✝Entry Four✝
Dear Buddy,
Alam mo ba kung nasan tayo ngayon?
Tama ka, may park nga rito pati nga rin ako di makapaniwala.
Ang sarap sa pakiramdam ng makalanghap ng sariwang hangin.
Sisilong muna tayo sa ilalim ng malaking kahoy na ito upang magpahinga.
Limang araw na tayong naglalakbay pero hindi ko parin alam ang kasagutan sa mga tanong ko. Gusto ko nang makabalik sa tunay kong pinanggalingan, kung meron man.
Sino nga ba talaga ako? Ba't ako nandito? Ano nga ba ako?
Dapit-hapon na pala buddy dito na muna tayo magpalipas ng gabi. Magpapalit lang ako, bukas maglalakbay na naman tayo.
Truly Yours,
Me
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com