Singing Competition
❛ SINGING
COMPETITION ❜
"What the?" Iritadong anas ko, habang nakatingin sa aking relo. Nakagat ko ang aking labi at ilang beses na pumikit.
"Miss Acantha, where's your partner?" Tanong ni Miss Sevilla sa akin. Nakataas ang kanyang kilay at amoy na amoy ko ang mamahaling pabangong ginagamit niya. "Paparating na po." Kalmadong sagot ko.
Mas lalong tumaas ang kanyang kilay. "Again?" Tila nagsasawang tanong niya. Kiming ngumiti ako at lumunok. "Five minutes, Miss Acantha, and if your partner still not here. I'm sorry, but, you're both disqualified in this competition."
Aniya, bago, umalis at bumalik muli sa backstage. Nanlulumong napayuko ako. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Helios.
Ilang beses akong napapadyak nang hindi ko na naman siya makontak. Naiiyak na napa-upo ako sa sahig. Nasaan ka na ba?!
"My!" Narinig ko ang sigaw na iyon. Pinunasan ko ang ilang butil ng luhang hindi ko namalayan na tumutulo sa aking mga mata. Doon ay nakita ko si Helios na pawis-pawisang huminto sa aking harapan.
"Saan ka galing?" May lamig sa aking boses ng tanungin iyon.
"Sorry, I'm late. Grabe kase ang traffic, e. Tas namatay pa ang phone ko, kase low bat," Hinihingal na paliwanag niya. Kita ko ang paglunok niya dahil siguro sa kaba.
Hindi ako nagsalita at pumasok na muli sa loob ng backstage. Naramdaman kong sinundan niya ako. Nanghingi ako ng tubig at ibinigay iyon sa kanya.
"My, sorry na," anas ni Helios, habang ibinababa ang dala-dalang knapsack. "Change your clothes." Malamig na utas ko at umupo na sa harapan ng salamin.
Kuya Shanelle started combing my hair. Naiintindihan ko naman ang rason niya. It's just that, nagtatampo ako.
Napag-usapan na namin na dapat parehas kaming dadating dito ng maaga. Kaso, late na naman siya. Nakakasawa na.
"My," Narinig ko ang bigong bulong niya. Hindi ko siya pinansin at ipinikit na lang ang aking mga mata. Mabilisang akong inayusan ni Kuya Shanelle.
"Miss Acantha Sonorous and Mr. Helios Chevalier, kayo na ang susunod." Dumilat ako ng marinig ko ang medyo relax ng boses ni Miss Sevilla. Ngumiti ako at tumayo na, bago lumakad patungo sa stage na natatakpan na lang ng kurtina.
"My, sorry na. Promise, babawi ako sa 'yo," bulong ni Helios sa akin. Bumuntong-hininga ako at hinarap siya. Iritado kong tiningnan si Helios na gwapong-gwapo sa suot na puting polo at itim na slacks.
"Lagi ka na lang ganyan, e." Inis na usal ko, bago ko, inayos ang terante ng bra na nahulog sa aking balikat. Pinagmasdan niya ang ginawa ko.
My at Dy ang tawagan naming dalawa. Ewan ko ba, pero, para kaming mag-boyfriend, samantalang, matalik na magkaibigan lang naman kami.
"Sorry na po." Nakangusong anas ni Helios. My gosh! 'Wag kang bibigay Acantha! Gosh! He's really a cutie! Napa-iling ako at inirapan siya. "Please?"
Pumikit ako at inis siyang sinapak ng pabiro. Nasalo niya ito, kaya't imbes na sa balikat ay sa kamay niya tumama ang kamay ko.
"Am I forgiven?" Nangingiting tanong niya. Bumilis ang tibok ng aking puso at pabiro siyang inirapan.
"Fine. Forgiven." Kunwari'y napipilitang sagot ko at parehas na kaming lumabas sa kurtina ng marinig naming tinawag na ang aming mga pangalan ng emcee.
