Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Heart 16: Deal

"Some pieces of the puzzle are already found and discovered..."


AVERY


Savanna and Damon teamed up to look for the book that contain information about the black crescent moon mark. Maybe they can finally find a way to negate that kind of spell. Mabuti na lang may mga kakilalang skolar si Savanna na maaaring makatulong sa 'min.


I was left with Zirrius to check the underground tunnel and passages that will easily lead to the castle. We will also wander inside the town of Sumeria, Aeria, to check possible routes we can safely take.


Shin, Ayen and Kendrick will check possible threats and will become our ears to the latest news and plans of the King. Shin and Ayen can easily transform and Kendrick will perform some tasks when night falls.


"Hindi ninyo kailangang isipin si Roj. Lalapit siya kapag kailangan niya ng tulong. Sa ngayon, gawin na muna natin ang lahat upang kumalap ng mga impormasyon. We will operate indepently," sabi ni Savanna. Nakapagpahinga na kami at nakakain na rin. It's already afternoon and we are ready to work now.


Lumabas na kami ni Zirrius at nagsimulang mag-ikot sa loob ng siyudad. Nakaiilang na katahimikan ang bumalot sa pagitan namin. He was wearing his black hood and his hands were tucked inside his pockets. Hindi siya nakatingin sa 'kin kaya malaya ko siyang pinagmamasdan. Medyo nahuhuli rin ako sa paglalakad.


Sa lugar ng Aeria, mapapansin na normal na lang ang pamumuhay nila. May nagtitinda sa gilid ng kalsada. Walang nagtatangkang gumamit ng mahika. People are dressed elegantly except for merchants and dealers. Mayaman sa lugar ng Aeria at ito ang kabisera ng buong Sumeria. Halos lahat ay abala sa kani-kanilang buhay. Tinanggap na nila na hindi na sila maaaring gumamit ng mahika.


May ilang kawal na nag-iikot. Hindi sila ganu'n kahigpit sa lugar na ito. Sa bawat nililikuan naming kalye, makikita ang naggagandahang tirahan at bahay ng mga Sumerians. Mula rito, tanaw na tanaw namin ang magarbong palasyo ng Sumeria. Ano kaya ang ginagawa ngayon ni Haring Sean?


We noted all the manholes and passages that we saw, Kapag sumapit na ang gabi, saka kami kikilos upang pasukin ang mga ito. Naglakad pa kami sa dulong bahagi kung saan makikita ang dulo ng sewer at drainage. It was guarded by metals aligned vertically.


"I think this is enough. Tonight, let's check the sewer and tunnels," sabi ni Zirrius nang tumingin siya sa 'kin.


Marahan akong tumango. "Can we can the magic circle?"


Saglit siyang nag-isip. "From afar. It's guarded. We can't afford to be seen. Tiyak na maghihinala sila sa 'tin," sabi ni Zirrius. "Mas mahihirapan tayong gumalaw kapag nakarating kay Seth na nandito ako."


Tumango ako at nagsimula ng maglakad. Habang papalapit kami nang papalapit sa kinaroroonan ng magic circle, padami nang padami ang mga kawal na nagbabantay sa lugar. Dumaan kami sa kagubatan at inakyat ang isang puno. Zirrius followed my lead. Umupo ako sa isang sanga kung saan tanaw na tanaw ko na ang parte ng dark magic circle. From here I could see what it is really made of. There are traces of magic where it came from. Residual of black and red energies.


"Black and red," wala sa sariling sabi ko. Kumunot ang noo ko at tumingala kay Zirrius. His hood is now lowered. He was standing. Nakasandal ang likod niya sa puno habang nakatingin sa 'kin.


"Black and red?" tanong niya sa 'kin.


"Remember the night you and the rulers from other kingdoms are betrayed? The motif is Black and Red," paalala ko sa kanya. "Mukhang nasa Alveria nga si Seth. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba o baka talagang alam niya ang kulay ng sarili niyang kapangyarihan. Hindi ko alam kung dapat ba tayong maalerto. There's a possibility that he can also trace our magic."


Sumeryoso si Zirrius. "Sa tingin ko, hindi niya iiwan ang Alveria para lang hanapin tayo. He's busy dealing with Hysteria. Kapag tapos na siya sa Hysteria, sisimulan na niya ang pagbuo sa magic circle. Hindi na niya maiisipan pang hanapin tayo. Yun ay kung hindi natin siya papakialaman," sabi niya.


Tama siya. Hindi kami papakialaman ni Seth kung hindi kami gagawa ng dahilan upang gawin niya iyon. Napuno ng pag-aalala ang mukha ko. Paano kung tuluyan na niyang masakop ang Hysteria? Hindi na talaga kami maaaring magtagal pa rito.


