Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Heart 10: Hate

"Love is simply equal to death itself..."


AVERY


Dalawang araw na ang nakalipas sa aming paglalakbay. It's already nightfall. We have to take shelter. Bukas, mararating na namin ang kabundukan. Tiyak na mas mahihirapan akong gumalaw lalo na't wala akong nakikita. The trees will be all over me. I'm glad the stick is a bit helpful for checking and clearing my path.


They're preparing our tents and foods. I frowned because I can't even help them. Mas pinili ko na lang munang lumayo sa kanila at tumayo sa 'di kalayuan sa tulong ni Ayen. Iniwan din niya ako nang masiguradong kumportable na ako. I felt worthless but I don't want to let myself think that I will just get in the way. I will not let this negative thoughts eat me up.


Hinayaan ko na lang dumampi ang mabining hangin sa aking katawan. The cool breeze calmed me a bit. Hinawakan ko nang mahigpit ang kahoy na hawak ko. I traced it from its tip and every edges. It has the shape of a sword. The only difference is that it doesn't have a hilt and it has a dull edge.


Dinadala ng hangin ang mahaba kong buhok. I wonder how I look like now. I couldn't even check myself in the mirror. I don't even have any proper baths. Ayen is assisting me though. Well, it's not the time to worry about appearance. I have to worry about my sight. Wala pa ring pagbabago. Wala akong nararamdamang pagbabago.


Gumapang ang takot sa aking kalamnan. Paano na ako kung hindi na talaga bumalik ang paningin ko? Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. Hindi ko maiwasan ang mga ganitong negatibong pag-iisip lalo na't puro kadiliman lang ang nakikita ko.


Napapagod na bumuntong-hininga ako. Hindi ako maaaring sumuko at mawalan ng pag-asa.


My neck is too stiff. I moved it to my left and right. I moved it in a circular motion, clockwise and counter-clockwise. I could hear the cracking of my bones. I closed my eyes and held my sword stick with two hands. I rested it in front of me as I focused on my surroundings.


I focused on the sound of the wind and the sand as they danced around me. I started my sword dance. I moved and slashed the wind and the sand. I imagined them as if they are trying to attack me and slip through my defenses. I slashed both of them without reservation and mercy. Slowly, their shadows started to materialize in front of me. I've been slashing and swinging my sword with accuracy and grace.


I already get used of the sound and somehow, my surroundings.


I lost track of time. I suddenly felt that I was lost in my own world. I pretended that this whole world is mine. Saka ko lang napansin ang mabigat kong paghinga nang maramdaman ang tumatagaktak kong pawis sa noo. And I could feel someone approaching my territory. He's walking towards my world.


And the scent is too familiar. Sinubukan kong magpanggap na hindi siya napapansin. I continued my sword dance. I continued the fight against the wind and the sand. Pinakikiramdaman ko siya. Naririnig ko ang tibok ng puso niya. Sa simula kalmado lang ito pero sa hindi ko mawaring dahilan ay unti-unti itong bumilis.


I could guess that he stopped walking. He stood still and froze. I could feel his gaze upon me. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero naririnig ko ang paghinga niya at ang pagtibok ng puso niya. Alam kong wala siyang balak na masama dahil sa naririnig ko mula sa kanya. His body betrayed him too much.


Dati, hindi ko pinagtutuunan ng pansin ang mga ganitong munting bagay pero ngayon, natutuwa ako na napapansin ko na. The beating of his heart is like music to my ear but I still hate him. I still want to hate him and hurt him. Hindi ko pa rin malilimutan ang mga bagay na sinabi niya sa 'kin.


Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy sa paglalakad at paglapit sa 'kin. Patuloy lang akong nagpapanggap. Tinalikuran ko siya. Ipinagpatuloy ko ang paglalaro sa espadang gawa sa kahoy. When he's almost near. "Ave--"


I cut his words off and lunged for him. I bent my knees and give him a low cut in front. He gasped for air. Hindi niya inaasahan na aatakihin ko siya pero naramdaman ko na nakaiwas siya.


