Chapter 8.5: Questions (Part 2)
***
Nakaupo ako rito sa Guidance Office. Letseng baklang si Kean. Kung hindi niya ako ginalit eh 'di sana world peace lang at hindi nagkaroon ng world war III. Letse siya. Umiinit ang ulo ko sa pinagsasabi niya. Isa siyang malaking asungot sa buhay ng mga tao. Letse.
Tinignan ko siya na nakaupo sa harap kong na nakatingin ng masama sa akin. Mahahalata mong may dalawang pasa siya sa panget niyang pagmumukha dahil sa kaputian niya. Katabi rin niya si Brent sa gilid na nakayukom ang kamay. Inaalala ko kung ano ang nangyari. Ako pa ang lumalabas na malandi't masama.
=-=-=-=-=-=
"What the hell two of you doing?"
Napalayo ako kay Brent. Tumingin ako sa lalakeng nakatayo sa harap namin. Ang lalakeng masungit pa sa babaeng may PMS, si Kean Marcos.
"That's not what you think, President." Saad ni Brent.
"Stop kidding me, Mr. Oh. Look. Your position said it all." Malamig na saad naman ni Kean.
"I'm not kidding. Stop being judgemental, 'Pres." Maangas na saad naman ni Brent.
Teka nga lang, ano ba pinagsasabi nila? Alam niyo ba iyong sa mga anime? Iyong parang may kidlat habang nakatingin sila sa isa't isa. Iyon 'yung nakikita ko eh.
"I'm just stating a fact, Mr. Oh. This is not proper place for the two of you. Get a room." Ani ni Kean.
Mukhang nagegets ko na iyong pinaguusapan nila. Ang kapal ng Kean na iyan. Ang advance naman mag-isip. Sarap niyang itapon sa Mars.
"What the fuck?!" Sigaw ni Brent.
Nakayukom na ang kamao nito. Shemay... Shemay... Ano ang gagawin ko?! Nakita kong ngumisi si Kean, tumingin siya sa akin.
"And you, Ms. Santoval. You're making a scene with your boyfriend. If you want to make out, then get a room. You are just new here and you're making a scandal in this goddamn school? Ilugar mo iyang kalandian mo, wil---."
Hindi niya natapos ang sasabihan niya nang sinuntok ko 'yung panget niyang pagmumukha. Pakiramdam ko tumaas ang dugo ko sa ulo. Ano daw? Boyfriend? Ako malandi? What the?! Iyong pag-alala ko napalitan ng inis.
"Alam mo, masama na nga gising ko sinisira mo pa lalo. Masyadong advance rin 'yang utak mo, 'no? Ako gumagawa ng eksena? Alamin mo muna kaya kung ano nangyari bago ka dadak nang dadak d'yan. Para kang bakla... Mali, bakla ka nga pala. Wala ka rin kasi respeto sa babae." Inis kong saad pero imbis na humingi siya ng tawad, ngumisi pa ito.
"Why are you guilty? Bakit totoo ba? Stop pretending... I know you're a bitch and whore." Nakangisi nitong sabi.
Magsasalita na sana ako nang nakita kong nakalagapak na sa sahig si Kean. Napatingin ako kay Brent. Ngayon ko lang siya nakitang nagagalit. Nakakatakot siya. Pero ako dapat ang gumawa ulit sa kanya 'yun eh.
"Fuck you, man! Stop saying those word on Mira! Hindi mo siya kilala! Gago ka! Wala kang kwenta na president!" Galit na galit na sabi ni Brent.
Tumayo si Kean at nagulat akong aambahan niya ng suntok din si Brent. Pero hindi natuloy dahil sumigaw ang aming adviser. Mukhang gulat din siya sa nangyari.
"Pumunta ang lahat ng sangkot dito sa Guidance Office, now!"
=-=-=-=-=-=
"I'm so disappointed with the two of you." Sabi ni Mrs. Kastor. She was pertaining to Brent and gay Kean.
"That's not my fault." Sabi ni Kean.
