Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Heart 39: Back to Earth


"With all my heart and being..."


AVERY

Madilim ang paningin ni Seth habang pinagmamasdan ako. He has been interrupted. His plans are temporarily stopped. "Kung ganoon nasa iba't ibang kaharian sina Verone. Sa tingin mo ba magiging maayos na ang lahat kapag nabago nila ang magic circle? Hindi ko hahayaang ibalik mo ang mga nahigop kong kapangyarihan sa mga taong nandito. I just have to kill all of you. You're all insignificant like ants. I can crush and kill you all with my current power," he said coldly. He's looking down at everyone. Hindi siya nababahala sa mga kapangyarihan namin dahil sa totoo lang, napakalakas niya. At tiyak na hindi namin siya mapapantayan.

Sa kasamaang palad, kaming nawalan ng kapangyarihan ay hindi pa nakakabawi ng lakas. Hindi pa naibabalik sa 'min ang mga nahigop ng medalyon. Sa totoo lang, marami na'ng dugong nawala sa 'kin. Marami ng buto ang nabali. Marami ng sugat ang hindi ko na kayang gamutin pa. We're all insignificant in his eyes. It's true that we're just nothing compared to him.

I only have one way to stop him. Kailangan kong maisagawa ito nang maayos. Kailangan kong magawa ito nang hindi siya naghihinala. I will be performing a dark magic and I'm not really sure if my body can still take it. I'm not even sure if I will still live after that ritual but it's the only option I have. I'm already driven on the edge. I'm cornered. And when you're cornered, you feel desperate. And when you're desperate, you're willing to risk your own life. I am that desperate now. Handa na akong itaya lahat ng meron ako.

"We may be insignificant in your eyes, but we can still bite," sagot ko sa kanya. "Huwag mong maliitin ang mga kakayahan namin. Pipigilan ka namin kahit ano'ng mangyari. Hindi namin hahayaang manaig ang kasakiman mo. Madami ka ng nasaktan. Madami na'ng nagbuwis ng buhay para sa ambisyon mo. Marami na'ng nasayang," mariing dagdag ko pa. Ihinanda ko ang sarili. I let some of my blood drop on the ground. And I act like it is just nothing.

Si A naman ay hindi makapaniwalang nakatingin sa 'kin. Nanlalaki ang mga mata niya sa gulat at sa pangamba. "Don't tell me..." hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil sumenyas ako na tumahimik siya. Pinalayo ko siya at binalaan na huwag makialam. Nakagat niya ang labi habang nagdadalawang-isip na tumingin sa 'kin. Tumango lang ako upang maibsan ang kanyang pangamba. Wala siyang nagawa kundi ang lumayo at sundin ang utos ko. He's deeply thinking while staring at me from afar. He entered the woods and stood by.

Naglakad patungo sa direksiyon ko si Seth. I can feel his emanating killing intent. I can feel that his aura becomes darker and unforgiving. Tila wala siyang narinig sa mga sinabi ko. "These people are not even part of our race. I don't have time to care about them. The most important thing now is power. Power that will be recognized by everyone. Power that can exalt me higher and above than anyone else. I also want to destroy the High Council. They have to pay for everything they had done to me," he said in a deep cold voice. His voice sends shiver down my spine. "All who are powerless don't have the right to live."

Hindi ko malunok lahat ng sinasabi niya. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao ko. He is too selfish and self-centered. Muli kong inilabas ang espada kong nababalot ng puting apoy. Mabuti na lang hindi na humihigop ng lakas ang magic circle. Maybe I can match his power. Maybe I can fight him and at least give him a hard time.

I can only rely on my own strength to defeat him now. In desperate times, we become stronger. Because in these times, in order to survive, the only option is to be strong. To be brave and to take the wall head on.

"You're really hopeless. Haven't you experienced love? Wala ka bang pinahahalagahan? Or is it not included in your vocabulary? How can you be this cruel!" I shouted at him. Hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin. How can someone be this heartless?

