Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

"Ouch," daing ko nang magising kinabukasan. Minasahe ko ang aking sentido dahil sa sakit na dulot nito. Well, hello hangover!

I tried to recall what happened last night. Naalala kong pumunta kami sa isang club nila Hana. I also read text messages from Coen... and I drank a glass of liquor na, unexpectedly, nagsunod-sunod kaya I woke up with a headache. Pero anong nangyari after that? May ginawa ba ako? May nangyari ba sa akin?

I checked myself, wala namang masakit except sa ulo at lalamunan kong sobrang dry. I could also taste the bitterness of alcohol. Hindi na muli ako iinom. Never ever again. Suot ko pa rin ang damit ko kahapon. Napangiwi ako nang maamoy ang aking sarili. Ang baho, yuck!

Bumangon na ko sa pagkakahiga. Pumunta ako sa CR para makapag-ayos ng sarili. Nakakahiya namang lumabas sa ganitong sitwasyon. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin and, gosh, I really look like a mess. Hair was a disaster and my eyes swollen.

"Ano bang pinaggagagawa ko kagabi?" I mumbled still thinking what have gotten to me that night pero wala pa rin talaga akong maalala.

.

Kakatapos ko lang mag-shower. Mabuti na lang at maaga akong nagising kanina, may pasok pa kasi ako ngayon since Friday pa lang. Nang ma-satisfy ako sa aking istura ay lumabas na ako.

I sighed in relief when I didn't saw Coen. Baka maaga na namang umalis siguro iyon. Sana lang hindi niya nalaman na nagwalwal ang oh-so-called wife niya. Nagtungo ako sa kusina upang kumuha ng isang basong tubig. I expected Manang Pola to be there pero wala sila, as in silang lahat! Wala ring nakahandang mga pagkain sa mesa which is very unlikely.

I drank a glass of water bago hanapin ang mga best friend ko rito sa Søren. Nasaan naman kaya sila Manang? Naku, baka hindi sila nagising nang maaga, lagot sila kay Coen! My feet led the way toward their room ngunit pagkabukas na pagkabukas ko pa lamang ng pintuan ay walang mga tao roon.

"Huh? Nasa'n sila?" I whispered.

"Sinong hinahanap mo?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat kaya naman agad akong napabaling sa likod upang makita kung tama ba ang narinig kong boses. And, yes, narito nga siya. He showed me his famous smirk. "Good morning, Kierra. How was your party?"

Shit. He knew it?! Paano niya nalaman?

Biglang sumakit ang ulo ko dahil sa kanya. I unconsciously massage my temples, again. Napaiwas ako ng tingin. "Nasaan sina Manang Pola?" pag-iiba ko ng topic.

Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa at gumawi sa kusina. Sinundan ko ito at pinagmasdan siya. The woke-up-like-this look of Coen is my favorite of all. Suot niya ang favorite brand ng track pants, I guess sobrang paborito niya ang gano'ng styles. Naka-all white siya. Oh, should I change his nickname then? Mr. All-White na siya ngayon!

"Today's holiday in Søren, walang pasok ang lahat," he said as he brewed his own coffee. So, it means wala akong pasok? At higit sa lahat, wala ring pasok ang kasama ko ngayon?! Shit. I mentally cussed because of the sudden realization. Tumingin ito sa akin, "Hot choco, right?" he asked.

Wala sa sariling napatango ako. Wow ah, alam niyang hindi ako nagkakape. "Anong meron ngayon sa Søren?"

"80 years ago, Søren got its reputed title as first and most powerful district in the Republic of Dasaev," paliwanag niya.

"At c-in-elebrate n’yo iyon?"

"Apparently, yes, they celebrate it every damn year," simpleng sagot niya habang nasa tapat ng oven.

They? Well, Coen is a kind of person na hindi ine-enjoy ang mga bagay-bagay na ine-enjoy ng karamihan. Okay, magulo ba?

Ilang saglit lang ay umupo na rin siya sa counter stool na nasa aking harapan. "Thank you sa hot chocolate," I thanked him.

"I've just reheated the pizza. I'm damned hungry para magluto," sabi niya at kinagatan ang bacon and herb sliced pizza niya.

Kumuha rin ako at kumain. "It's fine. Sino bang aayaw dito?" A great way to start this stressful day with Coen is a good breakfast. Speaking of today's holiday, napaisip ako sa perception niya kaya naman mataman ko itong tinignan. "Hindi mo ba kailan naisip na ang unfair nito? I mean, ‘yung first and second district thingy."

He nodded. "I think it's unjust. I hate Dasaev's setup."

Wow, hindi ko inaakalang may pakialam din pala ang lalaking ito. Pero tama siya, the system sucks! Napaka-bias ng Dasaev. Pinaghihiwalay nila ang mahihirap na katulad namin sa mga mayayaman. They only treat fair for those who have wealth and fortunate enough. Noong una, oo, nakakagalit ang konseptong iyon. Pero habang nagtatagal, nawawalan na rin kami ng pag-asang mababago pa ang sistema ng pamahalaan.

I hope it'll change for the better.

"Ibang-iba ang Søren sa Nuere. Wala kaming mga sariling sasakyan na katulad ng sa inyo. Bisekleta, motor at public transportation lang ang meron sa amin tapos swertehan na lang kung aircon 'yung masasakyan mo. Hindi rin ganito manamit ang mga tao roon. Ayos lang sa amin ang mga pinaglumaang damit galing sa Søren at sa ibang bansa na mabibili sa ukay-ukay," kwento ko rito. Mukha naman siyang nakikinig kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "At alam mo ba, hindi lahat sa 'min afford ang internet kaya kailangan pa naming pumunta sa internet café sa bayan para lang makagamit," I joked pero totoo 'yon. Ilang beses na rin 'ata akong napalo sa pwet ng nanay ko dahil gabi na ako umuuwi dahil diyan sa internet na 'yan.

