Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HUSH 3

HUSH #3
Enjoy reading!

KATARINA

I gracefully landed on the ground.

Tumabingi ang suot kong bandanang itim sa ibabang bahagi ng mukha ko. Inayos ko iyon saka nilingon ang mataas na pader na aking tinalunan.

"This school is full of secrets."

Napangisi ako sa mga na-discover kong kakaiba sa Laroa University sa loob ng tatlong oras kong paglilibot sa buong school premises.

Hinila ko pababa ang hood ng suot kong jacket para matabunan ang mukha ko bago naglakad paalis. Malalim na ang gabi at sigurado akong tulog na si Sia.

Tinungo ko ang lugar kung saan ko iniwan ang Ducati 1299 Superleggera ko kanina. Ang mamahaling motor na suhol ng High King para mapasunod ako sa gusto niya.

As if... Alam naman niyang kaya kong bumili ng akin pero total nandito rin lang naman might as well tanggapin ko na lang.

"Hmm. Nandito ka pa." bulalas ko nang makitang nasa puwesto pa rin ang motor ko. Himala at hindi nadekwat.

Pinaharurot ko ang motor pauwi sa Clementin Mansion na pagmamay-ari ko na, isa rin sa mga suhol ng High King sa akin. Psh.

Isang busina ko lang ay agad bumukas ang gate. Yumuko ang mga nakahilerang guards nang nagmaneho na ako papasok, isa rin sa mga suhol ng High King sa akin. Psh. Ang isang batalyon ng mga tauhan.

Initsa ko sa valet ang susi at naglakad na ako tungo sa maindoor. Bumukas ang pinto at sinalubong ako ni head butler na si Clark.

"Good evening, Lady Katarina." Yumukod ito, hindi ko siya pinansin at diretso lang naglakad. Nagsiyukuan din ang mga nadadaanan kong katulong.

Sanay na ako sa ganito, sa palasyo pa lang sa Slovenia.

It's been a long tiring day. Kamusta na kaya ang kambal?

Naiinis pa rin ako sa ginawa sa akin ng High King. Talagang tinotoo niyang i-block ang lahat ng access ko sa Slovenia at sa Empyreal Head Office pati na rin ang kay Sia.

Ano kaya ang pinaplano ng magaling na haring 'yon?

**

"Fvck! I told you not to put garlic on my frittata!"

Malayo pa ako sa dining table ay rinig ko na ang pambubulyaw ni Sia sa cook.

"Stop the fuss, Sia. Kumain ka na lang." sita ko nang makaupo ako sa harap niya.

"But this fvcking cook is stupid!" singhal niya at padabog na hiniwalay ang garlic sa kaniyang frittata.

Siraulo, paano niya made-distinguish ang garlic kung minced na ito kasama ang ibang ingredients?

"Iseah Frost, stop doing that to the food and don't curse in front of it." Mariin kong sita sa kaniya.
0
Ang ayaw ko sa lahat ay 'yong walang respeto sa pagkain at walang pormalidad sa hapagkainan. Food is a blessing from Him above and a blessing must be respected.

Binitawan niya agad ang kubyertos saka yumuko, "Forgive me, Your Highness."

Binalingan ko ang cook na nakayuko sa gilid at mukhang kinakabahan dahil sa matatalim na tingin ni Sia.

"Please make another frittata without garlic for your Lady Sia."

"Yes Lady Katarina." Anito saka mabilis na tumungo sa kitchen.

Nagsimula na akong kumain habang nakabusangot na naghihintay si Sia sa kaniyang paboritong frittata.

"Enrolled ka na?" I asked her. Tumango naman siya pero nakangiwi.

"I don't think I could last here. Everything in this place is fvcking weird. People here are fvcking weird! Yesterday, I felt like I was a fvcking historical artefact in a museum on how people look at me! It's fvcking annoying." Reklamo niya. "It's creeping the hell out of me!"

"I said no cursing in front of the food, Iseah." I warned her.

Umirap siya kaya napailing na lang ako.

"But don't worry, I saw our subject for protection yesterday. He seems good with his friends and... girlfriend." Ngumisi siya na para bang may nalaman.

I just nodded my head as a response.

Hindi ako nakasama sa kaniya kahapon so meaning hindi pa ako enrolled and I don't have any plan to kaya si Sia lang ang mag-aaral do'n.

I really couldn't find any valid reason why do I have to be in a school just to keep an eye to a man named Zync Orlando. It was Sia's idea to enrol ourselves in Zync's school.

Kaya nagmamatigas ako. I can protect him without being a university girl! I already had my degree in Business Management that I took in the most prestigious university in Slovenia when I was 17. I was accelerated and of course, my study was advance from the others because I am a royalty and that's a must for someone like me. Even Sia is already a degree holder.

"By the way, Katarina... I got your Certificate of Registration!" she said in a sing-song voice. "And all you have to do is to get your fvcking ass to the ID section and pose!" biglang bulalas niya nang palabas na kami ng mansion.

