Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

"Let's dance!" yaya ko kay Hana. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at agad na kinaladkad.

"Ingat kayo mga anak!" Rinig naming sigaw ni Manager kaya natawa kami roon.

Hindi ako sumasayaw pero kapag natamaan ako ng alcohol ay nagiging dancer ako nang wala sa oras. Magkaharap kami ngayon ni Hana na nagsasayaw at nakikisabay sa alon ng mga tao. Kapwa kami nagtatawanan na wala namang dahilan. Baliw lang.

"Ang saya!" I shouted, ang lakas kasi ng music, habang ginagalaw ang aking buong katawan. Hindi ko alam kung sayaw pa ba itong ginagawa ko o pagwawala.

Humalakhak si Hana. "Ibang-iba ka 'pag lasing, Kierra!"

Sasagot pa sana ako. Hindi ako lasing 'no! I'm not drunk, konti lang. Awtomatiko akong napabaling sa aking likuran nang may maramdamang humawak sa aking bewang. Who the hell is that?

"You're hot," the guy whispered that literally made me flinch. Wala sa sariling napaatras ako at marahas na inalis ang kanyang kamay sa aking bewang.

Hindi ko lubos makita ang kanyang mukha dahil sa malilikot na ilaw rito sa club. But I knew he is a jerk. His voice says he's one of the bastards.

"I checked my temperature hours ago. I'm 36.9 °C, wala akong lagnat!" I answered him, almost yelling. Basically, hindi ako hot.

Tumawa ito at himala dahil narinig ko pa ito. "Are you single?"

Mabilis akong umiling. "I wish pero may asawa na ‘ko!" I answered in all honesty. I hate it when liquor hits me, masyado akong nagiging honest. Alam kong pagsisisihan ko ito bukas. Bahagya namang naglandas ang mga mata niya sa aking kamay.

"Wala akong nakikitang wedding ring!" sigaw niya. "Do you wanna have fun tonight?"

"I'm having fun!"

"Mas masaya 'to, are you in?"

Ilang minuto pa akong nag-isip. I don't want him to feel sad pero ayoko talagang sumama dahil I am originally with my co-workers. Kinuha ng lalaki ang kamay ko at may nilagay doon. Napakunot ako at tiningnan iyon.

"What's this?"

He grinned like a creep kaya kinilabutan ako. "Sumama ka sa 'kin para malaman mo," hamon niya

I was about to decline his offer dahil ayoko talaga sa mga estrangherong may mga nakakatakot na ngiti nang may gumawa no’n para sa ‘kin.

Someone wrapped his arms around my waist. "I'm sorry but my wife needs to be at home now," malalim ngunit ma-awtoridad na saad nito.

My wife?

Pamilyar ang kanyang boses. Tumingala ako sa taong iyon. Ilang segundo rin akong nakatingin sa kanya at tila naniningkit ang mga mata. Masyado kasing madilim dito at nahihilo na rin ako kaya ang tagal mag-process sa utak ko lahat-lahat. The familiar guy stood still and gave the jerk, who said I'm hot when I'm actually not, a warning voice.

After seconds ay nagliwanag ang mukha ko at masayang tumingala sa kanya. "Hubby!" I squealed as I, at last, recognized him. I squeezed his cheek dahil baka imagination ko lang pero totoo siya. Nandito si Coen!

Walang emosyong napabaling ito sa akin dahil sa pagkurot ko sa kanya. Hindi lang siya gwapo, ang cute niya rin!

"Let's go home," malumanay na sabi niya at iginaya ako palabas ng dance floor. Napansin kong hawak na niya ang clutch bag na gamit ko at ang aking phone. Who would've thought na ang isang Coen Montero ay magdadala ng clutch bag with touches of diamond? Pfft, sana maalala ko pa 'to bukas.

"Okay, pupunta lang―"

Coen cut me off. "It's fine, I already told your manger na iuuwi na kita."

Masama ko siyang tiningnan. "No, I want to pee!"

Hindi makapaniwalang tbinalingan niya ako ng tingin, showing off his amused eyes. Okay? Anong nakaka-amuse sa taong naiihi? Pero in the end ay sinamahan niya ako sa restroom.

.

"Are you sure you can walk alone?" he asked.

"Hindi pa ako lasing, okay?"

Coen sighed. "I'll wait you here."

Binitawan na niya ako and, I guess, that's my cue to walk pero hindi pa ako nakakalimang hakbang nang muntik na akong ma-out of balance. Agad akong lumingon sa likod. "I'm fine, akala ko kasi may poopie," I laughed at that thought kahit wala namang dumi sa sahig. Nagpatuloy ako sa paglalakad trying to walk straightly. "I hate tequila," I almost murmured.

.

"Hop in." Pinagbuksan niya ako ng pinto sa shotgun seat. Agad ko iyong sinunod. He also got inside the car. Pero bago niya pa mabuksan ang engine ay napatigil na siya agad dahil sa kabaliwan ko.

"What the fuck is that, Kierra?!" hindi makapaniwalang tanong nito habang hinuhusgahan ako.

