Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HUSH 10

HUSH #10
Enjoy reading!

ZYNC

"Sigurado ka bang ayaw mong ipaalam sa Daddy mo ito, hijo?" tanong ni Nanay Dolores.

Ngumiti ako saka umiling. "There's no need to tell him, Nanay. I don't want to make him worried. He's a busy man. He needs his time and telling him about what happened will just be a waste of time."

Naiintindihan ko naman si Daddy. He's the chairman of Orlando Conglomerates. He's busy expanding his empire internationally. Dad had been educating me about all the aspects in business world. Being emotional isn't part of it. It's his way to nurture me.

I don't have a grudge for him just because I was only raised by Nanay Dolores. Yes, he isn't an ideal father but at least, he's a good father to me. He always tells me I am his only treasure that he wouldn't want to lose, that he's doing everything and his best to make a great king out of me someday.

"Pero hindi basta-basta ang nangyari sa iyo, anak. Halos mamatay ako sa kaba nang malamang sinugod kayo sa hospital."

Nilapitan ko siya at niyakap. Bumitiw ako. Maluhaluha ang mga mata niya. Nanay is an old maiden. Simula dalaga pa siya ay naninilbihan na siya kina Daddy kaya sa kanya ako ipinagkatiwala ng ama ko. Hindi na rin siya nag-asawa at nagkaroon ng sariling pamilya. She was already part of our family.

"Nanay, look at me. Malakas na ako oh! Don't worry about me, kaya ko na ang sarili ko." I assured her.

"Kaw talagang bata ka. Pero hayaan mo na nabuntutan ka ng mga body guards mo."

I sighed. Ayaw ko pero to make her feel at ease, I have to agree.

"Yes po. I'll let them follow me everywhere."

Ngumiti si Nanay Dolores at muli akong niyakap.

While heading on my way to Laroa University, I kept on glancing on the side and rearview mirror. I really don't like it when I am being tailed on.

It's creeping me out. Pero wala akong magagawa. I have to endure this for days. A week of having them will do para lang matigil sa pag-alala si Nanay.

Nang makapagpark sa loob ng university ay natuon agad ang pansin ko sa babaeng nakasandal sa isang kotse. Nakaharap siya sa gawi ko pero nakatanaw sa malayo. She was wearing dark sunglasses.

Biglang humangin. Napanganga ako nang nilipad ang buhok niya. Her neck became visible in my eyes. She was wearing a white sleeveless under her black jacket. Nalislis ang jacket niya. A part of her shoulder went visible too.

Nakaramdam ako bigla ng init at napalunok ako. Wala sa sariling nilakasan ko ang aircon. Pero ayaw matanggal ng mga mata ko sa kanya.

Geez, she's breathtakingly beautiful.

Bigla niyang hinubad ang sunglasses. Ilang beses akong napalunok nang diretsong tumama ang tingin niya sa akin. My windows are tinted. Pero bakit parang nakikita niya ako? She looks at me intently.

Goodness, what is she doing to me? My breath hitched.

Umiwas siya ng tingin tapos nagmartsa tungo sa likurang bahagi ng kotse ko. Wala sa sariling sinundan ko siya ng tingin.

Napanganga ako nang makita roon si Iseah na nakahawak sa isang malaking stand fan na nakatutok sa pwesto ni Katarina kanina. Lumagabog ang likuran ng kotse ko nang biglang sinapak ni Katarina si Iseah.

Kaya pala may hangin! The parking lot is an enclosed area. Ano'ng trip ng dalawang ito?

Mukhang nagbangayan ang dalawa. Hinintay kong makaalis sila bago ako bumaba sa kotse. Napalingon pa ako sa iniwanan nilang stand fan.

"Weird." kamot-ulong tumungo ako sa classroom namin.

Pagkapasok ko sa classroom ay nakatingin agad ang lahat sa akin.

"Glad! You and Bryle are resurrected!" sigaw ni Rexell na sinalubong ako. Hinampas ko siya ng bag. Umupo ako sa pwesto ko.

Napatingin ako kay Katarina na tahimik na nakaupo sa pwesto niya sa harap ko. Nakayuko siya. Hinanap ko si Iseah at nakita ko siyang nasa dulong bahagi na naman siya nakaupo. Hindi talaga siya mapirme sa iisang pwesto. Sinamaan niya ako ng tingin nang makitang lumingon ako sa kanya.

"Fvck you." she mouthed and gave me a dirty finger. I grimaced. Sama talaga ng tabas ng dila ng babae 'to.

