Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

Mabilis na lumipas ang mga araw. Halos isang linggo na akong nagta-trabaho sa Hansan, nothing much happened with those days. Naging normal lang ang lahat and I think that’s good. Hindi na ako na-assign pa muli sa department ko noon kaya hindi ko na rin nakita sina Fione at Coen.

Today’s my day-off at kasama ko ngayon ang kapatid sa bahay. Our space wasn’t that big, bungad agad pagpasok ang maliit na sala, may dalawang pintuang makikita sa kaliwang bahagi, sa pagitan naman no’n ay ang comfort room. Nasa pinakadulo nito ang kusina. We bought this ivory-themed house in a very low price. Salamat sa matiyagang naghanap na si Gaby.

“Wala kang school ngayon, Ryan,” pagpapaalala ko nang lumabas ito ng kanyang kwarto. Tumigil ito sa harapan ng TV habang inaayos ang pulang damit na may mukha ni spiderman. Nakaayos din ang kanyang buhok like he always does.

Napatigil siya sa ginagawa. Agad na napalitan ng simangot ang ngiti niya sa labi. He lowered his head at hinawakan ang magkabilang strap ng spiderman bag na nakasukbit sa kanyang balikat.

“Hindi ko makikita friends ko?”

Ryan started his schooling last week. Since then, napapansin kong mas umaayos ang kanyang mga kilos, hindi na siya masyadong nakadepende sa ‘kin. He could also control himself na rin, unlike noon.

I’m glad he’s enjoying his new environment.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa at lumapit sa harapan nito. I slightly pinched his nose kaya napatingin ito sa akin. “Pasyal tayo?”

Lumawak ang ngiti nito at mabilis na tumango.

Bago umalis ay nagpalit muna ako ng damit. Nagsuot ako ng brown silk-blend button down and dirty white pleated shorts. I partnered it with a white wedge for my today’s shoes. Kinuha ko ang nakasabit na tote bag at nilagay doon ang wallet at phone.

Pagkalabas na pagkalabas ay nakita ko agad itong nakatayo sa harap ng pinto. He’s smiling from ear to ear, mukhang excited dahil first time pa lang naming mamamasyal dito sa Søren.

Mahina akong tumawa. “Tara na.”

.

“Kierra?!” hindi makapaniwalang tanong ni Hana nang makita niya akong pumasok sa café. Impit siyang sumigaw at tumakbo sa ‘ming direksyon. Another employee had to take her spot sa counter because of that.

Ang ilang customers ay napatingin sa gawi namin, I apologetically smiled at them. Pati ang kapatid ko ay napahawak nang mahigpit sa kamay ko dahil sa gulat.

Agad niya akong sinunggaban ng yakap. Umangat ang aking kaliwang kamay sa kanyang likod at ngumiti. “Na-miss kita. Saan ka ba pumunta?”

The wooden door of the office suddenly swung, lumikha ito nang ingay kaya napabaling ako roon. Agad na lumabas doon si Manager na may lipstick pa sa labi at patakbo itong pumunta’t niyakap din ako.

“Loka ka, Kierra. Hindi mo naman sinabing ilang taon ka mawawala.” Sumali sa yakap si Manager, leaving my brother in question mark.

Nang mahimasmasan ang dalawa ay pinakilala ko si Ryan sa kanila. Pagkatapos ay nag-order na rin kami at sila ang nag-asikaso sa ‘min. Napansin ko namang parang kulang sila rito kaya lumapit ako nang bahagya kay Hana, na nasa cashier, at bumulong.

“Nasa’n si Luke?” Himala kasi’t walang maingay dito ngayon.

“Pinatigil na ng nanay niya, papasok na kasi sa law school ang mokong,” Hana whispered back. Kusang tumaas ang dalawang kilay ko. Wow, in fairness, hindi ko aakalaing mag-la-law ang lalaking iyon.

.

Umalis na rin kami ni Ryan nang matapos kumain. Ngayon ay naglalakad-lakad na lang kami sa daan, binubusog ang mga mata sa nakikita. Dalawang taon ang lumipas ngunit marami nang pinagbago ang lugar na ito.

Mas dumami ang mga imprastraktura sa paligid, mas nabuhay ang bawat negosyo. The life in Søren became busier.

“Wow,” Ryan exclaimed habang nakatingin sa matatayog na building. Kinailangan ko pa siyang alalayan dahil hindi lang naman kami ang naglalakad dito sa pathway. I just gave them an apologetic look tuwing nasasanggi sila.

Nagpatuloy kami sa paglalakad, not until Ryan pulled the hem of my shirt. “Ate.” Napatingala naman ako sa kanya. His head was looking at an unknown direction habang hinihigit pa rin ang aking damit. Naglakbay ang mata ko sa kanyang tinitingnan. “Spiderman,” he uttered without looking at me.

Wala sa sarili akong napailing at mahinang tumawa. “Sige na, tara na.”

