Heart 27: Stay Behind
"We will finish what the enemy had started..."
AVERY
Meeting Lianna again is so nauseating for me. Pero ngayon, naglalakad na kami ni Zirrius sa lugar ng tagpuan. Hindi na sumama sina Damon at ang iba pa. We need more information, more allies so they have to meet other people. At kahit mahirap para sa 'kin na makita si Lianna, gagawin ko para sa Elfania, para sa mga nasasakupan ko. Kahit nagdududa pa rin ako sa kanilang dalawa ni Leo, kailangan namin silang harapin at pakinggan. At least give them the benefit of the doubt, right?
Zirrius glances at me. "Ayos ka lang?" tanong niya. Tumango ako at matipid na ngumiti. We are both wearing cloaks and careful while walking in the deep part of the forest. Lianna and Leo are hiding from the eyes of the king for some reasons we want to know. Sa gitna ng kagubatan, napansin namin ang isang maliit na kubo. I bet this is it. The place where they are staying.
We are both on guard. Pinagmasdan namin ang paligid at natiyak namin na kami lang ang tao.Bago pa kami makatungtong sa hagdan ng kubo, lumabas na si Leo na halatang nag-aabang sa'min. Napansin ko ang pagod na asul niyang mga mata. He's not the arrogant prince I used to know. He's different now. He lost some weight. He's wearing a simple shirt and ragged jeans. Medyo magulo rin ang buhok niya.
Leo's eyes lit up when he saw Zirrius. Nang tingnan ko ang ekspresiyon ni Zirrius, halatang nagulat din siya sa itsura ni Leo ngayon. Tila naninibago siya.
"Hindi ko akalaing pauunlakan mong makipagkita sa 'min," bungad ni Leo. Pati ang tono ng pagsasalita niya ay mababa na. Wala ng pagmamalaki sa tinig niya.
"Gusto kong malaman ang sasabihin mo," seryosong sabi ni Zirrius nang makahuma. Tumingin si Zirrius kay Leo na tila wala lang sa kanya ang nakikita niya. Napalingon kami sa babaeng lumabas ng kubo. I see the relief on Liana's face as her gaze turns to Zirrius. Halatang masaya siyang makita si Zirrius. Matipid siyang ngumiti kay Zirrius na tila walang ibang tao sa paligid. Lihim akong napaismid.
"We should get down to business now," singit ko. Saka lang napansin ng dalawa ang presensiya ko nang marinig nila ang tinig ko. Sabay pang natuon ang atensiyon ng dalawa sa 'kin.
Kumunot ang noo ni Leo. "Sino siya?" tanong niya.
"Siya ang kasama mo noong isang araw, 'di ba?" tanong naman ni Lianna. Hindi ibinigay ni Zirrius ang pangalan ko kay Lianna kaya hindi niya alam ang itatawag sa 'kin.
Nakatingin sa 'kin si Zirrius. I think it's safer if he will not give my name. I'm the one who can activate the spell for the magic circle once it is completed, right? I am the sacrifice Seth needs. "She's a friend," sagot ni Zirrius. "A-Alice."
At kung malalaman ni Seth na nandito ako sa lugar na ito, tiyak na hindi siya magdadalawang isip na ipahanap ako.
"Nakilala ko siya habang naglalakbay pabalik dito," dagdag ni Zirrius. Mukhang hindi na naman mahalaga kay Leo kung sino man ako kaya pinatuloy na lang niya kami sa loob ng maliit na kubo.
Walang gamit sa loob kaya nanatili kaming nakatayo. Sumandal ako sa dingding at humalukipkip. Si Zirrius naman ay tumayo malapit sa bintana.
"Ano'ng nangyari? Bakit ka umalis sa palasyo? Ano'ng nangyari sa hari?" diretsong tanong ni Zirrius.
Malungkot na tumingin si Leo sa malayo. "Nagbago na siya. Noong umalis ka, pagkatapos ng pagtitipon, nagbago ang lahat. Umalis ang mga namumuno sa ibang kaharian pero sinusunod na nila lahat ng sinasabi ni King Aulius. Pati ang pagtatayo ng mga tore at pagbuo sa magic circle na makikita natin ngayon sa bawat kaharian. Pagkatapos maitayo lahat ng tore, he started to stay on one room. On that room where he was chanting spells. I sneaked in and he found me. His eyes were blank as he stared at me, as if he didn't recognize me at all. He's another person. I just know he's not himself. I ran away when he tried to kill me. Isinama ko si Lianna at umalis sa Alveria. We wandered on other kingdoms and hide."
"Hindi ko alam kung buhay ka pa o kung nasaan ka man pero umaasa akong makita ka. I know you can help me stop him. Alam kong may hindi siya magandang ginagawa. Napansin ko na rin ang panghihina ng mga nasasakupan natin noon. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gustong gawin ng aking ama pero alam kong makakasira ito sa lahat," paliwanag ni Leo. He looks so confused and terrified for what's to come.
Bumaling ang tingin ko kay Zirrius. Hindi ko alam kung paniniwalaan niya agad ang sinasabi ni Leo. If the king seems like another person to Leo, he may be Seth or may be controlled by Seth.
"Did you see him transform to another person?" tanong ko kay Leo.Umiling si Leo.
"What do you mean? Transform?""Like he's someone else disguising as the king? Disguising as your father," sagot ko.
"So you're saying he's not my real father?" he asked confused. "Kung ibang tao siya, nasaan ang aking ama?"