Muli kong tiningnan ang dark magic circle na binuo ni Seth. Dahil lumulubog na ang araw, tila nagkukulay dugo na ang magic circle. I can't believe he can hold such great power this long. Hindi ba siya nanghihina? If he's maintaining this magic circle all alone maybe he's fucking tired now.


Pero mas lalong namutla ang mukha ko dahil sa naalala. What if he's using another powerful source of magic? What if he's using the medallionto maintain this dark magic circle? Darn! What if he can actually move from one location to another? Paano kung mali ang sinabi ni Queen Veana na hindi makakaalis si Seth sa sentro ng magic circle dahil siya ang pinagmumulan ng mahika nito?


"Sa tingin ko, maaaring umalis si Seth sa Alveria anumang oras. I bet he's using the power of the medallion. He can't hold this huge magic circle on his own!" bulalas ko.


"He can come to us, anytime," sabi ko pa. "Queen Veana told us that only someone who's powerful can erase or reverse this kind of magic. We really need the pendant back."


Medyo nagkakaroon na ng linaw ang lahat. Nang tumingin ako kay Zirrius, tumango siya sa 'tin. "We'll get it back. Sa ngayon, ito na muna ang pagtutuunan natin ng pansin. Kung matatanggal natin ang black crescent moon kay Haring Sean, tiyak na makakatulong siya upang sirain ang magic circle sa Sumeria. Maybe everyone in this kingdom can help," paliwanag niya. I smiled. At least our plan is not that bad. There's still hope.


Dumidilim na kaya tumalon na ako upang bumaba sa puno. Sumunod naman sa 'kin si Zirrius. Tiningnan ko siya nang sumabay siya sa 'kin sa paglalakad. The air between us lightens. Medyo nawala na ang pag-aalangan ko.


"How about our deal?" nakangising tanong ko sa kanya. Kumunot ang noo niya sa 'kin.


"Deal? About?" maang na tanong niya.


"'Yong deal natin kapag natalo kita?" paalala ko sa kanya.


Sumimangot siya. "Not counted," mariing sabi niya.


"Wow ha! Wala kang isang salita!" I said. I was trying to accuse him even though I cheated. I want to inject some guilt in this conversation just so I can get what I want.


He sighed with exasperation and looked at me with accusation. "Be fair," he said.


Mas lalong lumawak ang ngiti ko. "I'm already fair and... beautiful," pagbibiro ko sa kanya. He grimaced due to my statement.


"Aba! Mukhang balak mo pang umangal sa kadyosahan ko?" nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya. "Hindi ka pa nagagandahan sa 'kin? Wow! Buti natitiis mo ang alindog ko? Baby, bulag ka ba?" I even flipped my hair. Hindi ko alam kung matatawa ba siya sa sinabi ko o sisimangot. Mas pinili na lang niya ang matipid na pagngiti.


Medyo may kadiliman na sa kagubatan kaya bumagal ang paglalakad namin. Hindi na ganun kalinaw ang mga mata ko kaya nag-iingat ako sa mga nakausling ugat. Wala akong balak matalisod. Walang poise 'yon.


"What do you want from me, Trouble?" he asked.


"Ikaw," diretsong sagot ko. Muntik ko ng makagat ang dila ko. Nang tingnan ko siya tila naumid ang dila niya at nakataas ang kilay na tiningnan ako. "Ikaw... mukhang labag naman sa loob mo. Nagtatanong ka pa. Paasa ka rin 'no? Hindi ka naman yummy," sabi ko na lang upang pagtakpan ang pagkapahiya ko. Mabuti na lang madilim na kundi namula na ang mukha ko.


Unti-unti siyang ngumiti. "Hindi ba ako yummy?" pang-aasar na tanong niya sa 'kin.


"Nakita ko na lahat sa 'yo pero hindi ka talaga yummy! Kapal mo!" pang-aasar ko pabalik sa kanya.


Umiling naman si Zirrius. Hindi ko alam kung namumula rin ba siya dahil ipinaalala ko na minsan ding pumasok ang kaluluwa ko sa katawan niya. Pa-yummy kasi eh! Pakipot!


"Kung tatanggapin ko ang deal, anong ipagagawa mo sa 'kin? Ano'ng gusto mo?" tanong na lang niya. Iniba niya ang usapan. Hindi ko maiwasan ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong hihilingin ko mula sa kanya.


Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. The moon is glowing above us that made me see his face a little clearer. "Ibibigay mo ba?" naghahamong tanong ko.


"Sobrang bigat ba ng hihilingin mo?" tanong din niya sa 'kin. "Kaya ko bang ibigay?"


Umiling ako. "Hindi ko alam. Ikaw lang ang nakakaalam."


"Kung ganu'n, sabihin mo kung ano," mahinang sabi niya.