Agad na nakita sa kanyang mukha ang pagkatuwa. Kumurba ang kanyang labi, showing off his complete set of teeth. Pumasok kami sa loob ng toy store, agad niyang pinuntahan ang naka-display na spiderman costume na makikita mula sa labas.

He really likes that marvel character.

“Gusto ko ‘yon, Ate,” he pleaded habang nakaturo sa damit.

“Pero masyadong maliit sa ‘yo ‘yan, Ryan.” Pangbata kasi ang size nito, hinding-hindi ito magkakasya sa malaki niyang katawan.

Magsasalita pa sana akong muli nang mag-ring ang aking phone. Sa lakas no’n ay agad na natawag nito ang pansin ng mga tao sa loob. I signaled Ryan to wait, tumango naman siya kaya sinagot ko ang tawag.

“Hello po?” I asked. Naghintay ako ng ilang segundo ngunit walang sumagot doon. “Hello po, ma’am?”

Muli kong tiningnan ang screen at nakita roong isa lang ang signal bar. Pagkakataon nga naman oh.

Bumaling ako sa kasama at mabilis na nagsalita, “Lalabas lang saglit si Ate ah, kailangan ko kasing sagutin ‘to.” I pursued both of my lips and gave him a pleading look. “Dito ka lang, okay? ‘Wag kang aalis, hintayin mo si Ate.”

Tumango naman si Ryan nang paulit-ulit at tinaas pa ang kanang kamay na parang nangangako. “Hihintayin kita, Ate, dito lang si Ryan.”

Ngumiti muna ako at ginulo ang kanyang buhok bago lumabas.

“Hello po? Naririnig ninyo po ba ko?” sambit ko sa kabilang linya nang makahanap ng signal, hindi gaanong malayo sa store.

[“Yes, can I ask a favor?”] seryosong tanong ng aming chief nurse.

“Sure po. Ano po iyon?”

Honestly, kinakabahan na ako sa favor na hihilingin niya. Isang dahilan lang ang nakikita ko kung bakit tumatawag ang chief nurse sa akin at iyon ay dahil sa trabaho.

[“Pwede ka bang mag-duty bukas? Kulang kasi ang ER nurse.”]

Sabi ko na nga ba. Hanggang bukas kasi ang off ko, mukhang iiwan ko na naman si Ryan kay Tita since wala rin siyang pasok bukas sa school.

Mabilis akong sumagot, “Sige po, ma’am, papasok po ako bukas,” I answered. Well, who am I to decline, right? Wala akong choice kundi tanggapin iyon since nakakataas ang tumawag sa ‘kin personally.

[“Thank you, Nurse Kierra. Two PM hanggang ten PM ka ah.”]

I smiled awkwardly kahit na hindi nito ako nakikita. “Salamat din po.” Hinintay ko itong unang magbaba ng tawag bago nilagay muli sa tote bag ang telepono.

Bumalik na ako sa store. Konting ingay ang ginawa ng glass door nang itulak ko ito upang bumukas. I automatically looked at my left side, kung saan ko iniwan si Ryan but my eyes almost went out nang hindi iyon nakita roon.

Napatingin ako sa spiderman costume na naka-display. Nando’n pa rin ‘yon.

Huh? Dito ko lang siya iniwan kanina ah?

My inner self started to panic. Hinanap ko sa bawat section si Ryan. Pabilis nang pabilis ang bawat hakbang nang hindi ko pa rin siya nakikita. I bit my bottom lip, looking really anxious at the moment.

The last time Ryan went missing, parang mababaliw na ako. Hindi ko na alam ang gagawin kung mangyari pa ‘yon ulit.

“Gusto mo ba ‘yan?”

I stopped from walking nang marinig ang isang pamilyar na boses. Those deep yet soothing voice… hindi ako maaaring magkamali, alam na alam ko ang tinig na ‘yon.

“Gustong-gusto ko po nito. Ito rin!”

Napabuga ako ng hangin sa pangalawang boses na narinig. Parang nabunutan ng tinik ang puso ko dahil do’n. I unconsciously held the locket on my chest as my breathing went to its normal rate. Bahagya akong sumilip sa dalawang lalaki na nag-uusap.

My hunch was correct.

“Gusto mo rin ng teddy bear?” tanong ni Coen habang nakangiti sa ‘king kapatid. Agad kong napansin ang kulay pula nitong branded shirt at ang suot niyang black shorts. He partnered it with his signature white sneakers and dark cap that made his outfit special kahit simple lang ito. Mas matangkad siya nang konti kaysa kay Ryan pero this time, mas gwapo na ang kapatid ko.

Parehas silang nakasuot ng pulang damit. Ano ‘to? Valentines?

Umiling naman dito si Ryan na kasalukuyang nakatalikod sa aking kinaroroonan. Yakap-yakap niya ang mala-higanteng stuff toy, kulay puti ito― ang paborito kong kulay.

“Magugustuhan ‘to ni Ate. Para ‘to kay Ate.”

