Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32

Weeks swiftly passed by. Sa sobrang bilis, hindi ko na inakalang nasa huling buwan na pala ngayon ng taon. Niyakap ko ang sarili habang nakasandal ang ulo sa inuupuan.

Kailanman, hindi ko nagustuhan ang night shift. Mas lalo ko pa iyong kinainisan noong mga unang araw ko rito sa Hansan kung saan may nag-code blue sa kalagitnaan ng gabi. That was a nightmare to me.

Pero pagkakataon nga naman, tatlong araw na akong panggabi at sa ER pa ako nade-deploy! Napakabait naman ng tadhana sa akin.

Toxicity as its finest.

“Miss Kierra Vergara?”

Umangat ang ulo ko at naging alerto. Agad na tumama ang aking tingin sa lalaking nakatayo sa aming station. Nakakulay berde itong jacket at may nakaipit na folder sa gitna ng katawan at braso.

I smiled. “Yes?”

“Delivery lang po, ma’am.”

Tumayo ako at pinasadahan ng tingin ang bitbit nito. “Kanino galing?”

“Kay Sir Coen po ulit,” sagot nito habang maingat na nilalagay sa empty desk ang mga d-in-eliver. I drew my signature on his form. Pagkatapos no’n ay nagpaalam na rin ito at umalis.

Nabuhay naman ang dugo ni Nurse Rich nang maamoy ang pinadala ni Coen sa amin. Siya pa ang unang pumunta sa mga iyon at nag-distribute sa lahat ng naka-assign sa emergency room.

“Taray naman! May pa-coffee na naman si boyfie,” asar niya at ibinigay sa akin ang hot chocolate drink. Muli akong umupo upang hanapin ang phone kaya tinabihan niya ako habang may nakasuot na nakakalokong ngiti.

I typed my message to Coen.

Kierra: Salamat ulit sa coffees! Nasa penthouse ka na?

Matapos ang ilang segundo lang ay tumunog na rin ang aking telepono. Agad ko iyong binuksan.

Coen: Welcome. I’m staying here in office. Something came up again, mukhang hindi kita masusundo ngayon.

Kierra: Hey, ayos lang ‘no. Kaya ko naman mag-isang umuwi.

Hindi siya agad sumagot kaya ibinaba ko muna ang telepono sa desk at ininom ang hot choco.

“Nurse Kierra, masarap ba?” Napatingin ako sa katabi kong nurse. Pinanlakihan ako nito ng mata na para bang may ibang ibig sabihin pa ito.

Bahagya kong itinaas ang hawak na cup. “Oo, favorite ko ‘to eh.”

Umiling naman ito at hinarap pa sa aking gawi ang swivel chair na inuupuan. “Hindi ‘yan,” anito. “Masarap ba ang isang Coen Montero?”

Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko. Agad na kumunot ang aking noo at binigyan ito ng isang mapanghusgang tingin. Baklang ‘to!

“Nurse Rich!” saway ko rito pero tinawanan lang ako ng loka.

Bubuka pa sana ang aking bibig upang ipaliwang ang sarili nang malakas na tumunog ang ringtone ng aking phone. Mabilis na tumama ang mata ko ro’n.

It’s Coen.

“Speaking of,” asar sa akin nito. Umiling na lamang ako at sinagot ang tawag.

[“I really am sorry, Kierra,”] agad niyang sambit nang ilagay iyon sa ‘king tenga.

I slightly smiled because of that. “Ayos nga lang, Coen. Ikaw, kumusta ka diyan? Kumain ka na ng dinner?”

[“Hmm, maybe after I read the proposals.”] Mababa ang pagkakasabi niya no’n. Mukhang pagod na talaga siya.

Napatingin ako sa relong suot. Isang oras na lang ay tapos na ang shift ko. I pursed my lips before answering. “Pahinga ka after, mukhang pagod ka na.” Lumayo ako nang bahagya sa mga kasama at mahinang bumulong. “I love you.”

I heard him chuckle in the phone. Ang gwapo!

[“I love you too.”]

.

Pagkatapos na pagkatapos ng duty ko ay mabilis akong lumabas ng Hansan upang bumili ng pagkain. Knowing Coen, matigas ang ulo no’n at malaki ang hinala kong hindi iyon kakain ng hapunan.

Pumasok ako sa isang restaurant at nag-order for takeout. Pang-dalawang tao ang binili ko kasi, honestly, hindi pa rin ako kumakain.

After kong mag-order ay pumara na ako ng taxi. I just told Coen’s surname at agad nang tumango ang driver. It’s been two years since I met him pero namamangha pa rin ako sa kasikatan niyang taglay.

Habang nasa biyahe ay t-in-ext ko na rin si Ryan na medyo male-late ako ng pag-uwi kahit alam ko nang tulog na iyon sa mga oras na ‘to. Day by day, nasasanay na siyang hindi ako hintayin which is a good thing naman dahil madalas talaga ay late na akong nakakauwi. Halos night shift na nga araw-araw, may time pang nago-overtime.

