Chapter 29
“Morning.”
Napalingon ako sa kakapasok lamang na si Gaby, looking so neat and sharp. Suot niya kasi ang super white niyang polo na may university’s patch sa left side at puting slacks and shoes for his bottom. May bitbit siyang rectangular container na nilapag niya sa mesa at gumawi sa aking direksyon sa kusina. “Gumawa nga pala si Mommy ng salad.”
“Salamat. Himala, bakit ka pa nandito?”
Ginulo niya ang kanyang buhok at nagsalita, “Mag-cut kaya ako?” he frustratingly asked.
Pinanlakihan ko siya ng mata. Muntik ko na ngang mapalo sa kanya ‘tong hawak na sandok. Humarap ako at nilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bewang.
“Anong cut?! Kapag inumpisahan mo na, wala nang bawian. Ginusto mo ‘to, ‘di ba? Bakit? Ayaw mo na agad?!” Tumigil ako upang huminga at bigyan siya ng isang mapanghusgang tingin. “Hina mo pala Gabriel!”
Nakita ko kung paano niya pakawalan ang hanging kanina pa niya kinikimkim. Tumingin siya sa relong suot. “Sabi ko nga, may isang oras pa ‘ko bago umalis.”
I gave him a warning look bago bumalik sa pagluluto. Wala akong duty today since may nakipagpalit sa akin ng schedule. Ryan’s also not around, nasa school kasi siya ngayon kaya naiwan akong mag-isa rito.
“Kumain ka na?” My mood suddenly changed at pinatay ang stove. I turned my attention to him, only to see how his eyebrows met. “Favorite mo adobo, ‘di ba?”
“May nangyari ba kahapon?”
Napakurap ako nang ilang beses. “Bakit mo naman natanong?”
“Niyayaya mo lang akong kumain tuwing may nangyayaring maganda sa ‘yo,” he stated as he threw me an I-know-you-so-much look. “I wonder why,” asar pa nito.
Automatic na tumambol ang aking puso sa galak nang maalala ang nangyari kagabi. Coen confessed his love towards me at hanggang ngayon ay parang nasa ulap pa rin ako. Well, hindi naman niya sinabi directly pero hindi ako gano’n katanga para hindi iyon ma-gets. I could still feel his warm affections wrapped around me.
I smiled at that thought.
Mas lalo namang naging curious ang mukha ng isang ‘to. “Ang creepy mo, Kierra,” asik niya, Kumuha siya ng kutsara’t tinidor at nauna nang umupo sa mesa. Umiling na lamang ako habang mahinang natawa.
Gab helped me setting up the table. Sasamahan niya akong kumain since wala siyang choice.
Umupo ako sa usual seat ko habang nasa harapan ko naman ang butihin kong kaibigan. Siya ang nag-scoop ng kanin para sa akin na parati naman niyang ginagawa tuwing sabay kaming kumakain. Ang tingin siguro niya sa akin ay isang pasyente.
Nagsimula na kaming kumain. He even gave me his potatoes, knowing na gustong-gusto ko talaga ang gulay na ‘yon.
“Do you like me, Gaby?”
Napatigil siya sa akmang pagsubo. His mouth almost fell upon hearing my question.
Kumunot ang kanyang noo. “Bakit mo naman tinatanong ‘yan?”
“Ano nga? May gusto ka ba sa ‘kin?”
Nilapag niya ang hawak na mga kubyertos sa kanyang pinggan na lumikha ng konting ingay. Mataman ko siyang tiningnan, anticipating for his answer.
“Yes, I like you,” he replied. I was stunned for a second, hindi makapaniwalang nakatingin sa kanyang mga mata. “I like you platonically. We’re best friends since fetus, right?” He chuckled at kinuha ang baso upang uminom ng tubig.