I mentally awed at what Ryan just said. Para sa ‘kin ang teddy bear na iyon? My lips automatically curved upward.

Mas dumoble naman ang ngiti ni Coen at mahinang tinapik ang likod nito. “Tara na, baka hinahanap ka na ng ate mo.”

Bago pa man sila makaalis doon ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko at tumikhim. Both of them faced my direction. I tried not to give an eye at Coen at tinuon ang atensyon kay Ryan.

“Nandito ka lang pala,” sambit ko sa kapatid. Masayang lumapit ito sa akin at inabot ang stuff toy nang may tuwa sa mukha. Abot-tenga ang ngiti nito… ngiting matagal ko nang hindi nakikita.

Ilang segundo ko muna iyong pinagmasdan. Ngayon ko na lang siya ulit nakikita nang ganito simula noong mamatay si Mama. My eyes almost glittered with tears because of that. Tinago ko ang pagbadya ng aking mga luha sa pamamagitan ng mahinang pagtawa. Kinuha ko ang binigay niya sa ‘kin habang nakatingin pa rin sa kaniyang mukha.

“Para sa akin ‘to?”

Ryan nodded at tinuro ang taong nasa likod niya. Right, nakalimutan kong naroon pa pala si Coen.

“Siya raw ang magbabayad, Ate. ‘Wag ka nang mag-alala,” anito. Yumuko pa ito at kinamot ang batok habang nakangiti. Ganito siya parati tuwing nahihiya.

My eyes met Coen’s. He was intently gazing at me… it was full of wonder and longingness. Kusang nagalak ang aking sistema dahil doon. Hindi siya pumapalyang pabilisin ang pagtibok ng puso ko every time he does that. His stares hypnotized me, causing me to focus on him― only. Kaya niya akong bigyan ng sakit sa puso sa pamamagitan ng kanyang mga tingin.

Bago pa man matunaw ang paa’t manlambot ay pinilit kong mag-iwas ng tingin. Muli kong binalingan ang aking kapatid, mahigpit niyang hawak ang spiderman suit. I tried my best to speak.

“Kasya ba sa ‘yo ‘yan?” I asked. Baka kasi ka-size na naman ito ng isang 10-year old na bata.

He nodded. “Kasya raw ‘to sabi nung babae.” At tinuro ang saleslady na nagbabantay sa pinanggalingan nila.

Nagikot-ikot pa si Ryan bago niya napagdesisyunang pumunta sa counter upang magbayad. Agad akong pumwesto sa harap ng cashier habang pina-punch ang mga pinamili. My mind freaked out nang tumabi sa ‘kin si Coen. Napalingon ako rito. His hand went on his back at kinuha ang pitaka sa kanyang bulsa.

Mabilis akong nagsalita, “Ako na ang magbabayad.”

Parang wala siyang narinig at nagpatuloy lamang sa ginagawa. I heaved a sharp sigh, kinuha ko rin ang wallet sa loob ng tote bag ngunit napatigil ako nang marinig ang kanyang tinig. My head automatically went to him.

“Let me, Kierra.” He showed off his smirk after he said that. Mabilis niyang binigay ang credit card sa cashier. Napaawang ang aking bibig, binigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin.

Ano bang problema nito? And for heaven’s sake, mayroon na siyang Fione― may anak na nga sila eh!

Naningkit ang mga mata ko rito. “Coen!” tawag ko sa pangalan nito nang may pagbabanta.

He didn’t even flinch at nanatili ang tingin sa harapan. Tumaas ang kaliwang bahagi ng kanyang labi.

Aba! Ngumingisi-ngisi ka pa?

Sumimangot ako at bahagyang binalingan ang aking likod upang tingnan si Ryan na kasalukuyang nakakumpol sa isang maliit na robot kasama ang ibang mga bata. He’s clapping his hands, kitang-kita roon ang pagkamangha.

Ilang saglit pa’y muli akong tumingala sa katabi ko. “Hindi pa nga kita nababayaran sa mga nagastos mo sa ‘kin noon,” bulong ko.

Hindi siya nagsalita, sa halip ay kinuha niya na lamang ang paper bag at ang nakaplastic na stuff toy. Inabot niya ito sa ‘kin kaya naman wala akong nagawa kundi yakapin iyon.

“Gusto mong kumain?” Coen asked nang makalabas kami sa store.

“Hindi na―” Naputol ang sasabihin ko nang masayang sumagot si Ryan. Bahagya pa itong napatalon nang marinig ang salitang ‘kain.’

“Gutom na ‘ko! Kain na tayo sa Sheri’s, Kuya Coen!” excited nitong saad.

Coen smiled upon hearing those words, nakita ko pang sinilip niya ang mukha ko bago akbayan ang aking kapatid. Nauna na silang maglakad papunta sa nasabing restaurant. Habang ako ay naiwan… kasama ang napalaking teddy bear.

Great.

.

sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com