I moved another step forward. I twisted my body and give him another strike to his right side. It's nice to know that I could still move my body smoothly without my eyesight. Bumangga ang espada ko sa espada niya. It seemed that his sword was still sheathed. Kung nagkataon na ginamit niya ang talim ng espada niya, tiyak na nahati na sa gitna ang kahoy na hawak ko.


Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa antisipasyon. I want to fight him until I'm satisfied. Until I am able to hurt him but still forgive him in the end.


I twisted my body once more and moved towards his back. I let out another slash but he's fast and he could see my every move. Mabilis niyang naiwasan ang atake ko. I'm at a disadvantage. I was amazed that I could make up his shadow and figure even if I'm already blinded. Even when I'm already lost in the dark.


Nakikita ko ang hugis ng katawan niya sa harapan ko. It was like a shadow. Without a face and anything. I noticed the blue and black light that traced every edge of his body that made up his shadow. He's no longer invisible to me unlike before.


"Ano'ng kailangan mo?" mahinang tanong ko.


Kapansin-pansin ang saglit na pananahimik niya. "The food is ready," tanging sambit lang niya.


"Nasaan si Damon?" tanong ko sa kanya. "I'll eat with him. You don't have to come."


Hindi siya nagsalita pero naghihintay ako. Naghihintay ako pero wala siyang sinabi. Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kahoy na espada ko. He's really a jerk.


Makalipas ang ilang minutong katahimikan, sumagot na siya. "Kung ganu'n, tatawagin ko siya."


Nagsimula na siyang maglakad palayo. Naglalaho na rin ang anino niya. Nawawala na ang aura niya. Natatakot ako na tuluyan siyang mawala. Nagngingitngit ako dahil sa pagbalewala niya sa 'kin. "Fight me," mariing wika ko sa kanya.


"Hindi ako pumunta rito para labanan ka," mariing sagot naman ni Zirrius.


"Wala akong pakialam sa dahilan kung bakit ka nagpunta rito. Right now, I want to beat you until I'm satisfied," naiinis na sagot ko sa kanya. "Fight me," pinal ang tinig na sambit ko. "O natatakot ka ba?" naghahamon na tanong ko sa kanya.


"Alam mong dehado ka. Hindi ako natatakot na matalo. Natatakot akong saktan ka," mabigat na sagot niya.


Pagak akong tumawa dahil sa sinabi niya. "Nasaktan mo na ako. At sisiguraduhin kong hindi mo na ako masasaktan ulit. I don't believe in our bond anymore. It's a fraud. It's a fake. I have the right to choose who I want to love and I won't choose you," mariing asik ko sa kanya.


Bumibigat ang dibdib ko sa bawat salitang binibitawan ko dahil alam kong kasinungalingan lang lahat ng 'yon. Alam kong hindi ko matatakasan ang malalim na koneksiyon namin. My soul will forever belong to him even if I will not choose him. Even if I marry another man, he will forever be my mate, even if I meet death itself.


Nahihirapang huminga si Zirrius. "That's... that's better," mahinang wika niya. "But I still can't--"


Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. He's really a jerk! Hindi ko alam kung nagiging mabait lang ba talaga siya o naaawa siya sa 'kin. Ayaw kong kinaaawaan ako! He really makes me feel small!


It's a shame that his words can hurt and affect me like this.


"Damn you!" sigaw ko sa kanya. I focused my gaze on his fading shadow. I can't let his shadow go. I dashed to attack him. Hindi ko na rin alam kung paano ko nagawang makalapit sa kanya. I was slashing and slicing the air, My hands are too fast and too accurate that some blows hit his shoulders and sides.


He was taken aback at first. Pero nang makahuma, nagsimula na siyang gumalaw upang umiwas. Ginamit niya ang espada niya upang pigilan ang mga atake ko. I was kicking and punching and slashing. I could hear our ragged breathing. I want to beat the hell out of him. He's too cocky. Pakiramdam niya, napakaimportante niya.


He was just nothing! He should be nothing! I must ignore him! But I don't know why I can't! Damn this man! Damn this life!


Maybe I was hitting him without any directions at all. He managed to catch my left hand. He held my wrist too tight and pulled me closer. Hawak ko sa kanang kamay ang kahoy na espada. I was about to hit him but he cut me off. Tinabig niya ang kanang kamay ko dahilan upang mabitawan ko ang espada ko.


