Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33

Nagising ako sa malakas na tunog ng aking phone. Naglandas ang aking kamay dito at wala sa sarili iyong kinuha. Nagbilang ako sa isipan ng hanggang sampu bago magdesisyong buksan ang mga mata. Agad iyong gumawi sa itaas kung saan naroon ang orasan.

10 AM

Umaga na pala. At magtatanghali na.

Muling tinawag ng telepono ang aking atensyon.

Binasa ko ang caller’s ID at gano’n na lamang ang paglaki ng aking mata nang makita kung sino ito. Awtomatiko akong napabalikwas mula sa pagkakahiga at mabilis iyong sinagot.

“Hello po, ma’am?” magalang kong bati sa ‘ming chief nurse. “Good morning po,” dagdag ko.

“Good morning, Nurse Kierra. Wala ka munang duty ngayon.” Kumunot ang aking noo. Kakabasa ko lang kahapon ng shift schedule namin for today at malinaw sa isip ko na nakita ko ang pangalan ko roon.

“Bakit po? Night shift po ako sa PICU ngayon.”

“Someone filed your leave of absence,” simple nitong sagot. “Enjoy your day!” huli niyang sambit bago ibinaba ang tawag.

May nag-file ng leave of absence ko? Possible pala ‘yon? At kung totoo man, sino naman ang gagawa nito?

At ano raw? Enjoy my day? Para naman saan?

Naiwan akong tulala habang nakaupo sa kama.

Nananaginip pa rin ba ‘ko?

Matapos ang ilang tapik sa pisngi ay bumangon na ako at lumabas sa kwarto. Hindi na ako nag-ayos ng sarili. My feet walked to Ryan’s room na katabi ko lamang. Binuksan ko ang pinto at sinilip ang loob. Ngunit agad na nagtagpo ang dalawang kilay nang hindi siya makita roon.

Sabado ngayon kaya wala siyang pasok. Nasaan naman kaya ang batang iyon?

Pupungas-pungas akong naglakad papuntang sala. Humikab pa ko habang ginugulo ang aking buhok.

“Rya―”

“Happy birthday, Kierra!”

Napatalon ako sa aking kinatatayuan habang namimilog ang mga mata. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Ryan was holding a vanilla cake, katabi niya si Coen na may dala ring chocolate cake. May hawak namang dalawang lobo sa magkabilang kamay si Gaby. Naroon din sina Tita, Zach, Manang Pola at Anne na masayang nakatingin sa akin. Nakapatong naman ang isang laptop sa mesa kung saan naroon si Jessica. Lahat sila ay may suot na birthday hat sa ulo.

Dumako ang paningin ko sa kalendaryo. “December 20 na?!”

My eyes darted at the dining table, samo’t saring pagkain ang naroon. Pero ang hindi nakaligtas sa mga mata ko ay ang cordon bleu at shanghai, tila naghugis puso ang paningin ko dahil sa mga iyon. Agad kong naramdaman ang pagkalam ng sikmura.

“Sabi ko na malilimutan na naman niya birthday niya eh,” pabirong sambit ni Jess. Coen and Gab both chuckled because of that habang ang iba naman ay natawa― except kay Zach… siyempre.

And what the actual fudge?! Bakit nandito si Coen?! My lips parted at bumaba ang tingin sa suot na damit. I’m just wearing my pink pajama! Sinubukan kong hindi siya tingnan pabalik but my eyes couldn’t. His gaze attracted me at hindi roon nakaligtas ang maloko niyang ngisi.

That mischievous smirk!

Ilang saglit lang ay nagsimulang kumanta si Ryan ng happy birthday song. Bahagya pa nitong pinapagalaw ang balikat at kumekembot sa kanta. Everyone sang with him.

Kahit naka-video call lamang si Jess ay rinig na rinig at angat na angat pa rin ang kanyang boses sa lahat. Kahit kalian talaga. Coen was also singing with them as well as Gaby. Si Zach? Ayun, mukha pa ring grim reaper na napalakpak, ni hindi man lang ngumingiti.

Lumapit si Manang Pola at may pinatong sa aking ulo. Mas lalo akong natawa nang malaman kung ano iyon. Isa lang naman iyong tiara. Wala sa isipang napasuklay ako ng buhok gamit ang mga daliri. Nakakahiya naman, hindi man lang ako nakapagsuklay. Hindi naman kasi ako aware na may pa-surprise sila.

