Hello Stranger, Goodbye Stranger
Marahan kong pinindot ang power button ng cellphone ko para tignan ang oras.
5:40 pm
Medyo mahaba-haba pa ang hinhintayin ko bago pumasok sa 6:15 pm kong klase sa Accounting 101.
I plugged my earphones and clicked play on the screen. The loud and lode music of Fall Out Boy started blaring and for some reason it calms my nerves.
Kasalukuyan akong naka-upo sa isang bench malapit sa grand stand. Mula dito ay makikita mo ang buong football field na may iilang mga players na nag-eensayo. Kahit ilang ektarya man ang lawak ng pamantasan namin ay ito talaga ang paborito kong tambayan.
Napapikit ako nang naramdaman ko ang preskong ihip ng hangin. The sun was setting and it made the sky turned to a majestic combination of orange, pink, and violet.
Kita ko rin ang iilang mga mag-aaral na naglalakad sa footwalk malapit sa field. May ilang grupo ng estudyante na ma-ingay na naglalakad at nagtatawanan, may ilan din namang kinikilig tuwing makikita ang mga football varsity players na nagsi-stretching sa grand stand.
Isa-isa kong pinag-aralan at inobserbahan ang mga mukha ng mga taong nagdaraan. I like observing people and their behaviors but I don't really like mingling with them. Kumbaga medyo may pagka-loner din ako.
Aminado ako d'on at para sa'kin kunportable lang akong mag-isa. Wala din akong masyadong pake sa mga nangyayari sa paligid ko.
Sa dulo ng field ay may mga nagkukumpulang mga tao sa isang headquarters ng isang political party ng mga student leaders. Hindi ko rin kilala kung sino-sino ang mga kandidato ngayon taon dahil sa tingin ko ay karamihan sa kanila ay pa-peymus at papapel lang kahit wala naman talagang alam paano mamahala ng isang student body.
Ok hindi ko naman nilalahat dahil oo nga't may ibang student leaders din na gusto talaga magserbisyo at masaya sa kanilang ginagawa. Pero harapin natin ang katotohanan. Iilan na lang ang mga ganyan ngayon. Karamihan kasi magkakandidato lang dahil maganda o pogi, o siguro dahil madami siyang friends sa facebook.
Nakakalungkot isipin na mga katulad nila ang kinagigiliwan ng mga estudyante dito. Kaya nga hanggat maari ay ayoko makipaghalubilo sa kanila.
5:45 pm
Ang bagal talaga ng oras. Mabuti na lang talaga at may dala akong earphones dahil baka mamatay na ako sa bagot. Ramdam na ramdam ko talaga bawat linya sa kanta at may panaka-nakang head bang pa akong nalalaman. Pero naudlot ang moment ko nang napansin ko na may umupo sa dulo ng bench ko.
Nilingon ko siya at napatingin din siya sa'kin. Ngumiti siya kaya naman litaw na litaw ang magkabilaan niyang dimples at ang pantay at mapuputi niyang ngipin.
Nagpapa-cute ba 'to?
"You don't mind me sitting here right?" magiliw na tanong niya.
Nilingon ko ang ibang bench at marami namang bakante. Bakit ba dito talaga siya naupo?
Kahit naguguluhan ay tumango na lang ako.
Tinignan ko siyang mabuti dahil parang pamilyar ang mukha niya. Hindi ko lang matukoy kung saan ko siya nakita.
Medyo may pagka-mestizo ang kutis niya at base sa mahabang biyas niya eh nahalata kong matangkad ang lahi niya. Malapad din ang balikat at maganda ang hubog ng katawan.
He was mascular but not too bulky. Parang sakto lang talaga sa katawan niya.
Nilingon niya ulit ako at mabilis kong iniwas ang tingin ko. Baka kung ano pa isipin niya.
Sinilip niya ang screen ng cellphone ko at medyo nainis na ako. Pinaka-ayoko kasi sa lahat ang eavesdropper.