I tried to punch his face but he caught my right hand. He pulled me even closer. "Stop!" mariing utos niya sa 'kin. Tumatama ang mainit na hininga niya sa noo ko. Tinangka kong hilahin ang mga kamay ko mula sa kanya pero hindi niya ako pinakawalan. "Damn! Just stop!"


Nararamdaman ko ang bigat at paghihirap sa tinig niya. Hinihingal siya. "Kung talagang gusto mo akong labanan, sige lang. Pero maglalaban tayo kapag nakakakita ka na. Kapag hindi ka na nabubulag sa galit mo," paos na wika niya.


Hinihingal ako at ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Nanlalambot ang mga bisig at kamay ko. I couldn't even move to hit him though I badly want to hit him.


Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa noo ko. Ramdam ko na tila sumusuko na siya. "Ano'ng makukuha ko kapag nilabanan kita? Kapag nanalo ako?" mahinang tanong niya sa 'kin. Natigilan ako dahil ramdam ko na handa na siyang labanan ako kung magugustuhan niya ang isasagot ko.


Saglit akong natahimik. "Ano'ng gusto mo?" mahinang tanong ko sa kanya.


Mas lalong bumigat ang paghinga niya. Narinig ko ang bahagyang pagtalon ng puso niya. I'm a bit guilty for hearing it. I don't know why. "I can't ask for it. I don't have the right to ask for it," mahinang sagot lang niya. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa dalawang kamay ko pero hindi niya ako tuluyang binitawan. Hinihintay niya na ako ang bumawi sa kamay ko pero hindi ko ginawa.


"Ano'ng gusto mo?" muling tanong ko sa kanya.


Hindi ko man makita, naramdaman ko ang pag-iling niya. "Forget it," matipid na sagot niya.


Akmang bibitawan na niya ako pero ako naman ngayon ang humawak ng mahigpit sa pulsuhan niya. I feel like I would almost crush his bones but fortunately, his muscles and bones are too strong.


"Tell me," mariing sambit ko. My voice is demanding for an answer. I won't accept his silence anymore.


"Will you give it to me?" tanong niya. May hamon sa tinig niya.


Nakagat ko ang labi ko. "Is it something I can give?"


Bumuntong-hininga si Zirrius. "Nagdadalawang-isip ka pero tinatanong mo kung ano ang gusto ko. If you really want a fight, ask me anytime. If I win, I will ask for my prize later. Don't worry. It is something only you can give," he said. "Or shall I train you first for your advantage?"


Napaawang ang labi ko. It seems dangerous to me. Pero mukhang mas mabuti kung sanayin niya ako para malaman ko ang kahinaan niya. Alam kong madaya pero kailangan ko para masigurado ang pagkapanalo. "Fine. Train me," nakasimangot na sambit ko.


Hindi ko nakikita ang mukha niya kaya hindi ko mawari ang reaksiyon. Maybe he smiled? Maybe he frowned? Hindi ko alam.


Napasinghap ako nang muli niya akong hawakan at hilahin. Wala akong nagawa kundi ang sundan siya at maglakad. His hands are warm and gentle. "Let's eat. Now," he said.


Sumimangot ako pero hinayaan ko na lang na hilahin niya ako. Siguro kailangan ko pang magsanay para masigurado kong matatalo ko siya.


"I'm sorry," he whispered. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. "I know I hurt you but please don't hate me," nag-aalangang sambit niya. "I have my reasons."


"You have your reasons. I have mine. Once hate is gone, I have to deal with pain. I can't afford that pain, Zirrius," mariing sagot ko. "And even if I endure the pain, there will be scars."


"But hate is blinding..." mahinang sambit niya.


"Then I choose blindness rather than an open wound," pinal na sagot ko sa kanya. I don't want to see him without hate. I will surely look at him differently. And what is the opposite of hate? It scares me.


"Blindness is not a better choice. You will still get hurt. You'll trip in the darkness. You can't avoid the pain and the scars."


Hindi na ako nakapagsalita pa dahil binitawan na niya ang kamay ko. Lumapit sa 'kin si shin. Hinawakan niya ang laylayan ng damit ko. I could smell him and when I focused on my side. I could see his silhouette as it materialized. Blue hot flames traced every edge of his body.


