Chapter 6: Forget me like I'm nothing
BEA'S POV
Napatingin ako sa tumatakbong paalis na si Almira. Since I've met her, I already considered her as my second bestfriend. She is unique and one of the kind. Masyado rin siyang manhid para hindi mapansin na madaming nagkakagusto sa kanya. Hindi ko naman mapapagkaila na maganda ang panlabas at panloob niyang pagkatao.
"Hoy, Bea! Dalian mo para makauwi na tayo. Excited na ako sa movie marathon natin." Tuwang tuwang sabi ni Jay at inakbayan ako.
"Antayin muna natin saglit si Mira. May naiwan lang siya doon sa court, eh." Sabi ko.
"Pupunta rin naman iyon eh. Dali na... Ang baho na natin, oh! Baka hindi pa natin makita sila Daniel." Saad niya.
"Oo na po. Gusto mo lang makita ang six pack of abs ng bebelabs mo eh. Landi mo, 'te."
"Edi wow." Sabi niya.
Naglakad na kami papunta sa locker room. Nang nakarating kami roon, kinuha ko ang aking uniform at pumunta na agad sa girls c.r para makapagbihis na, hindi ko na hinintay si Jay dahil for sure, nakikipagdaldalan iyon. Nang nakarating ako sa c.r, agad akong nagpalit. Hindi naman ako nangangamoy kaya hindi na kailangan magshower. Lumabas ako sa c.r nang may nagtakip sa bibig ko at dinala ako sa isang sulok. Tinanggal niya ang pagkakahawak kaya agad akong nagpakawala ng mabilis na sipa at suntok sa mukha. Blackbelter ata 'to.
"Aray!"
Tumingin ako sa lalakeng humatak sa akin. Nagulat ako nang makilala ko siya.
"Grey?"
Tumingin siya sa akin at umayos ng tayo. Ngumiti siya sa akin.
"Pwede ba kita makausap nang sandali, Bea?" Seryosong sabi niya na ikinalunok ko.
Kailan pa ito natutong magseryoso?!
ALMIRA'S POV
Tumingin ako sa paligid dahil baka makita ko siya hanggang sa napukaw ng atensyon ko sa rooftop ng maling building na pinasukan ko. May nakita akong pamilyar na rebulto ng tao roon.
(A/n: She's talking about doon sa Chapter 3: Mysteries. Iyong nakita niya si Jashlei Lee sa Music room)
I think si Jashlei ang taong iyon. Siya lang naman kasi ang kilala kong pumupunta roon. Nagtanong ako kila Bea at sinabi nilang walang pumupunta roon dahil sa paniniwala nilang madaming multo roon dahil daw sa mga namamatay. Nagsimula akong naglakad papunta roon.
Nang makarating ako mismo sa building dali-dali akong pumasok roon ng walang pag-aalinlangan. Tumakbo ako papunta sa hagdanan para umakyat. Medyo may kalumaan na ang mga hagdanan kaya medyo delikado pero hindi iyon hadlang para hindi ako tumuloy. Tumakbo lang ako paakyat hanggang nakarating ako sa rooftop. Luminga-linga ako sa paligid. Hindi ko siya makita.
Tuluyan akong pumasok sa loob ng rooftop. Naglakad ako sa paligid ng rooftop. Nasaan na ba iyong si Jashlei? Inikot ko ang aking tingin dito sa rooftop hanggang mapukaw ng isang lalakeng nakatalikod ang aking atensiyon. Nakatingin ito sa ibaba ng rooftop. Kilala ko kung sino 'to.
"Jashlei!" Malakas na sigaw ko.
Nakuha ko naman ang atensiyon niya. Bumaba ang aking tingin hanggang napukaw ng atensiyon ko ang hawak-hawak niyang isang bagay mula sa kaliwang kamay niya. It's so familiar. At kung hindi ako nagkakamali, bracelet na bigay ni Mama sa akin iyon! Nasa kanya lang pala.
Naglakad ako papunta sa kanya at nang makalapit ako itinaas ko ang kanyang I.D. na hawak-hawak ko. Medyo hindi ako mapakali dahil sa malamig niyang tingin. Ngumiti ako sa kanya bago ako nagsalita.
"Nasa iyo pala ang nawawala kong bracelet. Ah... Oo nga pala. Ito na iyong I.D mo." Medyo awkward kong saad.
Ibinuka niya ang bibig niya ngunit agad naman niya isinarado. Kaya kahit mukhang feeling close ako at mukhang makapal ang mukha, kinuha ko mula sa kaliwa niyang kamay ang aking bracelet atsaka nilagay roon ang I.D niya. Ang lamig ng kamay niya.
"Buti ikaw nakakita nito..."
Hindi ko napagpatuloy ang sasabihin ko nang may pumasok na mga senaryo sa aking utak. Naalala ko iyong time namin na nagkita sa convenient store tapos iyong nagkabungguan kami. At noong p-pumasok siya sa classroom ng Class 3C, ang room namin... W-Walang pumansin sa kanya at tila para siyang multo na ako lang nakakakita.... Don't tell me.
Napatigil ako sa aking iniisip nang nakarinig ako ng yabag ng paa papunta sa direksiyon ko. Umangat ang aking tingin at naetstatwa ako sa aking kinatatayuan. Ang lapit niya sobra sa akin. Napapikit ako nang nakaramdam ako ng sobrang lamig na hangin.
"Multo ka?" Bulalas ko.
Naramdaman ko ang pagngisi niya sa akin na tila nagkamali ako ng tanong.
"I'm not a ghost idiot but they kinda treat me like that or worst." Malamig niyang pagakakasabi.
Kumakalat na pala ang virus ni yelong presidente. Nakuha mo pa talaga magloko sa kalagayan mo, Mira?! Jusme.
