Chapter 6
"Hindi ka talaga nagsasalita?" tanong ko habang nilalantakan ang crab na nasa harapan ko. Naghintay ako ng response pero walang sumagot sa tanong ko. Ayos pala ito eh, para akong may kausap na hangin. "Bakit mo pala ako sinusundan kanina?" I asked again, hoping for an answer.
I'm trying to be nice to him dahil nilibre niya ako rito sa seafood buffet. Kanina pa ako nag-c-crave nito at mabuti na lamang dahil nag-offer siya na kumain daw kami. Pero siyempre, I made sure na siya ang magbabayad bago ako pumayag. Mahirap na!
"Coen ordered me to do it," straightforward nitong sagot.
Akma akong iinom ng drinks nang mapatigil ako. Ano raw?! Akala ko ba luluwagan na niya ang securities sa akin? Feeling ko na-betrayed ako nang malaki dahil doon, kaya pabalang kong tiningnan si Zach na prenteng nakaupo.
"Bakit niya ako pinapasundan?"
"Bakit hindi siya ang tanungin mo?" balik nitong tanong.
Hindi dapat sinasagot ng tanong ang isang tanong!
Huminga ako nang malalim habang kinakalma ang sarili dahil nasa harap ako ng pagkain. "Hindi niya ba sinabi ang dahilan?"
"No, he just gave orders to me."
Naningkit ang aking mga mata. "So, kahit anong utos niya susundin mo?"
"If it's right and just, then yes."
Tumango-tango ako. Siguro ay personal ko na lang na kakausapin si Coen mamaya kapag nakauwi na siya. Akala ko nagkasundo na kami pero ang unfair niya! Alam ko namang para sa akin din ito pero hindi pa naman ako kilala ng mga tao bilang asawa niya at wala akong balak na ipagkalat pa iyon.
Muli kaming bumalik sa pagkain. Naghari ang katahimikan sa gitna naming dalawa. Ang hirap talaga kapag may kasama kang hindi palasalita. Mauubos talaga 'yung neurons mo kakaisip ng pwedeng itanong.
"Ilang taon mo nang kakilala si Coen?"
"Four years," sago niya habang tinatanggalan ng balat ang hipon.
Ahh, four years. So paano ko pa dudugtungan ng tanong ang sagot niya?
Nag-isip muli ako ng tanong. "Nagkaroon na ba siya ng past relationships?"
Okay, so bakit mo tinanong iyon, Kierra?
"Yes, he had one."
"Girlfriend?"
Sinamaan niya ako ng tingin. Bigla tuloy naging horror ang genre nito. Gwapo rin naman 'tong si Zach, nakakatakot nga lang ang aura. Kulay itim ang kanyang buhok, gayon din ang kanyang mga mata. Medyo singkit siya at bagay iyon dito. Kaso nga lang, tuwing titingnan ka niya, parang parating papatay ng tao.
Kung nakakatakot si Coen, mas mukhang nakakatakot ito. Pero kung gwapo si Zach, mas gwapo naman si Coen!
Napalunok ako nang wala sa oras. "Sabi ko nga girlfriend," I awkwardly laughed. "Imposible namang boyfriend, hindi ba?"
"Her name's Fione," aniya. She has a nice name, huh? Mukhang laki rin sa mayamang pamilya, may class at respetado.
Mas nagging interesado naman ako sa love story nila. Oo na, mukha kaming tsismosang dalawa pero who cares?
"Ilang taon silang nagtagal?"
"Three years, I guess."
In fairness, matagal na rin iyon.
"Bakit sila naghiwalay?"
His forehead creased. "Kailangan ko ba talagang sabihin 'yan?"
"Ay sige, wag na." Baka sensitive topic. I respect Coen's private life naman kahit papaano. "Ito na lang, kailan sila nagbreak?"
"Last month."
Nanlaki ang mata ko sa narinig. "Last month?!"
Noong nakaraang buwan lang sila naghiwalay? Kaya ba parating hindi maganda ang mood ni Coen at hindi maipinta ang mukha? Kaya ba nagpapadalos-dalos siya sa mga desisyon niya kasi brokenhearted siya? It must be hard on him. Tatlong taon din silang nagsama.
Hindi man ako eksperto pagdating sa mga ganitong bagay, NBSB kaya 'to, pero naniniwala ako sa three-month rule! At maliwanag sa sikat ng araw na nilabag iyon ni Coen! Ano kayang mararamdaman ni girl na 'yung ex-boyfriend niya ay nakahanap na agad ng asawa in just a month?
Feeling ko, tinuldukan ko ang meron sa kanila. Alam kong walang connect dahil they already broke up a month ago. Basta, I just feel bad.
Pero wala ako sa posisyon para makialam pa sa lahat. Wala ako sa position para magbigay ng opinyon dahil asawa lang naman ako ni Coen sa papel at hanggang doon na lang iyon.
.
"Ma?"
Dang, paano ko ba sasabihin 'to sa kanya?
["Oh anak, mabuti naman at napatawag ka. Ayos ka lang ba diyan?"] Rinig ko ang masayang tono sa kanyang boses.
I took a deep and long breath bago nagsalita muli. "Ma, sabi niyo po sa akin, dapat sa inyo ko po muna ipapaalam bago ko sagutin 'yung mga manliligaw ko, 'di ba?" I paused. "Sorry po."
["Huh? Bakit ka nagso-sorry? May boyfriend ka na ba diyan?"]
"Wala po pero may asawa na po ako," pikit-mata kong saad.
Saglit na tumahimik ang kabilang linya. Bumalot sa akin agad ang pag-aalala. I was about to say something nang mapatigil ako sa sigaw ni Mama sa kabilang linya.