Pumapalakpak lamang ako habang sinasabayan sila. Hindi ko maialis ang mga ngiti sa labi. I was still in shock. Hindi ko talaga inaakalang sobrang bilis lang ng bawat araw. Parang kahapon lang nangyari ang lahat— from my illegal stay here in district, having an instant spouse down to my greatest misery…

Maraming hindi magagandang nangyari. I was hurt and broke. Akala ko ay hindi na ako makararating pa sa kinatatayuan ko ngayon. Nawalan na ako ng pag-asa dati noong mga panahong binawian ng buhay si Mama, nawalan ako ng dahilan para magpatuloy muli. Sa lahat ng mga nakamit ko, feeling ko bumalik ulit ako sa umpisa. Parang nawalan lahat ng saysay ang mga ginagawa ko. I was so doomed hopeless at that time.

But when I saw Ryan’s tears on his cheeks, do’n pumasok sa isip ko na hindi lang pala ako ang nasasaktan. He’s also hurting, a lot. Kaya ginawa ko ang lahat para naman sa kapatid ko. Naging matatag ako para sa kanya.

I thought I’ll be living in despair from start to finish.

But here I am... I'm now living my life with Ryan― and Coen.

Pagkatapos ng kanta ay kapwa lumapit sa akin sina Coen at Ryan. Tears almost shone in my eyes. Huminga ako nang malalim, pinipigilan ang sariling lumuha.

“Blow your candles, love.”

“Happy Birthday, Ate!”

They both said almost in unison. Pumikit muna ako at pinag-isa ang dalawang kamay habang may ngiti sa mga labi.

Sana magtuloy-tuloy na ‘to.

.

Punong-puno ng iba’t ibang kulay ng lobo ang sahig sa sala. Napansin ko rin na may mga letra na nakadikit sa pader na nagsasabing ‘Kierra @ 25.’ Grabe, ang tanda ko na pala talaga.

“Upo ka, Kierra. Dali!” utos ni Anne habang hawak-hawak ang camera ng kanyang amo. Umupo naman ako habang nasa likod ng pader. Inabutan pa nito ako ng dalawang kulay pulang lobo.

“Pwede bang mag-change outfit muna?”

Suot ko lang naman ang pangtulog ko.

Mabilis itong umiling. “Wag na! Bagay nga eh, parang nag-slumber party ka.”

Kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ngumiti sa camera. Pagkatapos ng mga solo shot ko ay sumama na rin ang iba at kumuha ng pictures.

Nang matapos ay agad akong pumasok sa loob ng kwarto at inayos ang sarili. I took a quick bath and just wore a white tee and mom pants.

Saglit akong nakipagkwentuhan kina Manang Pola, Anne at Tita na nakaupo sa sofa habang may pinapanood na soap opera. Nagkasundo na nga silang tatlo agad.

Nang mag-shift ang kanilang kwento sa mga artista ay umalis na ako. Wala naman akong alam sa mga ganiyan.

Pumunta ako sa kusina. “Hi,” I greeted them. “Tulungan ko na kayo?”

“Happy birthday,” malamig na sambit ni Zach habang nagtutusok ng hotdog at marshmallows sa stick. He shook his head. “No thanks, nasa labas si Coen.”

Okay?

Hindi ko naman hinahanap ang lalaking iyon.

“Kami na lang, Ate,” sabat ni Ryan na nanguya ng mallows. “Birthday mo kaya kami nang bahala.”

Nagpasalamat muna ako sa kanila bago lumabas, ginulo ko pa ang buhok ng kapatid. Mamayang hapon kasi ay darating sina Manager at mga ka-trabaho ko sa ospital. Kakatapos lamang magluto nina Manang Pola at Tita kani-kanina lang. The boys are already doing their job naman, sila kasi ang nakatoka sa mga ihaw-ihaw.

Lumabas ako ng bahay at agad na nakita ang dalawang lalaki. Nakatalikod sila sa ‘kin kaya hindi nila agad naramdaman ang aking presensya. Coen’s wearing his gray V-neck tee and shorts samantalang si Gaby naman ay nakasuot ng puting shirt at camouflage shorts. They’re both wearing white sneakers.

May hawak na pamaypay si Coen habang inaayos naman ni Gab ang barbeque. Nagsimula akong lumapit sa kanilang gawi. Sabi na eh, magkakasundo sila ‘pag nagkita.