"Huh?" Taka kong tanong. 'Di ko siya magets.
"I'm not a ghost but I'm just nothing, Almira."
Processing....
Processing....
Processing....
Processing....
Processing....
Processed completely.....
"Uhm, ano bang hinithit mo at ang lalim ng pinagsasabi mo?" Pilosopo kong sagot at parang gusto kong tumawa sa pinagsasabi niya.
"I'm not joking. But I want to say to you these three words. Leave. Me. Alone." Diin niyang saad. "Lumayo ka sa akin kung ayaw mo madamay. Life is so unfair. There are things that you didn't know in this world, Almira. Forget me like I'm nothing or let yourself die."
Napapikit ako ng mariin dahil sa sinabi niya at dahil din sa pagkalakas lalo ng hangin. Mga ilang segundo rin ang lumipas bago binuka ko na rin ang aking mga mata. Pagkita ko sa paligid, wala na siya.
Bea's POV
Hatak- hatak ako ni Grey papunta sa labas ng Llehram Academy. Pinagtitinginan na rin kami ng mga ibang estudyante na ikinayuko ng ulo ko sa hiya. Walang hiya na Grey! Lakas ng trip niya, huh. Seseryoso-seryoso tapos biglang tatawa. Kaunti na lang talaga, ipapadala ko na siya sa mental hospital. Lakas ng tama sa utak, eh.
"Ano ba, Grey?! Kaya ko maglakad! Hindi mo ko kailangan kaladkarin! Ano ako aso?!" Naiinis kong sigaw.
Nabitawan naman niya ako agad. Nakita ko ang nakakainis niyang pagmumukha. Nakangiti ito ng malawak. Sana mapunit ang mukha niya.
"Ano ngingiti-ngiti mo riyan? Huh?" Saad ko habang nakahalukipkip at nakataas ang isa sa kilay ko.
"Ang cute mo palang maasar, best friend." Asar niya. Oo... Best friend lang naman kita, eh.
"Matagal ko ng alam na hanggang best friend lang tayo." Nasa isip ko lang sinabi ang nasa huli.
Kinurot niya ang ilong ko na ikinasimangot ko.
"Ano ba kasi sasabihin mo?" Tanong ko.
Magsasalita na sana siya nang biglang may sumigaw.
"BABE KO! GREY SANDALI LANG!"
Babe? Napalingon kaming dalawa sa sumigaw. Nakita ko si Ezra na taga-Class 2B, Grade 9. Ang nagrereyna-reynahan dito sa Llehram Academy kuno. Bwisit.
Nakita kong ikinublit ni Ezra ang kanyang kaliwang kamay sa braso ni Grey. Ang sakit nila sa mata. Hindi sila bagay. Kailan naging compatible ang isang hipon at bakla. Kahibangan.
"Hi, Biik. Oops, I mean Bea pala. Hi~." Tinaasan ko lang siya ng kilay bago binaling ang tingin sa bwisit kong BEST FRIEND.
"Oh, I get it. Iyan pala ang gusto mong pag-usapan natin." Sabi ko habang tumango-tango. "Congrats, ha. Hindi mo man lang sinabi sa best friend na ako ang tungkol dito agad. Well, good for the both of you. Sana tumagal pa kayo."
Maghihiwalay rin kayong dalawa mga bwisit!
Napatingin ako kunwari sa aking relo bago tumingin muli sa kanila.
"Sorry, Grey but I need to go. See you on Monday." Sabi bago tuluyang tumalikod at tumakbo palabas ng gate.
Narinig kong tinawag ako ni Grey but I don't care. Gusto ko ng umuwi at magmukmok sa loob ng bahay. Leche. Paasa. Akala ko magkoconfess siya. Walang hiya. Hindi pala siya nagpaasa sadyang ako lang umasa na mamahalin niya higit pa sa kaibigan.
Ramdam ko ang pagdaloy ng aking mga luha mula sa aking mga mata. Wala akong pakialam kung makita ito ng ibang tao. Medyo blurry na rin ang nakikita ko. Tumawid ako sa kalsada ngunit nang humarap ako sa kaliwa, nakita ko ang isang truck na malapit na sa direksyon ko. Tila nawawalan din ito ng preno. Napatigil ako sa pagtawid at naetstatwa sa kinakatayuan ko. Naririnig ko na rin ang mga tili ng mga bawat estudyante na parang takot na takot sa susunod na mangyayari sa akin. Ngunit may isang pamilyar na boses ang mas nangingibabaw sa kanila.
"BEA!"
Kasabay rin iyon ng malakas na pagtulak sa akin at nakarinig ako ng tila may nasagasaan. Rinig na rinig ko ang takot na tili ng lahat. Naglakad ako kahit hindi ko alam kung tama ang tinahak kong daan papunta sa taong nagligtas sa akin. Nakaapak ako ng parang malagkit na likido. Narinig ko rin ang boses ng taong iyon.
"I l-love you, Bea. S-sorry. *cough* A-After this, f-forget me like I'm n-nothing..."
Umikot ang aking paningin at ramdam ko ang pagbagsak ko. Napahagulgol ako ng tuluyan. Si Grey... Si Grey na naman ang nagligtas sa akin. Bakit ikaw pa?!
-=-=-=-=-=-=-
Hello, Guys! Hart! Hart!
Salamat po pala sa mga patuloy na nagbabasa nitong story na ito. Sorry for the late update. Paalala ko lang po na baka late po ko mag-update sa next chapter dahil na rin po busy sa upcoming exam po namin. Love you all. Mwah :*
Next chapter clue:
"Nagsimula na..."
"May namatay na sa Class 3C."
"NAGPABAYA KAYO KAYA NAWALAN NG BALANSE ANG SECTION NA ITO!"
Miss Red ❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com