"Love makes you weak, Avery," sagot ni Seth. "Haven't you learned from the past? Even Sin, your ancestor, has been destroyed by love. Kaya hindi mo ako matalo dahil sa pag-ibig na nararamdaman mo sa bawat nilalang na nakapaligid sa 'yo. You're not willing to sacrifice them for your own gain. You're not willing to make them your pawns. And that's why you're not moving forward. That's your flaw. And that's the reason you'll die now."

"You're totally wrong Seth!" I interjected. "You know why we love? Because we can keep on living for the people we love. Love gives us the will to fight. Love gives us the will to survive. Love keeps us stronger. Ano'ng mapapala mo sa kapangyarihan kung wala namang nagmamahal sa 'yo? Manghihina ka dahil walang sumusuporta sa 'yo! You can't even share your victory with someone. It's a shallow victory. An unimportant one," giit ko. Pero sa mga mata ni Seth, ang mga sinabi ko ay walang kabuluhan.

"I don't need anyone by my side. Magkaiba tayo ng paniniwala, Avery," umiling na sagot niya. "I'm only better alone. I can't waste time thinking about love. Thinking about unnecessary things. I can live on my own. When I become powerful I can get anything anyway. Itigil na natin ang pag-uusap na ito. Hindi ko na hahayaang sirain mo pa ang mga plano ko. Pagkatapos kitang patayin, isusunod ko na sina Verone at muli kong aayusin ang magic circle. Hindi ko na hahayaang mabuhay pa kayo." Naramdaman ko ang kaseryosohan niya. Naramdaman ko rin ang pagiging walang puso niya. His sapphire blue eyes are cold that they send shiver down my spine.

Mabilis na gumalaw si Seth. He runs towards me and he quickly thrusted his sword straight to my heart. He's not planning to let me live anymore. Tila nagmamadali siya at hindi na niya ako bubuhayin pa.

Mabilis akong nakagalaw. Nasalag ko ang espada niya gamit ang espada ko. Nanginginig ang kamay ko dahil sa lakas niya. Pero nagawa ko siyang paurungin. Tinapatan ko ang lakas niya at malakas kong ihinampas ang espada ko sa espada niya. I immediately back away. Pumunta ako sa gitna ng magic circle na ginawa ko kanina. Sa gitna ng mga punong nilagyan ko ng mga marka. If I can't kill him using my own magic, then this is the only thing I can do now. I can only trust my instincts and complete this dark magic.

I whisper a spell. "A bargain struck, I make manifest..." Malakas na umihip ang hangin. Mas lalong lumakas ang ulan. Habang ginagawa ko ang isang itim na ritwal. Kinokontrol ko rin ang mga kidlat at pinapatama ko ang mga ito kay Seth. Pero dahil buong-buo pa ang lakas ni Seth, nagagawa niya itong Ilagan nang walang kahirap-hirap.

Kahit hinihingal at nahihirapan pilit kong ipinagpapatuloy ang ritwal. I make some magic circle to summon hellhounds and vines with thorns to attack Seth. I continued with casting the spell. "Tear a hole into the ground..."

Seth used a whole lot of force and attacked me using the ground beneath me. I am struck by the spikes coming from the ground. My side has been critically hit and blood gushes out of it. I winced in pain. Nakagat ko nang mariin ang labi ko. Nararamdaman ko ang sakit at hapdi. Umurong ako palayo at muling ipinagpatuloy ang pagbigkas ng ritwal. "Unveil the endless abyss inside..."

Dahil pumapatak ang dugo ko sa loob ng magic circle na ginawa ko, nagiging daan na rin ito upang unti-unting mabuhay ko ang magic circle. "In exchange for a life, I summon thee..."

Gumawa ako ng mga bombang gawa sa hangin at apoy. I throw it towards Seth direction. He's becoming impatient. He used his full speed to reach me. He struck me with a blow on my stomach using his fist. I spit blood and I can feel my body as it becomes numb due to extreme pain. Namimilipit ang katawan ko dahil sa sakit pero hindi ko magawang gumalaw.

