Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7: First Death

A/n

By the way, sorry for the late update. Happy 1.7 k readers. Thanks all of you!

 So here's the update. Hope you like it. <3 <3 <3 

WARNING: UNEDITED. SORRY FOR TYPOS AND WRONG GRAMMAR...

***

Nagbabike ako ngayon at sinusundan ang ambulansya kung saan nadodoon sina Bea at Grey. Rinig na rinig ang malakas na tunog ng sirena ng ambulansya. Hanggang ngayon hindi ako makaget-over sa nangyari kani-kanina lamang. Sasabay na sana ako sa ambulansya kaso nga lang hindi na ako pinasama ni Jay. Yeah right. Nagkausap na kami kahit kaunti ni Jay. She's damn worried. Pinsan niya pala si Grey, ngayon ko lang nalaman. Madaming katanungan ang pumapasok sa isip lalo na sa mga naririnig kong bulong-bulungan mula sa mga estudyante. Kitang kita ko kanina kung paano nangyari ang aksidenteng iyon.

=-=-=-=-=-=

Naglalakad na ako palabas sa Llehram Academy. Hindi na ako nagbihis, kinuha ko na lang ang aking mga gamit sa locker room. Habang naglalakad ako, may naaninag akong dalawang pamilyar na tao. Kung hindi ako nagkakamali, sina Bea at Grey iyon. Tila nag-uusap ang dalawa ng may narinig akong sumigaw.

Nabaling ang tingin ko roon sa babaeng sumigaw. Tumatakbo ito papunta sa direksiyon nila Bea. Kilala ko kung sino siya dahil pinakita nila Bea't Jay ang mga litrato na kinaiinisan nila. Isa si Ezra sa babaeng iyon. Siya ang babaeng sumigaw ng "babe" kay Grey at pumunta sa pwesto nila. Patay... I know na may gusto si Bea kay Grey eversince nang naging magbest friend ang dalawang iyon.

Tumakbo ako papunta kay Bea nang nakita ko na patakbong umalis iyon kila Grey at Ezra. Makakatikim talaga itong si Grey ng sapak at tadyak sa pinakaiingatan niyang parte sa katawan niya. I swear. Ang manhid niya para hindi malaman na may gusto si Bea sa kanya. Pag-ibig nga naman.

Nakita kong tinawag ni Grey si Bea pero hindi lumingon siya. Tumakbo ako hanggang malapit ko nang maabutan si Bea. Ngunit sa hindi ko inaasahang pangyayari, tumawid na lang basta-basta si Bea patungo sa kabilang kalye. Nakita kong tumingin siya sa kaliwang gawi niya at nandoon a-ang isang truck na malapit na sa kanya. Naetstatwa ako sa aking kinatatayuan at pinagpawisan ng malamig.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Basta nakita ko na lang si Grey na tinulak si Bea paalis sa pwesto kung saan patungo ang humahangos na truck at... At...

Si Grey ang nahagip nito. Nabangga ang truck sa malapit na poste. Narinig ko rin ang mga tili ng tao at mga bulong-bulungan.

"Nagsimula na..."

"Hindi ito maari!"

"May namatay na sa Class 3C."

"This is the first death at alam na natin ang susunod na mangyayari..."

"Lord, sana maligtas pa siya!"

"Malabong mangyari ang iniisip niyo. Iyan ang nakatakda sa kanya. Ang maging unang mamatay."

"HINDI!"

=-=-=-=-=-=

Naramdaman ko ang pagdaloy ng aking mga luha sa aking mukha dahil sa pag-aalala sa mga senaryong nangyari lang kanina. Sana... Sana naabutan ko si Bea bago siya napatawid sa kalye o kaya napigilan ko siyang tumawid sa kalye. Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko...

Lalo kong binilisan ang pagpedal ng bike para maabutan ang ambulansya. Lumipas ang isang minuto at nakarating na ako sa ospital. Agad akong bumaba sa bike ko at iniwan iyon sa isang tabi. Kinandado ko naman kaya walan problema.

