Chapter 18
Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging normal naman ang pagtra-trabaho ko sa café, kahit na may umaaligid na mga mata sa 'kin. Somehow, I got used to their glares. My Mama also discharged four days ago kaya naman nakakahinga na ako nang maluwag ngayon.
Sana ay tuluyang maging maganda ang condition niya.
"Sigurado ka bang hindi mo papapuntahin si Zach?"
Coen creased his forehead because of annoyance since naka limang tanong na ako nito sa kanya. Nababahala lang ako na maulit 'yung dati. Baka kasi may umaligid na naman sa amin at ang maging last resort niya ulit ay ang paghalik sa 'kin.
"Do you like Zach that much?" he asked, full of irritation.
Hindi na lang ako sumagot pa. Mukhang wala talaga siyang balak na papuntahin dito ang assistant niya. Pero sabagay, nahuli na ang halos lahat ng mga goons noong isang araw at nalaman na rin nina Coen kung sino ang nag-uutos sa mga gangster na iyon. It happened na ka-kompitensya niya sa negosyo ang may pakana no’n. Coen already made an appeal tungkol dito.
I just focused my attention on my right side, kung saan makikita ang dagat. Narito kami ngayon at nakasakay sa isang bangka papunta sa isla ng Simbwa. Napangiti ako habang dinadama and ganda ng paligid. Ang mahaba kong buhok ay sinasayaw ng hangin. I also could smell the warm sea breeze. Malinaw ang tubig at mula sa malayo ay matatanaw mo na ang isla.
I couldn't hide my excitement dahil unang beses pa lang akong makakapunta sa ganitong klase ng lugar. Mayroon naman kaming beaches sa Nuere kaso masyadong malayo iyon mula sa amin at kakailanganin pa ng mahaba-habang biyahe.
Muli kong binalingan ng tingin si Coen. Nakasuot ito ng yellow basic tee at olive shorts. It was partnered with sneakers at may suot siyang sunnies. Kumusta naman ang striped romper ko? Nagmumukha lang basahan kapag katabi siya.
"Bakit pala ako invited sa party?" tanong ko. Isa lamang akong hamak na babae sa Søren.
His brows snapped together for the nth time as if I've just said a corny joke. Ano na naman bang mali sa tanong ko at nagsusungit siya? "You're my wife, Kierra," he answered.
Great, oo nga pala, I'm his wife.
.
The boat stopped at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. This is way more beyond than my expectations. In-e-expect ko kasi na makakakita ako rito ng isang five-star and beachfront hotel pero tanging cabins na magkakapareho, nagtataasang mga puno at maputing buhangin lamang ang nakita ko. Hindi ako nagrereklamo, in fact, mas gusto ko ang ganito.
Ang hindi ko lang maintindihan ngayon ay bakit kami pumunta rito ni Coen? Mukha kasing hindi siya pupunta sa mga ganitong lugar. Ang salitang simple ay hindi bumabagay sa kanya.
Unang bumaba sa bangka si Coen. Nang makababa ay inilahad niya ang kamay sa akin upang tulungan naman ako. "Salamat," I said, still in shock. Kakaibang saya ang naramdaman ko nang dumampi ang aking sandals sa buhangin, kahit papaano ay nararamdamn ko ang mga maliliit na butil ng buhangin sa aking paa.
"This place is special to my Mom and so to me," Coen almost mumbled. He plastered a smile on his face as if he's reminiscing something.
Ilang saglit pa ay nagsidatingan ang ilang mga lokal at sinabitan pa kami ng mga bulaklak sa leeg. I automatically beamed upon looking at their faces. Mukha silang hindi taga-Søren, ang simple nila para sa distritong ito. It was a good thing, though.
"Mabuti naman at nakapunta ka na, Sir Coen, sa selebrasyon namin," sambit ng isang matandang babae. Mukhang siya ang namumuno sa islang ito. Bahagyang tiningnan ako nito at matamis na ngumiti. "Siya na ba ang hinahanap mo?"
Coen nodded. "Yes, Lola, nahanap ko na siya," makahulugan niyang sagot.
I raised a brow at him. Ayan na naman siya sa mga salita niyang hindi ko alam ang ibig sabihin. Hindi ko alam pero sa palagay ko ay may sarili siyang diksyonaryo.
Ang labo niya.
"Halina kayo, pumunta muna tayo sa inyong mga kwarto para makapahinga kayo nang saglit. Tiyak na napagod kayo sa biyahe." Naglakad ang ginang kaya naman sumunod kami ni Coen. Maganda ang sinag ng araw ngayon, hindi gaanong masakit sa balat. Tiyak na magiging masaya ang araw namin dito.
"Welcome to my haven, wifey," he whispered, grinning like a jerk.
Tama siya, this place is truly a safe haven. May magaganda pa palang natitira sa Søren. Ang bansang Dasaev ay hindi pa nawawalan ng pag-asa.
.
Coen, I and other locals ate together, in a boodle fight way. Wala pa kaming tatlong oras dito pero masyado na akong nage-enjoy. Napag-alaman kong sinusuportahan ni Coen ang buong isla at ang mga tao rito upang hindi sila mapaalis sa unang distrito. He's helping Simbwa to gain tourists, stocks, funds and such.
At mula sa impormasyon iyon, mas napatunayan kong mabuting tao talaga ang lalaking ito. Plus points!
Pagkatapos kumain ng tanghalian ay pumasok muna ako sa aking cottage. Maliit lamang ito, gawa ito sa kahoy kaya presko sa loob. Pagkapasok na pagkapasok mo rito ay bubungad agad sa 'yo ang higaan. Humiga ako roon at nakangiting pinakinggan ang ampas ng alon mula sa dagat. Somehow, it soothes my ear and I couldn't help but to close my eyes. Guess I'm going to hit the hay before the beach party starts.