"It must've been hard," seryoso niyang saad habang nakatingin sa aking mga mata. Aaminin ko, muntik na akong malaglag sa upuan dahil sa mga tinging iyon.

Umiling ako. "Hindi ka mahihirapan kapag kasama mo ang pamilya mo." Huminga ako nang malalim habang inaalala ang mga naging experience ko sa Nuere. Hinding-hindi ako magsisisi na roon ako lumaki. "I miss them so much, lalo na si Papa."

Coen's face became more interested upon hearing the word papa.

"What's the name of your dad?"

Hindi ko alam kung bakit curious siya pero sinagot ko pa rin ang tanong nito.

"Ronaldo Vergara," I answered. "Isa siyang sundalo. Pinaglaban ni Papa ang bansa and, eventually, died when he got shot in a war between Dasaev and United of Emson."

"I'm sorry."

Ngumiti ako para ipakitang wala lamang iyon sa akin. Naka-move on na ako at tanggap ko na. At least, I know he's happy up there. "Ayos lang, Coen, seventeen years ago na iyong nakalilipas."

.

Natapos kaming kumain. Ako na ang nagpresintang maghugas ng mga pinagkainan. Nakakahiya naman, siya na 'tong nagluto at nag-prepare. Nang matapos sa aking ginagawa ay pumunta rin ako sa living room. Naupo ako katabi ni Coen, leaving a one-meter distance between the two of us.

Nanonood siya ng TV kaya naman nilabas ko ang phone sa bulsa at naghanap ng mga maaaring magpaalala sa nangyari sa akin kagabi. Wala talaga akong ideya.

I opened my call logs at kunot-noong binasa ang pangalan doon ni Coen. Nagtataka ko siyang tiningnan. "Tumawag ka kagabi sa ‘kin?"

"Yes," he replied without looking at me.

"Sinagot ko ang tawag mo?"

"Yes, you were so happy last night. You even made me an endearment," he chuckled, still not looking at my direction.

Say what?! Me?! Endearment?! Imposible.

"Huwag kang magbiro, Coen. Hindi ako corny at cheesy na tao," I retorted trying not to look offended. Hindi ko nga masambit ang pangalan ni Manager. Babe kasi ang pangalan niya kaya we preferred to call him― err her Manager na lang.

Tumingin ito sa akin na may paghanga sa mga mata, idagdag mo pa 'yung ngisi niyang ang sarap paluin. Mas nang-aasar pa ang loko!

"Yes, you are. You called me 'hubby', Kierra," pang-aasar nito.

"What the," I almost cussed. "Hindi ako naniniwala."

Nagkibit-balikat siya at pinagkrus ang dalawang kamay. Mukhang hindi ko magugustuhan ang mga susunod niyang sasabihin.

"I just called to check but you sounded so drunk so I decided to fetch you up. When I got there, I saw you talking to a jerk who happened to gave you a condom. You squealed 'hubby' when you noticed me, for several times in public, Kierra. You even blew that fucking condom right in---"

Napapikit ako. Mukhang hindi naman siya nagsisinungaling and I hate it. Sa mga panahong ito, mas gugustuhin ko na lang sanang magsinungaling siya.

"Stop. Please. Nahihiya na ‘ko."

He smirked, knowing that he won this game. Babawi ako, Coen. Tandaan mo 'yan.

"You're cute when you're drunk, wifey."

Inis ko siyang binato ng unan na agad naman niyang nasalo. Natawa siya dahil doon na nagpatigil naman sa akin. My stomach flipped and felt my heart drummed. I think that precious smile can change Dasaev's system.

Okay? Ano ba ang iniisip ko? Bakit ba sumasagi ito sa isipan ko?

Umiwas ako ng tingin at umupo nang maayos. Feeling ko sobra nang namumula ang mukha ko.

Sinubukan kong libangin ang aking sarili and I found myself on Instagram. This is now or never, Kierra. You have to do this.

"90k followers?!" I exclaimed when I saw my profile. Nakita ko naman mula sa peripheral vision ko ang pagkagulat ng lalaking kasama ko. "Kainis ka talaga Coen."

"What?"

Inis ko siyang binalingan at pinakita rito ang notifications. Mayroon namang magagandang feedback pero halos lahat ay negative at purong death threats sa mga baliw niyang fans. Wow ah! Ako lang 'to guys.

"Look what you did, sabi ko sa 'yo eh," pagsisisi ko sa kanya dahil sa pag-follow back niya sa akin. Magrereklamo pa sana ako ngunit agad akong napatigil nang marinig ang pangalan ni Coen sa telebisyon.

"Coen Montero, nakita sa Chastel Club kasama ang isang misteryosong babae. Maraming nakakita ang nagsasabing iba ang kinikilos ng dalawa base na rin sa mga picture na nakuha ng mga netizen. Makikitang tila magkayakap ang dalawang ito sa loob ng sasakyan ni Mr. Coen. Napagkaalamang noong Miyerkukes ay naging usap-usapan din ng lahat ang Instagram account na @kierrav_. Siya na kaya ang kasama ni Coen Montero noong Huwebes ng gabi? Sino ang babaeng nagngangalang Kierra Vergara sa kanyang buhay?"

My heart stopped from beating, upon hearing that news. Masama kong binalingan si Coen sa aking tabi. Mukhang hindi man lang siya nagulat sa narinig na balita. Parang ine-expect na niya ito.

Maya-maya pa ay tumingin din s’ya sa akin at nagsalita.

"Would you like some chocolate ice cream?"


.

sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com