Napatingin ako sa kaniya, "Ano?"

"A fvcking thank you will do and don't tagalog me, it's annoying." Kibit-balikat na sagot niya sabay abot sa akin ng dalawang panid ng papel.

Binasa ko iyon at nagtagis ang bagang ko nang makitang registered student na ako ng Laroa University.

"Why did you do this, Sia?!" singhal ko, ngumisi lang siya.

"You are welcome, Your Highness!" sigaw niya saka tumakbo na papunta sa kaniyang kotse at pinaharurot paalis.

"That brat." I hissed.

May magagawa pa ba ako?

**

I parked my Ducati beside Sia's car in the East parking lot of Laroa University. Sinita pa ako ng security guard kanina dahil walang university sticker ang motor ko buti na lang ay dala-dala ko ang COR na ibinigay ni Sia kanina.

Nilibot ko ang tingin ko. Maraming estudyanteng may kaniya-kaniyang kinabibusyhan. Humugot ako nang malalim na hininga bago humakbang.

Ramdam ko ang bawat titig ng mga taong nadadaanan o nakakasalubong ko. Nakatuon lang ang tingin ko sa aking daan. Hinanap ko ang ID Section.

Narating ko ang area at hindi ko mapigilang mapamura sa isipan nang maabutan kong ang daming nagpapa-ID. May mga nakatayo pa nga sa labas eh.

Bakit nga ba ako nandito? Bakit ko nga ba sinakyan ang kalokohang ito ni Sia?

Sumandal na lang muna ako sa gilid ng pinto at naghintay. Tinuon ko ang tingin ko sa baba. As much as possible, I don't want to have eye contact to random people. It's not my thing.

"What the hell is going on here?! Bakit ang gulo-gulo rito?!"

Mula sa isang napakagulong paligid ay biglang tumahimik dahil sa malakas na sigaw na 'yon. Nag-angat ako ng ulo at napatingin sa taong sumigaw.

Isang matangkad na lalaki at talagang angat ang kaguwapohan. Napatitig ako sa kabuuan ng mukha niya. Ako ay isang babaeng hindi madaling maka-appreciate sa mukha ng isang tao.

Sa komunidad na kinalakihan ko... walang guwapo-guwapo, walang maganda. Mas binibigyang importansya ang kakayahan at posisyon ng isang tao.

Kaya hindi ko mapigilang mamangha. He's pretty! He looks Caucasian too.

Pero dumako ang tingin ko sa nakataas niyang kilay. Mataray itong nakatingin sa mga estudyanteng nakatumpok sa gawi ko.

"Hindi ba kayo marunong pumila?!" sita na naman ng guwapong lalaki. But his voice, it's kind of pitchy.

"John!" matinis niyang sigaw. May isang lalaking mula sa loob ng ID section ang humahangos na tumakbo sa harap niya.

"P-pres Rusty!"

"Ano 'to ha?" tinuro niya ang mga unorganized na mga estudyante. "Bakit parang palengke rito?! You're the SA in-charge here! Why aren't you doing something to fix this?!"

Sumunod ang tingin ko sa kamay niyang kumukumpas na may kasama pang pagpilantik ng mga daliri.

Then I realized... he's a gayshit.

"Clementin K.Z."

Almost 2 damn hours, sa wakas ay natawag din ang pangalan ko. Nangangawit na ako kakaupo rito sa waiting area. Naglakad na ako tungo sa SA na tumawag sa akin. Ramdam ko ulit ang titig ng mga tao sa paligid ko.

Ngunit nanatiling tahimik ang paligid dahil na rin sa guwapong binabae na nakaupo sa gilid at mala-agilang nakamasid, nagkahandang mandagit kapag may mag-ingay.

Malapad na ngumiti sa akin si John, ang SA na pinagalitan at pinahiya ng tinatawag nilang Pres kanina.

"You're next, Miss Clementin." Iginiya niya ako sa gilid saka nagtawag ng ibang pangalan.

Hindi ako ngumiti nang kinuhanan na ako ng picture. I remained stoic.

Akmang tatayo na ako pagkatapos akong kuhanan nang pigilan ako ng photographer.

"Your eyes were closed. Let's take another shot." Nakangiting anito.

Kumunot ang noo ko. Sigurado akong hindi ako nakapikit doon pero hindi ako umangal. Muli akong umupo at humarap sa lente ng hawak nitong camera. He counted then clicked.

Nakatayo na ako nang muli itong magsalita.

"I suggest you should smile. It's an ID picture, buong school year mo ito gagamitin." Anito na hindi pa rin nawawala ang malaki niyang ngiti.

Tinitigan ko ito nang matagal. Unti-unting naglaho ang ngiti nito at yumuko.

"Ano 'yan?!" malakas na sigaw ni Pres Rusty. "Bakit hindi pa umuusad?" napatingin ako sa kaniya pero nakatuon ang mga mata niya sa hawak na Ipad. Kunot na kunot ang noo niya, mukhang aburido.

