Chapter 16
I was preoccupied the whole ride, matapos kong marinig ang balita galing kay Gab. Wala ako sa sarili ko the whole time, nagulat na lang ako at narito na ako sa penthouse. It literally made me forgot Coen’s kiss for hours, not until he spoke. Oo, ngayon lang siya nagsalita.
“Is something wrong?” tanong niya. Kakatapos lang naming ayusin ang mga pinamili. We did that without talking to each other, feeling ko nga ay naninibago siya sa ’kin.
Napapitlag ako. “Wala, iidlip lang muna ako,” pagsisinungaling ko at mabilis na pumasok sa kwarto. Ni-lock ko iyon at umupo sa kama. Nilabas ko ang telepono upang tawagan si Mama.
May heart complications si Mama since 4 years old ako, dumagdag pa roon ang hypertension niya. She’s experiencing chest pains these past few weeks at napansin iyon ni Gab nang pinapunta ko siya sa amin. Kaya wala nang nagawa si Mama kung hindi ang sumunod dito dahil tiyak na papagalitan ko siya. Which is quite true.
“Ma,” asar kong saad nang sagutin niya ang tawag.
Narinig ko pa itong tumawa nang bahagya, [“Ayos lang ako, anak. Kumusta ka diyan sa Søren?”]
"Parati ninyo na lang sinasabing ayos kayo, hindi ko alam kung maniniwala pa ‘ko," I spouted. Sa kanya ‘ata ako nagmana ng katigasan ng ulo.
[“Okay nga lang ako, Kierra. Ang sabi nga ng doktor ay maaari na akong makalabas agad bukas,”] she tried to convince but it didn’t work on me. Well, hindi naman nagsisinungaling si Mama, nabanggit din iyan ni Gab sa akin kaninang kausap ko siya. Pero hindi ako mapapalagay, nasa ospital siya tapos ayos lang? Walang gano’n!
“Si Ryan po?”
[“Na kay Jessica muna habang si Gaby ang nagbabantay sa akin. Nakakahiya na nga eh.”] Sabay tawa niya mula sa kabilang linya. [“Ikaw, Kierra, ano ang ginagawa mo diyan? Mabuti ba ang asawa mo? Ayos ka lang ba?”]
“’Wag n’yo po akong alalahanin dito, mabait po si Coen.”
Pagkasabi na pagkasabi ko ng kanyang pangalan ay agad na pumasok sa aking isipan ang nangyari sa amin kanina. My cheeks heated up at that thought. Mabilis kong iwinaksi iyon at tinaboy sa aking isipan.
Focus on Mama, Kierra. Itigil muna ang pagpapantasya.
[“Gusto kong makilala ‘yang Coen na iyan? Ano ba siya diyan sa unang distrito?”] intrigang tanong nito which, somehow, made me smile. My ever chismosang mother.
“Pa-search n’yo po kay Gab. Coen Montero ang pangalan niya.”
["Gagawin namin ‘yan ni Gaby mamaya."] She paused for a second. [“Miss na kita, ‘nak. Araw-araw ka na ‘atang hinahanap sa akin ni Ryan.”]
I awed. “Malapit na po, ilang linggo na lang, lalabas na ang resulta sa mga nakapasa sa Hansan Hospital. Sigurado po akong makakapasa ako roon.”
Para madala mo ang iyong pamilya sa distritong ito ay kakailangan mong magpakita ng malaking halaga at ilang ari-arian mo sa Søren para masabing isa kang mayaman na tao at kaya mong panindigan ang pag-apak sa unang distrito. Sa katunayan, isa akong elite rito, pwede ko itong gamitin para makuha ang pamilya ko pero ayokong masira ang prinsipyo ko. Ayoko nang manggamit pa.
[“'Wag mo rin kaming aalahanin dito sa Nuere. Buuin mo ang pangarap mo diyan,”] she sincerely said.
Ang pangarap ko ay ang magkaroon kayo ng maayos na buhay ni Ryan, Mama.
Naaalala ko noon, tuwing pupunta sa malayong lugar si Papa ay parati kong pinapangako sa kanya na pro-protektahan ko ang Mama at ang kapatid ko. I was just 4 or 5-year-old kid that time and I’m confident on what I am saying. I also promised him na tutulungan ko siyang mag-ipon ng pera para makapag-settle down kami sa Søren pero hindi na siya bumalik. I smiled bitterly as I reminisced that tragic times of my life.
“Ginagamit n'yo po ba ‘yung ipon ko?”
Saglit siyang napatigil at mula ro'n ay alam ko na ang sagot. [“Anak, pera mo ‘yon.”]
I brushed my hair at maluha-luhang tumingin sa bintana. I bit my lower lip to stop myself from possible breakdown. Pansin ko lang, parati na lang akong umiiyak dito sa Søren. Hindi naman ako ganito sa Nuere, they even gave me a nickname. They said that I’m the ‘tough fairy nurse’ dahil they never see me cry kapag namamatayan ako ng pasyente, even ‘yong toxicity ng college ay hindi ako kailanman umiyak. Pero iba na ngayon, mahirap talaga kapag malayo ka sa mga tinuturing mong lakas.
“Ma, inipon ko iyon para sa inyo,” I said, trying not to sound that I’m in the verge of crying. “Sige po, kapag hindi n’yo iyon ginamit, mag-aanak ako rito sa Søren. Magiging lola ka, gusto mo ‘yon?” pagbabanta ko sa kanya. Dahil doon, kusang umurong ang mga luha ko. Napatawa rin ako sa sarili kong sinabi. As if I’ll do that.
