Chapter 25
“Hindi ka na talaga tutuloy?”
I crossed my arms habang pinapanood ang mga nurse and nursing attendants na sumasakay sa loob ng bus papuntang Søren.
Binalingan ko ng sulyap ang katabi kong si Jessica na kasalukuyang vi-ni-video ang pag-alis ni Gab. And yes, my long-time best friend decided to work at the first district. Noong una pa nga ay ayaw niyang pumayag pero buti na lang at nadaan ko siya sa pakiusap at pananakot.
I love my convincing skills.
“Buo na ang desisyon ko, Jess,” determinado kong sagot. “Ikaw? Wala ka bang balak pumunta sa Søren?”
Tumayo ito nang tuwid at tinutok ang phone sa aking gawi. I automatically threw a dagger as I looked at her. Ayoko pa naman sa lahat ay ang camera.
“Wala at buo na ang desisyon ko, Kierra,” she mimicked me. I gave her a sarcastic laugh at tinakpan ang kanyang camera lens. Muli naman niyang tinutok ang phone sa likod nang naglalakad na si Gaby.
And speaking of that guy, lumingon ito sa gawi namin at huminto saglit habang hawak-hawak ang itim na maleta. He waved his hand, forming a small smile on his lips. I'm gonna miss that man!
Abot-tenga ang aming ngiti at kumaway pabalik.
“’Wag mo ‘kong kakalimutan, Fafa Gaby!” malakas na sigaw ni Jess. Napailing na lamang ito at ginawaran ako ng tingin.
I sincerely beamed. “Mag-iingat ka! Hintayin mo ‘ko, Fafa Gaby!” dagdag ko pa na mas nagpailing dito. Nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa makasakay sa sasakyan.
Jess and I both waited hanggang sa makaalis sila. Hindi napawi ang ngiti sa aking labi nang mawala ang bus sa harapan. Sa mga sandaling iyon, mas naging determinado akong magsumikap para sa amin ni Ryan.
Makakapunta rin ako sa Søren, hindi man ngayon but I know I will― again.
.
Mga kakanin ang specialty ni Mama. She taught us her recipes, bata pa lamang kami ni Ryan ay katulong na niya kami sa paggawa ng mga ito. Kaya mula sa naipong pera noon sa pagtatrabaho sa Søren ay ginawa ko itong puhunan sa paggawa at pagbebenta ng biko, puto at kutsinta.
“Halika na, Ryan.” Pupungas-pungas pa ang kanyang mga mata nang gisingin ko ‘to. Five o’clock pa lang kasi ng umaga at hindi pa sumisikat ang araw. “Ihahatid na kita kina Tita.”
Tumango siya habang yakap ang spiderman niyang unan. Halos nakapikit ito habang naglalakad kaya naman todo ang pag-alalay ko rito hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay nina Gaby.
“Salamat po talaga, Tita. Hindi ko po alam ang gagawin kapag wala kayo.”
“Walang anoman, nage-enjoy nga akong alagaan ang binatang ‘to,” aniya at ginulo ang buhok ng aking kapatid.
“Late po akong makakauwi mamaya. Natanggap po kasi ako sa isang part-time job.” I gave her an apologetic smile.
Mabilis namang tumango si Tita na para bang naiintindihan niya ito at ngumiti. “Ayos lang, ‘nak. Ingat ka ah?”
“Salamat po ulit.”
Umalis na ‘ko at nagsimulang maglakad. I took a jeepney habang dala-dala ang dalawang malalaking bag na may lamang mga kakanin. Balak ko itong ibenta sa ospital nang palihim. I grinned deep inside considering that thought.
Napakabuti ko talagang mamamayan ng Dasaev.
“Ayos ‘to ah,” saad ni Doc Ramirez habang sinisipat ang binili niyang pagkain sa ‘kin. “Mukhang masarap!”
“Siyempre naman, doktora!” I replied.
My whole shift went well. Naubos naman ang mga paninda ko, salamat sa mga co-nurses, doctors and supportive patients ko. Unang araw pa lang ay nabawi ko na agad ang naging puhunan.
Palabas na kami ni Jess ng ospital, medyo nagulat pa ito kanina nang makitang hindi uniform ang suot ko pauwi. She curiously eyed me from head to toe. Nakasuot kasi ako ngayon ng pink tee shirt at jeans which is very unusual kong sinusuot during ordinary days.
“May lakad ka ba?”
I nodded. “May part-time job pa ‘ko,” sagot ko. I bid her goodbye at gumawi sa kasalungat niyang direksyon, leaving her jaw dropped.
Halos araw-araw ay gano’n parati ang aking set-up. Gagawa ng kakanin, ititinda, magtatrabaho sa ospital at papasok sa fast food chain bilang waitress or cashier.
“Pumapayat ka na, Kierra,” umiiling-iling na sambit ni Jessica. Nilapag niya ang isang tsokolate sa aking harapan. Napatingala ako dahil doon at napatigil sa pagnguya. “Habilin sa ‘kin ni Gab na bigyan ka ng chocolate bar once a week.”
My ears delighted dahil sa narinig. I gave Jessica a genuine smile. Hindi ko aakalaing gagawin niya ang biro ng loko.
Narito kaming dalawa sa canteen ng ospital at kumakain ng lunch. Uminom muna ako ng tubig bago nagsalita. “The best ka talaga, Jess.”