.
It was four o'clock in the afternoon when I woke up. Mayroon pa akong isang oras para mag-ayos ng sarili. Wala namang specific na damit na kailangang suotin sa event na ito. Kaya I just wore a peachy floral padded crop top to match the vibes of this island. P-in-artner-an ko ito ng white linen shorts at sandals. Inayos ko rin ang buhok ko at ginawa ang waterfall braid roon na tumerno sa aking suot.
It was quarter to five when I decided to went out. Saktong pagkalabas ko naman ay siya ring paglabas ng bulto ng katawan ni Coen. Our rooms are just beside each other. I immediately scanned his outfit. Nakasuot siya ngayon ng white short sleeve button-up and shorts for his bottom, naka-sandals din ito. Napansin kong may nakasabit na DSLR sa kanyang leeg. He's in photography?
But who cares? Hangga’t gwapo siya, wala ako paki. Just kidding.
My eyes sparkled because of the view and smile rose up. "Hi! Tara na?"
Tumango ito. "Let's go."
Magkasabay kaming pumunta sa venue ng beach party. The locals cheered and squealed when they saw us together, they love teasing us though. Tinago ko ang namumula kong mukha at tinulungan na lamang ang lahat sa paghahanda ng mga pagkain sa mesa.
"Masaya ako at kasama ka namin ngayon sa okasyong ito, hija," nakangiting saad ng ginang habang pareho naming inaayos ang buffet table.
I sincerely smiled. "Ako rin po, masaya akong narito. Gusto ko na nga pong tumira rito," I joked around which is partly true since this place reminds me of Nuere.
.
Nagsisimula nang dumating ang mga tao. I expected na konti lang ang dadating pero, I guess, I was wrong na naman. Iba't ibang klase ng tao ang mga nakikita ko. May mga mukhang mayayaman, may simple lang kagaya ng mga residente at mayroon ding mga banyaga.
Simbwa Island really do attract people because of its beauty. Hindi ko iyon ipagkakaakila.
Maya-maya lang ay nagsimula na ang party sa tabi ng dagat. All I could do is to laugh. Hindi nga ako naa-out of place dahil sa chismisan ng mga katabi ko rito. Siyempre, hindi ako nakaligtas at tinanong din ang buhay may asawa. They even asked me why our room were separated, kung may love quarrel daw ba kami.
After the hotseat ay hinanap ng aking mata si Coen. My vision fixed on the other side kung saan naroon ang halos lahat ng kalalakihan. Anong ginagawa nila? Edi nag-iinuman. He's getting along with guys, ngayon ko lang siya nakitang gano'n.
"Maglalakad-lakad lang muna ako," pagpapaalam ko sa mga kasama ko. Tumango naman sila and that's my cue to leave.
.
I sat down on the sand, malayo sa kanila. This is the perfect spot for a perfect moment. It's almost 6 PM and 'now' is the favorite part of my day, ang sunset. Malalim akong huminga and fascinatingly look at the sun as it slowly goes below the horizon.
"Can I join you?" Tumingala ako upang makita siya. Though, alam ko na kung sino siya dahil nakilala ko agad ang kanyang boses.
"Sure." Coen sat down beside me. May hawak siyang isang can ng beer. "Hindi mo man lang ako dinalhan ng beer," I pouted.
He chuckled like I've just said a funny pun. "I didn't want to babysit today, 'kay?"
"Grabe ka naman sa 'kin. Gano'n ba ako kalala?" I asked, shaking off my head.
"Yeah, you're the worst drinker, Kierra," punong-puno ng sinseridad niyang tugon.
Masyado naman siyang naging honest sa part na iyon.
Ilang segundo kaming tumahimik. It's not awkward and achievement na 'yon for me. First time yata itong mangyari.
Tumingin ako sa kanyang gawi. "Bakit espesyal ang isla na ito sa ‘yo, Coen?"
Uminom muna siya bago sinagot ang aking tanong. "Mom and I often stay here for days. This is her favorite escape place from Dad," he answered without glancing at me. "I'm protecting Simbwa because it reminds me of her."
I awed. "You're doing great, Coen," bahagya ko pang tinapik ang kanyang balikat. "Sure akong proud ang Mama mo sa 'yo. Look at you, you grew into a fine man."
The corner of his lips turned up and his gaze went to me. "Your Dad's also proud of you."
"I'm sure he is," I paused and did my signature hair flip. "Maganda ang binigay niyang chromosomes sa akin, 'no!" I laughed because of that.
Napatigil ako sa pagtawa nang makita ang seryosong titig sa akin ni Coen. "Bakit?"
"Glad that I finally met you," he sincerely uttered. My forehead furrowed. “Ilang taon din kitang hinanap.”
Paalala n’yo nga sa 'king bumili ng dictionary na ginagamit ni Coen.
"Anong ibig mong sabihin?" He suddenly leaned closer to me. Bahagya akong napaatras dahil sa gulat. "Coen, anong ginagawa mo?" I asked, trying not to stutter.
Imbes na sumagot ay tinuon niya ang kaliwang kamay sa aking likuran upang suportahan ang sarili. Mas nilapit niya pa ang kanyang mukha sa akin. I was stunned, all I could do is to stare back at his eyes. We were few inches away from each other at naaamoy ko na rin ang alak na nanggagaling sa kanyang mga labi.
I blinked twice. Mabuti na lamang at pagabi na kaya hindi niya makikita ang pamumula ng aking mukha. My chest started pounding fast. Nararamdaman ko na naman ang paglipad ng mga paru-paro sa aking tiyan.
My eyes automatically closed as his lips locked to mine.
Mukhang natalo na naman ako sa pangalawang pagkakataon.
.
sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com