Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ANG SIMULA

"Edited na po itong prologo"

'tubig,lupa,yelo,hangin at apoy.'
mula sa limang elemento ay nalikha ang sanlibutan.

mula sa mga bituin,kalawakan,buwan,araw at mundo, lahat ng ito ay iisa lang ang naglikha

kung kaya naman bilang pagpupugay at upang maalagan na din ang kanyang mga likha ay nilalang nya ang tao.

noong una ay payapang numuhay ang mga tao,naaalagaan nila ng maayos ang mga nasa paligid.

ngunit isang araw,may di inaasahang pangyayari ang naganap sa mundo

nawalan ito ng balanse
mga natunaw ang mga yelo sa bandang hilaga.ang hangin naman ay hihina at pagkalipas ng ilang sandali ay bigla itong lalakas.nagtataasan ang mga tubig sa karagatan at lawa.nagkakabitak bitak ang mga lupa sa kapatagan at ang kabundukan naman ay mga nagsisiguho.naglalabasan saan man dako ng daigdig ang mga apoy na nagmula pa sa ilalim ng lupa at ang mga bulkan ay nangangalit.

dahil sa nasaksihang trahedya ng lumikha ay nagpakita ito sa limang tao na may busilak na kalooban.nagwika ito sa bawat isa at sinabing"humayo ka at pumunta sa nag iisa at pinakamataas na bundok ng daigdig na ito.pag nagawa niyo ito ay may gantimpala akong ihahandog sa inyo"
pag katapos mag wika ay bigla itong naglaho na parang bula.

matapos ang senaryong iyon ay agad na naglakbay ang limang kabataan sa sinabing bundok.

hindi alintana sa kanila ang nagwawalang hangin,nagtataasang tubig,nagsusulputang mga apoy kung saan saan,pagkakabitakbitak ng mga lupa at paglipad ng mga yelo kung saan saan,

halos kamuntikan na silang mamatay dahil sa delubyong nangyayari sa kanilang mundo ngunit hindi nila magawang sumuko dahil sa misyon na inatang sa kanila ng lumikha.

hindi man sabay-sabay ngunit nagawa pa rin marating ng lima ang nasabing bundok.

mapapansin sa nasabing bundok ay nandito ang limang elementong kanilang kinaharap,ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na ito nag wawala.bagkus ay kalmado ang mga ito.
malalasap mo ang sariwang hangin na nililikha ng mga nagtataasan at naglalalihang mga puno. makikita mo din na ang karagatan ay maayos ang daloy ng tubig at parang musika sa tainga ang lagaslas nito.
paraiso kung maituturing ang lugar na ito.
gustuhin man nilang dito na lang mamalagi ay hindi nila magawa sa pagkat mayroon pa silang dapat gawin.at iyon ay ang umakyat sa pinakamataas na bundok.

marami mang pagsubok ang kanilang kinaharap sa pagpunta at pag akyat ng bundok ay nagawa pa rin nilang umakyat sa pinakatuktok nito.
ng dahil sa pagod ay napaupo na lamang sila sa lupa.nilanghaplanghap ang sariwang hangin,

di nag tagal ay nagpakita sa kanila ang nilalang na siyang dahilan kung bakit sila naroon sa kinatatayuan nila ngayon.

"masaya ako at nakarating kayo dito ng buo."puno ng awtoridad sa boses nito.

"maswerte kayong lima dahil kayo pa lang ang nakakita sa aking wangis."saad pa nito

may takot man ngunit naglakas ng loob na nagsalita ang isa sa kanila.
"paumanhin po ngunit ano pong dahilan at pinapunta nyo kami dito?"magalang at may lakas ng loob na tanong ng isa sa kanila.

"tumingin kayo sa paligid.Hindi bat Kay ganda ng aking likha"?.tanong nito sa mga kabataan.
"ngunit nakakalungkot pagmasdan na ang aking likha ngayon ay mga nangangalit at wala sa control."malumanay ngunit mababakas at mararamdaman mo ang lungkot sa bawat katagang binibitawan nito habang nakatingin sa kanyang mga nilikha na ngayon ay wala na sa control.

"papaano po pala nangyari ang trahedyang ito?"may takot man ay nagawa pa rin nagtanong ng isa sa kanila.

"hindi na nila nararamdaman ang aking presensya kung kaya't nagkakaganyan na sila." at sa wakas ay nagawa ding sagutin ng tagapaglikha ang tanong nila.

"ano po ba ang aming maitutulong at pinapapunta nyo kami dito?" sabay sabay na tanong ng mga ito sa tagapaglikha.

"kailangang maibalik ang balanse sa mundo upang Hindi mauwi sa wala ang aking pinaghirapang likhain"saad nito sa limang kabataan.

puno ng pagtatakang napatingin ang lima sa lumikha.

