Chapter 14
"Bakit ayaw mong sumagot, Ma?" nag-aalalang bulong ko habang kausap ang aking telepono. Ilang beses ko na kasi d-in-ial ang number ni Mama pero walang sumasagot doon.
Matapos ang 10 unanswered calls from mom, napagdesisyunan kong tawagan na lamang si Gab. Prente akong nakaupo rito sa sala habang hinihintay si Coen na lumabas sa kanyang kwarto. Ang tagal naman niyang mag-ayos, daig pa ang babae.
"Gaby!" I squeaked nang masagot niya ang tawag. Na-miss ko siya nang bongga kahit maldito, may attitude at tahimik parati.
["Kierra?"] he asked. ["Is this your number?"]
"Oo, i-save mo. Nga pala, pwedeng favor naman?"
Narinig ko siyang huminga nang malalim. Aray ah, parang hindi kaibigan ang isang 'to. ["Tungkol saan ba?"]
"Duty ka ngayon?"
["No, off ako today. Si Jess lang ang duty sa 'tin. Why'd you ask?"]
Tamang-tama, wala siyang work. I playfully smiled. "Bisitahin mo naman sina Mama. Hindi ko kasi sila ma-contact, kanina pa ako tumatawag."
["Sige, I'll drop in."]
Napangiti ako. "Salamat Gaby, I owe you bigtime. Pakidalhan na rin si Ryan ng chocolates, ha?"
["Sure,"] simple nitong sagot.
Narinig ko ang mga yabag ni Coen at papunta iyon sa aking direksyon kaya naman mabilis pa sa speed of light akong tumayo. Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon ginawa.
"Thank you talaga, Gab. Tawagan mo ‘ko kapag nandoon ka na. See you soon, miss ko na kayo. Alis na ‘ko, bye," sunod-sunod kong pagpapaalam at agad na pinatay ang tawag.
Matapos no’n ay awtomatikong lumingon ako sa gawi ni Coen. I swear, I almost lose my balance when I met his gaze na parang may ginawa akong mali. He's just standing seven feet apart.
He crossed his arms over his chest. Malalamig ang kanyang mga tingin. Bakit kaya? Nakita ko pa itong huminga nang malalim bago nagsalita. "Who's Gab?"
Ngumiti ako. "Best friend ko sa Nuere, tiyak magkakasundo kayo 'pag nagkita kayo." Napatawa ako sa sinabi ko. Coen and Gab are both serious in life, pareho rin silang cold minsan pero as the days passed, mapagtatanto mong may puso naman pala talaga sila. Hindi lang halata.
Mabilis kong in-examine ang suot ngayon ni Coen. He's wearing plain blue sweater and denim shorts, nagbagay doon ang suot niyang white sneakers. Nakasuot din siya ng cap para hindi masyadong halata na siya ay si Coen Montero. Ang kaswal niyang tingnan ngunit malakas ang dating. Habang ako naman, I just experimented and layered a white blouse on my peach slip dress. Nagsuot din ako ng white socks and sneakers para makumpleto ang outfit.
Nilagay niya ang kanang kamay sa loob ng bulsa at nagsimulang maglakad palabas ng penthouse. Kinuha ko naman ang tote bag na nakita ko at sinundan siya palabas.
.
"Ganyan ba parati ang ekspresyon mo?" I asked out of nowhere. Nagmamaneho siya gamit ang mamahalin niyang sasakyan, nakasuot pa ito ng sunglass na bumagay sa kanyang aura. Mukha siyang artista na may attitude.
Saglit siyang napatingin sa akin, his face shows confusion as if he's asking 'what are you saying?'
"Wala, nagtataka lang ako kung bakit maraming nagkakagusto sa 'yo. I mean, nakakatakot ka." I didn't realize what I just said kaya mabilis kong tinakpan ang aking bibig. "Sorry, ang ibig kong sabihin ay 'yung aura mo, parang may negativity kasi parati na nakapalibot sa 'yo. Don't get me wrong, gwapo ka. Sobrang gwapo pa nga eh."
Okay? Masyado ba akong naging honest sa part na 'yon?
Coen rested his elbow on the car's door habang ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa manibela. He smugly smiled. "Thanks."
Hindi ko in-expect ang sagot niyang iyon. Thanks, really? Nagpapasalamat siya kasi I told him na gwapo siya? I pretended that I didn't hear anything, tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa labas.
Nakakapanibago lamang dahil walang mga sasakyan ang nakasunod sa amin ngayon. Hindi ko ipagkakaakila na labis na akong kinakabahan ngayon. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil ngayon ang unang beses na lalabas kami ni Coen sa publiko. Tiyak na maraming mga matang mapanghusga ang titingin sa akin― sa amin.
“Safe ba na lumabas tayong dalawa? Sure akong maraming makiki-chismis sa ‘tin.”
“I already informed Zach about this. He’ll be watching us from distance.”
Napatango-tango ako. Pero bakit sa malayo pa? Pwede naman naming isama si Zach sa lakad.
“Si Zach lang ang bantay ngayon?” Hindi naman sa nagdududa ako sa kakayahan ni Zach pero hindi ba’t kailangan ng mas maraming tauhan dahil nasa labas ang binabatayan nila?
