Chapter 8
"Kierra, pa-refill naman ng vanilla. Salamat."
"Okay sige."
Mabilis kong sinunod iyon. Halos patakbo ko na iyong ginawa dahil marami pang ibang gagawin, I need to clean tables and utensils pa. Konti lang kasi ang employees for this huge and popular café. Hindi na ako nagtataka dahil karamihan naman talaga ng mga taga-Søren ay hindi kailangan ng ganitong trabaho. They tend to have nicer jobs, kung saan kumikita rin sila ng mas malaki.
I glanced on my wrist watch. It's already 3:20 in the afternoon, 40 minutes na lang at matatapos na ang shift ko. I have to be honest, mas nakakaubos 'to ng energy dahil halos walong oras kang nakatayo. Kung may pagkakataon mang makaupo ay tiyak saglit lamang. At pangalawa, hindi ko masyadong nae-enjoy ang mga gawain ko rito. Sanay ako sa ospital at sobra ko nang nami-miss ang pagiging isang nurse.
Pero ginagawa ko ito para sa aking pamilya, bawal ang maarte!
"Kierra, pwedeng dito ka muna sa counter? Tutulungan ko lang 'yung iba sa kitchen," pakiusap ni Hana.
"Sure," mabilis kong sagot. Mabuti na lamang at naturo sa akin ni Manager kung paano gumalaw sa counter. Tinuruan niya ako kanina kung paano i-encode ang mga bagay-bagay.
.
"Thank you for choosing our shop, Ma'am. Pakihintay na lang po 'yung order ninyo," I politely said while beaming nang matapos kong i-encode ang orders niya.
Umalis na ang babae sa harapan ko at laking gulat ko nang makita ang susunod na nakapila. His dark aura almost ate all of the positive ambiance in this shop. Parang gusto ko na lang 'atang magligpit ng mga utensils sa kitchen. I silently prayed na hindi niya kasama ang boss niya, dahil kung oo, tiyak mabibisto ako ni Manager.
"Zach?" hindi makapaniwalang tanong ko rito.
Hindi niya pinansin ang bahagyang pag-hysterical ko at sa halip ay tumingala ito upang tingnan ang menu. "Two pressed coffees and a Frappuccino."
He ordered for three, meaning, may kasama siya.
"Dine-in or take-out, Sir?"
Please, say take-out.
"Dine-in."
I mentally made a facepalm dahil sa nagging sagot niya. Sana lang talaga ay hindi niya kasama si Coen.
Ngumiti ako habang pinipilit na itago ang pagkabahala. "Anong flavor po ng Frappuccino n’yo, Sir?"
"Hmm, what do you recommend?"
"Dark Caramel po." Pansin ko kasing ito ang madalas i-order ng karamihan kaya siguro naman ay masarap ito.
Tumingin ito sa akin. "Okay then. Isang dark caramel Frappuccino." Nakita kong dumukot ito ng pera. "Keep the change," he even said without showing any emotions.
"Thank you, Sir," I awkwardly thanked him. "We'll deliver your orders na lang po, Sir."
In just a split of second ay nawala na ito sa harapan ko. I tried my best to shrugged off my thoughts pero hindi talaga ako komportable, feeling ko ay may mangyayaring hindi sang-ayon sa plano ko.
Bakit ba kasi narito si Zach?
Zach means Coen. Kapag nandito si Zach, tiyak na narito rin si Coen. Naii-stress ako ah!
Ilang saglit lang ay gumawi sa aking direksyon ang isa kong katrabaho na si Luke. Nakangiti siyang lumapit at bahagya pa akong siniko. Ay wow, close tayo?
May dala siyang tray at ang laman niyon ay ang in-order ni Zach kanina. Hindi maganda ang naiisip ko rito.
"Bakit, Luke?" anang tanong ko habang inaasikaso ang customer na nakapila.
"Ako na diyan, ikaw na mag-serve nito. Ni-request ka ng customer," bulong nito nang may pagtaas at pagbaba pa ng kilay. He emphasized the last word at, mula roon, ay alam ko na ang ibig niyang sabihin.
Tinapos ko munang kunin ang order bago humarap sa kanya. I unbelievably gasped at mabilis na kinuha ang tray.
I walked towards its designated table number. Pagkaliko na pagkaliko ko pa lamang ay nakita ko na agad ang pinaka-ayokong taong makita sa labas ng Søren. Tama nga ang hinala ko, narito rin siya. Si Coen.
Bahagya akong napahinto nang magtama ang mga mata namin, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kiliti sa aking tiyan pero mas nangingibabaw sa akin ang inis. Pigil-hininga akong pumunta sa kanilang direksiyon.