Nagkibit-balikat ako. "Probably dead."
Napaawang ang labi ni Leo sakin. He clenched his fists and jaws when it dawned on him.
"Hindi ka na ba maaaring bumalik sa palasyo?" nagbabaka sakaling tanong ni Zirrius.
"Dude, he tried to kill me!" Leo exclaimed with wide eyes.
"So ano'ng balak mong gawin ngayon? He's probably not your father and you can no longer return to the palace without being dead. Bakit gusto mo kong kausapin? Do you want us to work so that you will just benefit from it?" tanong ni Zirrius.
Nanliit ang mga mata ko habang pinag-aaralan si Zirrius. He really believes Leo's words? I'm still uncomfortable to work with them but Zirrius is considering them now.
"If we can help then we will," singit naman ni Liannna.
"Pero maraming kawal na naghahanap sa 'min ni Lianna. Baka masira lang namin ang plano ninyo," sagot naman ni Leo.
"How about disguising yourselves and sneak in the palace?" tanong ni Zirrius. Natigilan sina Lianna at Leo. "I'll just make this clear. We're fighting for the people, for our kingdom not for ourselves. Hindi kami bumalik para agawin ang trono muna sa hari ngunit upang ipaglaban ang buhay ng mga tao nandito. Will you help us?"
Halatang naguguluhan si Leo pero tumango siya.
"Did you see the pendant when you left? Sa silid na tinutukoy mo?" tanong ni Zirrius.
"What pendant?" kunot-noong tanong ni Leo.
"Maybe he left before Seth stole the pendant from us," sabi ko.
Tumango si Zirrius. "Can you steal that pendant from that room? I want you to sneak inside the palace and find a chance to steal it. Hindi ka namin pinagmamadali pero sana matyempuhan mo. We are also after that pendant and we will work to sneak inside the palace. Siguro naman may mga kilala kang kawal na pwede mo pang pagkatiwalaan?" seryosong sabi ni Zirrius.
"Siguro," hindi siguradong sagot ni Leo. "Paano si Lianna? I don't think it's wise for her to go with me. Hindi ko rin siya pwedeng iwan nang mag-isa rito."
"Gusto mong sumama siya sa 'min?" tanong ko.
"Hindi kita pipilitin kung ayaw mo," Lianna said and raised an eyebrow. I rolled my eyes. She's not even welcome.
"That's the best option," sabi ni Leo. "I will go now and I will find a way to sneak inside the palace. She will just slow me down."
Nag-aalangang tumingin ako kay Zirrius. Kailangan ba talagang sumama ni Lianna sa 'min? Pinagkakatiwalaan ba talaga niya si Leo?
"Alright. She'll come with us," sagot ni Zirrius na hindi pinansin ang tingin ko.
"Then that's it? I just need to get that pendant from the king? What is it for, by the way?" tanong ni Leo.
"That pendant's the reason why we are in this big mess. The source of black magic," sagot ni Zirrius.
Tumango na lang si Leo kahit sa tingin ko ay hindi niya naiintindihan ang mga sinasabi ni Zirrius. Nang matapos ang pag-uusap, umalis na si Leo at kami naman ay naglakad pabalik sa inn. Hindi ako komportable habang kasama si Lianna. Naiinis ako dahil pumayag si Zirrius sa gusto ni Leo.
Naglalakad kami sa gitna ng kakahuyan at hindi ko magawang magsalita. Wala akong tiwala kay Lianna pero mukhang nagtitiwala si Zirrius sa kanya na masakit para sa 'kin. Hindi ko lang mailabas ang totoo kong nararamdaman pero bumibigat ang pakiramdam ko.
Natigilan ako nang mapansin ang mabibigat at mabibilis na yabag na tumatakbo patungo sa kinaroroonan namin. I can hear the clinking of metals.
"Zirrius, may parating," maagap na sabi ko pero bago pa kami makagalaw. Napalibutan na kaming tatlo. The guards surrounded us. Hindi ko alam kung saan sila nanggaling pero alam kong kami ang pakay nila.
"Leo did this?" tanong ko.
"Hindi ito magagawa ni Leo. Siguro nasundan lang kayo ng mga kawal kanina," seryosong sabi ni Lianna.
I hissed. Masyado silang marami at masasabi kong hindi ito normal kung nasundan lang kami. Imposibleng nasundan kami kanina.
"Sumuko na kayo!" sigaw ng isang kawal. "Ibaba ninyo ang mga armas ninyo!"
I ignored Lianna's opinion and the guard's order. I turned to Zirrius. "Leo planned this right? We're in trouble." seryosong sabi ko.
Zirrius was uncertain. "I can't tell. Pero humanda kayo. Mapapalaban tayo. We'll figure everything out after we escape," sabi niya. Naiinis ako dahil naniwala siya agad kay Leo pero hindi ko maisatinig. Hindi ko alam kung ano ang totoong intensiyon ni Zirrius pero gusto ko muna itong marinig.
I turned to Lianna. "Can you fight? Do you have any weapons?" tanong ko kay Lianna. Saka ko lang napansin ang takot sa mga mata ni Lianna. She doesn't know anything. I immediately handed her a knife. "Just strike them with this if they come after you," sabi ko. "We'll try to take care of them."
"Stay behind us, Lianna," paalala ni Zirrius. Sabay kaming bumunot ng espada at humanda upang lumaban.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com