"Siya ang nauna." Sabi ni Brent naman
"Stop talking. Hindi ko sinabing magsalita kayo." Bumaling ang tingin niya sa akin. "You, Ms. Santoval. Bago ka lang dito at nasangkot ka na naman sa gulo."
"Sorry po..." Mahina kong saad. Narinig ko namang nag-tss si Kean.
"You remind me of her. Kamukhang kamukha mo siya. Hindi talagang mapapagkaila na anak ka niya. Sayang at wala na ang best friend ko." Sabi ni Mrs. Kastor pero hindi ko naman marinig 'yung huling sinabi niya. Ang hina, eh.
"Po?" Taka kong tanong.
Umiling siya sa akin at ngumiti. Pinaikot niya ang kanyang ballpen sa kanyang dalawang daliri. Paano kaya gawin 'yun? Dati ko pa trinatry gawin 'yun pero hindi ko magawa. Napanguso ako...
Narinig kong umubo ang dalawang lalake kaya napatingin ako sa kanila pero umiwas sila ng tingin. Okay...
"Tinignan namin ang mga CCTV camera roon and kumuha rin kami ng mga impormasyon sa mga nakakita." Wow, ang bilis naman nila magproseso. "Nalaman ko na..."
Tumingin siya kay Kean ng seryoso.
"Ikaw ang magsimula ng gulo, Mr. Marcos." Sabi ni Mrs. Kastor.
"What? Me?" Gulat na sabi ni Kean.
"Malamang ikaw. Ikaw lang naman ang nagsimula. Kung ano-ano kasi pinagsasabi." Mahina kong saad pero mukhang hindi nakatakas sa pandinig ni Kean bakla.
"Yes... You're saying those hurtful words on Ms. Santoval that provoke him and her to hurt you physically." Sabi niya.
"I admit it. I said those words but it suits her at all. Hindi sila kumukuha ng kwarto. PDA doesn't allowed in here kaya bakit ko naman iyon papabayaan? Ako pa talaga ang may kasalanan? Wow." Saad ni Kean.
"So, kami pa ang masama. Alamin mo muna kasi ang buong nangyari bago ka nagsasalita ng kung ano-ano. At isa pa. For your information, hindi ko boyfriend o karelasyon si Brent. Kaibigang lalake, pwede pa. Jusme! Muntik na ako matamaan ng bola kaya---." Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang nakaramdam ako ng kirot sa ulo ko. Napahawak ako roon pero agad din namang nawala.
"Ms. Santoval, ayos ka lang ba?" Alala na tanong ni Mrs. Kastor.
"Yes... I'm fine." Sabi ko.
Sumulyap ako sa dalawa at nakita ko sa mukha ni Brent na may bakas ng pag-aalala.
"Tama ang sinabi niya. Muntik siyang tamaan ng bola pero inilayo siya agad ni Mr. Oh kaya naman nakita mo sila sa ganoong posisyon." Pagpapatuloy ni Ma'am sa dapat kong sasabihin.
Hindi nagsalita si Kean bagkus para siyang kiti-kiti dahil parang hindi siya mapakali.
"Also, Mr. Oh and Ms. Santoval has a fault too kaya kasama sila sa parusa. Hindi rin tamang suntukin niyo siya. Tsk." Tumingin siya sa akin. "Ang sadista mo pala Ms. Santoval gaya niya."
"I accept it." Sabi ni Brent.
"Three hours of detention for the three of you. So, dismiss."
Tumayo kami at kinuha ang detention card atsaka lumabas.
"Mira, ayos ka lang ba talaga?" Tanong ni Brent.
Tumingin ako kay Brent at ngumiti.
"Yup." Maikli kong sagot.
Lumayo ako kay Brent dahil baka may magsabi na naman ng kung ano-ano ang iba d'yan. Psh. Nagsimula akong maglakad.
Tumingin ako sa paligid. Wala na estudyanteng pakalat-kalat. Tumigin ako sa relos ko. 7:30 AM na pala. Kaunting lakad lang at mararating ko na ang detention room. Malapit lang iyon dito.