"Mabuti na lang may lahi ako ni Wolverine. My wound is completely healed." ani Bryle at walanghiyang tinaas ang damit.

Pinakita niya ang bakas ng sugat niya. Maliit lang ito kumpara sa akin. Mine was healed, too. The doctors used an expensive cream that can easily heal a wound.

Kaya... Wolverine my ass. I hissed at Bryle.

"Mabuti hindi napuruhan ang abs mo." saad ni Rexell. "Itaas mo pa, Bryle. Tumutulo na ang laway ni Norma." Humagikhik pa ito. Napatingin kami sa kaklase naming patay na patay kay Bryle. Natawa na rin ako. Kasi parang mananakmal na ito.

"Ilabas mo rin ang sa iyo, Zync. Ivivideo ko si Norma."

Binatukan ko siya.

"Tarantado!"

Umingos siya sa akin. When Professor Moj arrived tumahimik na ang lahat. Lalong-lalo na kami. Ayaw na naming mapahiya ulit.

Ayaw ko nang mapahiya!

Habang sumasagot kami sa seatwork ay biglang nagsalita si Prof. Moj.

"Mr. Orlando and Mr. Monteclaro were excused for being absent for more than a week." napatingin ang lahat sa kanya. She was eyeing Katarina and Iseah. "But, Ms. Clementin and Ms. Frost, you are not excused for your absences."

Nagtaka ako. Absent din sila?

"Any objection?" nakataas ang kilay na ani ng aming guro.

"Of course there is..." bulalas ni Iseah. "Fvck. I fvcking sent an excuse letter to your email."

Napangiwi ako. Wala talagang takot 'to.

"Your mouth really needs to be bleached, Miss Frost."

"Have you even read our excuse letter, haven't you?" bulalas nito. Himala walang fvck.

"Fvck." dagdag niya. Napasapo na lang ako sa aking noo. Baliw talaga ang isang 'to.

"Still, you are not excused. End of discussion." ani Prof. Moj saka tumutok muli sa laptop niya. "Focus on your work."

"What a fvcking old hag." mahinang bulalas ni Iseah.

"Iseah Frost! Meet me at the guidance office after this subject!" sigaw ni Prof. Moj. na halatang nawalan ng pasensya.

Ibang klase talaga ang porenjer na 'to. Walang takot!

"Sabi mo eh." awkward na pananagalog nito. Pilit na pilit ang accent.

Lumingon dito si Katarina saka napailing. Mukhang sanay na siya sa ugali ng kaibigan niya. Kanina lang ay sinapak niya ito ngayon naman ay maga-guidance na. Iseah is crazy and delinquent.

"What about you, Miss Clementin? Anything to say?" mukhang naubusan ng pasensya ang guro namin.

"Do I have to say something?" sagot naman nito. Hindi naman pabalang pero parang nakakainsulto pa rin.

Napabuga ako ng hangin. Hindi talaga sila makausap nang matino. Kakaiba ang ugali nilang dalawa. Halatang hindi laki sa Pilipinas. Well, may mga pinoy din naman na ganito pero sila ibang klase talaga.

Prof. Moj gritted her teeth. Masama niyang tinitigan si Katarina na nakayuko na at nagsusulat. Wala ng paki sa mundo.

Natapos ang klase ay agad lumabas si Prof.

"Hey, you have to fvcking come with me." ani Iseah kay Katarina.

"Why would I?" ni hindi man lang nilingon ang kaibigan. Nasa kanila na ngayon ang atensyon ng lahat.

"Because you were fvcking absent, too!" bulalas ng isa.

Iseah has a bad temper. Really bad. Parang isang kibot, mukhang pupugutan ka niya ng ulo. Taliwas sa kaibigan niyang kalmado at tila walang pakialam sa paligid. Pero mas delikado. I cringed with that thought.

"Sinagot-sagot ko ba kanina ang professor natin?" she asked calmly, bahagya itong nilingon.

"What did you fvcking say?"

"Get out of my sight, Iseah." she gestured her hand dismissing her friend.

Napaigtad pa ako nang bigla kaming nilingon ni Iseah at sinamaan ng tingin.

"Fvck you." she mouthed to me... again.  She gave us a mocking smile and two dirty fingers. Napahawak ako sa aking dibdib at napanganga. Inaano ko ba siya? Bakit parang galit na galit siya sa akin? Nagkatinginan kaming tatlo.

Padabog na umalis ito sa classroom. Nanatiling tahimik ang lahat na palingon-lingon sa gawi ni Katarina na nakayuko na naman.