“Siguraduhin mong hindi mo siya sasaktan.” Rinig kong sambit ng aking kaibigan.

My brows slightly met.

Sumagot si Coen, “You don’t have to say that, Gabriel. I’ll do everything for her.”

Ha?

What’s with the serious conversation?

“Anong pinaguusapan n’yo?” tanong ko na nagpalingon sa dalawa.

Bahagya pang nagulat ang kaibigan ko. He flashed a smile at me nang tingnan niya ako. Ngunit mabilis din iyong naglaho nang tumingin siya sa direksyon ng katabi.

Binaba niya ang sauce na dala sa mesa. “Kaya mo namang mag-ihaw, ‘di ba?” he asked.

Tumango ako. Wala yata akong hindi alam na gawin! “Bakit?”

“Tutulong na lang ako sa loob.”

“Okay,” mahina kong sagot at pumunta sa pwesto niya. Kinuha ko ang sauce at brush doon. Wala pang limang segundo nang tawagin na naman ako nito.

“Bakit?” I asked for the second time around.

He smiled but it didn’t meet his eyes. “Happy birthday.”

The corner of my mouth curved up. “Salamat.”

Matapos no’n ay muli siyang naglakad papasok ng bahay. Wala sa sarili akong tumingala sa kaliwa. “Anong pinaguusapan n’yo kanina?”

“Nothing.”

“Anong nothing? Para ngang ang seryoso ninyo kanina eh,” pangungulit ko sa kanya.

Coen sighed. “It’s a guy talk, Kierra.”

Gumawi na lang ang tingin ko sa iniihaw at binaliktad ang mga iyon. “Sabi mo eh. Ikaw ba nag-file ng leave of absence ko ngayon sa Hansan?”

“Yes,” he answered. No doubt.

“Buti na-grant.”

His smirk rose up again. “I have my ways, Kierra,” he uttered in a deep voice. For a second, nalimutan kong isa nga pala siyang sikat na personality when it comes to business industry. Kaya mayroon siyang ‘ways.’ “Happy birthday,” Coen greeted me.

Napangiti ako roon. “Thank you for staying, Coen.”

“I would always stay if you’re the one who’s right beside me.”

Nanatili ang tingin ko sa mga iniihaw. Ayaw kong bumaling sa kanya dahil, for sure, makikita niya ang pamumula ng aking mukha. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay ramdam na ramdam ko pa rin ang pinupukaw niyang atensyon sa akin. I felt his gaze at me.

Pinakalma ko ang sarili. I secretly inhaled and exhaled, multiple times, para hindi ako mangisay sa kilig. It’s been months with Coen pero hindi pa rin siya pumapalyang magpakilig.

Iyon siguro ang hidden talent niya.

Namutawi ang katahimikan. Hindi na siya awkward for me, unlike sa mga dating sitwasyong katulad ng ganito.

“Kierra?”

I bit my lip. “Hmm?” Nanatili ang atensyon ko sa ginagawa.

“When is your ideal age to get married?”

Halos lumuwa ang aking mata at pabalang siyang ginawaran ng tingin. Tumambol nang pagkalakas-lakas ang aking dibdib, hindi ko alam kung kinikilig pa ‘ko, kinakabahan o kung anoman…

“Seryoso ka ba?”

His eyes already answered yes to my question.

“I’m one-hundred one percent sure of you, Kierra. I couldn’t imagine myself without you. But I’m not rushing you, ‘kay? I want you to feel assured. It’s just― I wanted to asked that badly.” Pinagsiklop niya ang aming mga kamay. He gave me an apologetic smile and continued, “Sorry if it made you uncomfortable.”

It was really… uncomfortable. Almost six months pa lang kaming nasa relationship tapos ibi-bring up niya ang salitang kasal? I know, he’s just asking ‘when’ pero hindi ko pa rin talaga maiiwasang mag-panic when it comes to that word.

Masyado siyang mabigat at hindi ko alam kung kaya ko na iyong buhatin.

I took a super deep breath bago ibuka ang bibig. Noong una ay wala pang lumabas doon na boses so I lightly tapped my cheeks para magising sa reyalidad.

I’m still stunned, though.

“Four years,” simple kong sagot. I looked at him. “Mahihintay mo ba ‘ko ng four years?”

His eyes were full of fascination as they stared mine. Ang magkabilang dulo ng kanyang bibig ay tumaas, forming a genuine smile.

“I will always wait for the right time.”

.

sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com