Hinawakan niya ang aking kamay, kaya't napalingon ako sa kanya. "We can do this." He mouthed as he smiled. Ngumiti din ako at parehas na kaming umupo. Parehas na may nakatutok na mic sa aming mga bibig.
He started playing the song that we both love to sing. He started playing the piano as I smiled genuinely to the judges. This is the first time we will sing this song in the competition.
‘ There goes my heart beating
'Cause you are the reason
I'm losing my sleep
Please come back now. ’
Nakapikit na kanta ni Helios. Gosh! I want to pinched that cheeks of him! Madaming naghiyawan dahil sa ganda ng kanyang tinig. Gwapo na nga kasi maganda pa ang boses! Oha! Sa'n ka pa? Naka-ngiting pinagmamasdan ko lang siya.
‘ There goes my mind racing
And you are the reason
That I'm still breathing
I'm hopeless now. ’
Naipikit ko na din ang aking mata ng ako naman ang kumanta. Nagkatinginan kaming dalawa, habang patuloy pa din siya sa pagtipa ng bawat nota sa piano.
‘ I'd climb every mountain
And swim every ocean
Just to be with you
And fix what I've broken
Oh, cause I need you to see
That you are the reason. ’
Nakatingin lang kami sa isa't isa ng kantahin namin ang chorus. Parehas pa kaming nakangiti na 'tila kilig na kilig sa isa't isa. At halos sumabog ang eardrums ko ng halos magwala na sa kakasigaw ang mga tao! Jusme! Ano kami love team?!
_
Inilapag ko na sa lamesa ang malamig na tubig na aking ininuman ng bigla itong kuhanin ni Helios at ininom din. Adik!
Napa-iling ako sa ginawa niya. Kahit kailan talaga, walang siyang ka-arte-arte sa katawan! Gosh!
"Oy, kayong dalawa, malapit ng i-announce 'yong winners. Pumunta na kayo 'don." Utos ni Kuya Shanelle sa amin. Ngumiti ako at tumango. "Halika na!" Aya ko at hinila siya.
Magkahawak-kamay kaming tumayo sa stage. Habang kabado kong pinagmamasdan ang lahat ng taong nagtungo sa contest na ito. Ilang beses akong lumunok habang binabanggit ang mga runner-up.
"Calm down, My," Bulong niya sa akin. At mas hinigpitan ang kapit sa aking kamay. Nilingon ko siya at ngumiti. "I will, Dy."
"And the winner is..." Pabiting anas ng emcee. Lumunok ako at humigpit ang hawak ko sa kamay ni Helios. Gosh! Kuya, i-announce mo na! Ano ba?!
"Miss Acantha Sonorous and Mr. Helios Chevalier! Congratulations!" Nakangiting anunsiyo ng emcee at tumingin sa amin. My mouth went dry and look at him who is now smiling widely at me. I can't believe it! Oh gosh!
We won?
"We won, My!" Natatawang sabi niya at binuhat ako at nagtatalon sa tuwa. Natatawang niyakap ko din siya. Oh my God! Is this real life now?!
"Miss Via Croatia and Mr. Zeke Von, please give them the awards. Thank you." Ani ng emcee, kaya't agad niya akong ibinaba at nagyakap kaming muli. "I love you, best friend!" Bulong ko sa tainga ni Helios.
Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo. Dahil doon ay nagsigawan lalo ang mga tao. Lahat ata sila ay kinikilig. Rinig na rinig ko din ang boses ni Mama na nagtititili.
"I love you too, best friend." Sagot niya sa akin, bago namin tinanggap ang aming mga awards.
━━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━━
Story Genre ; Teen Fiction
Date | Time Written ; 27th of August 2018, 8:31 PM
Note ; Heto kase Fan Service siya. Which means, na ang writer at ang reader ang siyang bida sa story. In-edit ko na lang para mas madama ang scenes. And one more thing, this is an activity on one of my current family. Yes, hindi lang poem ang activity sa bawat fam. Madaming sangay ang dapat mong pag-aralan hahaha
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com