Tinigil ko ang ginagawa kong paghipan at lumingon sa kanya. "A transparent balloon! Ang cute, ‘di ba?" inosente kong tanong.

"Where did you get that shit?" inis niyang tanong at kinuha sa akin ang aking lobo. Lumungkot ang mukha ko dahil sa ginawa niyang iyon.

"You know what," panimula ko habang pinipigilan ang maiyak. "Kung gusto mo ng balloon, humingi ka rin doon sa loob. Binigay 'yan sa 'kin nung lalaki. Mang-aagaw!"

He frustratingly combed his hair. "You're drunk. This thing is not a balloon, Kierra," he lectured me. "Nurse ka, you should know this stuff."

Oo nga pala, I'm a registered nurse. Muntik ko nang malimutan.

"Hindi nga sabi ako lasing, tipsy lang. Pero hindi ka dapat basta-basta nang-aagaw. Bad 'yun, hubby," I pouted, baka sakaling ibalik niya sa akin ang lobo.

Coen sighed, frustratingly. "This is a fucking condom. You shouldn't play with this goddamn thing, hon."

Hon?

Did I hear him right? Tinawag niya akong hon? As is honey?

Impit akong sumigaw at marahan siyang tinulak. Nabigla naman siya roon kaya binigyan niya ako ng isang tingin na nagsasabing 'are you out of your mind?' I even heard his voice. Kakaiba talaga 'pag may tama.

"What are you doing this time?" he asked.

Ngumiti ako at bahagyang hinawakan ang dalawa kong pisngi. "Kinikilig ako, enebe!" I squealed habang pinipigilang mamula ang aking mukha.

Coen stared at me for almost a minute before conceivably chuckled with amusement in his eyes. Umiling-iling ito bago nagsimulang buhayin ang makina. "You're blotto."

.

Tahimik ako habang nasa biyahe. My head is resting on the window dahil sa hilong dala ng alkohol. Hindi naman ako nasusuka which is a good thing. Hindi 'ata kakayanin ng konsensya kong masukahan ang mamahalin niyang sasakyan.

"You okay?"

Napansin niya siguro ang bigla kong pagtahimik. The moment he asked that question ay naramdaman ko agad ang mga luha na kanina ko pa kinikimkim. Am I okay? And with that, I started crying out loud.

I know, napaka-immature ko. Liquor really stroke me bigtime at hindi ko na iyon nagugustuhan. Naramdaman kong tumigil sa pagmamaneho si Coen at pinarada ang kotse sa gilid nang daan.

"Kierra," he said in a soothing voice pero imbes na mawala ang lungkot ko ay mas nadagdagan pa ito. "Are you crying?"

I tried to glare at him. "Hindi ba obvious?" sarcastic kong tanong. Lalo akong naiyak dahil sa mga tingin niyang puno ng pag-aalala kaya naman mas lumakas ang palahaw ko. Tinakpan ko ang aking mukha at doon umiyak nang umiyak. "Miss ko na sina Mama, Ryan, Jessica at Gab!"

Hindi ko narinig ang pagtugon niya kaya I continued my weeps. "Gusto kong umuwi kahit isang minuto lang, I want to see them, myself, kung ayos lang sila roon. Baka wala ng kinakaing chocolates si Ryan, baka wala ng pang-maintenance si Mama." Tumingin ako sa kanyang gawi habang umiiyak pa rin. "Hindi ko ba 'to maaalala bukas?"

"Why?"

I tried to speak normally pero hindi ko mapigilan ang aking pag-iyak. "Can I have a hug?"

I opened my arms, signaling him to hug me. Huminga siya nang malalim and started to unbuckled his seat belt. Niyakap niya ako at iyon na ‘ata ang pinakamagandang nangyari simula nang mapunta ako rito sa Søren.

I cried, a lot. Nilabas ko ang lahat ng mga luhang nakaimbak at wala akong tinira. Basa na nga siguro ang suot ni Coen pero hindi naman siya nagrereklamo. Marahan niyang hinahaplos ang aking buhok, surprisingly, those strokes comforted me kahit hindi siya nagsasalita.

Minutes had passed, nakaramdam ako ng pagod mula sa pag-iyak. My eyes are both bulged and tired of crying. Unti-unti kong nararamdaman ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata.

"Coen." My voice cracked habang nakayakap pa rin sa kanya.

"What?"

"I want ice cream," I murmured, hoping he can still understand it. "Chocolate flavor," dagdag ko.

Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Yes, I'm wasted. Kierra is freaking drunk and broke! Alam kong marami akong pagsisisihan bukas pero sana wala akong maalala sa mga nangyari ngayon. My eyes are slowly shutting down. Nakakaantok pala ang yakap ng isang Coen Montero?

But before I could literally fall asleep ay naramdaman ko ang bahagya niyang paghalik sa aking noo. I consciously smiled and I slept happily ever after.

.

ᴛʜɪs ɪs ᴍʏ ғᴀᴠᴇ ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ sᴏ ғᴀʀ. ʜᴏᴡ's ᴛʜᴇ ᴅʀᴜɴᴋ ᴋɪᴇʀʀᴀ, ᴇᴠᴇʀʏᴏɴᴇ?

.

sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com