Before I fall on the ground, Seth swiftly grabs my neck using his right hand and I can only hold on to his wrist. My feet are above the ground. Unti-unti niya akong sinakal hanggang sa unti-unti akong maubusan ng hininga at hangin. Hindi ako makawala mula sa kanya. My airways are blocked. I can only gape while staring at him in pain, running out of breath. I need to finish the ritual. And I also need to get out of the magic circle but it is not possible now. Tiyak na madadamay ako pero wala akong pagpipilian sa sitwasyon kong ito.

A is looking at me and he's about to get inside the magic circle but I look at him with warning and haven't allowed him. He is so worried but he holds on. He suppresses his emotions and follows me.

Pilit kong binuksan ang bibig. "Oh c-chains of h-hell, I... s-sacrifice this soul, s-so mote it be..." nahihirapang bigkas ko sa huling bahagi ng ritwal. Tila tumitirik na ang mga mata ko. I feel like dying soon. Mas lalong humigpit ang pagsakal sa 'kin ni Seth. Habol ko na ang hininga at napansin ko pa ang isang kamay niya na may hawak na espada. He's ready to pierce my heart and he already raises his sword to aim.

Bago pa niya maitarak ang espada sa puso ko, biglang umilaw ang magic circle na ginawa ko. Mula sa kinatatayuan namin, lumabas ang isang malaking butas. Isang lugar na nababalot ng kadiliman. It looks like a black hole and we are both falling inside. Chains started to bind us, all over our bodies. Nabitawan ni Seth ang kanyang espada at nakawala ako sa pagkakasakal niya. Habol ko ang hininga nang bitawan niya ang leeg ko. Nagpumiglas siya at sumigaw. Dahil nasa loob ako ng magic circle, kasama na rin ako sa magiging sakripisyo.

These chains will drag us inside an endless abyss and I'm not really sure if it's possible to even come back. I tried to fight back but the chains are just too strong and too fast. Maging si Seth ay hindi makawala sa kadena. The chains are suppressing his magic and strength. Siguro ayos na rin ito. Maisasama ko si Seth sa kawalan at wala ng magpapatuloy sa mahikang kukuha sa buhay ng lahat. Maaari namang gawin nina Verone ang ritwal para maibalik ang nawalang kapangyarihan ng mga nasa loob ng magic circle na ginawa ni Seth. At least I can leave them with a contented smile and victory.

Mukhang hindi ko na makikita pa sina Zirrius at Damon. Sina Verone at Rigel. Sina Shin at Zion. My heart was hurting and clenching. Mas masakit pa ang nararamdaman ko kaysa sa mga sugat na natamo ko.

Unti-unti ng sumara ang magic circle na ginawa ko. The transition of this spell is just too fast. The clouds above are not even giving way to the blue sky. I hope I can see the blue sky and the sun before I die but I think that's not happening now.

Bago magsara ang malaking butas sa lupa, isang liwanag ang biglang kumislap. I see the familiar tails of the demon fox. He shattered the chains and freed me from it and immediately jumped away from the hole and the magic circle.

"Babalik ako! Isinusumpa ko! Babalikan ko kayo!" sigaw ni Seth hanggang sa tuluyan ng magsara ang abyss. Nang ibinaba ako ni A, nanginginig ang mga tuhod ko at walang lakas na napaupo ako sa putikan. Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya.

"Am I still alive?" nanginginig na tanong ko.

"I think so," kibit-balikat na sagot ni A. "Good thing, I'm here. Kung hindi tiyak na patay ka na ngayon."

Wala sa sariling niyakap ko siya at napahagulgol dahil sa magkahalong takot at kasiyahan. My throat is hurting and sore but I don't care. I'm alive!

The demon fox groaned with irritation. "You're wasting your energy crying here. May mga dapat ka pang iligtas, hindi ba? Now that the threat is gone, you have to start another spell to bring back people's lives and energies."

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Oo nga pala! Muntik ko ng makalimutan sina Zirrius. I checked the map and the magic circle is already altered. The hexagonal stars are completed. "Bring me back to the throne room. Pasensiya na. Masyado na akong mahina para tumayo." Hindi naman nagreklamo si A at agad akong dinala sa throne room.