Wala sa sariling napahinga ako nang maluwag. Yes, he’s right. Magkaibigan na kami since we were both young. All through those years, hindi ko naisip na magkagusto sa kanya. But don’t get me wrong… he’s nice and very boyfriend material ang dating niya. Gwapo siya, plus point din ang pangmalakasan niyang dimples.
Gabriel’s attractive pero I only see him as a brother. And yes, I also like him platonically. Nothing more, nothing less. Hindi ko alam, baka may sira siguro ang mata ko. But I’m glad we’re on the same wavelength.
“Buti na lang,” I whispered between my sigh.
“Why did you ask that out of the blue?” he curiously asked, raising his right eyebrow.
“Wala lang,” kibit-balikat kong sagot. I signaled him na ilapit niya sa ‘kin ‘yung chili garlic oil which he actually did. Binigyan niya ako ng judgmental look habang nilalagay iyon sa aking plato. I sighed. “Ayoko lang maging komplikado ang mga bagay-bagay.”
“We can’t avoid twists and turns, Kierra.”
“Tama ka… pero nakakapagod na rin. Gusto kong maging masaya.”
Tumahimik ang paligid. Wala ni isa sa amin ang gumalaw at lumikha ng anomang ingay. Gab examined my eyes na para bang hinahalungkat niya roon ang aking nararamdaman.
Masaya naman ako pero something inside of me was empty… parang may kulang pa. And that space shouts a certain name.
“Si Coen ba?” Seryoso ang kanyang mukha habang sinasabi iyon. Ang tono ng boses ay mababa, halos hindi na marinig dahil sa hina no’n.
Hindi ako nagsalita’t nanatili ang tingin sa kanya, biting my bottom lip. Gusto kong sagutin ang kanyang tanong pero parang lahat ng mga salitang alam ko ay biglang naglaho. Ilang sandali lang ay nagtaas-baba ang kanyang ulo, gazing away from my eyes.
“I see,” he almost mumbled.
“H-hindi kami ni Coen,” pagka-klaro ko. Coen just said ‘things’ but never asked anything.
“You mean, hindi pa kayo?” Gaby retorted as if he’s correcting me. “Do you like him?” balik niyang tanong sa ‘kin.
Hinakawan ko ang locket na suot at matipid siyang nginitian. “Yes.”
Gaby became silent after that. Hindi na siya nagsalita pang muli at nagpatuloy na lamang sa pagkain.
.
It was half past four in the afternoon nang mapagdesisyunan kong umallis upang sunduin si Ryan. Pumara ako ng taxi.
“Sa Therese Academy lang po,” saad ko nang makasakay sa backseat.
Matapos ang halos 15 minutes na biyahe ay tumigil na ito sa tapat ng eskwelahan ng aking kapatid. Hindi ito katulad ng ibang ordinaryong paaralan dito sa Søren. This school is for special persons such as individuals with autism.
Pagkababa ko ng taxi ay agad akong dinala ng aking mga paa papasok doon. It’s just a three-storey building. Tipid akong ngumiti sa mga guardian and nanny na nakakasalubong ko, their faces are familiar since madalas ako na ang naghahatid dito kay Ryan.
I stayed in the waiting area for five more minutes hanggang sa tuluyang tumunog ang bell, indicating na tapos na ang kanilang klase. Tumayo ako, stretching up my neck upang tanawin si Ryan mula sa mga lumalabas. Ilang sandali lamang ay nakita ko na rin itong lumiling-linga sa paligid.
Agad kong tinaas ang magkabilang kamay sa ere at bumuo ng hugis puso roon. Mabilis iyong nakita ng aking kapatid at gano’n na lamang ang pagkislap ng kanyang mga mata. Ginaya niya ang ginawa ko habang masaya pang sumasayaw.
I laughed as I walked towards his direction. Lumabas na rin kami ng building habang ang kanang kamay niya ay nakasukbit sa aking braso.
“Kumusta ang school, Ryan?” tanong ko, hinihintay ang paghinto ng mga sasakyan sa pedestrian.
