Heart 9: A Mess
"Do you think you can handle that kind of love?"
AVERY
Napangiwi ako dahil sa sakit ng ulo. Bumalik na ang kamalayan ko at unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Napakadilim ng buong paligid. Wala akong maaninag na kahit ano, kahit saan man ako lumingon.
Hindi ko alam kung nasa loob ba ako ng isang panaginip. Ayaw kong maniwala na tuluyan na akong nabulag. Hindi mawala ang takot at kaba ko sa dibdib. Ano'ng mangyayari sa 'kin kung wala na ang paningin ko?
Nagkaroon ng bikig sa lalamunan ko na halos pumigil sa 'kin sa paghinga. Nanlamig ang buong katawan ko. I couldn't live like this. Fear engulped me whole.
I feel trap in the vast darkness. I feel alone. I feel lost.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. All I can do is cry. I feel so weak. Naramdaman ko ang pagkabasa ng pisngi ko. Mariin kong kinagat ang labi ko. Mariin kong ikinuyom ang kamao ko. I need to do something. I must do something!
Pero ano? Ano ang dapat kong gawin ngayon wala na ang paningin ko? Pilit kong kinapa ang mga bahaging naaabot ng kamay ko. Hindi ko rin alam ang balak kong gawin. I just need something to hold on to. I don't know what it is. I just need something or anything available in my reach right now.
Hindi naman sinabi sa 'kin ni Ina ang maaari kong gawin sa mga ganitong pagkakataon. She didn't warn me about this. Or she did warn me but not enough. It's not enough!
Natigilan ako nang may kumaluskos malapit sa kinahihigaan ko. Agad kong iginalaw ang kamay upang pahidin ang luha ko pero natigilan ako nang may kamay na humaplos sa pisngi ko at nagpahid ng luha ko. My heart raced back and forth. Someone's here and I didn't even notice.
Paano na lang kung nasa gitna ako ng isang labanan? Paano na lang kung may kalaban na palang nakapasok na hindi ko man lang namalayan?
And the scent is very familiar and very dear to me. Nanigas ako sa kinahihigaan. Magaan ang mga kamay niya habang pinapahid ang luha ko.
"Gising ka na," mahinang wika ni Zirrius. Ramdam ko ang pag-aalala sa tinig niya. Paos ang tinig niya, halatang kulang sa tulog at pahinga. Naramdaman ko rin ang hindi maitatagong takot sa tinig niya.
"Ano'ng nangyari?" agad kong tanong at iniiwas ang mukha sa kamay niya. Pikit kong pinakiramdaman ang buong paligid. Siya lang ba ang naririto o may iba pa? Pilit kong pinakinggan ang paghinga at paggalaw nila. I closed my eyes and concentrated.
Tanging ang paghinga at paggalaw lang ni Zirrius ang nararamdaman ko. Siya lang ang narito at wala ng iba.
"Narinig namin ang pagsigaw mo. Pagdating namin dito, wala ka ng malay. Inisip namin na baka may kaaway na nakapasok at hindi namin napansin. When Damon checked your eyes, they are pure white. We panicked but Shin came by and told us that you just lost your sight. Nakita niyang nangyari ito sa 'yo noong magkausap kayo kaya alam niya."
Natigilan ako. I remembered what Shin said. He said that my pupils turned to white. Kung ganu'n, tuluyan na talagang nawala ang paningin ko? Bakit hindi pa ito bumabalik? Hindi na ba talaga ito babalik?
Hindi ko na naman napigilan ang paglandas ng luha sa pisngi ko. Kinagat ko ang dila ko upang pigilan ang paghikbi. I could feel his gaze upon me. Tiyak na kinaaawaan ako ngayon ni Zirrius. I don't want his pity. I can't be like this. I can't stay like this. I want to be strong. I want to pretend that I'm strong. Mabilis kong pinunasan ang luha ko at pinilit na umupo pero mas mabilis siya. Agad niya akong dinaluhan at inalalayan. I hate him. He makes me feel weak. He makes me feel worthless.
Gusto ko siyang talikuran. Gusto kong lumayo sa kanya pero ang tanging nagawa ko lang ay ang yumuko. Ayaw kong nakikita niya akong ganito. I could feel the awkwardness on his every move. We're too close and I could feel that he's not used to this.