[“Oo na, gagamitin ko na ang pera mo. Basta’t ‘wag mong isusuko ang bataan, hindi ko pa nakikilatis ‘yang Coen Montero na ‘yan,”] mabilis na sagot ni Mama. Sorry Ma, nasuko ko na ang mga labi ko.
“Maghihiwalay din po kami kapag nakapasa na po ako sa Hansan. I’m sure ayaw niya rin akong kasama forever,” I told her for assurance and I love my father’s surname, hindi ko pa kayang palitan iyon nang permanente.
Kierra Vergara Montero is just temporary. I am just his ad interim wife.
.
Mabilis na lumipas ang Linggo. We just stayed inside the penthouse without noticing each other’s presence. Well, parang ako lang naman ‘ata ang hindi pumapansin kasi he brought me cupcakes for breakfast pagkatapos niyang mag-workout. Who am I not to eat those cuties, right? Nag-thank you naman ako sa kanya kaso hindi ko talaga kayang tingnan ang kanyang mga mata. Sana hindi niya iyon na-misinterpret.
Masaya akong lumabas sa aking kwarto dahil alam kong narito na sina Manang Pola. At hindi nga ako nagkamali. “Good morning, Kierra,” halos sabay-sabay nilang bati.
Gumanti ako ng ngiti. “Good morning din sa inyo, na-miss ko kayo,” bati ko. “Minsan naman isama n’yo ako sa mga gala ninyo.” Ayoko na kasing kasama ‘yung lalaking iyon. We both stayed together for three days and, I swear, I think I literally lose my insanity.
That kiss still haunts me… like crazy.
Speaking of that man, nakaupo na siya sa dining table. He’s peacefully eating his favorite fried rice and bacon, ignoring my presence. Mas ayos na ‘to kaysa naman awkward ako, ‘di ba? I silently ate my toast breads while chatting my friends on social media. I need this to escape the gaucheness.
My eyes darted on him when I felt him stood up. Tapos na siyang kumain? Wala itong pasabing umalis sa hapag-kainan. Pumunta ito sa kanyang kwarto upang mag-ayos ng sarili.
Masyado ba akong naging cold kahapon? Now, I’m guilty.
.
“Salamat nga pala sa pagpapahiram, Hana.” Sabay bigay ko sa kanya ng mga hiniram kong gamit at mga damit. “Sorry nga pala kung hindi na ako nakapagpaalam.”
Kumurba ang kanyang mag labi at makahulugan akong binalingan. “Nakita ko ‘yun,” saad nito habang bahagyang tinutusok ang aking tagiliran.
“Anong nakita mo?” I nervously asked, maintaining my calm and poise look. May iba pa ba akong ginawang mali bukod sa pagkausap sa estranghero at pagtanggap ng condom? My memories that night were still vague.
“Ang wild mo pala, girl!” she teased at nakisali naman si Manager.
To make the story short, buong araw ‘ata nila akong inasar dahil sa mga nangyari sa club at mga tsismis. Pansin ko ring mas dumami ang mga customer kaya naman malaki ang pasasalamat sa akin ni Manager ngayon. According to him, dahil daw ito sa mga kumakalat na isyu tungkol sa ‘min ni Coen.
“Naku, gusto lang talaga nilang makita ang itsura ng bebe ng fafa nila,” bulong sa akin ni Hana.
Inalis ko na lamang iyon sa aking isipan at nag-focus sa aking trabaho. Thankfully, I successfully did my job kahit nararamdaman kong halos pinapatay na ako ng titig ng ilan.
Sorry girls, ako ang pinakasalan.
Pupunta na sana ako sa locker room para magpalit nang tawagin ako ni Manager. Agad akong tumalima at pumunta sa kaniyang gawi.
“Bakit po, Manager?”
“May gustong kumausap sa ’yo.”
Nauna siyang maglakad papunta sa opisina niya. Binuksan niya ang pinto at tiningnan ako na para bang sinasabing pumasok ako roon kaya gan’on nga ang aking ginawa. Pansin ko agad ang bukas na telebisyon na nasa bandang kanan ko. Umikot ang tingin ko upang maghanap ng bulto ng katawan. My eyes fixed on a man that's sitting on a swivel chair. Nakatalikod ito kaya hindi ko makita kung sino pero sigurado akong hindi ito si Coen.
"Excuse―" My words were cut when I heard a familiar voice. Wala sa sariling napatingin ako sa TV.
Literal ‘atang lumuwa ang aking mga mata and I was caught off guard when I saw Coen. Ini-interview siya ng mga media. The thumping of my heart went fast. Sasabihin niya na ba ngayon?
"Mr. Montero, ano po ang masasabi n’yo sa mga kumakalat na balita tungkol sa inyo ni Miss Kierra Vergara? Ano po ang totoong meron sa inyong dalawa?" tanong ng isang babaeng reporter. His dull face was shown in the screen. Feeling ko lalabas na ang puso ko dahil sa kaba.
"She's a special person. By the way, she's Kierra Vergara Montero now, hope it'll answer your questions," he dryly stated. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya kasama ang mga security niya.
I was left dumbfounded.
"So, you're my son's wife?"
Muntik na akong mapatalon dahil sa gulat. Oo nga pala, may kasama ako sa office ngayon. At tama ba ang pagkakarinig ko? Son? Ibig sabihin niyan ay ang taong nasa harap ko ngayon ay ang tatay ni Coen?
I'm doomed.
.
sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com