Chapter 22
Mabigat ang aking pakiramdam habang papalayo nang papalayo sa lugar na minsan ko ring tinawag na tahanan. Ayaw ko mang umalis ngunit kailangan, hindi ito ang totoong reyalidad ko… dahil nasa Nuere ang aking buhay. Ryan needs his ate right now, as well as I need my mother.
I lowered my head habang pinagmamasdan ang maduming sapatos na suot. Ang sapatos na ito ay hindi kailanman babagay sa unang distrito, ang Søren.
Sa bawat paghakbang na ginagawa ko ay ang pagkirot at tila pagsuntok sa aking dibdib.
Why am I hurting, though?
“Oh my gosh.” Mabilis na umangat ang aking ulo sa taong nakabangga. “Why did you bump on my precious shoulders?” inis na tanong nito habang pinapagpagan pa ang balikat na parang may dumapong insekto roon.
“Sorry,” I apologized.
Saglit na napatigil ang babae at e-in-xamine ang aking mukha. Her face showed a glimpse of recognition. “You’re Coen’s wife, right?”
Hindi ako sumagot.
Ilang oras na lang ay hindi ko na siya asawa.
The girl fixed her wavy hair at tinaas pa ang shades na suot. “I just want to tell you na wala kang class. You’re too cheap para kay Coen.” Pinasadahan nito ng tingin ang buo kong katawan. Lumapit pa ito sa ‘kin at bumulong, “Get lost, alright?”
I shut my mouth. Kahit gusto kong patulan ang isang ‘to ay hindi ko magawa― hindi pwede. Natatakot akong tuluyang masira ang pangalan ni Coen dahil sa akin. Isa pa, tama naman siya ng sinabi. Hindi ako ang para kay Coen, hindi ako bagay sa kanya. Masyado siyang mataas para sa katulad kong nasa laylayan.
Ang lahat ng mata ay nasa akin, salamat sa babeng gumawa ng eksena kanina. She walked out first and I left here pitying myself.
Pinili ko na lamang na umalis at lunukin ang mga salitang nais sabihin. Tumingin ako sa baba upang iwasan ang kakaibang tingin ng mga tao.
Malungkot ang ngiting lumandas sa aking bibig. Oo nga, Søren is the greatest district in Dasaev, pero ang mga mamamayan naman nito ang nagpapasira sa magandang reputasyon ng lugar. Hindi ko sila nilalahat pero iyon ang napapansin ko rito.
Mula sa hindi kalayuan ay natatanaw ko na ang café na aking pinagta-trabahuhan. Mabilis akong gumawi papunta roon, malayo sa mga mapanghusgang mata.
“Kierra,” gulat na sambit ni Hana nang makita niya akong pumasok. Agad niyang napansin ang suot kong damit at naningkit ang mata. “Bakit iyan ang suot mo? Wala ka na bang ibang damit?” My clothes were all worn out that makes it different with others.
“Hana―”
Hindi niya pinatapos ang aking sasabihin at mabilis na hinigit papasok sa locker room.
“Kapag nakita ka ni Manager na ganyan ang suot, paniguradong magagalit ‘yon. Alam mo namang dapat itim na damit ang suotin natin, ‘di ba?” tuloy-tuloy niyang sabi habang in-u-unlock ang kanyang locker.
Nilabas ko mula sa ‘king bulsa ang nakatiklop na papel. Sa labas no’n ay ang malalaking letra na nagsasabing ‘resignation letter.’ Tinaas ko iyon upang makita niya nang husto.
Hana’s eyes popped out. “Aalis ka na?” she exclaimed habang nakatingin sa papel na hawak ko.
Unti-unti akong tumango habang nakasuot ang malungkot na ngiti. “Ibibigay ko lang ‘to kay Manager.”
“Magre-resign ka na?!” matinis na sigaw ng taong nasa likod namin.
Nagulat kaming dalawa ni Hana, we almost hugged each other, at sabay na napatingin sa pintuan ng locker room. Manager was standing right in front of us habang ang mga kamay ay nasa bibig.
At dahil sa lakas nang pagkakasigaw ni Manager ay lahat ng employees, including Luke, ay nagsitakbuhhan dito. I awkwardly laugh habang isa-isa silang binalingan sa mata.
“Iiwan mo na kami?” drama ni Luke. Ang kanang kamay pa niya ay nasa dibdib, mistulang naarte pang nasasaktan.
My eyes landed at Manager’s. Ang dalawa niyang bagong trim na kilay ay magkasalubong, malungkot ang mga mata habang naghihintay sa mga sasabihin ko.
I heaved a sigh and pressed my lips together bago nagsalita. “May mga point talaga sa buhay na hindi aayon sa plano natin. Things happened unexpectedly, masyadong maraming nangyari sa ‘kin this past few days. Gustuhin ko mang mag-stay dito― pero may mga bagay pa akong kailangang i-prioritize.”
Saglit akong huminto at binigay ang resignation letter kay Manager. Dahan-dahan naman niya iyong kinuha, giving me a half-smile. “Kailangan ko munang umalis ngayon. Maraming salamat sa pag-intindi.”
.
I told them that I’ll be off for the meantime, hindi ko sinabing ang lugar na pupuntahan ko ay sa Nuere. Mahirap na, Mr. Fraginal’s risking his rank para maibalik ako sa ikalawang distrito. Gano’n siya ka-determinadong paalisin ako.