Alam naman niyang ayokong maugnay pa sa kanya. Pero 'eto siya, narito sa pinagtra-trabahuhan ko. Mas lalo pa akong naguluhan nang makita si Manager na nakatayo sa tabi niya at parang may sinasabi. Tila hindi naman interesado si Coen dahil nakatingin lamang siya sa akin. He rose his famous smirk at tanging inis na lang ang naramdaman ko sa kanya.
Ginagawa niya ba 'to in purpose?
Natigil lamang sa pagku-kuwento si Manager nang mapansin niyang papalapit na ako. I wore my best-yet-fake smile at inilapag ang orders nila sa table. Dalawa lamang sila ni Zach ang nakaupo, so I supposed, the Frappuccino’s for Manager.
"Here's your orders po," magalang kong saad in spite of their gazes. Agad na sana akong aalis at nagsimulang tumalikod nang magsalita ang loko.
"Why don't you join us?"
Muli akong humugot nang malalim na hinga bago tumingin sa kanilang gawi. "Sir?" inosenteng tanong ko.
"This is for you," he smirked pertaining to the Frappuccino.
"Pero may work pa ako," I snorted out at pinanlakihan siya ng mata. Makuha ka sa tingin!
Nagsalita si Manager. "No, ayos lang Kierra. Ilang minuto lang naman ay tapos na ang shift mo, pwede mo nang samahan ang gwapo mong asawa. Mukhang na-miss ka nang sobra," kinikilig nitong saad habang nakangiti pa. Tila nag-blu-blush pa dahil sa nag-gwa-gwapuhang itsura ng mga kaharap niya.
Asawa. Na-realize na niya siguro kung bakit ako may black na identification card. Naging elite ako dahil sa epilyedong Montero, dahil asawa ko si Coen.
I awkwardly smiled dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Umalis na rin si Manager ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang makahulugan niyang mga ngiti sa akin.
Tumayo si Zach mula sa pagkakaupo at iginawi ang kamay sa kanyang inupuan na para bang sinasabing umupo ako roon. At dahil sa mabait akong nilalang ay sinunod ko ito at naupo sa harapan ni Coen.
Zach sat on a different table which lead us, Coen and I, to be alone. Hindi kasi masyadong matao sa lugar na ito, actually walang tao rito maliban sa amin. Mas gusto ng mga customers namin sa kabilang side dahil naroon magandang view ng iba’t ibang halamanan at hindi rito which became a good thing for me.
"Bakit kayo nandito?" I asked. "Akala ko malinaw sa 'yo na ayokong magkaroon ng issue?"
Medyo nainis din ako sa naging tanong ko dahil masyado 'atang naging mataray ang pagkakasabi ko. I was about to say sorry nang marinig ko ang kanyang mahina't sarkastikong pagtawa.
Okay, I take it back. Hindi pala ako nako-konsensya. Oo na, gwapo siya, sobrang gwapo! Pero at the same time ay nakakainis ito dahil hindi mo alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Hindi ko siya ma-predict! Minsan mabait, madalas masungit. Minsan friendly, madalas cold. Minsan nakangiti, madalas walang pake.
Ang gulo niyang tao!
"Don't worry, I have my men all over this place. They'll get rid those kinds of people," he coolly said then sipped his coffee.
I secretly rolled my eyes. "Thank you sa Frappuccino."
Wala nang nagsalita matapos no'n. I couldn't think of a topic dahil bad mood ako ngayon dahil sa biglaan niyang pagpunta. Hinubad ko ang barista apron ko at tiniklop iyon.
"How's your work?" Coen asked.
"Ayos lang," tipid kong sagot habang nakatingin sa lamesa.
"Let's go home together."
Nakakunot ko siyang nilingon. Seryoso ba siya? "Maraming makakakita sa atin."
Bahagyang tumagilid ang ulo niya. "So what?"
So what?!
Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang taong nasa harap ko. Hibang na ba siya? Ipinapahamak niya ba ako?
"Coen," medyo naiinis kong suway.
He chuckled. "What? We're married, wala tayong ginagawang masama. Hindi rin natin ito matatago nang matagal, Kierra."
"Coen naman."
"Whatever you say, let's go together."
.
ᴍᴜᴋʜᴀɴɢ sᴜsᴜɴᴏᴅ ᴀᴋᴏ sᴀ ʏᴀᴘᴀᴋ ɴɪ ᴋɪᴇʀʀᴀ. ᴘᴀsᴀᴅᴏ ᴀᴋᴏ sᴀ ʙs ɴᴜʀsɪɴɢ ʏɪᴇᴇᴇᴇ
.
sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com