Dahan-dahan siyang lumayo sa 'kin upang hindi ko mapansin na naiilang siya. Mariin kong kinagat ang labi ko dahil baka hindi ko na talaga mapigilan ang hikbi na gustong kumawala sa lalamunan ko. He's still acting like this. Binitawan niya ako na tila napaso siya. Akala niya, hindi ko napansin dahil wala na akong paningin. Pero ang totoo, lahat ng ginagawa niya, napapansin ko.
"Wait here. I'll get you some food. It's already morning. We're planning to stay here until you get better," he almost whispered with his husky voice. Pakiramdam ko, nanunuyo ang lalamunan niya dahil sa magaspang na tinig niya.
Mariin kong ikinuyom ang kamao ko. "We can't afford the delay," matigas na wika ko. I could feel my seething anger.
"We're worried about you," mariing saad ni Zirrius. "Hindi tayo maaaring umalis kung wala kang nakikita. Paano ka lalaban? Paano kung masalisihan tayo ng kalaban? Paano kung may mangyaring masama sa 'yo nang wala kaming kamalay-malay?" sunud-sunod na tanong niya. Naramdaman ko ang pagkagulo sa tinig niya. Tila nawawalan na siya ng direksiyon. Hindi na niya alam kung saan pupunta o tatakbo.
"Hysteria can't hold the war for too long," giit ko sa kanya. "Hindi tayo maaaring magsayang ng oras dahil lang hindi ako nakakakita! We must move forward no matter what!" halos pasigaw na wika ko sa kanya. "Hindi ninyo kailangang maawa sa 'kin. Hindi lang ang Hysteria o ang mga kaharian ng tao ang nakasasalay rito. Nakasasalay rin dito ang mga nasasakupan ko! They're dying! It's nothing compare to losing my sight! Napakaliit na dahilan upang pabayaan ko sila!"
"And yet you cried," matigas na saad niya. Natigilan ako. I could feel some spears pierced my soul. "You cried like you are afraid. You cried like there's no hope for your sight to come back. You cried because you can't find a way out. How can I let you fight when you're afraid like that?"
Tila nalunok ko ang dila ko. Nakita niya kung paano ako umiyak at mangapa sa dilim. Mariin kong ipinikit ang mga mata. "Hindi pa rin sapat na dahilan upang tumigil tayo," naiinis na wika ko. O hindi lang naiinis. Nagagalit ako.
"You'll get in the way," mariin saad ni Zirrius. Now, that broke my heart into pieces.
Pareho kaming natigilan ni Zirrius. Katahimikan. Nakakabinging katahimikan ang namayani. Pareho kaming walang masabi pero hindi rin ako natahimik. Hindi matatahimik ang nasaktan kong damdamin. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Gusto kong ilabas ang sama ng loob na namumuo sa puso ko. He's always breaking my heart. I wanted to scream. I wanted to shout at his face. I wanted to drop him like how he's always dropping me.
Gusto ko siyang saktan hanggang sa maramdaman niya kung paano ako nasasaktan. I could feel my chest as it tightens. My heartstrings are breaking for sure.
"So, that's it? I will get in the way? Am I useless now? Worthless?" nanginginig ang boses na tanong ko sa kanya.
"You get it all wrong," mahinang sambit niya.
"It's all clear to me! Wala na akong silbi, hindi ba?" galit na tanong ko sa kanya. Natigilan siya. Hindi ko man siya nakikita pero ramdam ko ang mabigat na paghinga niya. Nararamdaman ko ang bigat ng nararamdaman niya. Did I really get it all wrong?
Bumuntong-hininga si Zirrius. Ramdam ko na ayaw na niyang makipagtalo. Naiinis ako dahil ipinaparamdam niya sa 'kin na walang patutunguhan ang lahat ng pinag-uusapan namin. "Babalik ako. Ikukuha kita ng makakain," pinal na saad niya.