"No way! Nakikinig ka sa FOB?" hindi makapaniwalang tanong ng lalaking katabi ko.
"A-ahm. Oo matagal na nila akong fan. Bakit mo natanong? Fan ka rin nila?" balik tanong ko. Hindi naman ako mahilig makipag-usap sa kung sino-sino pero kapag musical taste ko na ang usapan ay nag-iiba bigla ang mga prinsipyo ko.
"Well you can say that. I've been following their works but I'm more of a Panic! At the Diso fan," paliwanag niya sa'kin.
"Talaga? Nakikinig din ako sa P!ATD pre-split at post-split. Pero Fall Out Boy kasi talaga ang bet ko eversince I was twelve," sabi ko naman. Sa hindi maipaliwanag na rason ay parang napakakumportable para sa'kin na kausapin siya.
Siguro dahil na rin iilan lang talaga ang makakarelate sa musical taste ko. Humaba at humaba pa ang pag-uusap namin at nang tinignan ko ang oras ay ala-sais na pala.
Ilang minuto na pala kami nauusap pero hindi ko man lang alam ang pangalan ni mystery cutie. Medyo umaasa din ako na ma-isingit niya sa usapan ang pagtanong ng pangalan ko pero hindi iyon nangyari.
May pasimpleng susulyap pa sana ako sa ID niya para malaman ang pangalan niya. Kaso hindi kita sa angle na 'to eh, natatabunan ng bag niya.
Napailing ako sa mga pinaggagawa ko. Ano naman kapag nalaman ko na pangalan niya? Ia-add ko ba siya sa Facebook? Alangan naman ako una mag-chat eh hindi ko nga kaya magkar'on ng normal conversation sa ibang tao.
Pero kapag siya ang ka-usap ko parang ayos lang.
I snapped out of my zone when he waved his hand in front of me. Sunod-sunod naman ang pagkisap ng mga mata ko na siya namang dahilan ng pagtawa niya.
Shet. Pati ba naman tawa niya ang cute pa rin? Is there any chance that I'm starting to like this stranger? Hell! I just met him.
"I'm s-sorry. I zoned out," paghingi ko ng pasensya. Nakakahiya! Baka isipin niya na patay na patay ako sa kanya.
"No it's ok. Kanina pa ako nagsasalita. I'm starting to worry baka bored ka na sa'kin," medyo nahihiya din niyang sabi. He looked down at animo'y na-conscious bigla.
Is he kidding me? Siya lang nga ang lalaking naka-usap kong ganito ka tagal. Karamihan kasi ng mga lalaki ay puro ulo lang sa baba ang ginagamit kaya wala ng laman ang utak. Minsan din ay hindi nila kayang mag-maintain ng matinong usapan dahil malamang ay aabot na ito sa kamanyakan. Minsan may iba din na hindi man manyak at hindi rin bobo, pero saksakan naman ng hangin.
Pero iba ang lalaking kasama ko ngayon.
They say that you can determine a person's intellectual capability once you sat down and have an actual conversation with that person. You only have to listen closely, observe speaking patterns and vocabulary and look for tiny glitches in that person's focus.
Sa loob ng ilang minuto naming pag-uusap ay halatang mataas ang pinag-aralan niya, refined din magsalita pero lalaking-lalaki pa rin ang dating.
"Look I've been wondering kung bakit parang pamilyar ang mukha mo sa'kin," pag-uumpisa niya ulit ng topic.
Ha? Ako ang pamilyar? Ibig sabihin ba nito ay kilala niya talaga ako? Akala ko kasi kanina ako lang ang nakapansin.
"Is there any chance na sa Westpoint ka rin nag high school?" tanong niya.
"Oo. Teka alumnus ka rin d'on?" hindi makapaniwalang sabi ko.
Shems! Isa na lang talaga at kikiligin na ako. Napakarami pala naming things in common. Ito na ba ang swerte na matagal ko nang pinagdadasal?
"Yes! Actually d'on talaga ako gumraduate simula elementary. Kaya pala namumukhan kita. Pero hindi siguro tayo magka-batch kasi you look younger," sabi naman niya.
