Heart 2: Pure Scent
"We will endure..."
AVERY
Kahit umaga na, mapapansin na nababalot ang daungan ng Hysteria ng makakapal na hamog dahilan upang maging madilim ang buong paligid na kinaroroonan ng barko. The fog concealed the ship from human's eyesight. It's an intriguing magic. Gusto kong malaman kung sino ang gumawa ng ganitong mahika. Maybe the elf refugees.
Ginawa nila ito upang makalayo sa kapahamakan o siguro mas gusto nilang mamuhay kasama ang mga tao. Whatever their reasons, I don't think it concerns me. Maaari silang magdesisyon para sa sarili nila.
Nakahanda na sina Zirrius at Damon sa pagbaba sa barko. Seryosong nakatingin sila sa daungan. Kahit natatakpan ng hood ang mga mukha namin, mararamdaman pa rin ang tensiyon habang papalapit kami nang papalapit sa mundo ng mga tao. Sa tingin ko, hindi na talaga kami magkakaroon pa ng oras upang magpahinga, sakaling magsimula na ang paglalakbay namin patungo sa Alveria.
Sa ngayon, wala pang kasiguraduhan ang paglalakbay namin pero sana may nakalap na kapaki-pakinabang na impormasyon si Kendrick at Shin habang wala kami.
Isinukbit ko nang maayos sa likod ko ang bag na gawa sa balat ng hayop. Nauna na akong bumaba nang dumaong ang barkong sinasakyan namin. Tahimik silang sumunod sa 'kin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba 'yon pero nararamdaman ko ang tensiyong bumabalot sa pagitan nilang dalawa. They were acting civil but they can't hide the awkwardness and disgust for each other.
Hindi namin maaaring ipakita ang totoong anyo namin kaya kahit nagtataka ang mga tao sa suot naming cloak, wala kaming magawa. Kung gagamit kami ng ilusyon sa paglalakad sa bayan, tiyak na mapapagod lang kami at mauubos sa walang kabuluhan ang mga lakas namin.
Natigilan kami nang may ilang kawal na humarang sa daraanan namin. They checked our bags and told us to lower down our hoods. They were strict with their securities.
Napakunot ang noo ko dahil napansin ko na mas maraming kawal ang nagbabantay sa bawat sulok ng Hysteria ngayon kaysa noong umalis kami. Pakiramdam ko tuloy, may nangyaring hindi maganda sa lugar na ito.
Nang pasimpleng tingnan ko ang mga kawal sa harapan namin, napansin kong naiinip na sila dahil sa mabagal na pagkilos namin. Bumuntong-hininga ako at dahan-dahan naming ibinaba ang mga hoods namin. Gumamit kami ng mahika upang gumawa ng ilusyon para magmukhang anyong tao. Ganun din ang ginawa nina Zirrius at Damon.
Nang masusi kaming tingnan ng mga kawal, wala silang kakaibang napansin sa 'min. Pero napansin ko ang kakaibang tingin sa 'kin ng mga kawal. Tila nahahalina sa 'kin pero hindi ko maintindihan kung bakit. Something's pulling them towards me. Tumigil lang sila nang mapansin ang masamang tingin sa kanila ng dalawang lalaking nasa tagiliran ko.
Zirrius and Damon wore dangerous faces, ready for a kill, that almost scared the guards. Napansin ko ang bahagyang panginginig ng tuhod ng mga kawal kahit mariin nilang hawak ang mga espada nila. Mabuti na lang hinayaan na nila kaming magpatuloy sa paglalakad at bahagyang tumango na lang sa 'min. Muli naming isinuot ang hood at nawalan ng bisa ang ilusyong ginawa namin.
Tahimik kaming naglakad sa bayan at tinahak ang daan pabalik sa Inn kung nasaan sina Kendrick at Shin. Tirik na tirik ang araw at kahit nababalot ng cloak ang buong katawan ko, nararamdaman ko pa rin ang bahagyang pagkapaso ng balat ko. Natutuyo nang wala sa oras ang lalamunan ko. Malakas ang hangin na nagiging dahilan upang lipadin ang mga alikabok patungo sa kinaroroonan namin.