"You lose your sword." Narinig kong komento ni Shin. Muntik na akong mapamura. I felt like someone punched me in my gut. I was about to run and look for it, even though I'm not sure how, but then, someone held my hand and something in my palm. His hands are warm.


Agad kong dinama ang ibinigay niya upang masigurado na ito nga ang kahoy na espada ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makumpirma ang hinala ko.


"Don't lose it again," seryosong saad ni Damon.


Matipid akong ngumiti. "Akala ko nawala na. Salamat, Damon. Maaasahan ka talaga," mahinang wika ko at mahigpit na hinawakan ang espada.


"Kung ako ang nakakuha ng espada, hindi ko na ibabalik sa 'yo," komento naman ni Shin.


Because I could see the blue aura surrounding his body, I could clearly guess where his cheeks are. I pinched him without thinking. I heard him hiss with annoyance. Siguradong nakasimangot siya ngayon. "Mas magiging maingat na ako."


Napansin ko ang katahimikan na saglit na namagitan sa 'min. "How are you able to pinch my cheeks? You can't see anything, right?" nagtatakang tanong ni Shin.


I smiled. Hindi ko muna sasabihin sa kanila ang mga nakikita ko. "I just guessed with your height," sagot ko.


Tahimik lang sila at hindi na nagsalita pa. Matapos kumain, hinila ko agad si Kendrick upang magsanay. Mas mabilis na ang mga kilos ko dahil nakikita ko na ang posisyon niya. Bawat pagtama ng espada ko sa espada niya ay may kabigatan. Sapat na ito upang mapaurong siya. Sapat na ito upang iparating sa kanya na hindi dapat niya ako minamaliit. I was moving faster and faster.


Ang problema lang, hindi ko nakikita ang espadang gamit niya kaya madalas pa rin akong natatamaan nito. Kahit naririnig ko ang hangin na nagmumula sa bawat paghaging ng espada niya, hindi pa ito sapat upang makaiwas ako. I was reacting slowly with his sword. I need to concentrate more and more.


Mabuti na lang, walang kahit anong balakid sa paligid kaya diretso akong nakakasugod kay Kendrick. If there are trees and obstacles, I won't be able to move and attack him with confidence. I silently gritted my teeth. My skills are not really enough yet. Hindi magiging ganito ang sitwasyon kapag nasa Sumeria na kami. I can't be satisfied with just this.


Tumama ang espada ni Kendrick sa tagiliran ko. He was moving faster than before. I kicked his side but I hit nothing. Nakapunta na agad siya sa likod ko. Agad ko siyang hinarap pero muling tumama ang espada niya sa tiyan ko. He's controlling his blows. Magaan lang ang bawat pagtama ng espada niya sa 'kin. I could see the light green aura tracing his body but it's not enough to accurately hit him.


Halos isang oras na kaming nagsasanay nang walang pahinga. Hinihingal na rin ako at nararamdaman ko na ang pawis na tumatagaktak sa noo ko pababa sa pisngi ko hanggang sa leeg ko. I managed to hit him for quiet some times though.


"Magpahinga muna tayo," suhestiyon ni Kendrick. "You are improving quickly than I expected. You're faster and more flexible now. I wonder how you can do that. Maybe, your elf's senses are really that good," seryosong saad niya. That's only because I could see his aura. I felt like cheating.


"I can still continue," I stubbornly said.


"Pagod ka na," seryosong sambit ni Kendrick. "Alam kong gusto mong makatulong at mas maging magaling pero hindi mo dapat pinapabayaan ang katawan mo. Siguradong hindi ka rin nakakatulog nang maayos sa paglalakbay. Kapag bumagsak ang katawan mo, mas mahihirapan ka."


"It's rare for an elf to be ill," sagot ko sa kanya.


"Kung ganu'n, ikaw ang una kapag hindi ka pa tumigil ngayon," makahulugang wika niya. "You've been training nonstop. Kahit sa madaling araw."