Tinalikuran ko 'yong photographer saka lumapit do'n sa isa pang SA, naghintay ng ilang minuto at nang makuha ko na ang ID ko ay agad akong lumabas.

Naisipan kong muling libutin ang buong university. Naglakad ako sa likurang bahagi ng coliseum. Mukhang walang may estudyanteng gumagawi rito kaya nagpatuloy lang ako. Sa likod ng coli ay ang matayog na pader ng LU. Masikip ang daan.

Narating ko ang isang pamilyar na pinto sa may gilid ng pader. It was an old broken double door refrigerator. Napuntahan ko na ito no'ng isang araw and this is one of the passageways going to the secret of Laroa University.

Nilagpasan ko 'yong sirang ref at dumiretso lang. Sa dulo ay ang shortcut na daan tungo sa east parking lot. Papalabas na sana ako nang isang grupo ng mga estudyante ang paparating sa gawi ko. Kaya sumandal na lang muna ako sa pader at hinintay ang paglampas nila.

Naghaharutan sila at malakas ang pag-uusap. They looked so happy and carefree.

All my life, I had never experience to laugh like them, to talk nonsense, to do not mind others and to be carefree. I had never and I think I'd never will.

Pinanood ko lang sila. Siyam silang lahat at bawat isa ay may mga masasayang kislap sa mga mata.

They are enjoying their life as a student.

"Nagulat talaga ako nang makita ko si Al! Grabe kung hindi ko lang siya kilala, crush ko na siya. Ang guwapo niya kahapon, may bigbike ka pala bakla?" natutuwang wika no'ng isang cute na babae na may mahabang itim at kulot na buhok.

Nagtawanan silang lahat saka inulan ng tanong si Al.

"It's not me kaya, Francheska! Gawa-gawa ka rin eh!" asik no'ng lalaking guwapo na malambot kung maglakad. Pareho sila ni Pres. Rusty. Sayang.

"Ikaw kaya 'yon! Nakita kita! May kasama ka ngang magandang babae eh! Pumasok kayo sa hotel." Giit no'ng babae.

Tinitigan ko 'yong si Al. Nakita ko ang inis at galit sa mga mata nito pero mabilis iyong naglaho bago ito nakipagbangayan ulit. Hmm. May tinatago ang isang 'to.

Isa-isa ko silang tiningnan. Nakikita ko sa mga mata nilang may tinatago sila sa isa't-isa. Parang may halong pagbabalat kayo ang pagiging magkaibigan nila.

I was being trained for this and after all what I had experienced being who I am, it's an easy job for me to distinguish things like this just by looking into someone's eyes.

But one pair of eyes caught my attention. Among the group, siya lang ang naiiba sa kanila.

He was smiling from ear to ear. Nakikikantyaw din siya. Pero ang mga mata niya, he is the only one who has innocent and pure eyes among them.

Nakikita ko ang sinseridad sa mga mata niya, no mix of pretentions nor any doubt. His eyes are gentle as he looks at his friends. He was like an open book.

He is easy to read and very transparent. Malalaman agad kung ano'ng klase siyang tao.

Siya lang ang walang may tinatago sa kanila. He's not pretending.

Hindi ko na napansin na malalim na ang pagkakatitig ko sa kaniya, nakalapit na pala sila sa gawi ko. I admit, he is gorgeous lalo na kapag ngumingiti.

He is tall and has a lean physique. His hair is dark like mine. He has fair complexion. His legs are sexy— like what in the world, why am I describing this very handsome creature? Get hold of yourself, Katarina!

Sinundan ko siya ng tingin. Even on how he walks, he looks so sexy— darn it.

Kinalabit siya no'ng lalaking katabi niya.

"Zync, tambay tayo sa clubhouse. Maaga pa naman." Sabi nito sa kaniya.

Nakangiting tumango siya, "Oy, tambay daw tayo sa clubhouse ni Rexell." Aniya sa iba, binalingan niya ng tingin ang babaeng inaakbayan niya kaya dumako rin ang tingin ko rito, "Babe, sama ka 'di ba?" malambing na tanong niya na sinabayan pa ng malaking ngiti na labas ang gilagid.

"Hmm." Tumango iyong babae, the woman is beautiful but I think hindi kami magkakasundo nito.

Binalik ko ang tingin sa kaniya at do'n ko napagtantong siya pala ang dahilan kung bakit ako nandito sa lugar na ito.

He is my subject of protection and at the same time, he is Triad's target of execution.

He is Zync Orlando, my mission.

Bigla akong napaiwas ng tingin nang panakaw niyang hinalikan sa labi 'yong babae kasunod ng malutong niyang tawa.

Nalaglag ang mga balikat ko at wala sa sariling napahawak sa dibdib kong tila sumisikip. What the hell is wrong with me?

-End of Hush#3-

Thank you for reading freaks! God bless us all.

Hugs and kisses,
CL with love.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com