"They're really weird." mahinang bulalas ni Bryle.

"Nakaka-tense kapag nandito siya." bulong ni Rexell. Nilingon ko ito.

"Absent din sila? How many days?"

Tumango siya sa akin. "No'ng nakapasok ulit ako, absent na sila. Our classmates said when we were in the hospital... absent na rin sila."

Ano naman kaya ang dahilan ng pagliban nila sa klase nang gano'n katagal? Binalingan ko si Bryle na nakakunot ang noo habang titig na titig kay Katarina.

Lunch came. Excited akong lumabas para makita si Allaine. Hindi niya kasi ako nasundo kahapon nang ma-discharged kami.

Nasa unahan namin sina Katarina at Iseah. They were heading to the cafeteria, too.

"Huwag ka ngang magulo!" angil ko kay Rexell, dahil ang likot niya. Panay hampas at bunggo sa akin habang nanonood ng video sa phone niya.

"Panoorin mo 'to, dude. Nakakatawa."

"Ha ha." sagot ko.

"Hey, what's bothering you?" tanong ko kay Bryle na kanina pa tahimik.

Kumibit-balikat siya. "Wala lang. May iniisip lang ako."

"Tungkol ba sa nangyari?"

Tumango siya.

"Bakit? Ano ang iniisip mo?"

"I'm still wondering why those thugs wanted you."

"Isn't it because I am the heir Orlando? Sabi ng pulis, those people are part of a wanted criminal group that extorts wealthy people. Ilang anak ng mga mayayamang tao na ang nakidnap nila at naperahan." I told him.

"Aside from that... sa tingin ko ay may iba pang dahilan." aniya saka itinuon ang mata kina Katarina na nakalayo na pala sa amin at papasok na sa cafeteria.

"Why are you keep on eyeing her?" I asked.

He sighed. "I just find it weird."

"What?"

"I think I saw her when I was about to passed out." he said.

"She was there?"

"I am not sure pero parang siya 'yong nakatayo sa likod ng isang kotse. Kuminang pa nga 'yong hawak niyang parang kutsilyo bago ako napapikit."

"A knife?" mahinang tanong ko sa sarili. "Maliit na kutsilyo ba?" I asked him when I remembered those flying knives.

"Daggers." biglang saad ni Rexell na nakikinig pala sa amin. "Those two golden daggers killed the two thugs."

Natahimik kaming tatlo. Siya nga ba 'yon? Kung siya iyon? Do I need to be careful around her?

"But if it was really Katarina... she's cool!" ani Rexell na halos maghugis puso ang mga mata.

"Cool?! Scary kamo!" bulalas ko.

"Dude, think about it... she helped us." aniya.

"Yes, she helped us and that's making me more suspicious." sagot naman ni Bryle. "She killed them!"

Sumang-ayon ako. Heck! Pumatay siya ng tao! That's a sin! Kahit na sabihing tinulungan niya kami... but she still helped us.

But killing isn't a normal thing to do!

"But, we're not still sure that it was really her." pagtatanggol ni Rexell.

Nang makapasok kami sa cafeteria ay hindi na namin napag-usapan ulit iyon. Tuwang-tuwa naman ako nang makita sila Allaine sa pwesto namin.

I hugged her and kissed her cheeks. "I missed you." Nginitian niya lang ako saka hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa hita ko. Holding hands under the table. Yiii.

"Kamusta naman kayo? Grabe, namiss ko kayo rito sa school!" ani Lara na nakapulupot sa braso ng nobyong si Bryle.

Napalingon ako sa isang gawi. Nakita ko sa dulo si Katarina na tahimik na kumakain. Nasa gilid naman si Iseah nakatayo at kausap sina Al Ryan at Francheska.

"Why are they talking with Frost?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa kanila. Napalingon din ang iba sa gawi nila.

Nakakunot ang noo ni Iseah habang nagsasalita si Francheska.

"It was about the offense of the new girl." ani Lara.

"Totoo ba talagang minumura niya raw si Prof. Moj sa klase niyo?" tanong ni Cynthia.

"Kung kaklase lang namin kayo. Nakakatakot ang fvck ni Iseah. Kahit aksidenteng mapalingon ka sa kanya bigla ka niyang mumurahin o 'di kaya magdidirty finger siya." ani Rexell na napapailing. Natatawang sumang-ayon kami ni Bryle. "Sobrang lakas talaga ng loob niyang sumagot-sagot. Hindi umuubra sa kanya ang pinaka-teroristang guro ng LU. Mabuti na lang ay hindi niya kagaya ang babe ko."