Nakita ko sa loob sina Rein, Kendrick, Ayen at Zach na pagod at nagpapahinga sa sahig. Si Zirrius naman ay nakahiga sa sahig at walang malay pero hindi ko nakita si Damon. Siguro nasa labas lang siya? Napansin ko na wala ng buhay sina Lianna at Lord Kelvin.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Gamit ang natitira kong lakas, ginawa ko ang ritwal na magpapabalik ng nawalang kapangyarihan ng lahat. Muling umilaw ang medalyon at ang magic circle. Naglabas ito ng kakaibang lakas pero hindi na ito mapanganib kundi ibinabalik na nito ang mga lakas na kinuha nito sa bawat nilalang. Nakita ko na unti-unting nagkakulay ang mga mukha nina Zach at maging ang dahon ng mga puno at halaman ay unti-unting naging kulay berde. Dumating si Shin sakay ng agila niya. Maging si Shin ay halatang pagod at mahina na.

Nang matapos ang ritwal, muntik na akong matumba sa sahig ngunit inalalayan ako ni A. Hiniling ko na dalhin niya ako kay Zirrius at naupo sa kanyang harapan. Tiningnan ko si Rein na hilam sa luha at namumula ang mga mata.

"Si Damon?" tanong ko sa kanya.

May itinuro siya sa kabilang bahagi ni Zirrius. I saw pile of ashes on his side. Nagkaroon ng malaking bikig ang lalamunan ko. Hindi ako makahinga. Gusto kong isipin na mali ang hinala ko.

"He's gone," nanginginig ang tinig na sagot ni Rein. "He saved Zirrius. He sacrificed his life for him." Sunod-sunod na pumatak ang luha ko. Maging ang tinig ni Rein ay nanginginig pa rin. Hindi ako makapagsalita. Bakit Damon? Ito lang ba talaga ang paraan para mailigtas si Zirrius? Tinakpan ko ang bibig dahil hindi ko mapigilan ang pag-iyak ng malakas. Pinilit kong mag-isip nang tuwid. Nang hawakan ko ang pulso ni Zirrius, hindi pa rin ito tumitibok. Don't tell me the sacrifice of Damon is all in vain? Hindi pa rin bumabalik ang kaluluwa ni Zirrius sa katawan niya. Maybe it is still trapped inside the medallion?

Maging si Shin ay pinulsuhan na rin si Zirrius pero napailing siya. Tila wala na siyang nakikitang pag-asa kay Zirrius.

"Damon doesn't deserve this. I should have stopped him," umiiyak at nanghihinang sabi ko. "I should have talked to him and ask him about his plans. It's my fault." Sa kabila ng pagod na nararamdaman ko, hindi pa rin napigilan nito ang mga luhang naglalandas sa mga mata ko.

"It's a choice he made himself. Don't blame yourself. Let's just send him in peace. All that is dead should be given back to earth," mahina at malungkot na sagot ni Shin. "Let's focus on saving Zirrius so that his death will not be wasted."

I don't have any powers left and the medallion on my left hand is no longer emitting energies anymore. Natigilan ako nang may mga wyverns na dumating at lumipad patungo sa kinaroroonan namin. Bumaba mula roon sina Verone, Zion at Rigel.

Tumakbo si Zion sa direksiyon namin at agad na hinawakan ang pulsuhan ni Zirrius. "Damon said that I must go here quickly after altering the hexagonal stars. He said that I'm the only one who can bring his soul back to his body," agad na sabi ni Zion.

Nakagat ko ang labi. Damon really knows what to do even after his death. He did everything to save us all.

"Damon is gone." I immediately break the news. Hindi naman natinag ang mga mukha nina Verone, Rigel at Zion sa balita. Hindi mababakas ang gulat sa mga mukha nila. Hindi ko mabasa ang iniisip nila.