Mas lalo akong nakaramdam ng galit. "Bakit ka ba umiiwas? Bakit ka ba tumatakbo? Hanggang kailan mo ba gagawin ito?" nahihirapang tanong ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang paglandas ng mga luha sa pisngi ko. Agad ko itong pinunasan gamit ang likod ng kamay ko. Halos takpan ko ang pisngi ko ng pulsuhan ko. Gusto ko siyang batuhin ng kahit anong bagay na mahawakan ko pero wala akong nakikita. Mas lalo lang akong naaawa sa sarili ko.
"You're a mess," he said with a heavy voice. "Come to your senses."
Paano? Hindi ako makapag-isip nang matino. He's making me feel small. Wala ba talaga akong halaga sa kanya? Right. He only sees me as a mess.
"How can you make me feel so small?" napapagod na tanong ko sa kanya. "How can you set me aside like this?"
"God, Avery!" he frustratedly exclaimed. "I'm not setting you aside for goddamn's sake!"
"Yeah? And I'm a mess!" halos napapaos na sumbat ko sa kanya.
Napasinghap ako nang maramdaman ko ang biglang paglapit niya. I could smell his manly scent. He was in front of me. He leveled himself to face me and he was too close. I know. I could feel the body heat coming from his body. He cupped my face. Pinabibilis ng presensiya niya ang tibok ng puso ko. I hate my heart for wavering.
Sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi ko maigalaw ang buo kong katawan. Ang alam ko lang, tinatraydor ako ng puso ko dahil sa walang tigil na pagwawala nito. Ang alam ko lang nakalapat na ang labi niya sa labi ko.
Sa simula, mabigat ang halik niya. Ramdam ko ang galit at pagkalito niya. He was moving his lips forcefully and aggressively. He kissed me possessively. But I felt him sigh in between his kisses when I didn't move. I can't. I was stoned. I was stunned. I couldn't react.
His lips are sweet but I'm the one who's bitter. I'm bitter that I'm not going to accept his kisses even if those kisses promise the whole universe. Nabubulag ako ng galit na nararamdaman ko.
I imagined our first kiss to be romantic but not like this. Not when I'm too angry to kiss him back. Not when I'm blind. Gusto ko muling maiyak. Why does it end like this? I felt like the whole world was betraying me. I feel so unimportant. Naramdaman ko na naman ang paglandas ng luha ko. Hindi ko mapigilan. Muling bumuntong-hininga si Zirrius at tumigil. "You're a mess but I still want you," bulong niya.
Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko at pinahid ang luha ko. "I'm sorry," mahina at naguguluhang sambit niya. Kahit gusto kong pigilan ang pagpatak ng luha ko, hindi ko magawang tumigil. "You're not worthless. You're not useless. Kung meron man sa 'ting walang kwenta, ako 'yon. Ako lang 'yon."
"I don't know how to protect you," mahinang sambit niya. "I want to but I don't know how. I'm a coward. Kung pwede kitang itago para lang maging ligtas ka, gagawin ko. Kung pwede kitang ilayo sa kaguluhang ito, gagawin ko, huwag ka lang mapahamak."
"Why do you want to protect me? I can protect myself perfectly on my own," naiinis at naiiyak na wika ko.
I could feel him as he shook his head. "Pinagsisisihan kong hinayaan kitang makipagkita sa 'yong ina. Pinagsisisihan kong hinayaan kong magkaganito ka," I could feel the pang of guilt on his tone.
"Why? Pinili ko ito. Hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo. I have my own mind. I'll do what I want and no one can stop me. No one can dictate what I must do," mariing wika ko. "You don't have to blame yourself and I'm not blaming anyone."
"I know! That's why I can't be selfish. You have your own mind. No one owns you. Not even me. Not even your mate. You are not meant to be hidden. You are meant to shine for the world to see. You're someone who won't be happy to stay still and do nothing. Kahit ano'ng gawin kong pagtatago sa 'yo, lalabas at lalabas ka. You're not only for me. You're like a star, a brave warrior who stands out in the darkness. And you own yourself," mariing saad niya.
Kahit ano'ng bitawan niyang salita, hindi niya mapagaan ang loob ko. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang masasakit na salitang binitawan niya. Hindi ko siya magawang paniwalaan ngayon lalo na't paulit-ulit lang niya akong sinasaktan.