Sumimangot ako. He knows. Maybe everyone knows that I can't get any proper sleep that's why I ended up training by myself at dawn. When I became blind, I became less conscious of time and it didn't put me at ease. I became more restless. "Magpahinga ka na kung pagod ka na," sagot ko na lang. Tinalikuran ko siya at naglakad palayo pero wala pa rin akong balak tumigil. Pumunta ako sa mas tahimik na bahagi. Pinakiramdaman ko ang paligid ko. I started my sword dance. I fought with the shadow I made up inside my mind.


"Hindi mo pa rin sinunod si Kendrick," seryosong saad ng tinig mula sa likod ko. Hindi ko napansin ang paglapit ni Zirrius.


"Kung gusto mo akong patigilin sa pagsasanay, bumalik ka na lang sa tent mo. Wala akong balak tumigil," mariing saad ko.


"Wala akong balak na patigilin ka. I came here to train you," sagot niya.


Natigilan ako kaya hinarap ko siya. I could see the dark blue light he's emitting. "It's unlike you to initiate the training."


"I don't want to feel guilty when I beat you someday," he said.


"As if you can," nakasimangot na sambit ko. Hindi ko talaga inaasahan na siya ang unang lalapit sa 'kin. Pakiramdam ko, mas nalalagay sa panganib ang puso ko. "Fine. Let's start our training, Master," mapang-asar na wika ko.


Hindi ko alam kung ngumiti siya o sumimangot. I just charged straight without hesitation.


~~~


I could smell the fresh air coming from the light air breeze. Naririnig ko rin ang paglagaslas ng tubig mula sa isang ilog at ang maging ang dahon ng mga puno na sumasayaw sa hangin. Another day had passed. Nakarating na kami sa kabundukan.


"Hindi ka masyadong makakagalaw rito," mahinang wika ni Damon. "Be careful or you'll trip." Nakasakay ako sa kabayo niya.


"I'll be fine. Sinabi ni Shin na gagawin niya ang ritwal bukas ng gabi. Sa tingin mo ba, handa na siya?" may pag-aalalang tanong ko kay Damon. "Hindi ko na nababantayan ang mga kilos niya." Right now, Shin flew to scout the whole mountain.


"Hindi ako sigurado pero palagi siyang umaalis. Siguro kinokondisyon na niya ang sarili. I bet he's secretly practicing the ritual," saad ni Damon. "Dalawang araw na lang, makakarating na tayo sa Sumeria. Wala pa rin bang pagbabago sa paningin mo?" Nahimigan ko ang pag-aalala sa tinig niya.


Umiling ako. Pero sa oras na ito, nakikita ko na rin ang mga aura na nagmumula sa mga puno at halaman. They're alive after all. They have their own magic. Green and brown.


Mula naman sa kalangitan, nakikita ko rin ang asul na liwanag na nagmumula sa mga ibon. Minsan, pinipilit kong aninagin ang totoo nilang anyo pero hindi ko pa rin sila lubusang makita. Siguro, hindi pa ganu'n katindi ang konsentrasyon ko.


"Kinakabahan ako sa maaaring mangyari sa 'yo sa Sumeria. Paano kung may mangyari sa 'yong masama habang wala kami sa paligid?" mariing tanong ni Damon. I'm sure he was gritting his teeth and he had this frustrated look on his face.


"Don't think ahead of time," seryosong saad ko. "I'll regain my eyesight before something bad happens."


Mabigat na bumuntong-hininga si Damon. I could feel his hot breath on my hair. "Poprotektahan kita kahit ano'ng mangyari. Kahit ikamatay ko pa," seryosong pahayag niya.


Bumigat ang kalooban ko. "Palagi mong sinasabi 'yan. I hate how it sounds. It's as if you're leaving soon. As if you'll die so soon. Mas gugustuhin kong mabuhay ka kaysa iligtas ako."


"Kung may mangyaring masama sa 'yo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. It's not like I'm preparing to die. Gusto ko lang malaman mo na ako ang pumili ng landas na tatahakin ko. You don't have to feel guilty if something bad happens to me. You don't have to mourn my death," mabigat na saad ni Damon.


"I won't be able to forgive myself too. You must promise me. You have to survive no matter what. Don't throw away your life just because of me. Exether needs you," mabigat na wika ko.


"Kung mawala ako, hindi mo naman pababayaan ang Exether, hindi ba?" tanong niya sa 'kin. Mariin kong ikinuyom ang kamao ko. I bit my lower lip. He's being unfair.


"You're the only heir of Exether. The only King. You don't have any successor yet."


"AH! So it's okay to die when I already have a successor?" He teased. "Why not give me a successor, Avery?" He sweetly whispered in my ears. I blushed and he chuckled with amusement. Agad ko siyang siniko sa tiyan. Mas lalo lang siyang tumawa kaya sumimangot ako.


Ilang segundo lang ay sumeryoso na siya. "Fine. I promise I'll do my best to survive. But if I'm really fated to die, then I can't do anything about it," pinal na wika niya. Sumimangot ako. Hindi ko na gustong pahabain ang usapan namin tungkol dito kaya tumahimik na lang ako.


