Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✝Entry Five✝

Dear Buddy,

Nanaginip na naman ako.
Ano ba talaga ang koneksyon ng paggising ko sa tubig? Patay na ba ako? Pagkalunod ba dahilan ng pagkamatay ko?

Para akong timang. Alam ko namang hindi mo ako sasagutin. Hayy...

Simulan na naman natin ang paglalakbay ganun parin ang panahon maaliwalas parin. Umuulan kaya rito?

Tignan mo buddy oh! May ibon.
Alam mo bang gusto kong maging ibon sa susunod kong buhay? Ewan ko, may kutob talaga akong patay na ako, pero hindi ko alam kung nasa langit o impyerno ba ako ngayon.
Balik tayo sa ibon, gusto ko maging ibon dahil malaya silang nakakalipad sa gusto nilang puntahan. Pagkain lamang ang poproblemahin at ang pag-iwas sa mga tirador.

Sumakit ang ulo ko kanina at sa tingin ko may naalala na naman ako.
Noong bata pa ako, I saw myself sitting in front of my window, nakadungaw sa mga batang naglalaro sa labas, gusto kong sumali. Kaya tinawag ko sila ngunit nang makita nila ako bigla silang sumigaw ng "Multo" at nagsitakbuhan.

Ako bang tinutukoy nilang multo? Siguro nga dahil sa puti kong buhok at pilik mata ang suot kong palaging kulay puti ang balat kong anak araw. Bakit nga ba ako ganito?

Naging mabilis ang pangyayari sa ala-ala ko alam mo bang di lang yun ang unang beses ng pangungutya nila sakin? Hanggang sa tumuntong ako ng elementarya ganun parin turing nila sakin isang lampa at multo. Natitiis ko naman ang mga pananakit nila hanggang sa di ko na maalala kung ano ang kasunod.

Buddy ngayon mas naguguluhan na ako sa sarili ko. Bakit? Kasi naman gusto ko maalala kung sino at ano ako. Pero nung may naalala na ako parang gusto ko namang kalimutan yun. Naging masakit pala nakaraan ko kaya siguro binura ito.

Truly Yours,
Me

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com