“Yes, you don’t have to worry. Zach is equal to ten security persons.”
Okay.
"Malayo pa ba tayo?" tanong ko matapos ang limang segundong katahimikan. As usual, hindi siya sumagot kaya I threw another question. He gave me no choice but to ask this, "Ayos lang ba talaga sa 'yo na magkaroon ng asawa sa papel? You are a popular personality dito sa Søren, I'm sure may iniingatan kang reputation."
Naglandas ang mga mata ko sa kanyang direksyon. Seryoso ang kanyang mukha habang nagmamaneho. Hindi ko alam kung galit ba siya or what. Sobrang komplikado niyang tao.
"I don't care about people's opinion, Kierra. Hindi ko sila kailangan para magdesisyon."
"Ano ang naging dahilan upang i-offer mo sa ‘kin ang marriage?" Matagal ko na 'tong tanong sa aking isipan. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako mapalagay.
He heaved a sigh before answering. "First of all, you saved me and... I promised to a person before."
Binigyan ko siya ng isang malaking question mark. "Anong promise? Anong connect sa 'kin?"
"Basta," he shook his head off habang nakatingin sa kalsada.
Basta? Anong ibig sabihin no'n? Wala na bang mas precise na answer 'tong si Coen? Lahat na lang 'ata ng sagot niya ay wala akong naiintindihan.
"What about your parents? I'm sure―" napatigil ako sa pagsasalita nang agad siyang sumagot.
"Mom died two years ago."
Napatakip ako sa aking bibig. "I'm sorry, Coen." Hindi ko alam na wala na ang kanyang nanay. I should've filtered my mouth.
"It's alright," aniya.
Biglang pumasok sa aking isipan ang kanyang ama. “Naalala ko noong una nating pagkikita, sinabi mong pwede akong magtago sa penthouse mo pero hindi sa ‘yong tatay. Alam kong alam na niya ngayon ang tungkol sa atin, paano iyon?”
“You’re now a Søren citizen, wala na siyang magagawa. You are safe, Kierra,” he chuckled. Saglit niya akong sinulyapan. "May questions ka pa? You can spill it now."
Hindi naman siya mukhang galit kaya nag-isip pa ako ng mga pwedeng itanong and I remembered a 'person's name.' Susulitin ko na 'tong panahon na 'to, minsan lang ito.
"How about Fione?" Nakita kong napatigil itong saglit at bahagya niyang tinagilid ang ulo habang nagmamaneho. "Zach told me about her. Ayos lang ba sa kanya 'to? Ayos lang sa 'yo?"
Kumunot ang kanyang noo. "What do you mean? But to answer your last question, this is perfectly fine with me."
I composed my words. Ayoko namang makialam sa love life n’ya pero sobra akong naba-bother, knowing na they lasted for three years and last month lang sila nag-break. Tapos nakigulo pa ako sa istorya nila.
"Zach and I had a talk days ago, sabi niya last month lang kayo naghiwalay. Alam kong wala ako sa posisyon pero at least try to talk to her, I think deserve niyang malaman ang totoo tungkol sa atin. Ang panget lang kasing tingnan na 'yung ex-boyfriend mo ay mayroon na agad na asawa in just a month."
Tumango-tango ito, "Fine, if that's what you want, I'll talk to her."
.
Nasa loob na kami ngayon ng isang clothing boutique rito sa mall. Nakatayo lang ako at pinagmamasdan ang mga damit. Parang hindi ko kayang maglibot dito. Feeling ko undergarments lang ang afford ko rito.
"Kierra?"
Napatingin ako sa kanya. Hinihintay niya akong kumilos pero ang sinasabi ng utak ko ay ‘wag gumalaw. Wala sa sariling napalinga ako sa paligid. Maraming tao ang narito sa loob at halos lahat sila ay nakatingin sa aming direksyon. Sinasabi ko na nga ba’t walang kwenta ang sunglass at cap ni Coen.
"'Wag na lang kaya tayo rito?" bulong ko pero sigurado akong narinig niya iyon.
"Why?"
"Nakakailang tsaka mahal."
Binigyan niya lamang ako ng bored stare. He grabbed my hand and intertwined them. My heart skipped a beat pero mas nanaig sa akin ang pagkabahala. Namilog ang mga mata ko at pabalang siyang tiningala. He began walking kaya wala sa sarili rin akong sumabay sa kanya.
"Bakit kailangan mo pa akong hawakan?" iritado kong tanong at tinatago ang kilig. Sinubukan kong tanggalin iyon pero mas lalo niya lamang hinigpitan ang pagkakahawak.
"Para ‘di ka makatakas."
"Ano?!"
Mahina siyang tumawa. Inalis na niya ang pagkakahawak sa akin kaya naman nakahinga ako nang normal dahil doon.
"Just kidding. Pick whatever you want, it's on me." I was about to retort back pero naunahan niya ako. "You can pay me back when you got the job in Hansan."