"Sina Guzman at Ahera ang mga ka-batch ko dati."
I cited a few famous personalities from my batch. Kasi kung ako lang hindi naman kasi talaga ako kapansin-pansin.
Pero na pansin pa rin ako ni Stranger!
"Ah! Kaya pala. Dalawang taon lang naman pala akong ahead sayo. Siguro hindi mo na naabutan si Mrs. Dela Torre. Magreretiro na kasi siya n'on. Siya talaga ang pinakakinatatakutan ng klase namin."
"HAHAHA! Naku na teacher ko pa siya eh. Pero isang beses lang. Terror pala talaga siya. Akala ko n'on makulit lang talaga ang section namin," magiliw na tugon ko.
Marami pa kaming pinag-usapan ni Stranger. Hindi ko nga namalayan na 6:13 na pala.
Hala! Dalawang minuto na lang at klase ko na sa Accounting! Pero hindi ko pa rin alam ang pangalan niya at nakakapanghinayang kung aalis na ako ngayon dahil medyo napalalim na ang usapan namin.
Bahala na nga. May 15 minutes extension pa na naman bago ako mamarkhan ng absent ng Prof ko.
Hindi ko pinahalata ang pagkabalisa ko. I was drowning in his presence. Hindi ko maiwasang isipin na may kakaibang click sa'min.
Hindi naman sa pagiging ilusyunada pero 'di ba't sabi nila hindi mo naman alam kung kailan ka makakasakay sa love train. Minsan ay bigla-bigla lang dadating ng hindi mo mamalayan kailangan mo lang maghintay.
Siya na nga siguro ang ticket ko sa love train at ngayon pa lang ay worth it na ang isang buong sem kong paghihintay sa tabi ng grand stand.
6:25
Ito na. Kung puwede ko lang sana pigiling ang oras ay kanina ko pa ginawa. Mabilis kong inayos ang laman ng bag ko at tumayo.
"It was really nice talking to you. Pero pasensya na talaga may class pa kasi ako," nag-aalinlangan kong sabi.
"Oh. That's sad to hear although it was really refreshing to have a conversation with you," he said. Is it just me or did I really see a hint of sadness in his gray eyes?
Naku! 'Wag ka malungkot! Type kita, kaya tanungin mo na ang pangalan at number ko!
My brain was silently pleading to know his name or even ditch my class just to have a little more time with this gorgeous stranger.
I stood there for quite a while but then I decided to start walking away from him.
Ano ba 'yan 'di man lang tinanong ang pangalan ko. Ang weak naman niya! Hindi ba siya marunong dumiskarte?
Baka hindi niya lang ako type. Baka ako lang talaga ang umasa.
Ano ba 'to? Bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko? Bakit parang nasaktan na agad ako sa isang love story na hindi pa nga nagsisimula.
Every step I take makes my heart heavier and heavier still. Paano kung hanggang dito na lang talaga? Malaki ang pamantasan na 'to kaya posibleng hindi na ulit pa magkrus ang landas namin ni Stranger.
I've had enough of what if's and maybe's in my life. I can't be that random girl in the side walk forever. Ngayon ko napagtanto na kung hindi ako gagawa ng paraan para sa sarili ko ay habang buhay lang akong mag-iisa at nakatingin mula sa malayo.
I sighed heavily. Kung hindi niya tatanungin ang pangalan ko ay ako na mismo ang magtatanong sa kanya. Kailangan kong subukan lahat ng swerte ko ngayon.
I was just about to turn towards the bench when I heard steps behind me.
"Miss! T-teka lang," hinihingal na sabi niya na tila tumakbo pa ng marathon.
Ito na ba?
Gosh! Did he just run after me? Is it possible that he likes me too?
"I was so rude a while ago. Hindi man lang kita natanong ng pangalan mo. Would you be so kind to tell me your name?" buong pagsusumamo niyang sabi.
