Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✝Entry Seven✝

Dear Buddy,

Alam mo bang ang sarap maligo rito sa lawa? Hindi ako marunong lumangoy pero hindi ako takot malunod.

Habang nakababad ako sa tubig maraming bumabagabag sa isipan ko. Alam mo naman siguro kung ano lagi ang tinatanong ko.

Alam mo buddy? Malabo ata na maging isa akong ibon. Alam mo kung ano mas bagay sakin?... Maging isang paru-paro. Naiihintulad ko ang sarili ko sa isang paru-paro na mababa ang lipad. Walang patutunguhan, dumadapo kahit saan.

Alam ko sa sarili ko na ito ang tangi kong kanlungan. Walang ibang makakatulong sa sarili ko kundi ako lamang.

Nakagapos man sa masalimuot kong nakaraan. Hindi ko kailanman siya huhusgahan. Kung ano man ang plano ng Diyos para sakin maluwag kong tatangapin.

Nagpapasalamat ako sa kanya dahil winakasan na niya ang paghihirap ko. Kahit papano naging maluwag na ang kalooban ko.

Truly Yours,
Me

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com