~~~


Gabi na nang tumigil kami. Wala kaming nakitang malawak na parang o kapatagan kaya pinili na lang naming tumigil sa kapatagan.


Naglakad ako gamit ang espada ko na ginawa kong tungkod. I could see the trees and plants shapes but it's not enough for me to wander around freely.


"Saan ka pupunta?" tanong ni Damon.


"Magsasanay lang ako. Hindi ako lalayo," sagot ko.


"I'll go with you," seryosong singit naman ni Zirrius.


Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil sa pagboboluntaryo niya. Somehow, he was ruining my focus. Hindi man niya sinasadya, napapansin ko ang lahat sa kanya. His manly scent, his moves and hoarse voice.


"Sige," sagot ko na lang.


Dumiretso na ako sa paglalakad. Maiingat ang bawat hakbang ko. Sinisigurado kong walang balakid sa daan ko. Hindi ako tinulungan ni Zirrius pero sinisigurado niya na nasa likod ko lang siya. Hindi siya nagsasalita kaya naiilang ako. Pinipigilan ko ang malakas na pagtibok ng puso ko at pilit na kinokontrol ito. I can't let him hear it.


Pilit ko siyang iwinawaksi sa isipan ko para hindi ako kabahan. Lately, I noticed that he was voluntarily offering help. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya o kung bakit niya ginagawa ito. Hindi ba iniiwasan niya ako?


Tumigil ako sa isang lugar kung saan napapaligidan kami ng mga puno.


"Do you need a training partner?" tanong niya.


Umiling ako. "Just sit there," sagot ko. Itinuro ko ang isang malaking puno sa 'di kalayuan. Hindi siya nagsalita pero sinunod niya ako. I could see his silhouette approaching the tree. He sat down on its roots. I'm sure he's watching me.


Nararamdaman ko rin na marami siyang katanungan sa isip niya pero hindi niya ito isinatinig. Maybe, he was wondering how I can accurately finger point that tree.


Marahan akong napailing. It's not the time to get distracted. I focused on the trees and some plants that surrounds me. I focused on my surroundings. Gladly, I can see their silhouettes.


Hinawakan ko nang mahigpit ang espadang hawak ko. I leveled the sword in front of me. I glide without hesitation. I tried my best to be mindful of the obstacles that surrounds me. I moved and hit the tree trunk lightly with my wooden sword. As much as possible, I don't want to hurt the trees. Sometimes, I would give it a quick light kick, too light to not hurt myself. I twisted my body to get behind it and hit it once again. I run quickly to the other trees and do the same thing.


Sobrang bilis ng kilos ko at nawala na sa isip ko na nanonood si Zirrius. I was doing this for about an hour. I was so focused not to trip on some of the trees' roots and small plants. I was moving around pretending that I could see everything clearly.


But I gasped for air when I tripped on to something. I couldn't see its silhouette. Pero nahuhulaan ko kung saan tumama ang isang paa ko. It's a rock. Babagsak na ako sa lupa pero natigilan ako nang may sumalo sa 'kin. I knew the scent came from Zirrius.


"You're doing well for someone who's blind," he commented. Inalalayan niya akong tumayo nang maayos. I bet my face was as red as tomato. I hate it when he could see my flustered face but I couldn't even see his expression. Agad ko siyang tinalikuran.


"Bumalik na tayo," mahinang wika ko. Naglakad na ako palayo pero maingat pa rin ako sa paglalakad. I don't want to trip for the second time around. I don't want him to save me twice.


***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com