May mga nagkakasiyahan pa rin sa daan katulad noong unang dumating kami rito. Gumagamit pa rin sila ng mahika pero mangilan-ngilan na lang. Napansin ko na mas maraming kawal ang naglilibot sa bawat kalye at eskinita ng Hysteria kaysa sa mga taong nangangalakal at namamasyal sa lugar. The spirit on this place was a bit gloomy and different from before. As if the place were on high alert and this made me nervous. I wondered what happen. Maybe Shin knows.
Kinabahan ako nang maalala ko si Shin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang lahat sa kanya. Saan ba ako magsisimula? How can I even comfort someone for their great loses? Do I even know how? I doubt it. I can't find the right words to say. I'm tongue-tied.
Nang sumulyap ako kay Damon, napansin ko na tahimik niyang pinag-aaralan ang mga anyo ng mga taong masayang nakikihalubilo sa iba, maging ang ilang taong maingay na nagtitinda at bumibili sa mga maliliit na bangketa sa daan. Napansin din niya na hindi ipinagbabawal ang mahika sa mga taong nakatira rito. Tanging ang mga dayo lamang ang hindi maaring gumamit ng mahika. Maging ang mga kawal na nag-iikot sa lugar upang mapanatili ang kaayusan ay pinagmamasdan niya.
Makikita sa kalangitan ang malalaking itim na ibon na nagsisiliparan. Gawa sa bato ang ilang mga tahanan at napapalibutan ng naggagandahang halaman na sa tingin ko ay tumubo gamit ang mahika. Sa ibang bahagi ng kaharian, may mga sirko rin na maaaring panoorin kung saan iba't ibang klase ng mahika ang itinatanghal pero napansin ko na hindi na ganu'n kadami ang manonood. Kahit makikita ang mga ngiti ng mga Hysterians sa kanilang mga labi, makikita pa rin ang pag-iingat sa mga kilos at galaw nila.
Samantala, Si Zirrius naman ay tahimik lang pero ramdam ko ang mabigat niyang dinadala. Alam ko, sinasarili niya ang problema. I'm not sure if he's overthinking or if he's just a deep thinker. Ngayong wala na ako sa loob ng katawan niya, hindi ko na alam ang iniisip niya. Sometimes, I hate the lines forming on his forehead, at the same time I can't help but to love it too.
I think I was falling too far and too deep and it's breaking my heart. He's breaking me even if he never intends to. He was shattering my soul without his awareness. I was breaking just by looking at him. I was aching for him. Nasa harap ko na ang gusto ko pero hindi ko man lang ito makuha. Wala akong karapatan upang angkinin siya. We're mates but we're more likely strangers.
Mabigat akong bumuntong-hininga nang wala sa sarili dahil sa bahagyang paninikip ng dibdib ko. Nagtaka ako sa ilang mga taong napapasulyap sa direksiyon namin. They were eyeing us with interests and curiosity. Siguro normal lang 'yon dahil sa mga suot namin.
Napansin ko na nasa harap na pala kami ng inn na ngayon ay pagmamay-ari na ni Shin. Napasinghap ako nang makita siya sa harap ng Inn na tila hinihintay talaga ang pagdating namin. Seryosong nagtama ang mga mata namin. His deep blue eyes was deep and silently mourning and lifeless.
Mukha siyang isang normal na bata na nasa anyong tao. He can change his form because he's a shape-shifter and I bet his skills are as better as Aivee's. His sleeveless shirt exposed the blue tattoos on his arms. The mark of an heir. A real king. And he's the youngest King in history. He's just twelve.
"Care to explain everthing now?" seryosong bungad niya sa 'min. Walang ngiting gumuhit sa mga labi niya. Ramdam ko ang tensiyon sa buong katawan niya. Sa tingin ko, hindi pa siya handa pero pilit niyang kinakaya. Wala naman kasi siyang magagawa kundi ang harapin na lang ang lahat.
Sa halip na sagutin ko agad ang tanong niya, nagtanong ako pabalik. "Paano mo nalamang darating kami?" mahinang usal ko nang tuluyan akong makalapit.
"I smelled you," he answered with a shrug. "Your scent is too sweet, too strong, too mesmerizing. Every elves will notice that you're a big shot. Not ordinary. You're drawing everyone's attention to you," he added. Nagtatakang tiningnan niya kaming tatlo. "These two guys didn't tell or warn you?" nakasimangot na tanong ni Shin sa 'kin. He was talking with seriousness. If he was not a child, I would think that he's already a grown up.