"Ouch." Ani ko nang makaramdam ulit ng pagkirot sa ulo ko. Muntik na akong matumba pero may nag-alalay sa akin. Dalawang tao...
"Shit. You're not okay." Narinig kong sabi ni baklang Kean.
Ialis ko ang pagkahawak niya sa akin. May atraso pa siya, kung nakakalimutan niya. Mukhang nagulat naman siya sa ginawa ko. Psh.
"Ayos lang ako." Pag-aassure ko kay Brent at itinanggal ang pagkakahawak niya sa akin.
Naglakad ulit ako pero hindi ko natuloy nang nakaramdam ako ng hilo. Parang umikot ang paningin ko. Naramdaman kong may sumalo sa akin. May malamig na palad ang dumampi sa ulo ko.
"Damn. You're hot."
Narinig kong bulong na hindi ko na malaman kung sino iyon.
"Teka, ako na magdadala sa kanya."
"No. Tell that principal what happened."
"You can do that thing."
"Sundin mo ko as---."
Hindi ko na marinig ang sasabihin pa ng isang lalake nang napapikit na ang talukap ng aking mga mata dahil sa hilo't kirot ng aking ulo.
******
Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata. Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam muli ng kirot pero hindi na masyadong masakit. Tinignan ko sa relo kung anong oras na. 11: 30 AM na.
Inikot ko ang tingin ko. Umupo ako mula sa pagkakahiga at sinuri ang kabuoan ng kwarto. Nasa puti akong kwarto at sa pagkakaalam ko nasa school's clinic ako. Bakit ba ako napunta rito? Inalala ko ang nangyari. At mukhang alam ko na kung bakit ako napunta rito at kailan.
Nagulat ako na may palad na dumampi sa ulo ko.
"Hindi ka na masyadong mainit."
Napalingon ako sa nagsalita. Si.... Si Kean bakla ba't siya andito? Inalis niya ang kanyang kamay sa ulo ko at may kumuha na 'di ko alam kung ano sa medicine kit. Mukha siyang naging anghel. Matapos niyang magsalita ng kung ano-ano na parang sinanibang ng masamag espirito, para siyang anghel kung umasta ngayon. Wow. Bipolar niya.
Napatingin naman ako sa bandang pinto nang narinig ko ang pagbukas ng pinto. Nakangiting Brent ang nakita ko.
"Buti naman at gising ka na." Sabi ni Brent.
"Oh." May hinagis si Kean kay Brent.
Kinuha niya ang kanyang bag at lumabas ng clinic. Mukhang gets ni Brent kung bakit siya hinagisan ni Kean 'nun. Umupo si Brent sa upuan sa gilid ng higaan.
"Over fatigue ka raw. Masyado ka daw napagod. Mentally and physically. Ba't hindi ka man lang nagpahinga at hindi pumasok. May lagnat ka pala." Sermon ni Brent. Mukha siyang tatay na sinesermonan ang anak niya. "Tapos may sugat ka pa sa gilid ng ulo mo. Saan ba 'yan galing? Sabi ng nurse na baka nauntog o nasugatan ka sa isang bagay o kung saan kaya ka nagkasugat d'yan at nagpadagdag din iyon ng sakit sa ulo mo. May natanggal siyang bubog."
Hindi ako sumagot. Tinignan ko lang siya. Ang OA niya, grabe. Daig pa si Tita Ams kung manermon.
"Wala ka man lang sasabihin." Saad niya.
"OA mo, Brent. Ayos lang ako." Sabi ko.
"Psh. Bakit ka ba nagkasugat sa ulo?"
Bigla kong naalala ang nanyari kung bakit ako nasugatan. Kasalanan ko rin naman iyon. Hindi ako tumitingin sa paligid habang naglalakad ako papasok. Kung hindi dahil sa kanya, nahulugan ako ng malaking glass mula sa truck habang binababa iyon ng mga trahabador. Buti na lang at agad akong naiwas niya at nagkasugat lang ako sa bandang ulo dahil sa pagkauntog ng kaunti sa may mga bubog. Pero mas malala ang sugat niya sa akin! May sugat siya sa braso niya! Nakalimutan ko pang magpasalamat kay Jashlei.
