Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Unang kabanata (weh di nga)

    

_________________________________________

        "No Dad! Ayoko, I'm enjoying where and what I am doing right now." mariing tanggi ni VL sa daddy niya, paano ba naman kasi ipinagkakasundo siya ng daddy niya sa isang guy na di pa naman niya kilala at pinipilit na siyang magpakasal.

        "My goodness Hija, alam mo ba kung anong edad mo na? You're turning to 29 and until now wala ka pang ipinapakilala sa amin ng Mommy mo na boyfriend mo or kahit man lang boy-na-friend mo. Hija habang lumilipas ang panahon tumatanda kami at ikaw lang ang prinsesang meron kami. Pabigyan mo na kami gusto naming makita ng mommy mo ang magiging apo namin sayo." - Mr. Mendoza

        "Stop it Dad, I don't wanna talk about that apo-apo thingy na iyan okay. I'll have to go may meeting pa ako sa Loise Magazine." humalik ito sa pisngi ng daddy niya at nagmamadali ng umalis baka pigilan pa siya ng daddy niya eh.

        "Stupid Idea, sino ba naman ang gustong magka-anak. Well not me dahil for sure masakit iyon at masisira ang body shape ko" usap ni VL sa sarili habang minamaneho ang Chevrolet car niya hanggang sa mag ring ang phone niya. Naglagay muna siya ng earphone bago niya ito sinagot.

        "Yes hello? ... speaking.. hey Sissy *tawagan nilang magkakaibigan iyon* ...nagbago ka ng number mo? ... Okay I'm on my way na.. see ya later ... bye" tas pinabilis pa niya ng kaunti ang pag d-drive sa kotse niya na tila nakikipag karerahan sa isang cool din na sasakyan na kasabay niyang bumabyahe sa express way..

        "Want to race me huh, okay fine" at mas binilisan pa nito ang pagpapatakbo sa kotse niya kaya naunahan niya ang blue na BMW na kotse na iyon. Kasabay nito ay nagpatugtog si VL ng masaya at malakas na kanta sa loob ng kotse niya. "Yeah!" sigaw pa ni VL. Parehas black printed ang bintana ng dalawang kotse na animo'y sila lang ang bumabyahe doon. Hindi nakipagtalo ang driver ng blue na kotse na iyon, parehas silang nag o-overtake. Pero natapos lang ang karerahan nila ng mag-iba ang nilikuan nila. 

        "Not bad, nag enjoy ako hehe" bulong pa ni VL.

_____________________________________

        "Sayang yun ah, maganda siyang kalaban sa karerahan hehe" sambit ni Bien sa sarili, ilang saglit lang ay nagring naman ang phone niya, sinagot niya ito.

(Author's NOTE: Bien stand for Bienvinido)

        "Yes?.. Oh dude thank God naisipan mong tumawag... I really need your help." - Bien

        ("What's the matter bien, pinaghahabol ka na ba ng mga nabuntis mo?") boses ng lalaki kabilang linya.

        "Lol, di iyon. Naipagkasundo lang naman ako nina Mom and Dad sa isang babae na hindi ko pa nakikilala. At ang sabi pa nila ito na daw ang magiging future Mrs. Certeza. Nakakaloko di ba, pero may plano ako kailangan ko ng tulong mo. Alam mo naman na ayaw ko pang malagay sa tahimik na pamumuhay. Ayokong matali sa isang relasyon no."

        ("Okay.. okay.. oh saan tayo magkikita?"

        "The same place, sa bar ni Brando. Nami-miss ko na din ang mga girls niya dun sa club niya." 

        ("Okay pupunta na lang ako doon.") pagkasabi noon ay ibinaba na ni Bienvinido ang phone niya at pinaharurot ang sasakyan.

____________________________________________

        "Oh really, mag papakasal na si Sissy lets have cheers sa maganda nating friend na si VL" biro pa ni Cleah ang isa sa mga kaibigan ni VL.

        "Gusto mong kalbuhin kita dyan, inaasar mo pa ako eh" naiiritang sabi ni VL sa kaibigan.

        "Aba, VL look lahat kami halos in a relationship status na. Ikaw lang ata itong wala pang ipinapakilala sa amin ever since, right guys?" hiningi ni Cleah ang pag sang-ayon ng mga kaibigan na Um-Oo naman.

        "I don't care, ayokong maging katulad niyo na patay na patay sa mga boyfriend niyo okay. At saka katulad ng lagi kong sinasabi nag e-enjoy ako sa buhay ko ngayon kahit walang lalaki sa buhay ko bukod kay Daddy."

       "Hay naku ewan ko sayo, teka ano ba iyang sinasabi mong plano huh?" tanong naman ni Mica na isa din sa mga ka-Sissy niya.

        "I know kung gaano kakulit sina mom and dad, and they're both desperately na maipakasal ako kaagad. I admit di ko na sila mapipigilan sa gusto nilang gawin, kahit papaano naman may respeto ako sa kanila." - VL

        "So ano nga yung plano mo?" -Cleah

        "Kailangan ma turn off sa akin yung guy na ipapakilala sa akin. Dapat di pa lang kami nagkikita ay hindi na niya ako papangarapin pang makita." -VL

        "What do you mean?" -Mica

        "Magpapadala ako ng larawan ko na magsisilbing bangungot para sa kaniya hahaha" humalakhak pa ng malakas si VL dahil sa pinaplano niya. Nagkatinginan naman sina Mica at Cleah sa isa't isa pakiramdam nila madadawit sila pareho sa gagawin ng kaibigan nila.