7:30 AM nang tumigil ang isang familiar na van sa harap ng café. Iniluwa ng sasakyan ang isang lalaking naka-military suit. Siya rin ang sumundo sa akin kahapon, based sa pagkakaalala ko. Binuksan niya ang backseat at tumambad sa akin ang isang lalaking naka-formal attire sa loob. May katandaan na ito at mayroong suot na salamin. Ito panigurado ang lawyer ni Mr. Fraginal.
“Mami-miss ka namin, Kierra. Babalik ka, ha?” malungkot na sambit ni Hana. Ngumiti ako bilang sagot. She gave me a warm hug which I gladly accepted. Sumama rin si Manager sa yakapan.
I really hate goodbyes, mahina ako sa ganitong bagay.
I was about to step forward dahil kanina pa naghihintay yung lalaki roon nang may malakas na busina ang nagpatigil sa akin. Dumako ang tingin ko sa sasakyang may gawa no’n.
Aston Martin? I knew that car very well.
I gasped in surprise at wala sa sariling napasapo sa ulo. Wala pang limang segundo nang lumabas ng kotse ang taong inaasahan ko. Nakasuot ito ng gray blazer, black basic jumper, black belt and dress pants. It screams perfection pero ang isipan ko ay nakatuon lamang sa mga posibleng mangyari.
Bakit ka nandito?
Huminga ako nang malalim at saglit na tumingala upang kalmahin ang sarili. Binigyan ko ng apologetic look ang tauhan ni Mr. Fraginal. Tila mabilis nitong naintindihan ang nais kong sabihin. “You only have ten minutes,” anito at muling sumakay sa loob ng sasakyan.
.
“Anong ginagawa mo rito, Coen?”
We went in Manager’s office at doon nag-usap, privately. Kasalukuyan siyang nakatayo sa aking harapan. Tiniklop niya ang mga braso as he lowered his eyebrows at me. His eyes squinted. “Those are my father’s men. Why are they here?”
Napalunok ako sa tanong niyang iyon. Mukhang hindi ko na naman masusunod ang plano kong pag-sikerto kay Coen.
“Aalis na ‘ko sa Søren,” halos pabulong kong sambit habang ang mga mata ay nakatuon sa sahig. Hinintay ko ang magiging reaksyon niya pero ilang segundo na ang lumipas at hindi ko siya narinig. Silence filled the room which made me skipped a beat because of too much anxious.
“So, Dad did an unscrupulous shit para lang mapalayo ka sa ‘kin.” He chuckled sarcastically. Nilagay niya ang magkabilang kamay sa loob ng kanyang bulsa. “And you accepted it?”
Inipon ko ang lahat ng lakas at buong-tapang na hinarap ang kanyang mga mata upang ipakita sa kanyang wala akong pinagsisisihan at pagsisisihan.
“Oo, tinanggap ko ang alok niya sa ‘kin at kapalit no’n ay ang pakikipaghiwalay ko sa ‘yo.”
He clenched his jaw upon hearing my answer. Hindi ito makapaniwalang tumingin sa akin. Disappointment was written in his eyes. Nakaramdam ako ng sakit sa aking dibdib nang makita ang naging reaksyon nito.
“I see, this is the fucking reason why you’re acting strange this morning.”
Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng bigat na nararamdaman. I wanted to tell him na nag-su-suffer ako, na sobra akong nasasaktan. Gustong-gusto kong ilahad ang dahilan kung bakit ako aalis. But those words automatically vanished tuwing naiisip kong masyado na akong pabigat sa kanya.
I mentally patted myself. Tama lang ang ginagawa mo, Kierra.
Matapos ang ilang sandaling katahimikan ay nagsalita siyang muli. His expression changed, naging malamig ang mga titig niya sa ‘kin.
“Do you really want to go back to Nuere?”
Hindi kita gustong iwan pero kailangan kong umalis para sa kapatid at sa nanay ko. Iyan ang mga salitang nais kong sabihin but I’m too dumb para gawin ‘yon.
“Gagawin ko ang lahat para makauwi sa Nuere,” desidido kong sagot.
Coen stared at me for few seconds matapos kong sambitin ang mga katagang iyon. Ang mga titig niya ay kakaiba. Awtomatikong tumambol ang puso ko sa mga tinging iyon. It was full of sadness yet I could see his affection in it.
He still cared for me kahit na nasaktan ko siya nang sobra-sobra. Sa unang pagkakataon ay nabasa ko ang laman ng mga tingin niyang dati ay hindi ko maintindihan.
His head slowly nodded as his eyes wondered on every part of my face. Sa sobrang tahimik ng paligid ay pakiramdam ko ay nabibingi na ako sa lakas ng pagtibok ng aking puso. At sa bawat pagpintig niyon ay ang unti-unting pagpiga nito.
Tumalikod siya. Alam ko nang mangyayari ito pero hindi ko inaasahang ganito ‘yon kasakit. Sobrang sakit.
“I hope you made a right decision, Kierra.”
I was already teary-eyed, pinigilan kong huwag tuluyang maiyak habang nakatingin sa likod niyang papalayo sa akin. Naiwan akong mag-isa sa loob ng opisina. May ilang minuto rin akong nakatulala sa pintuan hanggang sa rumehistro sa ‘kin nang malinaw ang mga nangyari. Wala sa sariling napakapit ako sa mesang nasa aking tabi at kumuha roon ng suporta. I slighty hit my chest to calmed myself.
Today, I officially burned my bridges with Coen Montero.
.
sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com