Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9: Class Picture

***

"Anong misteryo ang bumabalot sa Class 3C? Alam kong isa iyong kagulat-gulat na rebelasyon. Pero, ano nga ba ang misteryo roon at bakit sinabi ng Tita ko na, kada-buwan may namamatay." Tanong ni Mira. "Hindi ko maintindihan. Please lang, Brent. Sabihin mo sa akin ang totoo."

Matapos ko sabihin ang mga salitang iyon, tila natigilan naman siya sa ginagawa niya. Kung susuriin mo mabuti, mahahalatang nagulat siya sa sinabi ko. Tumingin siya sa aking mata.

"Wala ako sa posisyon para sagutin iyan. At isa pa, tanging si Kean lang ang pwedeng magsalita tungkol doon."

"Pero, kailan?! Sorry... Pero nagmumukha akong tanga sa kakaisip kung ano iyon! Kung hindi niyo sasabihin, ako mismo ang maghahanap ng paraan para malaman iyon." Inis kong saad.

Lahat ata ng frustration ko, sa kanya ko nailabas. Parang nagulat siya sa pagkasigaw ko pero nagrecover din agad. Malalim siyang napabuntong-hininga. Tumayo siya at tumingin sa akin pero umiwas ako ng tingin. Alam kong wala siyang kasalanan pero bakit hindi na lang niya sa akin sabihin?!

"Sorry... Pero hindi ko talaga pwedeng gawin iyon."

Narinig ko ang mga yabag niya patungo sa pinto. Sumulyap ako at nakita kong lumabas siya sa clinic. I know I sounded like a brat but I'm just telling what I'm saying. Psh. Tumingin ulit ako sa relo at nakita kong 12:00 PM na... It's already lunch time. Kumagat ako uli sa burger ko at pinagmasdan ang kabuuan ng clinic.

May nakita akong kama malapit sa pwesto ko. May nakaharang na kurtina sa pagitan namin pero alam kong may tao roon. Umalis ako sa higaan ko at pasimpleng pumunta roon. Sisilip sana ako kung sino ang estudyanteng nakahiga roon dala na rin siguro sa kuryosidad ngunit nagulat na lang ako ng kusa iyong humawi. Napatulala ako sa estudyanteng nakahiga pala roon. Medyo malapit ang mukha namin na ikinailang ko. Agad akong napatayo ng tuwid at medyo lumayo.

Siya na naman.

"Kung gusto mo malaman mo ang lahat ng katanungan mo, samahan mo na lang ako mo sa library kung gusto mo dahil maski ako, gusto ko malaman kung paano ito matigil."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Huh?"

"I don't repeat what I've already said, idiot."

Mataman itong nakatingin sa akin at tila naiinip pero nakaramdam ako ng inis nang marinig ang huling salita na binanggit niya... Naalala ko ang sinabi niya sa akin noong naaksidente si Bea na sanhi nang pagkamatay ni Grey.

"Nakakastrike two ka na, huh?! Anong idiot?!"

Tumayo lang ito na parang wala akong sinabi at naglakad papunta sa pinto. Sinundan ko naman siya ng tingin pero tumigil siya sa paglakad. Sumulyap ito sa akin at ngumisi.

"Are you going or not?"

Napairap na lang ako. Nagpatuloy na siya lumakad at sinundan ko naman siya. As if may choice ako. Lumabas siya sa clinic na kasunod ako. Nakita kong naglalabasan na rin ang mga estudyante para kumain ng hapunan nila, ang iba naman ay umaalis para kumain sa labas. Ibinalik ko ang tingin sa harap at nasa malayo na agad si Jashlei... Alam naman niyang kasunod lang niya ako ah pero base sa obserbasyon ko, mukhang inilalayo niya ang sarili sa akin nang makita niyang madaming estudyante.

Tumakbo ako ng kaunti palapit sa kanya. Madaming bumati sa akin at tinugon ko lang iyon ng tango at ngiti. Nakakapagtaka lang. Halos lahat naman ng kaklase ko sa section namin ay kilala ng ibang section na kagrade namin, ngunit bakit siya ay hindi? Eh, 'yung kaklase kong nerd naman, kilala siya at ang iba ay nakikipagkaibigan sa kanya. Aaminin ko na may itsura naman siya at parang matagal na ang tinagal niya dito, pero bakit hindi siya pinapansin at parang hindi siya nag-eexist sa mundong ito? Gaya naman na sabi niya noong isang linggo na hindi siya multo. Ay, letse.

Umiling ako at pilit na inalis ang mga katanungan na iyon. Inilibot ko ang aking tingin dahil wala naman masyado na mga estudyanteng dumadaan. Mukhang na sa cafeteria na ata ang lahat. Nakita kong pumasok siya sa isang pinto. Agad akong lumapit doon. Nakita kong library pala ang pinapasukan niya. Sumunod na rin ako sa pagpasok.