"You told me I'm not worthless or useless but I'm not a log to feel nothing. I could feel that you're discarding me like I'm a useless piece of shit. Huwag mo ng subukan pang pagaanin ang loob ko. Sa tingin mo ba, mabibilog mo ang ulo ko dahil lang sa halik mo? Sa tingin mo ba, maniniwala ako sa matatamis na salita mo ngayon?"
Gusto ko siyang sampalin o kalmutin. I wanted to hurt him badly. I wanted to dismiss him, to discard him, to cut him out of my life. Gusto kong putulin ang bond na nag-uugnay sa 'min para lang mawala na ang sakit na nararamdaman ko. Kung maaari lang. Pero mariin ko lang ikinuyom ang kamao ko at hindi ko napigilan ang bahagyang panginginig ng katawan ko.
I unconsciously hugged myself. A pitiful act, indeed.
Unfortunately, the sweet taste of his lips are still lingering on mine. I'm actually afraid that my sense of taste will betray me soon. My sight already left me. I hope my taste won't leave my side.
"Hindi ko hinihiling na paniwalaan mo ko," mabigat na saad niya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Masyado itong mabigat na tila pasan niya ang lahat ng problema sa mundo.
Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko. Tila umaapoy ito. Mas lalong lumalaki ang bara sa lalamunan ko. "Just leave," mariing sambit ko.
Dahan-dahan niya akong binitawan na tila nag-aalinlangan. Tumayo siya at unti-unting lumayo sa 'kin na lalong nagpabigat sa nararamdaman ko.
"Hindi tayo maaaring magtagal dito. Kailangan nating ipagpatuloy ang paglalakbay," mahinang saad ko na tila nagsusumamo na.
Mabigat na bumuntong-hininga si Zirrius. "Pagkatapos mong kumain, ipagpapatuloy natin ang paglalakbay," mabigat na sagot niya. "And we'll find a way to bring back your sight. We'll look for a healer."
Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. I want to thank him but my pride won't let me. Sa halip na magpasalamat, tumango na lang ako.
"Please send Damon instead," mahinang saad ko sa kanya. "I'll eat."
He cleared his throat with unease. "Sige," mahinang sagot niya. Narinig ko ang mabibigat na yabag niya palayo.
Muling tumulo ang luha ko kaya isinubsob ko ang mukha sa magkabilang palad ko. Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Kailan ba babalik ang paningin ko? Paano kung hindi na talaga bumalik ang paningin ko?
Napahikbi ako pero makalipas ang ilang segundo ay muli kong nakagat ang labi ko. Kung tuluyang mawawala ang paningin ko, dapat may gawin ako. Hindi makatutulong ang pag-iyak ko. Hindi makatutulong kung kaaawaan ko lang ang sarili ko. I need to stand up and save myself in any ways possible.
Agad kong pinahid ang mga luha ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata at pinakiramdaman ang paligid. Kung hindi ko na magagamit ang mga mata ko, maaari ko namang gamitin ang ibang pandama ko.
Kinalma ko ang sarili habang nakikinig sa mga ingay na nakapaligid sa 'kin. My ears are good so I could hear the footsteps from afar. Naririnig ko rin ang mahinang pag-uusap nina Kendrick at Zirrius. They were discussing to clean up. Sinisimulan na rin nilang iligpit ang katabing tent.
Narinig ko rin ang papalapit na mga yabag. Magagaan lamang ang bawat hakbang niya. I could tell that he is Damon. The way he calmly breathes and sometimes, sighs are just so like him.
Ramdam ko na nakapasok na siya sa loob ng tent ko. "Avery," he called out my name as if he was hesitating. "What are you doing?" takang tanong niya. Siguro napansin niya ang pagiging alerto ko sa paligid.
"Redeeming myself, I guess," I said with a shrug.
Mahina siyang tumawa dahil sa sagot ko. "Nag-away kayo?" mahinang tanong niya.
Sumimangot ako nang ipaalala niya si Zirrius. "Sigurado akong narinig mo pero nagtatanong ka pa," inis na sagot ko sa kanya. "You didn't even dare to interrupt and save me," pag-aakusa ko sa kanya.
He heaved a deep sigh. "May karapatan ba ako?"
