Chapter 20
“Second Lieutenant Vergara visited me a day before his enlistment.” May nilabas siyang maliit na bagay mula sa kanyang bulsa. He reached for my hand and gently pulled. May nilapag siya sa aking palad, tila malamig iyon. Naguguluhan ko siyang tiningnan. “Your father wanted me to give this to you ‘pag nagkita na tayo.”
Mabilis pa sa kidlat kong inilapit iyon sa aking gawi. Galing ito kay Papa? Hindi makapaniwalang hinawakan ko ang bagay na nasa aking kamay.
It’s a gold heart-shaped locket. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang maliit na litrato naming pamilya. Karga-karga ako ni Papa habang ang sanggol pa lamang noon na si Ryan ay buhat ni Mama sa kanyang mga bisig.
I genuinely smiled at our photo.
Huminga ako nang malalim upang pigilan ang pagpatak ng aking mga luha. I bit my lower lip at bumaling sa kasama ko. “Bakit ngayon mo lang ‘to sinasabi?”
“It took me a while, I know,” he gently said. “I’m sorry.”
Ayos lang, Kierra. Siguro ay humahanap lang siya ng perfect timing. Ang mabuti ay sinabi niya, ‘di ba?
Pinipigilan kong maiyak nang muli na namang magsalita si Coen. “He loves you so much, Kierra.”
I genuinely smiled. Alam ko ‘yon.
.
“Ikaw ‘yung asawa ni Mr. Coen, ‘di ba?” bulong ng isang babaeng customer na nasa aking harapan. Siguro ay nasa mid-40s na ‘to. Makahulugan itong nakangiti habang hinihintay ang mga susunod kong sasabihin. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Manager na nasa tabi ko lamang ng counter.
“Ma’am, alam na po nang lahat na asawa niya si Coen, kayo na lang po ang hindi.” Manager butted in.
Pilit akong ngumiti at iniliko ang usapan. “Ano pong order nila?”
Laking pasasalamat ko nang ibigay na niya ang kanyang order at hindi na nagtanong pa. Medyo nasanay na ‘ko sa mga katulad niyang customer na pupunta lang sa café para maki-tsimis. Kaya minsan ay ayoko nang matoka sa cashier pero konti lang ang staff ng café kaya kailangang gawin ko ito.
Quarter to 12 noon na kaya medyo konti na ang customers unlike kaninang umaga. Matapos ang huling taong nakapila sa cashier ay wala sa sariling napaupo ako dahil sa pagod. Feeling ko nga ay tumatangkad na ‘ko dahil sa tagal kong nakatayo araw-araw. Feeling ko lang naman.
Coen Montero…
Ilang beses umulit sa ‘king isipan ang pangalan na iyan. Ni hindi ako gaanong nakatulog kagabi dahil iniisip ko pa rin ang mga sinabi niya sa akin kahapon sa Simbwa. Hindi pa rin ako makapaniwalang na-meet na niya si Papa.
I should feel bad dahil sa abalang binigay ng tatay ko sa kanya pero, surprisingly, masaya ako ngayon. Feeling ko’y napaka-special kong tao.
I’m getting weirder.
“Kierra Montero.” Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. I’m not used with the surname the person just used kaya binigyan ko siya ng matalim na tingin. “Easy,” tawa ni Luke at tinaas pa ang dalawang kamay as a sign of defeat.
“Bakit?” mataray kong tanong. Mukhang kakagaling niya lamang sa loob ng locker room.
“’Yung phone mo kanina pa nagri-ring.” Sabay turo niya sa loob. “Ang lakas ng volume ah,” natatawa pa niyang dagdag at muling bumalik sa kitchen.
Nasanay kasi akong dapat naka-maximum volume parati, napagalitan kasi ako dati ng chief nurse ko sa Nuere dahil mahirap daw akong ma-contact. My phone’s always in vibration mode kaya nakakaligtaan ko ang ibang important calls.
Pero sino naman kaya ang tumatawag sa ‘kin?