She beamed. “Pero seryoso― magpahinga ka naman. Mukha ka ng panda.” Humalakhak ito sa sarili niyang biro. At least, cute pa rin ang panda. Hindi na ako nagsalita pa at nag-focus na lamang sa pagkain.
Rest wasn’t in my vocabulary right now. Nakakapagod, oo, pero alam kong magiging maganda ang kalalabasan nito sa huli.
Malapit na.
.
.
2 years later…
“Congratulations, Ma’am! Ino-notify na lang po namin kayo after naming ma-process ang documents ninyo. Pakipirmahan na lang po ito for confirmation.” May binigay siyang papel sa akin so I skimmed it happily.
Ilang taong pagbabanat ng buto, pagtitipid at pagtitiis na ang lumipas, two years to be exact, at narito na ako― abot-kamay na ang mga pangarap. I almost teared up habang nakatingin sa huling papeles na aking pipirmahan dito sa Nuere.
It was all worth it.
“Pumunta na lang po kayo rito bukas so we can provide transportation. Congratulations po ulit!”
My lips curved habang tumataas-baba ang ulo. “Thank you.”
Narito ako ngayon sa Office of the Dasaev, matatagpuan ito sa gitna ng dalawang distrito. Dito lamang nagkakasama-sama ang mga taga-Nuere at Soren. Yet, makikita pa rin talaga ang favoritism ng government since pinipili nilang unahin ang mga nasa itaas.
Well, that’s how Dasaev works.
I enthusiastically walked towards the main exit of the building habang yakap-yakap ang documents namin ni Ryan. Kalahating taon ang aking ginugol para lang makuha ito. Nakailang pabalik-balik din ako para sa sandaling ‘to… May mga araw ngang nag-camping pa ako sa labas para lang mauna sa pila. Naiisip ko nang sumuko noon at manirahan na lang sa Nuere pero sa tuwing nakikita ko ang kapatid ko ay parati kong naiisip na may better world pa for him.
Hinawakan ko ang locket na parating suot-suot. I sincerely smiled. Ito na ‘yun, Mama’t Papa. Nagawa rin natin… sa wakas.
“Ay kabayo kalabaw!” Nawala ang pagmo-moment ko nang biglang mag-ring ang aking telepono. Agad ko iyong nilabas mula sa aking bulsa at sinagot.
“Gaby!” I almost screamed because of too much thrill.
[“Ano? Napasa mo na?”] agad nitong tanong.
“Oo, kakapasa ko lang. Salamat nga pala sa pagtulong.”
Gab helped me na makabili ng ari-arian sa Søren since isa iyon sa requirements ng Dasaev bukod sa ‘show money.’ Siya ang naghanap ng bahay at lupa na malapit lang sa pinags-stay-an nila ng mommy niya. Maliit lamang iyon, enough na sa ‘min ni Ryan.
[“Kailan kayo pupunta rito?”]
“Bukas na agad!” excited kong sagot.
I heard his gasp sa kabilang linya. Napatawa ako dahil do’n. [“Magle-leave ako bukas, susunduin ko kayo.”]
“Hindi naman kailangan, may background na naman ako sa Søren kahit papaano.”
[“And that was two years ago, Kierra.”]
“Sige na nga, bahala ka,” pagsuko ko.
[“Nga pala,”] aniya. My feet stopped from moving at kumunot ang noo. Bakit parang naiba ang tono ng kanyang boses?
“Bakit?” I asked, full of curiosity.
[“I'll take medicine.”]
Wala sa oras na napatakip ang kamay ko sa bibig at halos lumuwa na nga ang aking mata dahil sa gulat. Sa ilang taong magkasama kami, hindi ko alam na gusto niya pa lang pumasok sa med school. That was super unexpected from him.
But anyway, magkakaroon ako ng doktor na bff! Free consultations and professional fee. That’s what you called ‘heaven.’
“Sweet, hindi na ako matatakot magkasakit,” I joked around. I heard his slight chuckle over the phone.
We chatted for almost half an hour. Nagbaba lang ako ng tawag nang makasakay sa jeep, mahirap na at baka may kung ano pang masamang mangyari.
.
Hindi maalis sa aking mukha ang labis na saya habang tinatahak ang daan papunta sa bahay nina Jessica. Ever since kasi noong lumipat sina Tita, nanay ni Gab, last year sa Søren ay parating naiiwan na si Ryan doon.
“Musta lakad mo? Successful na ba ngayon?” tanong ni Jess. Nakaharang ito sa pintuan at ang dalawang kamay ay nakapamewang. Ang mata niya ay nakatingin lamang sa ‘kin, excited sa mga bibitawan kong salita.
Mula sa kanyang likod ay sumulpot ang kapatid kong si Ryan. Mas tumangkad na ito ngayon, tumaba rin siya nang kaunti dahil sa mga paninda naming kakanin noon. Katulad ni Jess, nakangiti rin ito sa akin at naghihintay ng aking balita.
I couldn’t hide my excitement anymore. Napatili na lamang ako, unable to utter a word, at masayng naglulundag sa tuwa. Natigilan pa sina Jess at Ryan pero wala pang isang segundo ay nakigaya rin sila sa ginagawa ko. They both hugged me kaya niyakap ko rin sila pabalik.
All misery has its own happy ending.
.
sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com