Maya-maya lang ay tumigil na ang cab sa harap ng mataas na gusali. I handed the fare at bumaba na pagkatapos. Cold breeze touched my skin as soon as my feet landed on the ground. Tumingala ako sa pinakatuktok nito.

Ngayon pa lang ang unang beses na bibisitahin ko siya sa workplace niya. I felt bad about that, though. Parati kasing siya ang pumupunta at nage-exert ng effort. Kaya this time, ako naman.

I took a deep breath bago mapagdesisyunang pumasok sa loob.

The receptionist immediately approached me. Nakangiti ko itong binalingan. Nakita kong kumislap saglit ang kanyang mga mata na para bang kilala niya ako. Agad naman iyong naglaho kaya hindi ko na lamang iyon pinansin.

I’m Coen’s ex-wife, siyempre familiar ang existence ko kahit papaano. Which kinda suck.

“What can I do for you, ma’am?”

I slightly chewed my bottom lip bago nagsalita. “Kay Coen Montero sana.”

Sa pangalawang pagkakataon ay mabilis na nagbago ang kanyang ekspresyon. Her mouth parted a bit habang nanlalaki ang mga mata. Wala sa sarili pa nito akong tinuro, showing a glimpse of recognition.

“Kayo po ‘yung―” gulat nitong bulong. I gave her an awkward smile. Napaayos naman siya ng tayo dahil do’n. She composed herself and smiled. “May appointment ba kayo, ma’am?”

Umiling ako. “Wala eh. How about Zach? Nandito pa kaya siya?”

Tumingin ang receptionist sa kanyang computer monitor at may tiningnan roon. Ilang saglit pa ay muli itong humarap sa akin. “Nandito pa po si Sir Zach. Tatawagan ko po ba?”

“Yes, please. Salamat.”

Gayon nga ang ginawa nito. Tumalikod na lamang ako at sumandal. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng paligid. My jaw almost dropped dahil sa laki at ganda ng interior design ng lugar na ito.

“Kierra.” Napatingin ako sa kadarating na si Zach. As usual, he’s wearing his formal black attire that really suits his personality.

“Thanks,” sambit ko nang kunin niya ang dala kong paper bag. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa elevator. Mabilis akong lumingon sa receptionist at nginitian ito.

Tahimik lang kami habang papunta sa office ni Coen. Grabe pala, mas malaki pa ‘tong company niya kaysa sa inaasahan ko. Zach pressed the floor number at naghintay ng pagtunog nito.

“Good evening, Sir Zach,” bati ng babaeng nakaupo sa mismong harapan ng pintuan ng office ni Coen. Bahagya pa itong yumuko nang dumaan kami sa harapan nito. I gave her a slight smile habang sumusunod sa kasama.

Zach opened the wooden door at agad na tumambad sa akin ang pangmalakasang interior design ng workplace nito. Shades of brown were allover the place. Pagkapasok na pagkapasok ay makikita agad ang desk ni Coen. Nakaupo siya sa swivel chair, katabi ng malalaking bintana kung saan makikita ang cityscape.

His eyes were glued to his laptop, maraming tambak na papel sa kanyang mesa. Ngunit nang marinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan ay awtomatikong lumipat ang kanyang tingin sa aming direksyon.

“Kierra?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Surprise!”

Nilapag ni Zach ang bitbit na paper bag sa glass table na nasa kanang bahagi namin. Coen walked towards our direction.

“Kumain ka na, Zach?” tanong ko.

“I was about to.”

Ngumiti ako. “Samahan mo na kaming kumain.”

Lumingon ito kay Coen na kasalukuyang nakatayo sa tabi nito. His brow raised na nagpailing kay Zach. “No thanks… I’ll go,” pagpapaalam nito.

Tumango na lamang ako bilang sagot at umupo na sa puting sofa.

“You don’t have to do this,” Coen almost whispered.

Tumingala ako sa kanya. Nanatili lamang siyang nakatayo sa ‘king tabi. He’s wearing his usual basic shirt and slacks for office. Naka-unbutton ang tatlong butones nito at nakatiklop ang magkabilang manggas hanggang siko.

“Sorry, I already did it,” asar ko. Nilabas ko na ang in-order kong pagkain kanina at inayos iyon. “Hindi ka pa kumakain?”

“Nah.” I heard him answered. Kahit hindi ko siya tingnan ay alam kong nakatitig siya sa ‘king direksyon at pinapanood ang bawat galaw… which gave me chills. Nakakailang naman!

“Kain na,” sabi ko nang matapos mag-ayos.

I waited for him to seat beside me pero after few seconds ay hindi niya iyon ginawa. I looked up to him, nakatayo lamang ito habang ang isang kamay ay nasa bulsa. The corner of his lip curved up, his eyes gleamed pero kita pa rin doon ang pagod.