Tumakbo ako papasok sa loob at pumunta sa isang nurse kung saan ka magpipirma o fill up sa pagbibisita.

"Saan po dinala ang isang babae po na maganda at may bahid ng dugo ang dami 'tsaka unconscious po? Pati na rin po iyong lalakeng duguan? Saan po?" Tanong ko.

Nakita ko siyang tumingin at ngumiti. Dumako ang tingin niya sa logo ng Llehram Academy na nakadikit sa uniform ko.

"Ah! Kaklase mo ba sila?" Tanong niya. Tumango ako.

Sasagot na sana iyong nurse kaso lang biglang may nagsalita. Nagmula ito sa gawing kanan ko.

"Si Bea nasa Room 68, konting galos at sugat lang ang natamo niya. Kaya daw nahimatay dahil daw iyon sa state of shock sa nangyari kanina lang." Ani ni Brent. "Kaso..."

"Teka, asaan naman si Grey? Anong 'kaso', Brent?" Nag-aalala kong tanong.

"Malaki ang natamo ni Grey. Siya kasi ang nagasaan ng malaking truck. Madaming dugo ang nawala sa kanya kaya... Kaya ikinamatay niya iyon. Nasa morgue siya. Naroon si Jay, Mira."

BEA'S POV

"Kaya niya bang malaman ang lahat?"

"He is very special for her. My son is her best friend since then. Alam kong masasaktan siya."

"Dahil ba iyon sa s-sumpa, Rose?"

"Hindi. Coincidence lang ang nangyari."

"Pero---."

Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata nang makarinig akong pamilyar na boses, mga boses ng dalawang babae na mukhang may edad na. Tumambad sa akin ang puting kisame. Inikot ko ang aking paningin. Nasa isang kulay puti akong kwarto at sigurado akong nasa hospital ako. May nakakabit din kasi sa aking dextros. Nakita kong nakatayo sina Mama at Tita Rose, nanay ni Grey. Mukhang gulat sila na nagising na ako. Sila ata iyong naririnig kong nag-uusap. Sino naman ang pinag-uusapan nila?

"What happened?" Saad ko.

Pagkatapos kong sambitin iyon, bumalik agad sa isip ko ang lahat nang nangyari kanina. Kinurot ko ang aking pisngi dahil baka nanaginip ako ngunit totoo ngang nangyari iyon.

"Buti naman gising ka na, 'Nak." Sabi ni Mama.

Tumingin ako sa kanila ng seryoso.

"'Ma, Tita, nasaan po si Grey? Ayos lang po ba siya? Pwede po ba natin siya puntahan?" Sunod-sunod kong tanong sa kanila.

Nakita ko namang ngumiti ng mapait si Tita Rose at tila may nagbabadyang tumulo na luha mula sa kanyang mga mata. Bakit?

"Sige puntahan natin siya." Saad ni Tita Rose.

Inalalayan nila akong pareho na tumayo mula sa pagkakahiga. Pinaupo nila muna ako sa wheelchair dahil baka hindi pa raw kaya ng katawan ko. Inilabas nila ako sa room habang tinutulak ang wheelchair ko.

"Tita Rose, ano raw? Gising na ba siya?" Saad ko. "Naku! Baliw talaga kahit kailan si Grey. Alam naman niyang delikado iyong ginawa niya."

Narinig kong napatawa ng mahina sina Tita Rose at Mama ngunit sa tawang iyon parang hindi dahil sa saya o kung ano man, mapait at puno ng hinanakit na tawa.

"Sana nga magising siya pero hindi... Malabong mangyari iyon." Sabi ni Tita Rose.

"Po? Bakit po malabo?" Naguguluhan kong tanong.

Napatingin ako sa gilid ng pwesto ko kung saan naglalakad siya. Hindi siya sumagot kaya tumahimik na lang ako. Ibinalik ko ang tingin sa harap at laking gulat ko nang makita ang pupuntahan namin.

"Bakit po tayo pupunta sa Morgue?" Tanong ko. Sana mali ang iniisip ko.