"Mira?"
"Ah, sorry. Muntik lang akong mahulugan ng malaking glass buti naiwas ako ng isang lalake. Sa bubog naman ng glass kami natumba." Kwento ko.
"HA?!" Gulat na sabi ni Brent.
Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at chinek-check ulit niya ako. OA niya talaga.
"Sigurado bang ayos ka lang?" Saad niya at tumango ako bilang tugon. "Samahan kita kaya mamaya sa hospital para ipacheck mo 'yang sa ulo mo. Delikado na!"
"Ayos nga lang ako. Salamat sa pag-aalala. Teka nga lang, hindi ba oras ng klase natin atsaka mayroon pa ayong detention?!" Sabi ko. Tumawa siya ng mahina.
"Tapos na detention naming dalawa. Excepted ka na raw dahil may sakit ka pala. Atsaka, may meeting uli ang mga teacher kaya wala sila. Hindi ba may camping tayo?"
"Oh." Sabi ko na lang.
May inabot siyang gamot sa akin. Tumayo siya at kumuha ng tubig sa gilid. Ibinigay niya iyon sa akin.
"Inumin mo 'yan." Ani niya.
Ininom ko nga gaya ng sabi niya. Narinig kong tumunog ang tiyan ko. Napanguso ako. Gutom na ako...
"Gutom ka na?"
Tumango ako. Wala ng dahilan para hindi magsabi ng totoo na hindi ako gutom.
Umalis ako sa pagkakaupo mula sa kama. Nagstretching ako ng kaunti.
"Oops. Saan ka pupunta?" Sabi niya.
"Sa cafeteria. Kakain 'dba tayo?" Ani ko.
"Bibilhan na lang kita. May lagnat ka pa. Dito ka kumain."
Napasimangot ako.
"A.Y.O.K.O. Ayos nga lang ako." Hindi pagsang-ayon ko.
"Hindi pwede." Final niya saad niya at lumabas agad sa clinic.
Dumaan ang ilang minuto at nakarating din siya sa wakas.
JASHLEI'S POV
I've seen her again. That girl who thought that I'm a ghost. Psh. Nakita ko nga siya pero dala niya ang kapahamakan. Kung hindi ko siya natulungan, baka may namatay na naman sa Class 3C.
"Hoy, Brent! May tanong ako." Narinig kong sabi niya.
Naririto sa kabilang kama ng clinic. May kurtinang naghihiwalay sa pagitan namin kaya't hindi nila ako nakikita. Mukhang alam ko na ang itatanong niya.
"Oh, ano naman?" Tugon ni Brent.
Tumahimik ang paligid pero nakarinig ako ng malalim na buntong-hininga bago may narinig kong nagsalita siya.
"Anong misteryo ang bumabalot sa Class 3C? Alam kong isa iyong kagulat-gulat na rebelasyon. Pero, ano nga ba ang misteryo roon at bakit sinabi ng Tita ko na, kada-buwan may namamatay." Tanong ni Mira. "Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Please lang, Brent. Sabihin mo sa akin ang totoo."
Napangisi ako. Tama nga ang hinala ko. Napapansin niya na nga ang kakaibang kilos at galaw ng mga estudyante rito. Gaya ko, mukhang mangyayari sa kanya ang hindi ko inakala sa akin.
=-=-=-=-=-=-=-=
A/n
Hello, Readers! Buti natapos ko ito kahit may exam bukas. Hahaha. Multi-tasking ang peg ko. Hahaha. Thanks for reading this. Unedited po ito kaya baka may typos at wrong grammars din. Si Jashlei nagkascene na ulit!
Ano kaya ang magiging sagot ni Brent? Ano nga ba ang misteryong bumabalot sa 'Class 3C'?
Miss Red ❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com