I didn't know why my eyes turned watery. I want to give him the right but I can't voice it out. Natatakot ako. Natatakot ako na paasahin siya.
Mabigat na bumuntong-hininga si Damon. "Kumain ka na," saad niya. He held my left hand and let me feel the bowl of food. He put the spoon on my right hand, just like what he did yesterday. Tahimik na kumain ako. Ibinibigay niya sa 'kin ang baso ng tubig sa tuwing kailangan ko.
"He told me to take care of you," mahinang saad ni Damon. Muntik ko ng mabitawan ang mangkok na hawak ko.
"Ipinapaubaya ka niya sa 'kin," dagdag pa niya.
Kahit nag-iinit ang lalamunan ko, ipinagpatuloy ko ang pagkain kahit nahihirapan akong ngumuya.
"He's a fool," mariing sambit ko.
Mahina siyang tumawa. "Right. A fool and a coward. Kung ako siya, hindi kita ipauubaya kahit kanino, kahit ikamatay ko pa," saad niya.
"Ano'ng isinagot mo sa kanya?"
"You still have to choose. You're not anyone's property. You choose who'll stay by your side."
Iniabot niyang muli sa 'kin ang tubig nang hindi ko ito makapa sa sahig. Nakagat ko ang labi ko.
"I hate to see you like this," komento niya. Nararamdaman ko ang awa sa tinig niya.
"Don't pity me," mariing saad ko.
Hindi ko mahulaan ang iniisip niya lalo na't hindi ko naman nakikita ang ekspresiyon ng mukha niya. Maaaring kinakagat niya ang labi niya o mariin niyang itinitikom ang bibig. Hindi ko mahulaan. Ang tanging namamayani lang ngayon ay ang nakabibinging katahimikan.
"Damon, I need help," mahinang saad ko sa kanya.
Alam kong nagtataka siya. "Help about what?"
"I need to fight. Without my sight," seryosong sagot ko sa kanya.
Narinig ko ang pagsinghap niya. Nagulat siya.
"Ano'ng gusto mong gawin ko?" nagdadalawang-isip na tanong niya.
"I'll practice with a sword or a bow or magic. I need you to attack me. I might ask help from Kendrick or Shin or Ayen or even Zirrius. I need to see without the help of my eyes. I need to be conscious of my surroundings. I need this to defend myself."
I don't want to be useless. I don't want to be worthless. I don't want to be a burden.
"Hindi kita mapipigilan, hindi ba?" mahinang tanong ni Damon.
"Yes."
"Kung ganu'n wala na akong magagawa."
"I have another request," seryosong saad ko sa kanya.
"Ano 'yon?" nag-aalangang tanong niya.
"Don't hold back," seryosong sagot ko. Alam kong hindi niya seseryosohin ang hiling ko sa kanya. Alam kong ayaw niya akong saktan pero kailangan kong maging malakas sa sarili kong paraan.
Muling bumuntong-hininga si Damon. "Then start your training with Kendrick, Ayen and Shin. Kapag alam kong malakas na ang pakiramdam mo, saka kita lalabanan."
Ngumiti ako at tumango. Kahit na gagawin ko ito, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na bumalik ang paningin ko. Hindi ko mahahanap si Seth sa ganitong kalagayan. Maybe I really need to find a healer. Sa ngayon, ito muna ang gagawin ko.
~~~
Matapos maayos at mailigpit ang lahat, ipinagpatuloy na namin ang paglalakbay. Sumakay ako sa kabayo ni Damon samantala, si Shin naman ang sumakay sa kabayo ko. Tahimik kami sa buong paglalakbay.
Pinakikiramdaman ko ang bawat isa, ang mabibigat nilang paghinga at maging ang mga galaw nila. Maging ang bawat yabag ng mga kabayo ay pilit kong itinatatak sa isipan ko.
Sometimes I'm making out their shadows inside my head. I'm trying to imagine their figures. I'm trying my best to be aware of my surroundings. I'm trying to be more alert.
Nang tumigil kami upang magpahinga, agad kong tinawag si Kendrick.
"Fight me, Kendrick. With your sword," seryosong saad ko.