Hindi sila sumagot bagkus, patuloy pa rin nila ako dinadala roon. Nang nakarating kami roon, ikinagulat ko na naroroon ang aking dalawang importanteng tao sa buhay ko, tulala at umiiyak.

Mukhang nakuha naman namin ang atensiyon nila.

"B-Bea?" Saad ni Almira.

Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas kaya ako nakatayo at naglakad papunta sa kinaroroonan nila. Tumingin ako sa nakahigang bangkay na iniiyakan nila. At.... At... At hindi ko kinayang makita na si Grey ang naroroon. Nilapitan ko siya at agad niyakap.

"Grey? Grey! Gumising ka! Tumayo ka kung hindi sisipain ko iyang pinagmamalaki mong mukha!" Naiiyak na sigaw ko.

Alam kong iniisip niyong ang pathetic at o.a. kong tignan, pero wala akong pakialam. Hindi niyo alam kung ano ang nararamdaman ko!

"Bea, wala na ang pinsan ko. Wala na si Grey!" Iyak ni Jay.

"Kasalanan ko ito... Kasalanan ko... Kung hindi ako tumawid, hindi ako muntik masagaan at mailigtas niya. Lesteng puso ito!" Saad ko. "Ang sakit! Ang sakit, sakit!"

Bumalik lahat ng masasayang alaala namin noong panahon na kasama ko siya. Hindi ko kinayang mapahagulgol sa sinapit niya. Hindi ko na makikita ang masaya niyang ngiti.

Wala na siya.... Wala na talaga siya...

ALMIRA'S POV

Nakatulala lang ako... Naririnig ko ang hikbi't iyak nila Jay at Bea dahil sa sinapit niya. Kahit ako nasasaktan para sa kanya at sa kanila.

"Kasalanan ko ito... Kasalanan ko... Kung hindi ako tumawid, hindi ako muntik masagaan at mailigtas niya. Lesteng puso ito!" Saad ni Bea. "Ang sakit! Ang sakit, sakit!"

Nakita kong niyakap ng nanay ata ni Bea siya at hinaplos-haplos ang buhok nito.

"Tahan na... Tahan na, anak." Ani nito.

Napahagulgol lang lalo si Bea. Nakita ko ring lumapit ang isang ginang na may pagkahawig kay Grey. Maga na ang mata nito. Mukhang nanay ni Grey.

"Wala kang kasalanan, Bea. Walang may kasalanan sa lahat ng ito pwera lang sa driver ng truck na nakasagas sa kanya. Alam naman nating may plano ang Diyos kung bakit nangyayari ito." Sabi ng nanay ni Grey.

Patuloy pa rin sa pag-iyak si Bea. Naglakad ako paalis sa Morgue. Kailangan ko rin bigyan ng oras na mag-usap sila.

Bago pa man ako makalabas sa Morgue, narinig kong nagsalita muli ang nanay ng namatay.

"Lahat ng ito, coincidence lang. Walang kinalaman din dito sa sumpa. Bea, may cancer na ang anak ko dati pa. Ayaw niyang magpagamot dahil 50-50 naman daw. Mukhang napaaga lang."

Naglakad lang ako paalis at pilit iwaksi sa isip ko ang sinabi ng nanay ni Grey. Sumpa? Anong sumpa?

Pumunta ako sa elevator para makalabas ng hospital. Nasa labas kasi si Brent. Sabi niya hihintayin niya daw ako. Nakita kong out-of-order ang elevator kaya't sa hagdanan na lang ako pumunta. Pababa na sana ako nang nakita ko ang tatlong tao mula roon. Dalawang lalake at isang babae na may suot ng uniporme ng Llehram Academy sila. Tila nagtatalo rin sila.

"Totoo ba?"

"Oo, President... Patay na siya."

"ANO?!"

"Tama ang narinig mo."

"NAGPABAYA KAYO KAYA NAWALA NG BALANSE ANG SECTION NA ITO!"

At ngayon ko lang na narealize na sina Sasha, Gabriel, at Kean ang mga taong naroroon. Ang tanong, anong balanse sa Class 3C ang sinasabi niya?

Miss Red

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com