Gumawi ang tingin ko kay Manager na kasalukuyang may ginagawa sa monitor. Saglit siyang napabaling sa akin at napailing. “Sige na, sagutin mo na ang tawag. Baka importante iyon,” aniya. “Bilisan mo habang wala pang masyadong customers.”
Matamis na ngiti ang sinukli ko sa kanya. “Thank you, Manager.”
I opened my locker, only to see tons of call from my friends in Nuere. F-in-lood din ako ng text messages ni Jess na nagsasabing magbukas daw ako ng phone at tawagan si Gab. Nakakaamoy ako na may hindi magandang mangyayari. Magre-reply pa lang ako nang mag-register ang number ni Gab sa aking screen.
Agad ko iyong sinagot. “Gaby, anong meron?”
Hindi basta-basta tumatawag si Gaby dahil lang miss niya ako, ang tawag na ‘to ay either may maganda or masamang nangyari. Malakas ang pagkabog ng aking dibdib. Sa totoo lang, kinakabahan na ako ngayon. Noong last kasi siyang tumawag ay may nangyaring hindi ko lubos na nagustuhan.
Sana naman mali ako ng hinala ngayon.
[“Kierra, sinugod ulit si Tita sa ospital.”]
My mind blanked. Tila nahulog ang puso ko sa narinig. I hate that my guts always tell me the truth pagdating kay Gab.
“Anong nangyari?”
[“Inatake siya sa puso kanina. Mabuti na lang at nakatawag agad si Ryan kay Jess kaya mabilis siyang nadaluhan ng tulong. I was assigned here at ER, nagulat ako nang makita si Tita rito.”]
“Kumusta ang condition niya ngayon?” halos pabulong ko nang tanong. Parang biglang bumaba ang energy level ko sa narinig.
[“Ongoing pa lang ang diagnosis ni Doc Ramirez kay Tita. But her condition is stable now,”] he assured me. Medyo lumuwag ang aking dibdib kahit papaano. [“Nasa regular room na si Tita. ‘Wag ka nang mag-alala, kami na ang bahala rito.”]
“Paano si Ryan? Nasa’n siya?”
[“Kasama niya ngayon si Mommy,”] sagot nito. [“I’ll hang up, i-u-update na lang kita.”]
Napatango-tango ako nang ilang beses. “Okay, maraming salamat talaga. Malaki na ang utang ko sa inyo.”
.
“Ayos ka lang ba, Kierra?” nag-aalalang sambit ni Manager nang mabasag ko ang pangatlong platitong hinuhugasan ko. Mariin akong napapikit at agad na pinulot ang basag-basag na parte. “Tama na ‘yan, tumigil ka na muna.”
Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglilinis ng aking kalat. I pushed my lips together habang sinasabi sa sariling huwag umiyak. I just felt blue matapos malaman ang kondisyon ng aking nanay.
Hindi niya deserve ‘to.
“Ouch,” mahinang singhal ko. Ngunit hindi iyon ang naging dahilan upang tumigil ako sa pagtra-trabaho. I continued washing the dishes in spite of their concern and pity eyes.
“Kierra, please,” tigil sa ‘kin ni Hana. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay upang pigilan ako sa paggawa. She looked worried. “You’re bleeding.”
Gumawi ang tingin ko sa aking kamay. Oo nga, dumudugo. Mapait akong ngumiti. “Sa daliri lang naman, malayo sa bituka.”
“Umuwi ka na muna, Kierra. ‘Wag mong idamay ang café ko, magpahinga ka.” Seryoso ang mukha ni Manager habang sinasabi ‘yon. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito ang itsura.
Yumuko ako. “Sige po.”
Dinala ako ng aking mga paa sa locker room at inayos ang sarili. I used my handkerchief upang takpan ang aking sugat sa hintuturo. Dalawang oras pa lamang ang nakalilipas simula nang tumawag si Gaby sa akin kanina at hanggang ngayon ay wala pa rin silang tawag o text man lang sa ‘kin.