"We already know," mahinang sabi ni Verone. "When our connections with him were cut, we already know that he's gone." Naikuyom ko na lang ang kamao. I should have known this right? But I was too oblivious of his real intentions. Sana napigilan ko siya. Sana nakatulong ako.

"I'll take care of Zirrius. Pero hindi ko maipapangakong magigising siya," mahinang sabi ni Zion. He started creating magic circles. He is too absorbed with the ritual to bring back Zirrius' soul.

Natigilan kami nina Verone nang mapansin ang isang grupo na biglang sumulpot sa throne room. They are wearing dark violet cloaks and they walk towards me.

"We're from the High Council," bungad ng isang lalaki na may malalim na tinig. Kinabahan ako. "Dahil maraming nasira at naapektuhang buhay ang medalyon, kukunin na namin ito sa pangangalaga ng Elfania," seryosong dagdag niya. His violet eyes stared deeply at me.

Matalas ang mga matang ipinukol ko sa kanya. "Who are you? I can't let you have it. We still need to save Elfania. And I don't want this medallion to be in your hands. Paano kung maulit ang mga nangyaring ito?" seryosong saad ko.

"I'm sorry but the members of the High Council can't reveal their names. But please see this sigil as a proof," sagot ng lalaki. He showed the gold sigil glowing on his right hand. The sigil looks like a corona of an eclipse. A mark of a member of the High Council. A powerful member of the High Council. "If you want to save Elfania, you must go now and we won't stop you. Your people is already dying. We will give you time until you save them. I know you will not agree with the whole medallion being given to us. Ang gusto lang namin ay ang pangalagaan ang kalahati ng medalyon. We will leave the other half in your hand. This way it will be harder for evil ones to steal the medallion and repeat this disaster. Hindi natin masisira ang medalyon sa kahit anong paraan. Only Sin and her lover can destroy that medallion," sagot ng lalaki. "Ano sa tingin mo?"

Nagtatalo pa rin ang kalooban ko. "Bakit hindi ninyo kami tinulungan laban kay Seth?" puno ng galit na tanong ko.

"We can't help. We promised not to help Sin and her bloodline after what happened centuries ago," sagot ng lalaki.

Tumingin ako kay Verone. I'm not satisfied with his reasons. But the High Council has a point that it will be harder to steal the medallion if it is torn to half and be given to them. But I can't just give them half of the medallion without gaining anything. Tumango sa 'kin si Verone na tila naintindihan ang gusto kong ipahiwatig. "Then undo that promise and I will give half of the medallion to you," I demanded.

Napabuntong-hininga ang lalaki sa harapan ko. "Then consider it done," sagot ng lalaki. Tumango ako sa kanya at mahigpit na hinawakan ang medallion.

"Let's go back to Elfania now. Wala na tayong oras, Avery," Verone interjected.

Nag-aalalang sinulyapan ko si Zirrius. "How about him?" I'm reluctant to leave. I want to see him breathing. I want to be sure that he's still alive.

"Zion is here. We can bring this man from the High Council to help us with the ritual. Since they can help us now, I hope they can be useful," Verone answered without mercy. "You're the only one who can perform the ritual. You're the only one who can reverse the magic circle's effect. Pwede ka namang bumalik dito kapag natapos mo na ang ritwal sa Elfania kung nag-aalala ka talaga sa kanya."

I can only look at Zirrius with longing and worry and reluctance. Pero tumango ako kay Verone. I gently touch Zirrius' face. Inilapit ko ang bibig sa tainga niya at bumulong. "Wake up soon, baby. I will wait for you."

Nanghihinang tumayo ako. Inalalayan ako nina Verone at sumakay kami sa wyvern. Kasama naming bumalik si Shin dahil kailangan namin siya sa pagpapalit ng mga hexagonal stars sa elven kingdoms. Sumama rin sa 'min ang mga miyembro ng High Council. Naiwan si Zion at pilit na ibinabalik ang kaluluwa ni Zirrius. Dahil wala na rin akong lakas, unti-unting sumuko ang katawan ko, bumagsak ang mga mata ko at nakatulog.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com