At iyon na nga ang ginawa ko. Kumuha ako ng mga damit na kailangan ko, especially sa part-time job ko. Hindi na ako nagpabili pa ng mga dress dahil puro iyon na lamang 'ata ang laman ng closet ko. Coen also insisted me to buy shoes. Yes, with s. As usual, natalo ako sa pakikipag-debate kaya bumili na rin ako.
Mukhang malaki-laki ang babayaran ko ah.
.
Pagkatapos mamili ng mga damit ko ay dumiretso kami sa supermarket. Bumili lamang kami ng necessary goods like foods and hygiene stuffs. Matapos ang isang oras ay natapos na rin kaming mag-grocery. Coen's leading the way habang tulak-tulak ang cart. Pipila na sana ako sa counter nang dumiretso siya sa ibang cashier. Saan ang punta no'n?
"Coen," tawag ko rito. Naalarma naman ang mga tao sa paligid ko at nagsimulang magbulong-bulungan.
Napatigil naman ang lalaking kasama ko at humarap sa akin nang may pagtataka. Nakita kong huminga ito nang malalim when he saw me in the lane. Bahagyang itong umatras palapit sa direksyon ko.
"C'mon, hindi natin pila 'yan," he whispered. Hindi pa siya nakuntento at isinukbit pa ang aking kamay sa braso niya.
Feeling ko ay namumula na ang aking mukha. I tried to shoo the 'kilig' away and concentrated on thinking logically. Tumigil kami sa isang counter, walang nakapila roon. Kung wala lang cashier at bagger na nakatayo roon ay iisipin kong sarado ito.
"Care to explain?"
"Elites receive more privileges and benefits. That's how Søren works, Kierra."
So narito kami sa special lane dahil isa kaming elite? I scoffed at that concept, sobrang unfair na talaga ng mundo ngayon.
Natapos na naming bilhin ang lahat nang dapat bilhin sa mall. Habang papunta kami rito kanina ay may nakita't nadaanan kaming tiangge sa tapat ng mall. I told Coen na mauna na siyang umuwi dahil titingin pa ako pero hindi siya pumayag at nagpumilit pa na samahan ako. Ang tigas talaga ng ulo. Nilagay niya muna ang mga pinamili sa kotse bago kami pumunta roon.
Mula sa hindi kalayuan ay may napansin akong nakatayo at pawang pinagmamasdan kami. Naningkit ang aking mga mata. Si Zach ba iyon? Nakasuot siya ngayon ng itim na shirt at pants. Hindi na ako nag-isip pa at kinawayan ang taong ‘yon. Tila hindi siya nagulat at tumango pa sa gawi ko.
Confirm, si Zach nga.
"Ano bang gagawin mo ro'n?" Nagulat pa ako sa biglaang pagsulpot ni Coen habang dala-dala ang aking tote bag.
"Wala, titingin lang," simple kong sagot nang maka-recover.
Na-miss ko na ang tiangge, lalo na ang makipagtawaran sa mga tindera. Hindi ko nga inaasahang meron palang ganito rito sa Søren. Ang pinagkaibahan lang ay mas maayos tingnan ang mga ito, nakahilera ang bawat stall at may kanya-kanyang disenyo. Mukhang target talaga ng tianggeng ito ang mga mayayamang kuripot.
He just shrugged and shook off his head in disbelief. May attitude talaga 'tong isang 'to, ang lakas ng topak.
.
Kung may isang pagkakamali lang ako ngayong araw na ito, iyon na siguro ay ang pagpunta sa labas kasama ang isang Coen Montero. Paano ba naman kasi? Hindi ko na nagawa ang balak kong pag-window shopping dahil sa mga taong gustong magpa-picture kay Coen. I mean, halos lahat na lang 'ata ng tao ay narito sa gawi namin.
"Plan B, alis na tayo," bulong ko rito.
"Great idea, hon." Coen put his arms on my shoulders, bringing me closer to him. Nakarinig ako ng mga singhal dahil doon.
Pero tinawag niya akong hon? Hindi ko na lang iyon pinansin. Gusto ko nang makaalis sa lugar na ‘to.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Coen and Zach tried their best to push people away pero matigas pa rin ang ulo ng mga tao at pilit na lumalapit sa ‘ming direksyon. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang maraming tao. Hindi kasi ako gaanong nakakahinga kapag nasa crowded places ako. I inhaled and exhaled trying to normalize my breathing.
Tila napansin naman ni Coen ito. "You alright?"
"Ah yeah, slight agoraphobic lang ako." Nagkakaroon ako ng anxiety and panic attacks tuwing nasa crowded places ako. Feeling ko kasi hindi na ako makakaalis at mas-stock ako sa alon ng mga tao. I also often experience sweating and trouble in breathing. Weird, right?
Ngunit bago pa man kami makaalis sa lugar na ito ay napatigil sa paglalakad si Coen. He even uttered a cuss na mas pinagtaka naming dalawa ni Zach.
“Fuck.”
Tumingala ako at gumawi ang mga mata sa tinitingnan niya. Naging alerto ang buo kong katawan nang makita ang mga ito. Pawang may hinahanap sila at alam kong kami iyon.
This is bad.
.
sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com