi niya. Bakit naman ako hindi pwede?

"You, Ms. Alonzo." Turo niya sa akin. "Get the gym bags in the stoage rooms, all of it. And after that, go to the court to put all the bags and go to the cafeteria and buy an eighteen bottles of water."

Napanganga ako dahil sa tinuran niya. Seriously?!

"Sir!"

Napatingin ako kay Gabriel nang tinawag niya si Sir Jonas habang nakataas ang kanan niyang kamay.

"What, Mr. Ramos?" Masungit na tanong ni Sir Jonas sa kanya.

"Sir, I don't think she can do that. She can't carry all of that by herself." Sabi ni Gabriel.

"Go, Gabriel! Ipaglaban mo ko kay Sir Jonas!"

Napangiti ako sa iniisip ko. Hulog ka talaga ng langit, Gabriel! Ikaw nga ang anghel na ibinaba rito sa lupa!

"Pero mukhang ayos naman na gawin niya po iyon, Sir. Medyo may pagkalampa kasi siya. Para naman lalong maboost ang strength niya po, Sir. I think that it's a good idea." Dagdag ni Gabriel.

Unti-unting nawala ang malaking ngiti na nakadikit sa mukha ko. Napalitan iyon ng simangot at talim ng tingin papunta kay Gabriel. Pusit siya! Paasa masyado! Akala ko ipagtatanggol niya ako, iyon pala kukunsintihin niya ang pagiging malupit ni Sir Jonas sa akin! Nanglait pa! Kailan pa ako naging lampa?! Ano gusto niya?! Away o gulo?!

Nakita ko siyang naapektuhan sa matalim kong tingin na parang sinasabi na "Lagot ka sa akin mamaya. Ililibing talaga kita ng buhay".

"Okay... Enough commercials. Pumunta na ang lahat sa court. And you Ms. Santoval get the gym bags, right now!"

Umalis na silang lahat at iniwan ako rito sa classroom. Para akong binagsakan ng langit at lupa. Bakit ako pa?! Naglakad na lang ako paalis sa room.

"Ay tama rin na ako 'yung pinakuha. Atleast, hindi na ako maglalaro ng letseng basketball na iyon." Sabi ko sa aking sarili.

Tumingin ako sa paligid at nakita kong wala na sila. Ang tahimik ng paligid. Nagpatuloy muli ako sa paglalalakad habang sumisipol-sipol. Ang sarap talaga ng simoy ng hangin dito.

You know what? Simula nang mapunta ako rito, masyado na rin ako naiistress. Sa dami ba naman ng katanungan na nasa isip ko. Hindi ko tuloy malaman kung ano uunahin. Sino ba ang dapat kong tanungin? Things got really strange in here. Ayan na naman ako sa pag-ienglish.

Nang na sa hagdan ako, napatigil ako mula sa paglalakad nang mahagip ng aking mata ang lalakeng misteryoso. Sino pa ba? Edi si Jashlei. Nakita ko itong naglalakad paakyat. Nakita kong napasulyap siya ngunit agad niya rin ito tinanggal. Napapikit ako at ikinusot-kusot ang aking mata. Binuka ko muli ang aking mata at nakita kong walang Jashlei akong nakita. Inilibot ko aking tingin sa paligid ngunit hindi ko siya makita. Mukhang naghahallucinate ako. These past few days, masyado akong pre-occupied sa mga bagay-bagay kaya siguro naghahallucinate na naman ako. Hayy, buhay nga naman...

I smile a little and went down upstairs. Ayan na naman ako sa pag-ienglish!

Few minutes passed and I've reached the storage room where the gym bags are. Pumasok ako roon at kinuha ang mahigit anim na gym bags mula roon. Tig-tatlong gym bags sa bawat braso ko. Hell... Ang sakit sa katawan! Ano ba laman ng mga ito? Lumabas ako at isinarado ang storage room.

Naglakad na ako muli papunta sa basketball court para dalhin ang mga gym bags. Malapit naman iyon dito...

Lumipas ang ilang minuto nang makarating ako sa court. Nakita kong naglalaban ang dalawang panig ng lalake. Mukhang alam ko na ang nagaganap. I think na Class 3C versus Class 2B ang laban. Nakita kong nagchicheer ang lahat ng mga babae. Mukhang naglalaway na sila Bea at Jay dahil sa mga crushes nila. Medyo pawis na kasi iyong mga lalake at bumabakat mula roon ang kanilang abs. Wala naman akong pakialam sa mabato nilang tiyan. Tss.

"Okay, times up! Ipapagpatuloy na lang natin ang laro niyo after ng break!" Narinig kong sigaw ni Sir Jonas.