Napaawang ang mga labi nina Zirrius at Damon dahil sa sinabi ni Shin. They were not really aware.
"Sa tingin ko, hindi lang mga elves ang nakakapansin sa amoy mo. It was too strong that humans also noticed," seryosong saad pa ni Shin at bumaling ang paningin sa mga taong naglalakad sa daan at napapalingon sa 'min. Ngayon ko lang napagtanto na nahahalina nga sila sa amoy ko kaya nakukuha namin ang atensiyon nila.
"Kung hindi kayo maingat, tiyak na malalaman nila ang katotohanan sa pagkatao ninyo," nakasimangot na dagdag pa ni Shin. Napangiti ako dahil palagay ko hindi na talaga siya bata. He'll really become a great King, someday with his keen senses.
Muling dumako ang paningin niya sa 'kin. "Your scent is so pure like a freshly blooming flower. That means, it's not yet tampered by your mate's scent. It's a wonder why you haven't find your mate with that inviting scent," nagtatakang tanong pa niya sa 'kin.
Naramdaman ko ang tensiyong bumalot sa katawan ni Zirrius nang marinig ang sinabi ni Shin. Alam kong nagulat siya. He surely realized that he knew little about elves. Siguro akala niya normal lang ang lahat. Samantala, tahimik na kinagat ko naman ang aking labi. I haven't noticed that I emitted such scent because I was too occupied by my problems.
Nanliit naman ang mga mata ni Shin nang tumingin siya kay Damon. "You should have noticed this, Damon," saad ni Shin na tila pinapagalitan pa si Damon.
Mariing ikinuyom ni Damon ang kamao. "I thought I was the only one who was caught by her smell," natitigilang saad ni Damon na ngayon lang nakuhang magsalita. Kapansin-pansin ang mariing pagkagat niya sa labi. It's as if he was blaming himself for not noticing such critical detail.
Mas lalong sumimangot si Shin. Tila alam na alam niya kung bakit hindi napansin ni Damon ang mahalagang detalyeng ito. "You thought it has something to do with love? You're too drawn to her scent, to you own desires, you didn't notice," nakaangat ang kilay ni Shin. Napailing siya. Namula ang mukha ko. Para kaming batang napapagalitan ng isang matanda. "The scent may attract lovers, and worst, enemies as well."
Napansin ko ang marahang pagkagat ni Zirrius sa labi, maging ang paggalaw ng mga panga niya dahil sa mga naririnig. Siguro pareho lang sila ng iniisip ni Damon. He thought that the strong, sweet scent was only due to the mating bond. And the scent was only for him.
Sumimangot si Damon dahil sa sinabi ni Shin. "Too cocky for a child," naiiling na saad ni Damon.
Ngumisi lang sa kanya si Shin. "Sa tingin ko, mas marami akong alam kaysa sa 'yo," paghahamon ni Shin kay Damon. "You will not see beyond if you're just too focused on what's in front of you." Gusto kong mapailing dahil sa pagiging arogante niya pero gusto ko ang lohika niya. His arrogance shows that he's really an elf by blood. "Huwag tayong tumayo rito. Sa loob tayo mag-usap."
Hindi na niya hinintay ang mga sasabihin namin at nauna ng pumasok sa loob ng Inn. Tahimik kaming sumunod sa kanya kahit tila mga napagalitan kaming bata.
"Nasaan si Kendrick?" mahinang tanong ni Zirrius nang hindi niya makita sa loob ng inn si Kendrick. Napansin ko ang bahagyang pag-aalala niya para rito.
Nagkibit-balikat si Shin. "Running some errands. He's training as well," seryosong sagot ni Shin. "Babalik din siya rito mamaya. He's too motivated to be strong until your return. Sinusubukan din niyang mag-aral ng mababang uri ng mahika. Sometimes we're having sparrings and sword fights. I always win," he grinned. Mukhang nagkakasundo sila ni Kendrick. Mabuti naman kung ganu'n.
"You sure you're not tricking him?" pagbibiro ko sa kanya. Napansin ko ang bahagyang pamumula ng mukha ni Shin. Nakumpirma ko ang hinala na minsan ay dinadaya niya si Kendrick upang manalo.