Nabalot ng katahimikan ang buong paligid dahil sa tinuran ko. Si Damon ang unang nakahuma at nagsalita. "Not with a real sword but with a stick," seryosong saad niya. "We can't afford the bruises and the bloodshed."
Sumimangot ako dahil sa sinabi niya. "I think, a real sword is highly motivating," nakangising saad ko sa kanya. "But sure. I can't be dead before we get to Sumeria. Let's use sticks."
"I'll get the sticks," pagboboluntaryo ni Shin. Suddenly, I heard the flapping of his small wings. I figured that he shifted once again.
Ilang minuto lang ay bumalik na siya. He handed me a stick. May tela rin siyang ibinigay sa 'kin.
"If you still need the blindfold," seryosong saad niya. "And since you're up to something interesting, I'll propose something too."
Kumunot ang noo ko. "Ano 'yon?"
"Guard your stick, night and day. If you lose it, training is over," seryosong sagot niya. "I might get it when you're not paying attention or someone else will."
Nakagat ko ang labi ko dahil sa sinabi niya. That will mean less sleep for me.
"Alam kong nagagamit mo pa ang mga pandama mo. Pero kapag nasa anyong tao ka na, mahihirapan ka na dahil hindi na masyadong sensitibo ang pakiramdam mo."
"Gagawin mo pa rin ang ritwal?" mahinang tanong ko sa kanya.
"They already know," he answered. "We don't have any better options. Especially now that you're blind."
Bumuntong-hininga ako. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. He's right. I couldn't do anything in this condition. Hindi ako maaaring manatili sa anyong ito kung papasok kami sa Sumeria.
"Here's your stick, Kendrick," saad ni Shin. Narinig ko ang pagsalo ni Kendrick sa stick na sa palagay ko'y ihinagis ni Shin.
"I'll fight you when you get better," seryosong saad ni Shin bago ko narinig ang mga yabag niya palayo.
Natigilan ako nang marahang dumapo sa noo ko ang isang kahoy. "Paano ka lalaban sa ganitong kalagayan?" seryosong tanong ni Kendrick. "If this is a real sword, you're already dead by now."
Sumimangot ako. "Just continue to attack me until I learn how to dodge and fight back."
"Sure. Pero mukhang ako ang unang mamamatay kapag sinaktan kita," natatawa pero mahinang sambit ni Kendrick. "If only you can see how those guys glare at me. One wrong move and I'm dead."
Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. "You're overreacting. Just ignore them," naiiling na saad ko. I swing the stick with an attempt to hit him but I hit nothing. He already swiftly moved away. Bumuntong-hininga ako. This is harder than I thought.
Ilang beses na tumama ang stick ni Kendrick sa iba't ibang bahagi ng katawan ko. Magagaan lang ang bawat hampas niya kaya hindi ako gaanong nasasaktan. I was trying my best to determine his location by his shallow breathing and movements. I'm trying to imagine him like I was fighting with his shadow. I'm pretending that this is a shadow fight.
I was so frustrated deep inside but I'm doing my best not to show it. Hindi ko man lang siya natamaan sa unang pagsasanay na ginawa namin.
Makalipas ang ilang minutong pagpapahinga ay ipinagpatuloy na ulit namin ang paglalakbay. Sa tuwing tumitigil kami upang magpahinga, kinakalaban ko si Kendrick gamit ang kahoy na ibinigay ni Shin. Sinisigurado ko na palagi ko itong hawak dahil mahirap na kapag nawala ko ito o kinuha ito ng kung sino. I can't afford to stop training.
Kapansin-pansin ang pananahimik ni Zirrius. Halos hindi ko siya naramdaman sa buong paglalakbay. Hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako dahil sa hindi niya pagpaparamdam. Hindi niya ako kinausap o nilapitan. Hindi ko rin mahulaan kung tinitingnan o sinusulyapan ba niya ako.
Mabigat akong bumuntong-hininga at wala sa sariling yumakap kay Damon dahil sa kalungkutang nararamdaman ko. I feel so empty and hollow inside. I feel neglected.
***
A/N:
Song for this update: You Will Find Me by Alex and Sierra
Hello readers! It's been a while since I had an Author's note so how are you? And how's the update? I hope to hear from you. Ciao!
~Missmaple
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com