Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✝Entry Two✝

Dear Buddy,

Tagtuyot ata ngayon. Sobrang init kasi, mukha tuloy tayong naglalakbay sa disyerto, buti nalang hindi ako nauuhaw.

Oo nga pala, nakakapagtaka. Tatlong araw na ako rito bakit kaya hindi man lang ako nagugutom pati na rin na uuhaw? Mabuti na rin siguro iyon, dahil tyak na mamamatay ako rito sa gutom. Walang katao-tao at walang mapagkuhanan ng pagkain.

Asan na ba tayo? Hay... Ewan. May direksyon pero may nakasulat na "NO X" ang weirdo. Weirdo talaga ng lugar na ito, kasing weirdo ko.

Pahinga muna tayo saglit, hihiga muna ako sa kalsada ah? Ang sarap kasi higaan nito parang hindi kalsada, walang alikabok.

Pinagmasdan ko ang matingkad na sinag ng araw, himalang ako'y hindi nasisilaw.

May naalala tuloy ako. Yung iniirog ko, kasing tingkad ng ngiti niya ang sinag ng araw na ito. Kamusta na kaya siya? Sila pa kaya? Sana lagi siyang masaya.

Ba't nga ba naalala ko siya pero sarili ko hindi ko maalala.

Ang drama ko na naman ba uli buddy? O siya, titigil na. Bumalik na tayo sa ating paglalakbay.

Truly Yours,
Me

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com