"I'm stronger than him. I can use magic," agad na depensa niya.
Mahina akong tumawa. Then maybe, he's using magic to trick him. O baka dahil bata si Shin kaya pinagbibigyan na ito ni Kendrick. He was being considerate. Pumasok kami sa loob ng silid ni Shin.
Nakaangat ang kilay ni Shin sa dalawang lalaki. "I want to talk to her alone," saad niya habang nakaturo sa 'kin.
Sumimangot si Damon at napailing. "You should have said earlier," saad niya.
"You can stay in any rooms you want but not here," nakasimangot na sagot na lang ni Shin. "Gusto kong malaman ang buong detalye mula sa kanya. Your presence is already too much," Shin added with annoyance. Mabigat na bumuntong-hininga si Damon at sinunod na lang ang gusto ni Shin. Maging si Zirrius ay hindi na nagsalita pa. Tahimik na lumabas sila ng silid. Nang lumapat ang pinto, saka tumingin sa 'kin nang seryoso si Shin.
"Ano'ng nangyari sa kapatid ko?" matapang na tanong ni Shin pero napansin ko ang lungkot na biglang bumalot sa mga mata niya. Napansin ko rin na tila namamasa ito habang mariin niyang kagat ang labi. Pinipilit niyang magpakatatag para sa kapatid niya pero biglang lumambot ang ekspresiyon ng mga mata niya. Tila nanghihina.
"Bakit hindi siya sumama? Hindi ba sabi niya babalikan niya ako? Hindi ba babalik siya?" tanong niya kahit alam na niya ang sagot. Kahit alam niyang wala na ang kapatid niya at hindi na ito babalik. He asked due to his weakness. Maybe he couldn't contain his sadness anymore. He wanted to grieve. He was mourning deep inside and he couldn't contain it anymore. Slowly, he wanted to explode and just mourn.
Masakit mawalan ng mahal sa buhay. Lalo na't si Aivee na lang ang natitira para kay Shin. It's hard not to grieve, not to feel anguish and frustration. It's just normal to feel bitter and sad and alone.
Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sa kanya. Pakiramdam ko may malaking bikig na bumara sa lalamunan ko. Kahit ako ay nanghihina. Akala ko kaya ko ng magpaliwanag kapag nagkita kami. Naninikip ang dibdib ko kaya huminga ako nang malalim. Kung pinipilit niyang maging matatag, dapat maging matatag din ako.
"She saved your Kingdom. She did her best to save Ameya. She's selfless and put Ameya and you first," mahinang sagot ko sa kanya. Nararamdaman ko ang pag-iinit ng lalamunan ko at ang paninikip nito.
"She was killed while we fought against Severus."
Napansin ko ang bahagyang pagdilim ng mga mata ni Shin nang banggitin ko si Severus.
"Buhay pa ba si Severus?" mariing tanong ni Shin.
Napansin ko ang galit na unti-unting namuo sa mga mata niya. Maging ang pagkuyom ng mga kamao niya ay hindi nakalampas sa paningin ko.
"Wala na rin siya," mahinang sagot ko sa kanya. Shin loosened his grip. Tila natauhan siya bigla dahil sa narinig. Wala ng kahahantungan pa ang galit niya kung patay na ang balak niyang gantihan. Napansin ko ang bahagyang panginginig ng kamay ni Shin pero mariin niyang ikinuyom ang kamao upang pigilin ang panginginig nito. Nag-iwas siya ng tingin at tumitig sa maliit na bintana.
"Did she left me a note? A letter?" mahina at nagbabaka sakaling tanong niya. Umiling ako. Mas lalong nabalot ng lungkot ang mga asul niyang mata. He was still young. Aivee should have left a letter for him but she didn't. It broke my heart even more.
I wanted to hug him and so I did. Nilapitan ko siya at niyakap nang mahigpit. Naramdaman ko ang bahagyang pagyugyog ng balikat niya. He was crying but he tried to push me away to get away from his pathetic state. Mas lalo ko lang siyang niyakap nang mahigpit. Mas lalo lang siyang napasubsob sa dibdib ko at hindi na niya napigilan ang pag-iyak.
"She asked me to take care of you and make you a great King," mahinang sagot ko nang yumuko ako upang tingnan ang mukha niya na hilam sa luha.