He giggled. “Si Carlos, bagong kaibigan ko. Mahilig din siya kay spiderman, mayroon siyang nasalitang spiderman.” Napangiti ako sa mga kinukwento at baon niyang tsismis sa akin araw-araw. Pinakita niya rin ang limang star na nakuha niya sa recitation kanina. I gave him a pat on his head.
“Very good naman! Dahil diyan, anong gusto ni Ryan ngayon?”
Lumibot ang mata niya habang nililikot ang kanyang mga daliri. Tila nag-iisip kung ano ang gusto niya. If I know, spiderman na naman ‘yan.
Nag-aabang lamang ako sa kanyang sagot nang tumigil siya at nanlaki ang ngiti sa labi. “Kuya Coen!” excited niyang sigaw.
Si Coen?
“Gusto mo si Kuya Coen?” naguguluhan kong tanong.
Hindi siya sumagot. Sa halip ay ginamit niya ang kaliwang kamay upang ituro ang nasa harapan. He’s eyes sparkled even more kaya kunot-noo kong sinundan ng tingin ang kanyang tinutukoy. At gano’n na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita ito.
A man in a vintage horizon dress shirt was standing at the other side of the pedestrian lane. Nakabukas ang dalawang butones nito at nakatiklop ang dalawang manggas hanggang siko, showing off his silver watch. He even tucked it under his black slacks.
No words can describe how perfect he is in that look.
“Coen?” I unbelievably whispered habang ang mga tingin ay naroon pa rin sa kanyang gawi. Anong ginagawa niya rito?
The side of his lips rose up nang magtama ang aming mga mata, hindi pa nakuntento’t kumaway pa sa aming gawi. Masaya namang binalik ni Ryan ang kaway dito habang ako ay napako ang katawan dahil sa pagkabigla.
Coen’s here?
Hindi ko alam ang dapat na maramdaman. Kikiligin ba ako? Mahihiya?
“Tara na, Ate.” Higit sa akin ni Ryan nang magkulay pula na ang ilaw sa traffic light.
Wala sa sarili akong naglakad, getting anxious about my appearance. Kung alam ko lang na pupunta siya rito ay sana nagsuot ako ng mas presentableng damit at hindi basta graphic tee at candy pants.
“Kuya Coen!”
Bumitaw sa akin si Ryan at lumapit sa kanyang kuya. Naiwan akong mag-isang nakatayo habang pinagmamasdan silang mag-fist bump sa isa’t isa. “Hey, how’s school?”
Katulad ng kinuwento sa akin kanina ni Ryan, gano’n din ang sinabi niya rito. Even the smallest details were there. Mahinang napatawa ako dahil do’n.
Coen’s attention went to me, marahil ay narinig niya ang pasikreto kong pagtawa. I also looked at him, waiting for him to say something pero ilang segundo ang dumaan nang hindi siya nagsalita. He just gave me a sly smile that made my heart rolled.
Matapos magkwento ni Ryan ay naglakas-loob akong magtanong, “Bakit ka nga pala nandito? Tsaka paano mo nalaman ‘to?” I asked na parang walang nangyari kagabi.
Hindi ko nabanggit kailanman sa kanya kung saan pumapasok si Ryan at hindi ko rin alam kung anong purpose niya’t bakit siya narito.
He let out a smirk at tinaas ang kanyang phone. “Ryan texted me.”
Napatingin naman ako sa kapatid. Binigyan niya lamang ako ng hanggang tengang ngiti. Aba! Naunahan pa ako! “Sasakay ba tayo sa kotse mo ulit, Kuya Coen?” Bakas sa tono ng kanyang boses ang pagkasabik nang itanong niya iyon.
“That depends on your sister, Ryan,” anito at tumingin sa aking direksyon. Ryan also gave me his full attention na para bang hinihintay niya ang aking pagkumpirma.
“Saan ba pupunta?”
“In our home.”
.
sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com