Patay.
["Paanong nangyaring nagkaroon ka na agad ng asawa?! Ibigay mo ang telepono sa kanya at kakausain ko!"] she literally shouted kaya naman wala sa sariling napalayo ko ang telepono sa aking tenga. Parang wala sa oras ay sasabog na ang eardrum ko.
"Ma, it's not what you think. Kumalma po kayo."
In-explain ko sa kanya ang lahat ng mga nangyari mula unang araw ko rito sa Søren, hanggang sa ngayon. Naputol lamang ang usapan namin nang may kumatok sa aking pintuan.
["Basta, kakausapin ko 'yang si Coen ah?"] pinaalala niyang muli sa akin.
"Sige po," sagot ko na lamang, kahit sa totoo ay ayokong ipakausap ito dahil alam kong matutusta si Coen nang wala sa oras. Ayoko namang mangyari iyon dahil ang dami ko ng utang sa kanya.
Mabilis akong gumawi sa pinto at bumungad sa akin si Manang Pola. "Hapunan na, narito na rin si Sir Coen."
I smiled. "Salamat po."
Saglit kong inayos ang aking sarili. Wala sa sariling napatingin ako sa maliit na cabinet na katabi ng aking kama. Binuksan ko iyon at nakita ang bagay na nag-ugat sa lahat.
Ang kanyang relo.
Hindi ko pa pala nabibigay sa kanya ito. Ilang araw na ang lumilipas pero narito pa rin sa akin. Kinuha ko iyon at lumabas na ng kwarto. Nilandas ko ang dining area at nakita roon si Coen na prenteng kumakain.
He really looks sophisticated kahit nakain. Hustisya naman!
"Hi, nakauwi ka na pala," saad ko. Hinintay kong paupuin niya ako. Nakakahiya naman kasing umupo nang basta-basta.
"Have a seat."
At gayon nga ang aking ginawa. Inilapag ko ang relo sa kanyang harapan. Napatingin siya roon at nagtataka akong binalingan. He looked confuse pero nakita ko sa kanyang mata ang relief.
Mahalaga nga siguro ito sa kanya.
"Where'd you get this?"
"'Yan ang naging dahilan kung bakit kita sinundan. Nakita ko kasi nahulog mo iyan habang hinahabol ka ng mga goons," I answered.
"I got this from Mom. Thanks." Kinuha niya iyon at sinuot sa kanang palapulsuhan.
"Welcome," nag-aalangan pa akong sabihin iyan pero, sige na, ginusto ko naman talaga siyang sundan para ibigay ang gamit na iyan. Masyado ka kasing mabait, Kierra!
Ang sarili ko ang may kasalanan kung bakit ako narito, kung bakit kami nauwi sa ganitong sitwasyon.
Nagsimula na akong kumain nang may biglang maalala. "Bakit mo nga pala ako pinasundan kay Zach kanina? Akala ko ayos lang na wala akong bantay?"
Bumuntong hininga siya at seryosong nagsabi. "I just want you to be safe."
"Kaya ko naman ang sarili ko. Tsaka hindi naman ako kilala ng mga tao bilang asawa mo," reklamo ko pero nanatiling mababa ang timbre ng aking boses. Ayokong isipin niya na naiinis ako.
"Your black identification card says it all, you're now an elite. Maraming tao ang magkakaroon ng interes sa 'yo."
Napatahimik ako dahil doon. I guess there's no point in arguing him. Parang kahit saan ko papuntahin ang usapan ay mananalo at mananalo siya.
Iniba ko ang usapan upang hindi tuluyang ma-badtrip. "Nga pala, may part-time job na ‘ko, bukas na ang start."
"Yeah, I already heard about that," he boringly said habang hinihiwa ang kanyang steak.
I swallowed first my food bago magtanong. "Kanino mo nalaman?"
"Zach." Humarap siya sa akin. "Are you sure you want to work there? I mean, I have company, Kierra. Doon ka na lang magtrabaho," suhestiyon niya.
Mabilis akong umiling. Naa-appreciate ko ang mga ino-offer niya pero ayoko nang magkaroon pa sa kanya ng koneksyon. Iniiwasan ko ngang magkaroon pa sa kanya ng utang na loob. "Mukhang hindi ako magiging comfortable."
Wala nang nagsalita matapos no'n. Kumain na lang kami nang tahimik. Nami-miss ko na 'yung mga luto ni Mama. Parati kasing sosyal ang mga pagkain dito, ni hindi ko alam ang mga pangalan. Wala man lang lutong-bahay. Maka-request nga kay Manang Pola bukas.
Sinubukan kong hiwain ang steak na nasa aking plato. Emphasizing the word tried.
"Ano ba 'yan? Paano ba 'to hiwain? Ang purol naman ng kutsilyong 'to," bulong ko sa aking sarili habang nag-s-struggle hiwain ang steak. Hindi talaga ako para sa mga ganito.
Being an elite doesn't suit me at all.
For the nth time, I heard Coen's sigh kaya naman napatingin na naman ako sa kanya. Pinagpalit niya ang mga plato naming dalawa without even glancing at me. Unlike sa akin, hiwa-hiwa na ang steak niya. Wow, sana all!
Pero bakit naman niya pinagpalit? Hindi ba masarap ang nakuha niya?
"I could hear your whimpers. Eat it up."
Bahagyang nagningning ang aking mga mata. "Are you sure?" Hindi ito kumibo. Ahh, silence means yes. "Salamat!"
I flashed a sly smile.
Binigay niya sa akin ang kanyang steak and I think that's cute.
May bait pa naman natatago si Coen, kailangan mo lang hanapin nang may pagtitiyaga.
.
sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com