Dumilim ang ekspresiyon ng mukha ni Shin. Mas lalo niyang ikinuyom ang kamao pero hindi tumitigil sa pagtulo ang mga luha niya. Nagsalita siya pero ang mga mata niya ay bumaling sa bintana. He didn't dare to meet my eyes. Pakiramdam ko, napakalayo na niya. "I don't need you. I don't need anybody else. I don't need to be a great King! I need her!" mariing wika niya. Nanginginig ang boses niya dahil sa magkahalong galit at lungkot at panghihinayang.
"She may be gone in this lifetime but she's still in your heart, Shin. She never left you," mariing saad ko. Hindi ko siya matutulungan kung ilalayo niya ang sarili niya sa 'min o sa mga nagmamalasakit sa kanya. "And she wanted you to be strong."
Hindi niya pinansin ang mga sinabi ko. "Being strong is useless when you can't even get what you want," mabigat na saad niya sa 'kin. Natigilan ako sa sinabi niya. Is it really useless? Hindi ko rin naman nakukuha kung ano'ng gusto ko ngayon, hindi ba? Is being strong really useless? I think it's the only thing we can do now, just to hide the pain, move on and live on.
"She's the only one I've got. My only family. Siya lang ang mahalaga para sa 'kin," mariing wika niya. Napansin ko ang pagkagat niya sa labi at ang tahimik na pagngingitngit niya. Tears escaped his eyes.
"You must move forward," mariing saad ko. "Hindi pa tapos ang laban. Hindi pa tayo nananalo. Huwag mong sayangin ang sakripisyo ni Aivee dahil lang wala na siya."
"The war has never been over. It is still yet to start."
Natigilan siya at naguguluhang tumingin sa 'kin. "Ano'ng ibig mong sabihin?" I loosened my grip on him.
"Hindi si Severus ang totoong kalaban. He's just another victim," seryosong sagot ko sa kanya. Mas lalong kumunot ang noo niya na tila walang naiintindihan sa mga sinasabi ko. "He was controlled by his younger brother, Seth. Kinontrol niya si Severus upang maisakatuparan ang mga plano niya. Siya ang totoo nating kalaban. Hindi pa ligtas ang mga kaharian natin lalo na't nasa kamay ni Seth ang medalyon," dagdag ko pa kahit alam kong wala siyang alam sa mga sinasabi ko.
"Kailangan ka ng mga Ameyans. Kailangan nila ang tulong mo."
"Ano'ng medalyon? Seth? Ano'ng nangyari sa mga Ameyans?" naguguluhang tanong niya. Napansin ko na bumalik ang galit sa mga mata niya. Nakakita siya ng pagbubuntunan ng galit niya. Marahan akong umiling.
"Your hatred will destroy you," paalala ko sa kanya. "Don't use hatred to move forward. I want you to live happy as much as possible. Aivee wants you to become a great king for the Ameyans. She wants you to be happy. Kahit alam kong gusto mong gantihan si Seth, huwag mo itong gawing rason para lang mabuhay."
Mariing ikinuyom ni Shin ang mga kamao at tahimik na nagngitngit. Kahit gusto niyang sundin ang mga sinasabi ko, kinakain pa rin siya ng galit. Maybe it's really normal to be eaten by hatred and darkness when you think there's nothing left for you now. Kailangang kong ipaalala sa kanya na may natitira pa para sa kanya pero kapag nalaman niya ang kalagayan ng ibang Ameyans, baka lalo lang siyang magalit.
Mabigat akong bumuntong-hininga. Kailangan pa rin niyang malaman ang totoo. "Some of the Ameyans are dying. The medallion suck their magics away, now they are slowly experiencing decay. They're slowly withering away."
Napaawang ang mga labi ni Shin. I could see horror visible in his eyes. Alam kong naiisip niya ang sinasapit ngayon ng mga Ameyans. And it's not a pleasant sight to imagine.
"At dahil nasa kamay ni Seth ang medalyon, wala kaming magawa upang iligtas sila. I need the medallion back and reverse the magic. We need to save everyone. Hindi lang Ameyans ang apektado rito. Halos lahat. We need your help. The Ameyans are waiting for you to rule."
"Nasaan si Seth?" mariing tanong niya.
"Alveria."
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com