We looked at him.

"Sino'ng babe mo?" Henna asked.

Umirap naman ito. "Duh, sino pa ba... edi si Katarina babe! Haaaaay. She smiled at me kanina nang pumasok siya sa classroom namin. I think she's falling in love with me na."

Napangiwi kami sa kanya. Ang sagwa niyang tingnan. Bryle hit his face.

"Huwag kayong lumapit sa kanilang dalawa." biglang saad ni Allaine na nakatutok lang sa pagkain.

"Why?" Lara asked.

Allaine sighed, "We don't know what kind of people they are. Just avoid acquainting with them."

"Nga naman. It won't hurt us if we will be careful." pagsang-ayon ko sa babe ko.

Bumalik na rin sina Al sa table namin. Masaya at maingay kaming kumain nang natahimik na naman ang lahat. Natuon ang pansin namin sa papasok na sina Rusty, Jessy at dalawang school guards.

Dumiretso sila sa table nila Katarina.

"Handover your deadly weapons to us, Miss Clementin." untag ni Rusty. Napatingala si Katarina. Walang kaemo-emosyon ang mukha habang ngumunguya.

"What the fvck is this all about?!"

"A student reported to our office that you threatened him and you pointed two guns at him. What you have done is against the University rules."

Napanganga ako sa sinabi ni Jessy. Tinutukan niya ng baril ang isang estudyante?!

"Oh, that..." aniya na parang may naalala. Patango-tango pa siya. Seriously?

"Kapkapan ang mga 'yan." utos ni Rusty.

Umabante ang dalawang guwardya. What?! Lalaki ang mga iyan!

"Not you two! Jessy do it." Mabuti naman kung gano'n.

Lumapit si Jessy kay Iseah. Tumayo naman ang huli. Oh goodness... here we go again.

"Come and fvcking touch me, whore and you'll say goodbye to your fvcking head."

Napahawak ako sa leeg ko dahil sa sinabi niya. Mukhang tutuhanin niya kasi ang banta. Napalayo si Jessy sa kanya.

"That's another offense, Miss Frost." napapailing na saad ni Rusty.

"Really? Do you think I fvcking care?"

"You two will be expelled."

Tumawa nang malakas si Iseah. "Push. But sorry, Mr. Fvcking President of University Supreme Student Government... I have to burst your bubbles. You can't fvcking expell us that easily."

"Really? Then, let's see. Wanna bet?"

"Psh." untag ni Katarina saka tumayo. Bigla niyang hinubad ang suot na jacket. Napanganga ako.

Goodness! Ilang beses akong napalunok. Why am feeling this towards her?! It's like my stomach is churning.

Pero napasinghap ako nang makita ang dalawang baril na nakasuksok sa tagiliran niya.

Parang bumagal ang paligid nang binunot niya ang dalawang baril saka itinutok kay Rusty.

Napatayo ako nang tumayo sina Allaine. I held her arm dahil susugod na dapat siya sa kanila. No way baka madamay siya!

"There you go. Expulsion is coming." natutuwang saad ni Rusty. He's unbelievable! Tinututukan na siya tapos ganyan lang ang reaksyon niya. Abnormal ba ang baklang 'yan?

Naglabas na rin ng baril ang dalawang guards. Tumayo si Iseah sa likod ni Katarina.

"Nope." nakangising sagot ni Katarina. Umuwang ang bibig ko when she pulled the triggers!

A deafening silence enveloped all over us as we watched Rusty fell down on the floor.

"Oh fvck! This is priceless! Hahahahahaha! I didn't fvcking expect that you can pull off something like this, prinkípissa! Hahahahahahahahahaha!"

Nakangangang nakatitig ako kay Rusty na nakaupo sa sahig habang basang-basa ang mukha dahil sa malapot na pintura. Kulay red and yellow.

"Oh? My bad. Actually, these are water guns. I didn't know that those kids put paint instead. Psh." bulalas ni Katarina at nagtatakang nakatingin sa mga hawak na baril.

"Inarbor ko lang ito sa mga bata sa elementary department." dagdag pa niya.

"Sorry for messing up with your pretty face." Yumukod siya kay Rusty. Sobrang inosenti ng tingin niya rito. Parang hindi makabasag pinggan.

I can't believe this. They're insane!

"CLEMENTIN! FROST! TO DETENTION ROOM! NOW!"

-End of Hush 10-

Thank you for reading, freaks! God bless us all. Stay safe and healthy!

Hugs and kisses,
CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com