Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✝Epilogue✝

✝Final Entry✝

Nagising ako sa sama ng panaginip ko. Hindi ata panaginip iyon dahil parang totoo. Alam ko na ang dahilan ng pagkamatay ko, itinulak nila ako sa bangin na may dagat sa ibaba. Itinulak ako ng inakala kong mga kaibigan. Sinasabi ko na nga ba pagkalunod ang dahilan ng aking kamatayan. Isusulat ko na sana ang napanaginipan ko ng mapansin kong wala na sa tabi ko ang kwardernong pinakaiingatan ko.

Hindi lang yun, nagising na akong iba na ang buong paligid. Nakakasilaw ang tingkad na ilaw ng mga gintong nasisinagan ng araw, puti parin ang paligid pero mas maraming gintong bagay akong nakikita. Nasan na ba ako? Nasan na ba ang kwaderno ko?

"Nandito ka sa tahanan ng puong maykapal."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Sino ka?"

Tanong ko sa kanya pero nginitian lang niya ako.

"Andali mo namang makalimot, kaya andami mong tanong eh! Ako to, si buddy mo!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Siya ang kwaderno ko? Impossible! Papano?

"Pinagdududahan mo ba ako? Napunta ka nga sa purgatoryo. Ako pa ba? Magiging impossible para sayo?"

Umiling ako bilang pagtangi at sinabing,

"Hindi lang talaga ako makapaniwala. Lalo pa't kamukha kita."

"Eh kasi ako ang repleksyon mo. Sakin mo sinasalamin lahat kung ano ka, at sinusulat mo sakin ang tungkol sayo."

"Eh bakit ka may pakpak?"

"Dahil inutusan ako ng Diyos na sunduin kita. Simula ngayon, lahat ng mapapait at masalimuot mong ala-ala ay kakalimutan mo na. Yun ay kung papayag ka?"

"Anong mangyayari sakin pagkatapos?"

"Dahil sa pananampalataya mo sa kanya at hindi mo rin siya tinalikuran sa dami ng dagok na dumating sa iyong buhay. Ginawaran ka niya ng isang regalo."

"Regalo? Anong regalo?"

"Itong suot ko. Di ba kahilingan mo maging ibon sa susunod mong buhay? Pwes hindi ka lang magiging ordinaryong ibon dahil ikaw ay magiging isang anghel."

"Ako? Magiging anghel? Eh makasalanan akong tao."

"Hindi ka makasalanan, sadyang biktima ka lang ng maling panahon."

Lumapit siya sakin at bigla akong niyakap hanggang sa sumakit ang likod ko.

"Simula sa araw na ito, tungkulin mo na ang maging tagapagbantay sa taong naka-atas para sayo. Guardian Angel ka na ni Roxanne Medina. Ang magiging anak ng iyong minamahal na si Roanne."

"May anak na si Roanne?" Tanong ko pero napapikit ako nang maalala kong totoo ngang may anak na siya kaya kahit kelan man di na magiging kami.

Bigla niyang hinawakan ang ulo ko at sinabing, "Kalimutan mo na lahat ang ala-alang pinanghihinayangan mo. Magiging masaya kana bilang isang anghel at naway maging matino kang tagapagsunod sa utos ng Diyos. Humayo kana sa mundo ng mga tao at simulan ang misyon mo."

Pagkatapos nun nawala na siya sa harapan ko.

"Ako si Kenji ang bagong anghel na dati ay isang ligaw na kaluluwa."

Naaliw ako sa pagaspas ng pakpak ko at sinimulan ko nang bumaba galing sa langit patungo sa lupa.

*WAKAS*

Singkit's note: I would like to extend my gratitude to all the readers kahit silent reader kaman. I know its kinda lame . Gusto ko lang kasi mabahagi ang artworks ni Re* sa inyo kaya ginawan ko ito ng story.

Highest rank attainment is #11 in Spiritual . Kahit kakapost ko lang nito. Sobrang saya ko. Thank you po sa inyo! Ciao! see you in my upcoming stories :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com