Naglakad ako papunta sa bench at hindi ko inaasahang may tutulong sa akin.

"Kaya ko naman ito, Brent." Saad ko.

"Huwag ka na nga mahiya, Mira. Iyan kaya mo? Eh ang payat-payat mo nga eh." Sabi ni Brent.

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga....

"Oo, Brent. Oo." Sarkastiko kong sabi sa kanya.

Tumawa lang ito at hindi ko namalayang dala-dala niya na ang apat na gym bags. May lahi ba 'tong flash? Naglakad kami at inilagay ang mga gym bags sa bench. Napaupo ako roon.

"Salamat, dude." Sabi ko ngunit ipinagtaka ko nang tumawa siya.

Kailangan na ata siya dalhin sa mental hospital. Malakas na ang topak, eh.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko? Huh?" Masungit kong tanong habang nakacross-arm. Ang taray ko naman! Hahaha.

"Hahahaha! Ang angas kasi ng pagkakasabi mo. Mukha kang tomboy." Natatawang sabi niya.

Lalo pala siyang nagiging gwapo kapag tumatawa.

Napailing ako sa iniisip ko. Binatukan ko nang malakas ang tumatawang si Brent.

"Ako? Mukhang tomboy? Bulag ka na ata, Brent. Eh ang ganda ko kaya!" Sabi ko.

"Oo na lang. Tama ka kasi. Bulag na ata ako dahil nahulog ako sa babaeng katulad mo." Sabi ni Brent ngunit hindi ko marinig ang huli niyang sinabi.

"Ano? Ano 'yung huli mong sinasabi?" Taka kong tanong.

"Sabi ko, ang hangin mo!" Sabi niya.

"Wow! Nagsabi ang hindi."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Mahirap na baka mapagalitan pa ako ni Sir. Jonas.

"Saan ka?" Tanong niya.

"Sa impyerno. Sama ka?" Pabalang kong sagot na ikinatawa niya.

"Pwede ba?"

"Sige. Mauna ka."

Napatawa na lang kami sa walang kwentang conversation namin. Ang sarap din pala kausap nito.

"Bibili na ako ng tubig. Sige. Bye." Sabi ko.

Tumalikod ako at naglakad paalis. Narinig ko pa siyang sumigaw pero hindi ko na siya pinansin dahil baka lalo pang tumalim ang mga tingin ng mga babae sa Class 2B. Hearthrob kasi si Brent kaya maraming babae't bakla ang nagkakandarapa sa kanya. Magaling sumayaw rin siya. It's one of his charm.

Teka nga lang, ba't ko ba siya kinukwento? Psh. Tumakbo na lang ako para makabili na agad ng tubig.

Andito ako ngayon sa bench at pinapanood ang laban ng section namin at sectiong Class 2B. Tapos na ako makabili nang tubig at nabulyawan pa ako ng magaling kong teacher na ang kupad ko daw. Kumuha kaya siya ng katulong niya. Pinapaalala ko lang sa kanya na ESTUDYANTE niya ako hindi KATULONG. Sus, maryosep.

"Okay. That's enough. Pumunta na kayo sa locker room niyo at magpalit. I'm going to give all of you a score 10 in your activity in P.E." Sabi ni Sir Jonas na ikinatuwa naming lahat.

Naglakad na kami paalis sa court para makapagpalit na. Nang medyo hindi pa kami nakakalayo, biglang parang may nakalimutan ko. Napatigil ako at tinignan ang mga dala ko at napansin kong wala iyong bracelet na bigay ni Mama! Pamana niya iyon sa akin sabi ni Tita Ams bago siya namatay. Agad akong umalis sa pwesto ko at patakbong bumalik sa court.

"Uy, Mira! Saan ka pupunta?!" Narinig kong sigaw ni Bea.

Sumulyap ako sa kanya at sumigaw pabalik.

"Bea, may nakalimutan lang ako sa court! Saglit lang at babalik din agad ako!" Sigaw ko.

Tumakbo ako nang mabilis at nakarating agad ako sa court. Sinilip ko sa lupa kung andoon ba ang aking bracelet. Maglalakad na sana ako pabalik dahil mukhang wala roon ang aking bracelet nang may naapakan ako. May naapakan akong isang I.D. Kinuha ko iyon at tinignan kung kanino ba iyon. Nakita ko ang pangalan ng nagmamay-ari. Siya na naman, si Jashlei.

Ano bang meron sa iyo at lagi kita naeecounter? Kung hindi ikaw, iyong gamit mo. 

Miss Red

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com