He’s been busy these past few days dahil sa conflict, umano, sa kompanya. Wala akong alam sa industry niya pero alam kong mahirap mag-manage ng isang sikat at kilalang company.

Tumayo ako at humarap sa kanya. I gave him a smile that immediately met my eyes and open my arms. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa bago lumapit sa akin, crashing himself to mine.

Pinatong niya ang ulo sa ‘king balikat habang mahigpit na niyayakap. Tinapik ko ang kanyang likod na para bang sinasabing he’s doing great.

“Thank you.”

“Always.”

We stayed there for almost five minutes. Una akong bumitaw sa yakap at nagsalita, “Kain na tayo. Baka tuluyang lumamig ‘yung pagkain.”

.

“Anong hobby mo? What do you do during free time?” wala sa sarili kong tanong habang nagsasalin ng tubig sa baso.

Saglit na kumunot ang kanyang noo. “Why’d you suddenly ask?”

“Wala lang, feeling ko hindi ko pa alam ‘yung maliliit na details about you.”

Baka nga mas alam pa ng secretary niya ang mga lihim niya sa buhay. I mentally shrugged at that thought.

I saw him heaved a deep breath. “It’s either I’ll stay in my room all day or stroll around the place to unwind.”

I nodded. “Ng walang guards?”

“That happens.”

“Kaya ka nabubugbog eh. Mabuti na lang sinundan kitang loko ka,” natatawa kong banggit.

“I could fight them, okay? It’s just― they have weapons that’s why I got beaten up.”

Well, hindi ko iyon pinagdududahan. He has a super nice body built.

“Speaking of those goons, wala na bang nagtatangka sa ‘yo?”

He shook his head at isinubo ang broccoli. “They’re already in jail. Kung meron man, minor threats na lang.”

So, may threats pa rin?! Nanlaki ang mga mata ko at binaba ang basong hawak.

“Like what?” I curiously asked, eyes focused on him.

Umangat pa ang kanyang tingin sa ceiling na para bang nag-iisip. “Like blackmailing, something like that.” Nakita niya ang pag-aalala sa aking mukha kaya mabilis ulit siyang nagsalita. “I can perfectly handle those things, Kierra. Sanay na ‘ko, you don’t have to worry.”

“How about you? What’s your hobby?” he asked me this time.

“Aside sa pagtambay sa rooftop, mahilig ako sa mga gawaing-bahay such as pagluluto,” sagot ko. “Pinagkakitaan ko nga ‘yan noong nasa Nuere ako.”

He gave me an amusing smile. “Strong independent woman.”

“Indeed,” natatawa kong pagkumpirma. Binaba ko na ang plastic spoon and fork at uminom ng tubig. Sumandal ako sa sofa pagkatapos no’n at pinagmasdan ang kanyang likod. “Bakit kayo naghiwalay ni Fione?”

Bumaling siya ng tingin sa akin. Sinuklian ko lamang siya ng isang serysong tingin. Masyado bang pang-tsismosa ang tanong ko?

“Kung ayaw mo namang pag-usapan, ayos lang.”

I just want to know his story. Curious lang akong tao.

Uminom muna siya ng tubig bago sumandal sa aking tabi. He comfortably folded his arms across his chest and sighed, reminiscing what happened.

“She fell out of love. She left me for another man.”

“Nagalit ka ba sa kanya?”

Coen chuckled. “Yes, noong una, I was mad at her so I focused myself on managing my company. I let myself busy for fucking one month.” Lumingon siya sa gawi ko. “And then you came― you ceased the burning rage in me, Kierra.”

I pursed my lips. “Nagalit ka rin ba sa ‘kin? Iniwan din kasi kita noon―”

He cut my words. His gaze was on me at hindi niya iyon inaalis.

Marahan siyang nagsalita, “I was mad at myself because I couldn’t help you with my own ways― na kinailangan mo pang makipagsundo kay Dad and I’m sorry for bursting out that time. That was so immature of mine.” Tuluyan niyang hinarap ang katawan sa akin. Seryoso ang kanyang mga titig na nagpabilis ng pagtibok sa aking puso. “I know you have reasons why you chose to leave. At hindi nga ako nagkamali.”

I tried my best to speak. “At least mas naging better version tayo ng sarili natin, ‘di ba?”

Both sides of his lips lifted. “I love you that’s why I let you go before. But I won’t tolerate that again anymore, alright?”

Sabi nga ni Gautama Buddha, ‘When you like a flower, you just pluck it up. But when you love a flower, you let it grow.’ At iyon ang ginawa ni Coen, he let me develop myself gayon din ang kaniyang sarili kahit pa ang ibig sabihin no’n ay mawawala ako sa kanyang tabi. And I think, that’s the true meaning of the word love.

.

sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com