Isinukbit ko ang aking backpack sa aking likuran at nagsimulang tunguhin ang fire exit. I opened the door and immediately closed it as soon as I got outside. Tumigil muna ako roon at sumandal sa pader. Nagsimula akong magtipa sa aking telepono upang tawagan sina Jess at Gab.
Sa tingin ko ay hindi ako makakauwi nang ayos hangga’t hindi ko naririnig na ayos si Mama.
Ngunit hindi ko pa tuluyang napapadala ang mensahe nang lumitaw ang pangalan ni Jess. Mabilis kong sinagot iyon.
“Jessica, anong balita?”
Hindi pa siya nakakasalita nang marinig ko ang mahina niyang pag-iyak. Mas tumriple ang naramdamn kong kaba. Bakit siya umiiyak? May masama bang nangyari? Gusto kong itanong iyan sa kanya ngunit parang hindi ko kakayanin ang magiging sagot.
[“Bes, si Tita, c-cardiac arrest,”] she sniffed. Putol-putol ang mga salita niya ngunit naintindihan ko agad ang ibig sabihin noon. Imposible. [“Wala na siya. Sorry Kierra, I’m so sorry.”]
Ilang segundo akong napatulala’t nagdilim ang paligid. I look for words pero walang lumabas sa aking bibig.
[“P-patay na si Tita, sorry bes.”] iyak niyang muli.
Sumikip ang aking dibdib. My legs wobbled kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ay umupo sa magaspang na sahig.
Wala na si Mama?
Hindi maaari…
Hindi totoo.
I exhaled at hindi makapaniwalang tumingala. Inalis ko ang telepono sa tapat ng aking tenga. I stared at nowhere for almost a minute. Hindi agad tinaggap ng aking utak ang masamang balitang iyon. Wala sa sariling naglandas ang aking kamay sa suot na locket. Nanginginig ko iyong hinaplos. At mula roon, nag-unahang pumatak ang aking mga luha.
I cried out loud. I cursed myself dahil hindi ko nagawa ang tungkulin ko bilang anak. Sobrang tanga ko! Naghihirap ang nanay ko sa Nuere habang ako rito ay nagpapasarap lang sa buhay. Wala akong kwentang anak!
My right hand formed a fist at hinampas iyon sa aking dibdib nang paulit-ulit. Wala pa ito sa kalingkingan nang naramdamn ni Mama. Hindi pa ito masakit.
Bakit siya?
Bakit si Mama pa ang pinahirapan Mo?
“Dapat ako na lang,” palahaw kong sambit habang palakas nang palakas ang pagsuntok ko sa dibdib. “Ako na lang.”
.
Nakatungo akong naglalakad pauwi. Pakiramdam ko ay pasan-pasan ko ang buong mundo dahil sa bigat nang nararamdaman. Nakikisabay pa ang pagbuhos ng ulan sa pinagdaraanan ko ngayon. Ni hindi ko na naisipan pang sumilong at maglabas ng payong dahil ang mga patak nito ay nagpapatigil sa ‘king mga luha.
I felt empty.
Parang ninakawan ako ng mga rason upang magpatuloy.
Mas lumakas ang pagpatak ng ulan kasabay nang mas malakas na pagbugso ng aking damdamin nang maalala ang huling ngiti ni Mama sa ‘kin bago ako mapunta sa Søren. Hindi ko man lang siya nasamahan sa huli niyang mga sandali.
Napatigil ako sa paglalakad nang may makitang dalawang pares ng itim na sapatos sa aking harapan. Walang buhay kong inangat ang aking ulo. I saw an unfamiliar man, wearing a military suit and an earpiece. May dala siyang itim na payong. Blangkong tingin ang iginawad ko rito.
“Kierra Vergara, kailangan mong sumama sa amin,” matikas nitong utos.
Wala ako sa wisyo upang mag-isip pa kaya naman ay tumango na lamang ako. Wala na akong pakialam sa mangyayari sa akin.
.
sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com