_________________________________________

        

        "Seryoso ka ba Bien sa mga plano mo?" tanong muli ni Justine para makasiguro sa gustong gawin ng kaibigan dahil mukhang may toyo na naman ang pag iisip nito. 

        "Kagaya ng sinabi ko kanina... kailangan di magkagusto sa akin ang babae na iyon. Dahil kung mukha ko ang makikita niya, sure ako na magugustuhan niya ako aba isa lang ibig sabihin nito, wala na akong kawala sa fixed marriage na iyan. Di na ako titigilan nina Daddy at nung babae na iyon at ayokong mangyare iyon."

        "Naku Bien pasalamat ka at may isa akong larawan dito, larawan ng hinahanap mo haha" inilabas naman ni Josh; isa din niyang kaibigan ang isang larawan ng isang lalaki. Kung susuruin napakalayo ng hitsura nito sa makinis na pisngi ni Bienvinido. Sobrang layo talaga in short panget ang nasa larawan na iyon. *kawawa yung may-ari ng larawan at pinaglalait ng grupo nila na talaga namang ubod  ng kagwapuhan* 

        "At bakit naman meron kang ganyan, wag mong sabihing...?" napahawak pa sa bibig si Bien habang inaasar ang kaibigan na sabay naman tinawanan ni Justine.

        "Mga sira ulo talaga kayo, ako? Hell NO! Ano kukunin mo ba o hindi?" -Josh

        "Di ka naman mabiro, amin na nga iyan" kinuha ni Bien ang larawan mula sa mga kamay ni Josh at tinignan ng maige ito. Kasabay ang makahulugang ngiti nito.

_________________________________________________

Makalipas ang isang linggo....

        "OMG!! look" sabay abot ng larawan di umano ng pakakasalan niya sa mga kaibigan nito.

        "Seriously 'yan ba ang tinutukoy ng Daddy mo?" -Cleah

        "Oo and I can't believe it, ganito na ba talaga ka despirada sina Mom and Dad. No way di ako pakakasal dyan at never akong makikipag eye ball sa kaniya. BIG NO capital N.O. No!"  -VL

        Hindi masisisi nina Cleah at Mica ang kaibigan dahil kahit sila tutol na tutol. Hindi sa nanglalait pero hindi talaga bagay si VL sa lalaking nasa larawan na iyon.

        "So ano ng plano mo Sissy?" -Micah

        "Well, well, well don't worry napaghandaan ko na ito. Lets have a very long vacation girls" - VL

        "OMG super LIKE it, Yehey I'm so excited na mga sissy." -Cleah

        "Saan tayo magbabakasyon ladies?" -VL

        "Dun na lang sa mga cousin ko, sa puerta princesa and I'm sure magugustuhan niyo dun." excited na suggestion ni Cleah.

        "Sige pag tyagaan na lang natin yun kahit ilang beses na akong nakarating doon. Para lang makalayo  ako sa malaking kahihiyan na ito." -VL

        "Okay mga Sissy, sunday na ang alis natin. Ipapa asikaso ko na agad kay Dad."

        "Sakto lang para may time ako maipa-cancel ang mga photoshoot ko at meeting sa Loise Magazine." -VL

        "Oh yeah!!" sabay-sabay nag cheers ang tatlo na kanilang iniinom na cocktail sa isang restaurant at kaniya-kaniyang naghagikgikan ang mga ito.

_______________________________________________________

        "Naku dude, maniwala ka masusuka ka sa larawan nung makaka eye ball ko" -Bienvinido

        "Ang O.A. mong mag re-act dude teka nasaan ba yung larawan patingin nga mas malala pa ba dun sa larawan na pinadala natin sa kaniya?" -Justine

        "Yun nga dahil sa takot ko sinunog ko agad, baka may sumpa pa iyon  o kaya gayuma naku kawawa ako" -Bienvinido

        "Hahaha, nakakatawa ka dude! ano ng plano mo ngayon?" -Josh

        "Kung hindi ako aalis dito naku katapusan ko na, para na din sinabi nina Mom and Dad na mag bigti na lang ako Eeerr..." ginigilawgawan pa ito habang sinasabi iyon.

        "Kailangan ko muna 'atang magbakasyon at lumayo ng pansamantala kina Dad para di na nila ako kulitin sa mga plano nila sa sarili kong buhay... Ano sasama ba kayo?" -Bien

        "Okay lang dude, wala naman akong naka schedule sa mga susunod na araw. Teka siya nga pala may apat akong ticket dito bigay ni kuya. Sobra pa nga sa atin ito eh dito na lang kaya tayo pumunta?" -Justine

        "Saan ba ang tungo niyan?" -Bien

        "Sa PUERTO PRINCESA" -Justine.

__________________________________________________

        

        

        

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com