"at dahil sa napagtagumpayan niyo na makarating dito sa aking paraiso ay hahayaan kong kayo ang magbalik ng balanse sa sanlibutan."wika nito sa mga kabataan.

"paano po namin iyon magagawa kung kami po ay isang ordinaryong nilalang lang?"lakas na loob na tanong ng isa sa nasabing magbabalik sa balanse ng mundo.

"kaya ko kayo pinapunta dito upang isalin sa inyo ang aking kapangyarihan.ngayon,tatanggapin niyo ba ang aking nag iiaang alok at pabuya?"tanong ng lumikha sa lima.

"sino po ba kami para humindi sa alok ng aming nag iisang kamahalan? at saka isa po iyong karangalan para sa amin.karangalan na magbalik ng balanse sa buong sanlibutan."wika ng isang lalaking kanina pa tahimik na nakikinig sa sinasabi ng kanilang tagapaglikha.

"taos puso din po namin na tinatanggap ang iyong ipag kakaloob at pinapangakong ibabalik ang balanse ng iyong nilikha at gagamitin ito sa kabutihan ng nakakarami"saad ng babaeng kanina pa tanong ng tanong sa lumikha.

"magaling,kung gayon ay tumayo kayo at sisimulan na na natin ang pagsasalin ng aking kapangyarihan sa inyo."wika nito at pinatayo na ang limang kanina pa naka upo.

"mula sa aking mga kapangyarihan ng elemetong tubig,apoy,lupa,hangin,at yelo ay ipinapasa ko sa inyo ito upang maibalik ang balanse ng along mga likha."pagkawikay pinalabas nya ang limang iba't ibang klase ng bolang enerhiya mula sa kanyang katawan at isa isang lumapit sa lima.

"ikaw lalaki, dahil sa iyong lakas na pinaranas ay nararapat lamang na ikaw ang magmana ng elemento ng apoy."  wika nito sa lalaking unang nakaakyat sa bundok.

"maraming salamat po panginoon.pinapangako ko po na babantayan ko ang lahat ng klase ng elemto ng apoy ng sagayon ay hindi na maulit at trahedyang aming nararanasan ngayon." wika ng lalaki at pag kalaan ng ilang sandali ay hinwakan niya ang kulay pulang bola ng enerhiya at ito'y pumaloob sa kanyang katawan.

"babae, dahil sa bilis na iyong pinamalas ay nababagay lang na mapasayo ang elemento ng hangin."saad nito sa babaeng mabilis na nalampasan at naiwasan ang mga elemntong humaharang sa kanyang daraanan upang makaakyat ng bundok.tinanggap niya ang kulay puting bola ng enerhiya at ito'y pumaloob sa kanyang katawan.

"lalaki,dahil sa iyong katatagan ay nararapat lamang na mapasaiyo ang elemento ng lupa."saad nito sa lalaking hindi matatawaran ang katatagan sa buhay.tinggap  niya ang kulay brown na bola ng enerhiya at ito'y pumaloob sa kanyang katawan.

"babae,dahil sa malumanay na pagkilos ay mapapasayo ang elemento ng tubig."wika nito sa babaeng tila isang malumanay na karagatan kung kumilos.tinanggap ng babae ang kulay asul na bolang enerhiya at pumaloob ito sa kanyabg katawan.

"dahil sa lamig ng iyong presensya at hindi kakikitaan ng ekspresyon sa mukha ay nababagay sa iyo ang elemento ng yelo."wika nito sa isang babaeng kanina pa tahimik at sa lamig ng presensyang hatid nito.
tulad ng ginawa ng kanyang kasamahaan ay tinggap din niya ang kulay navy blue na bola ng enerhiya at pumaloob ito sa kanyang katawan.

"ngayong naisalin ko na sa inyo ang aking kapangyarihan ay maari na kayong umalis upang maibalik ang balanse sa mundo dahil nararamdam ko na hindi na magtatagal ay magugunaw na ang daigdig, at ako nama'y magpapahinga na sa aking kaharian."mahabang wika ng lumikha sa lima habang unti unti itong naglaho sa kanilang paningin.

"maraming salamat po sa kapangyarihang iyong pinagkaloob."sabay sabay na wika ng lima at agaran silang umalis.

—————·——————·————

mula sa iba't ibang panig ng daigdig ay ikinumpas nila ang kanilang kamay at unti unting kumalma ang kapaligiran.

matapos ang trahedya ay makikita mo ang delubyong nangyari sa buong mundo.
iilan lang dito ang pagkabuwal ng mga nagtataasan at matatayog na mga puno sa kagubatan.

–·–·–·–
sa paglipas ng panahon ay unti unting bumalik ang dating ganda ng daigdig at unti unti ding nakabangon ang mga Tao sa trahedyang naganap,bagay na ikinatuwa ng lumikha.

samantalang pinapanatili naman ng Lima ang balanse sa sanlibutan.

--------------------------

vote
comment
share

=alejandromonto

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com