Pumalakpak ata ang tainga ko sa narinig. I can feel myself blushing from his manly gaze and his cheeky smile.
Sino naman ba ako para magpabebe pa? This is it na kaya!
"Marianne. I'm Marianne Cinasra," pasimple kong sagot.
Ngayon sabihin mo na ang pangalan mo! Mas mabuti kung pati cellphone number ay isasama mo na rin! Dali dahil malapit na ako mamarkahan ng absent sa Accounting.
"Well Marianne, I'm Noah Sebastian," magiliw na pagpapakila niya.
Noah Sebastian. Medyo matunog ang pangalan niya. Saan konga ulit nakita 'yon.
Nevermind. Hindi na mahalaga ang kahit ano ngayon. Lalo pa't nilahad ni Noah ang kamay niya na animo'y isang proper gentelman magpakilala.
Nakipagkamay din ako sa kanya. He held my hand tightly but not to much. Ang laki ng kamay niya at may kagaspangan tanda ng kasipagan niya.
"Marianne I hope you don't mind if I ask you something," sabi niya habang hawak pa rin ang kamay ko.
Ilang beses pa ako nagpasalamat sa Diyos na hindi ako pasmado.
Ask me something? Number ko ba? Baka yayayin ako magkape pagkatapos ng klase?
"A-ano naman 'yon?" I stuttered for a bit. His presence made me feel uneasy but I still want to be with him.
"Could you vote for me as counselor this coming election?"
Teka lang, ano raw?
Could you vote for me as counselor this coming election?
Could you vote for me as counselor this coming election?
Could you vote for me as counselor this coming election?
Could you vote for me as counselor this coming election?
Could you vote for me as counselor this coming election?
Could you vote for me as counselor this coming election?
Aba't! Isa't kalahating gago pala siya!
Pagkatapos ng lahat-lahat nangangampanya lang pala siya!
Nakakainis siya pero mas naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ako umasa agad sa damuhong 'yon?
"S-sure! 'Yon lang pala," mapaklang sabi ko sabay bawi ng kamay ko. "Sige may pasok pa ako."
Mabilis ko nang tinalikuran sa Noah at hindi na lumingon pa. Halos umusok na ang tenga at ilong ko sa sobrang inis! Tiningnan ko ulit ang oras sa cellphone ko.
6:32 pm
Malamang ay hindi na ako makakapasok sa Accounting class ko. Hindi ako makapaniwala na inuna ko muna ang landi tapos palpak naman pala. Ang boba ko lang eh.
Parang nanunudyo pa ang tadhana dahil nakita ko ang tarpulin ni Noah na nakasabit sa gilid ng daan. Napakagwapo niya d'on. Ang ganda ng ngiti niya pero mapanlinlang lang naman pala.
Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa sobrang pagkadismaya at inis.
Hindi naman ako nagtanim ng sama ng loob kay Noah dahil sa pangangampanya niya. Naiinis ako sa sarili ko. Unang bese ko lang maglakas loob na lumabas sa comfort zone tapos palpak naman pala. Akala ko kanina ay siya na ang hulog ng langit.
Akala ko ay makakasakay na ako sa love train pero mali pala. Sinagasaan lang ako at iniwan ng walang hiyang love train na 'yan!
Marahas ko pa sanang papahiran ang luha ko nang may nabunggo akong tao. Nagkalat ang folder at at mga libro ko sa footwalk. Mabilis naman akong napaluhod para pulutin iyon. Nakayuko lang ako at sinubukang itago ang luhaan kong sitwasyon.
Hindi ko napansin na may tumulong pala sa'kin sa pagpulot ng mga gamit ko.
"I'm really sorry Miss. Hindi ko sinasadya," paghingi ng paumanhin ng lalaking nakabangga sa'kin.
Medyo maulap pa ang paningin ko dahil sa luha at marahas ko iyong pinunasan. Napasinghot pa ako ng ilang beses.
"Hey, are you okay? Pasensya na talaga. Ako nga pala si Rozen."
~THE END~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com