Makikita mo talagang library iyon dahil sa dami ng librong nakalagay sa bawat shelves. Ang ganda tignan ang mga iyon. I love reading pero hindi ako naman gaya ng mga ibang tao na sobrang subsob sa pagbabasa, geek or nerds kumbaga. May pakialam naman ako kahit papaano sa aking social life.

Nakakapagtaka lang, bakit walang katao-tao rito? Mukhang kami lang ni Jashlei ang nandito.

"Hey, Sir Paul. How's your day?"

Napalingon ako kay Jashlei nang magsalita siya. Nakangiti ito. Lumipat ang tingin ko sa nginingitian niya at muntik akong magulat nang makita ang isang lalake na parang na sa late 40s or 50s. Medyo mahaba ang balabas nito na parang hindi inaahit, may medyo singkit na mata, makapal na labi, matangos na ilong, at nakasalamin ito. Kung titignan mo, matatakot ka sa itsura nito at parang masungit at parang nagbibigay babala ang aura niya.

"Hello, Mr. Lee. Same day as always. Wala pa ring ibang tao na pumupunta rito maliban sa iyo. Takot pa rin sa akin."

Humalakhak ang lalakeng tinatawag na Sir Paul ni Jashlei. Sumabay rin sa pagtawa si Jashlei pero sabay silang napatigil nang umubo ako ng peke. Sumeryoso ang itsura ni Jashlei at ngumisi naman si Sir Paul.

"Hi?" Alanganin kong bati.

Naglakad ako palapit kay Jashlei.

"Bago ka?" Ani ni Sir Paul. "Ngayon lang kita nakilala."

"Yes po." Magalang kong sagot.

"Mukhang alam ko na kung ano pinunta mo... kayo. Alam kong gusto niyo mag-imbestiga sa nangyayari sa section ninyo. I heard someone already died."

Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Parang alam na alam niya ang nangyayari sa Class 3C.

"But I won't tell something until your class president would tell you." Ani niya.

Itinuro niya ang isang book shelves. Naunang naglakad paalis si Jashlei at sinundan ko naman siya. Medyo nakakalito lang talaga ang mga sinasabi ni Sir Paul. Nang makapunta kami sa book shelves, tinignan ko kung ano meron doon. Mga class records mula nang itinayo ang Llehram Academy pala.

"Noong 1998, hindi ko alam pero natigil ang sumpa." Medyo nagulat ako nang magsalita si Sir Paul. Sumunod pala siya.

"Yes... May nasearch ako tungkol doon." Ani ni Jashlei.

"Sige, maiwan ko muna kayo." Umalis na rin si Sir Paul.

Tinignan ko ang mga class record. Nakita kong may kinuha si Jashlei na isang class record book. Base sa nakita ko, taong 1998 ang kinuha niya. Inilapag niya iyon sa tabing mesa at umupo. Lumapit naman ako at umupo sa tabi niya.

"Nagsesearch ka pala tungkol sa section natin?"

"Oo. At madami naman akong nakuha na impormasyon pero wala rin kwenta dahil hindi naman iyon makakatulong para sa kasagutan ng mga tanong ko."

Binuksan niya ang class record. Inilipat-lipat niya ang mga pahina at mukhang hinahanap niya ang section namin.

"Ano bang meron noong 1998?" Tanong ko.

"Andami mong tanong." Ani niya. "Gaya nga na sabi ni Sir Paul, natapos ang sumpa. Actually, 'yun lang ang nakuha kong impormasyon. Walang kwento. Hindi naming alam kung paano nagwakas ang sumpa."

"'Yung sumpa... Iyon ba na bawat buwan may namamatay. Pwedeng ikaw o isa sa pamilya mo..."

Natigil siya sa paglipat at nakita ko sa pahina at nakasulat doon ang pangalan ng section namin. Mahigit thirty-five na pangalan ang nakasulat pero halos lahat may pulang ekis na marka sa bawat pangalan.

"Bakit may ekis?" Saad ko. Sumulyap siya sa akin.

"Iyan ang tanda ng mga namatay." Sagot niya. Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. "Sino ang nagsabi sa iyo ng sumpa?"

"So, iyon ang sumpa." Mahina kong bulong. Tinignan ko siya sa mga mata. "Ang tita ko ang nagsabi niya. Pero, hindi ko alam na iyon pala ang sumpa."

"Kung ganon... Masasabi mo ba na kung sino sa class picture rito ang tita mo?"

Tinignan ko ang tinuro niya... At hindi pwede ako magkamali na...

"Noong 1998, si Tita Ams ko. Isa pala siya sa estudyante sa Class 3C noon."

May narinig akong pagbukas ng pinto ng library.

"Hi, Sir. Ito na po ang mga libro na hiniram ko kahapon. May kukunin lang po kong libro para hiramin."

Narinig ko ang mga yapak ng paa ng lalaki at medyo papunta siya sa kinalulugaran namin base sa yapak nito. Shit!

BAKIT ANDITO SI BRENT?!

Miss Red

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com