Lumunok ako. I heaved a deep breath. Pakiramdam ko nagkaroon ng bikig sa lalamunan ko dahil sa kaba. "Just a small taste of love. If this isn't possible, maybe friendship or respect will do," diretso sabi ko sa kanya. If I can't have him, I can settle for whatever he can offer.


"A small taste of love is toxic, Avery," seryoso at mabigat ang tinig niya.


"Love should be propitious not intoxicating," pagkontra ko sa sinabi niya.


"You know I've been burned before Avery," paalala niya sa 'kin. Si Liana na naman. Akala ko patay na siya sa alaala niya, hindi pa pala.


"I'm not the same fire, Zirrius," giit ko.


"I know. You're never the same fire. I hate to say this but you're burning brighter and fiercer. You're a more dangerous fire, Avery. Hindi pa man natin sinusubukan, nasusunog na ako," he said with painful frustration.


Natigilan ako sa sinabi niya. "In a bad way?" nahihirapang tanong ko sa kanya.


"Good and bad. It doesn't matter now," he said with finality. "I respect you. You don't have to wish for that. Friendship is the hardest to give though," he truthfully added.


I told myself not to be weak again. Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko. "Fine. I understand. I won't ask for anything because you won't give me anything right? Just forget it," sabi ko na lang. Tinalikuran ko na siya at nagpatuloy na ako sa paglalakad.


"We need to check the sewer and tunnels now." We have the blueprint of the sewer and tunnels given by Savanna. Nakuha niya ito mula sa isang kaibigan. We just need to check now if everything's clear. We need to plan our way to the castle properly. She's really a big help. Napatigil ako sa paglalakad nang mapansin ko na hindi sumusunod si Zirrius sa 'kin.


Nilingon ko siya. "Hoy, Zirrius! Ano na?" tawag ko sa kanya.


Nakatitig lang siya sa 'kin, na tila malalim na nag-iisip. I showed him my left wrist and pointed at it. "Time. We're wasting time, Zirrius."


Bumuntong-hininga siya at naglakad na patungo sa 'kin. Seryoso ang mukha habang nakatingin sa 'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay. He towered me. Wala sa sariling napatingala ako sa kanya.


"Problema mo?" tanong ko sa kanya. Natigilan ako nang yumuko siya para magtapat ang mga mukha namin. His hot breathe caressed my cheeks. Nahigit ko ang paghinga at napaawang ang labi ko.


"Pwede na ba ngayon?" he softly asked. Tila nabingi ako.


"Ha?" tanong ko. My body stiffens.


"That small taste of love?" he asked in a hoarse voice. His blue eyes are sparkling under the moonlight. He was looking at my lips as he gulped.


Umiling ako sa kabila ng pamumula ng mukha ko. "Nagugutom ako. Masakit na ang tiyan ko, Zirrius," wala sa sariling sabi ko. Literal na nagugutom ako at humahapdi na ang tiyan ko sa gutom. Holy crap! He let out a low laugh.


"Silly," he said. "Kumain muna tayo bago natin pasukin ang mga tunnels." Hinawakan niya ang pulsuhan ko at marahan akong hinila upang maglakad. He covered his face with his hood.


"Ay, wala na 'yong offer mo?" dismayadong tanong ko sa kanya.


"Tapos na, Trouble. Wala na," natatawang sabi niya.


"Wow! Hindi mo naman sinabi na limited offer lang pala 'yon, baby. Sana hindi na ako tumanggi, 'di ba?" pang-aasar ko sa kanya sa kabila ng walang tigil na pagkabog ng dibdib ko. "Pwede pa bang humabol? Wala bang extension?"


"Kapag sinabi mong yummy ako, edi sige, pag-isipan ko," sabi niya.


Sumimangot ako. Kapal talaga ng pagmumukha. Siya ba ang babae sa 'ming dalawa. "Sige. Pag-isipan ko rin 'yan. Baka mamaya, dampi lang pala yan. Paasa ka lang," sabi ko. Wala akong balak magpaloko. Kahit wala na akong lovelife, huwag lang akong mabitin.


Mahina siyang tumawa pero hindi na nagsalita. Hindi ko talaga mahulaan ang iniisip niya. Why would he do that? Baka naawa lang ang mokong na 'to sa 'kin! Naku! Hindi ko kailangan ng awa niya!


Dumiretso kami sa bayan upang kumain. Puno ng ilaw ang bayan ng Aeria at maging ang palasyo ay kumikinang sa liwanag ngayong gabi. Nagkakasiyahan na ang mga tao at may night market din. May mga nagbebenta pa rin ng alahas at mga magagarang tela at damit. May mga iba't ibang uri rin ng kristal at diyamante.


Ako na ang bumili ng pagkain at tubig dahil masyadong agaw-pansin si Zirrius. He just wait for me on a bench. Next time, babawian ko 'yang Zirrius na 'yan. Ako naman ang magpapa-yummy at magpapakipot.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com